Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 286 - Chapter 286

Chapter 286 - Chapter 286

Umalis na si Ama, umalis na si Hongyu, umalis na si Xuan Mo, at ngayon, umalis na si Tiya Yun.

Sa wakas, ang lahat ng nagmamahal sa kanya ay umalis, iniwan siya libu-libong milya ang layo sa kanyang tahanan. Marahil ay hindi niya maramdaman muli ang init ng araw, at hindi kailanman maamoy ang medyo maalat na amoy ng dagat.

Nakaramdam siya ng labis na kagustuhang umiyak, ngunit ang kanyang mga mata ay ganap na tuyo. Isang matinding sakit sa puso ang lumamon sa kanya habang ang kanyang lalamunan ay biglang natikman ang matamis na likido na lumalabas mula sa loob. Gayunman, patuloy siyang tumayo roon. Saka lamang napansin ni Wenyuan nang ang buong harapan ng kanyang damit ay naging pula at nagsimulang sumigaw sa takot, at saka lamang nang lumipad palayo ang mga uwak ay bumagsak siya sa lupa. Sa malawak na nyebe, pakiramdam niya ay nakita niya muli ang mas batang si Tiya Yun, malumanay na nakatingin sa kanya habang binabanggit ang kanyang pangalan.

Matapos pumanaw ni Tiya Yun, si Nalan Hongye ay tulad ng isang nalalantang lotus habang humihina siya sa bawat araw na dumadaan.

Ang panahon ay naging mas malamig, ang hangin ay malupit na wumalis sa buong kontinente. Ang mga imperyal na doktor ay pupunta ng maraming beses sa kanyang tirahan araw-araw, habang lahat ng uri ng bihirang gamot ay nagsimulang umagos papunta sa Palasyong Dongnan, ngunit tila walang gumana.

Nang tanghaling iyon, humupa sa wakas ang nyebe. Isa itong nagliliwanag na hapon nang nagsagawa si Wenyuan ng isang labanan sa nyebe para sa mga nakababatang tagasilbi sa bakuran habang si Nalan Hongye ay nakalanghap sa wakas ng sariwang hangin sa labas ng kanyang silid. Nakasuot ng makapal na balabal na gawa sa balahibo ng lobo, umupo siya sa malambot na upuan. Sa kasiya-siyang hiyawan na kumalat sa buong palasyo, kahit na ang malungkot na pakiramdam ay tila naangat ng kaunti.

Bigla, isang mahinang tinig ang maririnig. Inilayo ni Nalan Hongye ang kanyang pansin, para lamang makita si Doktor Wang at Doktor Lu na may pinag-uusapan. Tila hindi siya nakita ng mga ito, at malakas na nagsalita.

Si Doktor Wang ay isang opisyales mula sa Song at ngayon ay mahigit na sa 70. Nakita niya na ang mga kilay nito malalim na nakakunot. Kahit na mas maingay sila kaysa sa dati, ilang mga salita lang ang naririnig niya dahil sa distansya sa pagitan nila. Ilang sa mga linya ng 'ganap na pagod', 'masyadong pag-iisip', 'hindi epektibo ang gamot'...

"Ano ang tinatalakay niyo, mga Doktor?"

Sa malambot na mga katanungan, sa wakas ay inangat ng dalawang doktor ang kanilang ulo nang sa wakas ay nakita nila si Wenyuan na nakatingin sa kanila mula sa pintuan, kasama si Nalan Hongye na nakaupo sa gilid na mukhang kalmado, para bang matagal na siyang nakikinig.

Agad silang lumuhod sa lupa at nagsimulang humingi ng tawad.

Hindi masyadong nagsalita si Nalan Hongye, tumalikod lamang at patuloy na pinanood ang pagbabatuhan ng nyebe ng mga tagasilbi. Para bang hindi niya narinig ang pag-uusap kanina.

Sa hapunan, nakipag-usap sa kanya si Wenyuan at napagtanto na maganda ang pakiramdam niya, at kinuha ang pagkakataon na aliwin siya sa pagsabi sa kanyang huwag seryosohin ang mga doktor. Pinagalitan sila, sinabi ni Wenyuan matanda na sila at nagsimula nang maging makakalimutin. Nakinig si Nalan Hongye sa kanya habang nakangiti, bago ininom ang gamot, pagkatapos ay natulog nang maaga.

Kinabukasan, mayroong bagong pangkat ng mga doktor. Hindi sinalungat ni Nalan Hongye ang pagbabago, at masunuring nakinig sa mga doktor na alagaan ang kanyang kalusugan. Kahit na tila hindi siya gumaling, hindi lumala ang sitwasyon niya. Lahat ng mga doktor ay masayang-masaya at sinabi na sa sandaling matapos ang taglamig, tiyak na bubuti ang kanyang sitwasyon.

