Napataas ang kilay ni Zhuge Yue at bahagyang sinipa ang tiyan ng kabayo. Ang kanyang hukbo ay nahati sa dalawang panig upang lumikha ng landas na dadaanan niya. Sinakyan ng lalaki ang kanyang kabayo, nakasuot ng berde, may higanteng bundok sa likuran niya. Umihip ang hangin mula sa malayo at dumaplis sa ilang hibla ng buhok sa kanyang sentido, habang malalim siyang nakatingin sa malayo.
Sumulong siya at bahagyang sumimangot. Nagsisimula pa lang ang digmaan. Ano ba talaga ang maaaring maging sanhi ng pagkasindak ng ng mga taga Quanrong?
"Kamahalan! Mayroong napakalaking hukbo mula sa Yan Bei na papalapit mula sa direksyon ng kanluran ng kabundukang Luori," tumakbo ang tagamanman patungo kay Zhuge Yue, lumuhod sa nagyeyelong lupa, at malakas na nag-ulat.
Sumimangot si Zhuge Yue at sandaling nag-isip bago sumagot, "Ilang tao ang mayroon sila? Sinong namumuno sa kanila?"
"Hindi pa namin alam."
"Magpatuloy na umalam pa."
"Masusunod."
Dalawang tagamanman ang sumakay sa kanilang kabayo, dala ang liham na mayroong selyo ng Qinghai na nakatatak sa kanila. Ang maputlang pulang araw ay nakabitin sa kalangitan patungo sa kanluran, pinipintahan ng pula ng kapaligiran. Maririnig kahit saan ang mga tunog ng digmaan; pagkatapos ng walong araw ng patuloy na pakikipaglaban, ngayon ang araw ng huling labanan.
Mga taga Yan Bei? Sino ba talaga sila? Natapos na ba ang labanan sa Shangshen?
Tumalikod si Zhuge Yue at naglakad patungo sa kanyang tolda, binuksan ang kanyang mapa upang gumawa ng istratehiya. Dumating ang gabi; dahil masyadong malamlam ang liwanag, nagsindi siya ng dalawang kandila at umupo sa harap ng kanyang lamesa.
Ang mga taga Quanrong ay nagsagawa ng isang malupit na pagwawala mula sa kanilang pagpasok sa pass. Mabuti nalang para sa mga taga Yan Bei, mabilis na tumugon si Yan Xun upang ilipat ang mga ito. Gayunpaman, ang mga tao sa Meilin Pass ay hindi nakatakas sa kasawian. Ang mga tao na nanirahan sa tatlong teritoryong Wuting, Guiyu, at Dangrong ay pawang pinatay, kasama na ang mga bagong panganak na sanggol. Isang tagamanman, na nakapuslit sa kailaliman ng teritoryo ng kaaway, ay nag-ulat na walang mga bakas ng tao sa 28 lungsod na malapit sa Meilin Pass. Ang mga tao sa Lungsod ng Jiaxi ay binitay ng mga taga Quanrong sa kagubatan na matatagpuan sa loob ng sampung kilometro ng lungsod.
Ang mga heneral mula sa Qinghai ay nandoon nang marinig ang mga salitang ito. Sa kabila ng pagiging mga beterano ng digmaan, hindi sila makapagsalita habang namutla ang kanilang mukha. Si Du Pingan, na matagal nang nasa tabi ni Zhuge Yue, ay idinagdag, "Tao pa ba ang mga iyon?"
Syempre tao sila. Malapit na silang magpakita sa harap nila, winawasiwas ang kanilang mga espada.
Biglang naisip ni Zhuge Yue ang mga sinabi ni Chu Qiao bago siya umalis sa Qinghai. Sinabi niya na hindi ito isang normal na digmaan sa pagitan ng mga taga Quanrong at Yan Bei. Ito ay isang digmaan sa pagitan ng barbaro at mga sibilisado, isang labanan sa pagitan ng magkaibang kultura. Walang may mapapala mula rito. Kapag nakakuha ng kalamangan ang mga taga Quanrong, magbabayad sila ng mas mabibigat na presyo kaysa sa inaasahan, kahit na nagawa nilang makakuha ng ilang lupa at mga benepisyo mula sa Yan Bei. Sa sandaling iyon, naintindihan niya sa wakas ang ibig sabihin ng babae.
Nang bumagsak ang kalamidad, ang anumang panloob na salungatan ay hindi makakatulong sa sitwasyon. Nahaharap sa mabangis na pwersa mula sa Quanrong, walang makakaako ng lahat ng karangalan, o matatamasa ang anumang benepisyo sa pag-upo lang. Hindi inaasahang nakakuha sila ng tagumpay sa labanan ng Beishuo sa pamamagitan ng mga kanyong apoy ni Chu Qiao na naimbento noong ipinagtanggol niya ang syudad ng Chidu noong taon na iyon.
Pagkaraan ng kalahating buwan, ang mga taga Quanrong ay nakaranas ng matinding kasawian. Ang hukbong Heishui ang unang bumagsak; ang kanilang pinuno, si Xiao Da, ay tumakas kasama ang lahat ng kanyang mga sundalo, inilalantad ang buong kaliwang bahagi ng kanilang pormasyon sa pinag-isang hukbo. Kinuha ni Chu Qiao ang pagkakataon na guluhin ang kanilang pormasyon, pinasok ang buong linya ng depensa sa kaliwang bahagi at hiniwalay sila mula sa pangunahing hukbo, iniwan silang paralisado. Matapos ang isa pang kalahating buwan, ang mga taga Quanrong ay lubos na natalo. Ang natitirang 700,000 sundalo ay tumakas sa iba't-ibang direksyon, sa ilalim ng pamumuno ng kani-kanilang kumander.
Nagbigay si Chu Qiao ng isa pang hanay ng mga utos para sa pinag-isang hukbo na mahati sa pitong seksyon, sa pangunguna ng Qinghai, Tang, Zhao Che, Zhao Yang, Song, Yan Bei, at ang mga sundalo ng probinsiya ng Yan Bei ayon sa pagkakabanggit. Ang kanilang gawain ay upang tugisin at lipulin ang mga tumakas na sundalo ng Quanrong.
Ang lugar na naatas kay Zhuge Yue ay ang kabundukan ng Luori, kung saan ay isa sa mga mahahalagang teritoryo na kabilang sa mga mataas na lupain ng Yan Bei.
"Mag-uulat!" Isang tagamanman ang tumalon pababa mula sa kanyang kabayo, may hawak na isang bagay sa kanyang kamay. Matapang niyang binigkas, "Kamahalan, ang labanan sa Shangshen ay hindi pa tapos. Mayroong 3,000 sundalo lamang mula sa Yan Bei. Ang kanilang pinuno ay ang emperador ng Yan Bei."
"Yan Xun?" Napataas ang kilay ni Zhuge Yue at tumingin sa ibaba, kung saan nakita niya ang gintong palaso ni Yan Xun sa mga kamay ng tagamanman. Tumingin siya sa palaso at bahagyang sumimangot, hindi na nagsalita pa.
"Utusan si Heneral Yue Qi na magpadala ng panibagong dalawang pulutong ng mga kabalyerong sundalo upang salakayin ang pangunahing tolda ng Quanrong. Kahit ano pa man, kailangan nating malaman ang pangkalahatang kumander ng hukbo ng Quanrong sa oras na ito."
"Masusunod!"
Habang nagdidilim ang kalangitan, minarkahan ang pagdating ng gabi, umakyat ng mataas ang buwan sa kalangitan. Para sa buong gabi, umupo si Zhuge Yue sa kanyang tolda, hindi nagpapahinga kahit isang minuto. Bago pumutok ang bukang-liwayway, umabot sa tainga niya ang impormasyon ng digmaan ni Yue Qi. Ang pangkalahatang komandante na nakaupo sa pangunahing tolda ng Quanrong ay talagang ang kasalukuyang Khan nito.