Nang marinig iyon, tuwang-tuwa ang mga tagasilbi, at nangyari na malapit na pista ng mga parol. Pinangunahan ni Wenyuan ang iba pang mga tauhan sa palasyo upang palamutihan ang buong Palasyong Dongnan. Sa lahat ng uri ng mga dekorasyon na nakabitin, tulad ito ng paghahanda sa kasal. Natural na alam ni Nalan Hongye kung ano ang pinaggagawa nila, ngunit hindi niya pinigilan ang mga ito, at nanood lamang mula sa kanyang higaan, bihirang magsalita.

Gayunpaman, makalipas lamang ang ilang araw ay biglang naging malamig ang panahon. Sa malamig na hanging umuungol, magyeyelo ang tubig bago bumagsak sa lupa. Doon, lumala ang karamdaman ni Nalan Hongye.

Sa pagpapatuloy ng bagyo ng nyebe, sumandal si Nalan Hongye sa higaan habang nakikinig siya sa mga tunog sa labas. Para bang malalim ang iniisip niya, tinanong niya, "Marahil imposible na magpatuloy sa pista ng parol sa taon na ito."

Ang kanyang tinig ay labis na paos, dala nito ang pakiramdam ng pagkatalo. Ganap na nag-aalala si Wenyuan, subalit hindi siya nangahas na hayaang makita ni Nalan Hongye ang kanyang pag-aalala, at dahil doon ay mabilis na suamgot si Wenyuan nang may ngiti, "Sa gayong malakas na pag-ulan, ang anumang parol ay agad na liliparin. Nagdududa akong ipagdidiwang pa ito."

Tumango si Nalan Hongye habang patuloy na nagsalita si Wenyuan, "Ginang, umidlip ka muna. Natitikman mo pa ba ang pait ng gamot? Nais mo ba ng isang bagay na matamis?"

Umiling si Nalan Hongye, at nang magpapatuloy si Wenyuan, bigla silang sinalubong ng tatlong tunog ng latigo. Dito, lumiwanag ang mukha ni Wenyuan habang lumingon siya at sinabi, "Aking Ginang, ang Emperador!" Pagkasabi niya noon, nagdala siya ng mga tao upang salubungin ang Emperador.

Hindi nagtagal, bawat patong na nagbukas ang mga pintuan sa palasyo. Nakasuot ng malamlam na gintong blusa, pumasok si Yan Xun. Habang naglalakad siya, tinanggal niya ang kanyang itim na roba at iniabot ito sa aliping nasa tabi niya.

Ganoon pa rin ang itsura niya tulad ng dati, sa kanyang gwapong kilay, matangos na ilong, manipis na mga labi, at ang malalim niyang mga mata na hindi kailanman mabibigyang kahulugan. Nakaupo sa higaan ni Nalan Hongye, kinuha niya ang mainit na tuwalya mula kay Wenyuan at pinunasan ang mukha at kamay bago nagtanong, "Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nakasandal sa kama, marahang tumango si Nalan Hongye, suot ang karaniwan niyang mapayapang ngiti. "Paumanhin at naabala pa kita, Kamahalan. Mas maganda ang pakiramdam ko."

Tumango siya, at nagpatuloy na nagtanong, "Iniinom mo ba ang gamot na inireseta ng mga doktor araw-araw?"

"Iniinom ko." Saad ni Nalan Hongye.

Sandali siyang nagmuni-muni, at nagtanong muli, "Naaalala ko na takot ka sa malamig. Natagpuan mo bang sapat ang init ng palasyong ito?"

Ang mga mata ni Nalan Hongye ay nagkaroon ng bahid ng emosyon ngunit sapat na mabilis upang hindi maramdaman. Inangat ang kanyang payat na mukha, sumagot siya, "Kamahalan, hindi mo kailangang mag-alala. Maayos ang lahat dito."

Doon, lumubog sa katahimikan ang palasyo, kasing tahimik ng lawa sa walang hanging taglagas. Sa hangin na umiihip sa labas, umupo lamang silang dalawa doon, hindi nila alam kung paano puputulin ang nakakaasiwang katahimikan na ito.

"Sige, Emperatris, magpahinga ka ng maayos. Ako ay..."

"Emperador, nakapagtanghalian ka na ba?" isang malutong na tinig ang sumingit.