Tusong napangiti si Zhuge Yue. Napaisip sa kanyang sarili: Ang Khan mismo ay narito. Hindi kataka-takang nais na sumugod mismo ni Yan Xun.
"Ihanda ang baluti!" Tumayo si Zhuge Yue tapos ay binihisan siya ng kanyang mga katulong sa kanyang baluti.
Sumakay ang hari ng Qinghai sa kanyang pandigmang kabayo habang hawak niya ang kanyang espada. Nakasuot siya ng berde, na may kulay-abong manto na nakapatong sa kanyang likuran. Nang tumunog ang mga sirena ng digmaan, lumabas si Pingan mula sa kanyang tolda at pinigilan ang renda ng kabayo ni Zhuge Yue, sumisigaw, "Kamahalan, huwag kang gumawa ng kahangalan! Inutusan ako ni Ate na huwag kang hayaang makipaglaban sa harap!"
Walang magawang tumingin si Zhuge Yue sa kanya habang kumumpas siya sa mga tao sa tabi niya. Hindi nagtagal, kinaladkad nila si Pingan paalis at pabalik sa malaking tolda.
"Kamahalan, sinira mo ang iyong pangako! Papagalitan ako ni Ate!" Sumigaw si Pingan sa natataranta at nababalisang paraan, sinindak maging ang mga sundalo na nakikipaglaban sa digmaan.
Tumalikod si Zhuge Yue at tumingin sa labanang nasa harap niya. Sa mababang tinig, nag-utos siya, "Tayo na."
Ang napakalaking hukbo ay tumuloy sa kanilang mga landas. Kasabay nito, hindi kalayuan, may tumakbo sa tabi ni Yan Xun at sinabi sa mababang tinig, "Kamahalan, ang hari ng Qinghai ay papalapit kasama ang kanyang hukbo."
"Ganoon ba?" Napataas ang kilay ni Yan Xun at simpleng sumagot. May mapagkumpitensyang likas na kahawig ng isang kabataan, may determinasyon siyang nag-utos, "Dapat nating mahuli ang Khan ng Quanrong bago magawa ng hukbo ng Qinghai."
"Masusunod!"
Tumuloy ang napakalaking hukbo sa landas nito, nag-iiwan ng malaking landas ng alikabok.
Mahal kita magpakailanman.
"Nasa harapan ba ang hari ng Qinghai?" Sumakay si AhJing sa kanyang kabayo at nag-usisa, ngunit hindi nakuha ang tugon. Ang tanging nakita niya ay isang tao na nakasuot ng berde, mabangis na nagwawasiwas sa pormasyon ng mga taga Quanrong. Dahil napakalayo niya, hindi siya makakuha ng magandang pagtingin sa mukha ng lalaki. Gayunpaman, napansin niya na ang paraan ng espada ng lalaki ay katangi-tangi, habang ang kanyang kagalingan sa martial arts ay mapapansin mula sa karamihan ng tao habang gumugutay siya sa hukbo ng Quanrong.
"Kamahalan, maaaring nasa harap natin ang hukbo ni Zhuge Yue."
Napataas ang kilay ni Yan Xun habang nakatingin sa lalaki na buong buhay niyang kinakalaban. Isang pakiramdam ng pagmamataas ang nagsimulang mabuo sa loob niya habang malakas siyang tumawa. Sumulong siya sakay ng kabayo at malakas na ipinahayag, "Kung gayon ay puntahan natin siya."
Ang digmaan ay isang larawan ng kaguluhan ngayon. Ang mga taga Quanrong, na naging desperado, ay kumilos tulad ng mga baliw habang nakipaglaban sila sa isang hindi maayos na paraan. Ang mga heneral ng Qinghai at Yan Bei, na nasasaksihan ang kani-kanilang pinuno na sumusulong, ay natigilan, habang nanatili silang nakatayo sakay ng kanilang mga kabayo.
Ano... ano... anong eksaktong nangyayari?