Parehong natigilan sina Nalan at Yan Xun tapos ay lumingon sila, para lamang makita na si Wenyuan ito. Ang binibining ito ay nanigas sa takot habang ang kanyang kutis ay ganap na namutla. Nagsimulang mamuo sa kanyang noo ang mga butil ng malamig na pawis. Malinaw na ang nakakuyom niyang kamao sa ilalim ng kanyang manggas ay nanginginig.

Medyo nagulat si Yan Xun tapos ay nagnakaw siya ng sulyap kay Nalan Hongye, bago lumingon. Sa halip na magalit, tumango siya at sumagot, "Hindi, hindi pa ako nakakakain."

"Kung gayon, bakit hindi ka sumabay na kumain sa amin, Kamahalan? Ang aming tagaluto ay talagang bihasa, at gusto din ni Emperatris ang mga pagkain. Emperador, hindi ka pa kumakain dito kasama kami."

Ngumiti si Yan Xun at tumango. "Sige."

Masayang-masaya si Wenyuan, sobra kaya medyo hindi niya alam ang gagawin habang mabilis niyang sinabi, "Kung gayon, aalis na ang lingkod na ito at maghahanda." Pagkasabi nito, tumakas na siya.

Nang makitang umalis na siya, walang magawang bumuntong-hininga si Nalan Hongye. "Hindi naturuan ng tauhan na ito ang aking mga lingkod. Patawarin mo ako, Kamahalan."

Umiling si Yan Xun. "Ayos lang. Tunay na tapat siya."

Paanong hindi alam ni Nalan Hongye ang iniisip ni Wenyuan? Umaasa si Wenyuan na gugugol si Yan Xun ng mas maraming oras kasama si Nalan Hongye, at dahil dito, hindi na niya inisip pa ang paksang iyon.

Tumayo si Yan Xun at kaswal na naglibot-libot sa malaking palasyo. Lumapit sa lagayan ng libro, kaswal siyang kumuha ng libro. Matapos buklatin ng kaunti, ibinalik niya ito bago kumuha ng isa pang libro. Sumandal si Nalan Hongye sa higaan habang pinaglalaruan niya ang isang aksesorya. Sa sikat ng araw mula sa labas ng bintana, gumuhit ito ang damahan ng mga anino. Kahit sa malakas na pag-ihip ng hangin sa labas, ang silid na ito ay nasa kumpletong katahimikan.

"Gusto mo talaga ang sining ng pakikipagkalakal?" Biglang nagtanong si Yan Xun, hawak ang isang klasikong teksto ng mga mangangalakal.

Inangat ang kanyang ulo, sinabi ni Nalan Hongye, "Ang mga ninuno ng tauhan na ito ay dating mga mangangalakal din. Sa umuunlad na komersyo sa Imperyong Song, nais kong suriin ang sining na ito kapag libre ako."

Ngumiti si Yan Xun at sinabi, "Hindi inaasahan iyon."

"Ang alin?"

Umiling si Yan Xun at sumagot, "Wala. May kilala lang akong gusto rin ang sining na ito."

Ngumiti si Nalan Hongye. "Si Haring Xuan ito, hindi ba?"

Medyo nagulat si Yan Xun at nagtanong, "Paano mo nalaman Emperatris?"

Natural na sumagot si Nalan Hongye, "Natural kong alam, dahil siya ang nakababata kong kaibigan. Maaaring mas marami akong alam sa kanya kaysa sa iyo, Kamahalan."

Magaang ngumiti si Yan Xun, na para bang natural lamang ito. Hindi masyadong nagsasalita, tumalikod siya upang magpatuloy sa pagbuklat ng mga libro. Tila medyo masaya si Nalan Hongye, tulad ng isang bata na nakagawa ng kalokohan. Ngumiti siya habang patuloy na pinaglalaruan ang aksesorya.

Dahan-dahang lumipas ang oras. Matapos ang kanilang kasal, ito ang unang pagkakataon na malapitang nakapag-inspeksyon si Yan Xun sa silid-tulugan ni Nalan Hongye. Napagtanto niya sa wakas na ang Emperatris niyang ito ay hindi isang normal na tao. Hindi lamang siya may magandang panlasa, may natutunan siya at nakakolekta ng maraming mga libro. Hindi lamang iyon, ang karamihan sa mga libro ay tila nabasa na dati, hindi katulad ng iba pang mga kababaihang nangongolekta lamang ng mga libro bilang dekorasyon.

"Emperador, Emperatris, handa na ang pagkain."

Mabilis na inihain ang pagkain. Dahil sa umiinom ng gamot si Nalan, kailangan niyang kontrolin ang kanyang kinakain, kaya't apat na maliliit na putahe lamang ang inihain sa kanya. Para naman kay Yan Xun, mayroong higit sa 60 pinggan, ganap na napuno ang buong lamesa.

Nang makita iyon, medyo nahiya si Yan Xun, at hindi maiwasang mapatingin kay Nalan Hongye.

Ngumiti si Nalan Hongye at sinabi, "Bihirang pumunta ang Kamahalan dito, kaya hindi alam ng mga tagasilbi kung alin ang gusto mo. Maaari lamang silang maghanda nang marami. Sana'y huwag niyo silang sisihin dahil talagang sinusubukan nilang pasiyahin ka." Ang pangungusap na ito ay isang bagay na maaari si Nalan Hongye lamang ang magsabi na hindi nawawala ang kahulugan nito. Kung sinabi ito ng ibang tao, iisipin ng tao na sinisisi si Yan Xun sa kanyang kawalan.

Nanood si Wenyuan habang nakatayo sa gilid. Nang makita kung paanong walang sinabi si Yan Xun at nagsimulang kumain, pakiramdam niya ay tila marami siyang nagawa ngayong araw. Karaniwan, paano magiging masaya ang Emperatris? Tulad ng inaasahan, ang emosyonal na problema ay nangangailangan ng emosyonal na lunas. Sino ang nakakaalam, kung madalas na pupunta dito ang Emperador, marahil ay mapagaling ang Emperatris!

Ang pagkain na ito ay naging napakabagal. Pagkatapos kumain, oras na para matulog. Maikling nag-usap sina Yan Xun at Nalan Hongye, at mas natural sila kaysa dati. Matapos sabihan ang mga tagasilbi na alagaan siya ng mabuti, nang aalis na si Yan Xun ay may narinig na malakas na tunog ng pagkapunit. Tila, nasabit ang manggas ni Yan Xun sa sulok ng lamesa, na nagreresulta sa isang malaking punit.

Itinaas ni Yan Xun ang kanyang braso, at kaswal na sinusuri ang pinsala. Hindi siya nabahala dito tapos ay nagsimulang isuot ang kanyang roba.

Sumabad si Nalan Hongye, "Kamahalan, napunit ang damit mo."

Kaswal na sumagot si Yan Xun, "Ayos lang."

"Sandali." Hila ang blusa ni Yan Xun, tumingin siya nang mabuti at sinabi, "Ito ang sutla ng Lalawigan ng Tianci. Sa pagkapambihira, ang lalawigan ng Tianci ay maaari lamang gumawa ng ilang mga damit tulad nito bawat taon. Sa taon na ito ay mayroon lamang isa. Ngayon na napunit ito, kahit na dalhin mo sa departamento ng pagbuburda, walang maglalakas-loob na ayusin ito."

Hindi naisip ni Yan Xun na ganoong damit ay mayroong madaming kwento, at hindi maiwasang tumingin muli sa damit, bago sabihin, "Ayos lang, kahit na nasira ito, ayos lang."

Iginiit ni Nalan Hongye, "Kahit na hindi nababahala ang Emperador, nakakaramdam pa rin ng panghihinayang ang nasasakupang ito. Gaano karaming mga dalaga ang mawawalan ng paningin mula sa pagtahi nito sa bawat taon? Tignan mo, hindi lamang ang tela na ito ay nakaburda sa magkabilang panig, kahit na sa loob ng materyal ay maaaring makita ang mga maliliit na salita ng mga pagpapala."

Tumingin ng mabuti si Yan Xun, at ito ay tila ganoon. Hindi niya maiwasang ibulalas, "Tunay na isang tanawin."

"Wenyuan, dalhin ang karayom at sinulid."

Medyo nagulat si Yan Xun habang nagtanong, "Emperatris, anong ginagawa mo?"

"Dahil malamang ay hindi maglalakas-loob ang departamento ng pagbuburda na ayusin ito, malamang ay itatapon ito. Bakit hindi mo ako hayaan na subukan ito? Kung aksidenteng hindi ko ito maayos, mangyaring huwag mo akong sisihin."

Mas nagulat pa si Yan Xun. Nagtanong siya, "Emperatris, alam mo kung paano magburda?"

Nagtaas ng kilay si Nalan Hongye. Isang malabong sulyap ng emosyon ang makikita sa kanyang mga mata. Kinuha ang karayom at sinulid, nagsimula siyang magtahi. Habang tinatrabaho niya ang mga damit, sinabi niya, "Umupo ka, pakiusap. Matatapos ito sa lalong madaling panahon."

Related Books

Popular novel hashtag