Hindi pa kumilos ng ganito ang Kamahalan dati! Isinawalang-bahala ang kanilang kaligtasan, ang malaking larawan, at walang ingat na umatake... Wala nang maisip pa ang mga taong ito habang nakasunod sila sa likuran ng dalawa, hindi makahabol.
Kapwa sila mapagmataas na simbolo ng martial arts na iniisip na sila ay hindi magagapi. Buong buhay na inilalaban ang kanilang sarili sa isa't-isa, hindi nila maaatim na matalo sa kabilang partido sa oras na ito.
Patuloy na nagkalat ang mga bangkay at dugo sa digmaan, minamantsahan ng pula ng damo. Nagwala sina Zhuge Yue at Yan Xun sa kanilang daan, nag-iiwan ng kalat sa kung saan man sila pumunta. Takot na takoy ang mga taga Quanrong pagkakita sa kanila. Sa una, pinagtawanan nila ang ideya na hinihimok ng dalawang taong ito ang kanilang kamatayan, ngunit dahan-dahan nilang napagtanto ang tanawing nangyayari sa harap nila. Unti-unti, libu-libong mga sundalo ng Quanrong ang makikitang tumatakbo palayo mula sa dalawang pigura.
Habang patuloy na lumilipas ang oras, pinalibutan ng mga dagdag-kawal ang mga sundalo ng hukbo ng Quanrong, dahilan upang tumakas sila patungo sa hilaga. Nang makita ito, patuloy na sumulong sina Zhuge Yue at Yan Xun sakay ng kanilang mga kabayo, walang sinuman sa kanila ang nais na pakawalan ang pagkakataong ito upang hulihin ang Khan ng Quanrong.\
Nagpatuloy ang labanan sa buong araw. Patuloy na tinugis ng dalawang lalaki ang mga sundalo ng Quanrong, na walang anumang senyales ng pag-atras. Sa wakas, ang mga taga Quanrong ay nakulong sa isang makitid na libis ng bundok. Mayroong mas mababa sa 20 katao sa tabi ni Yan Xun, sa natitira sa kanyang hukbo na sumunod sa hukbo ni Zhuge Yue upang palibutan ang libis ng bundok. Si Yan Xun, na nakipaglaban ng buong araw, ay nagdusa ng maraming sugat sa kanyang mga braso at binti, at dumudugo nang labis. Wala siyang pagpipilian kundi magpahinga.
Hindi nakakalamang si Zhuge Yue. Gayunpaman, labis na matigas ang ulo niya at tumanggi na magpagamot, pinipiling manatili sa kanyang kabayo habang labis siyang hinihingal.
Maya-maya, lumitaw ang mukha ni Yan Xun sa harap niya.
Tinignan siya ni Zhuge Yue mula sa gilid ng kanyang mata. Pagkatapos, niluwagan niya ang garapon ng alak na nakabitin sa kanyang baywang at ibinigay sa lalaki.
Bahagyang sumimangot si Yan Xun tapos ay hindi tinanggap ang garapon ng alak. Tumingin siya kay Zhuge Yue, hindi nagsasalita.
Tumawa ng malamig si Zhuge Yue at nagtanong, "Anong problema? Takot na lasunin kita?"
Tumango lang si Yan Xun at sumagot, "Oo."
"Hmph." Suminghal bilang sagot si Zhuge Yue habang naghanda siyang uminom sa garapon. Gayunpaman, inagaw ni Yan Xun ang garapon mula sa kanya, tinanggal ang kahoy na takip at uminom ng alak mula sa garapon. Pinahid niya ang kanyang bibig at nanghahamak na nagbigay ng ilang mapanuyang puna, "Talagang mahirap na bayan ang Qinghai. Kahit ang alak ay masama ang lasa."
Sumagot si Zhuge Yue, "Alam mo ba kung paano tumikim ang alak? Sa iyo, ang pinaka mahusay na alak ay marahil ang alak din mula sa Yan Bei."
Dito, ang dalawang pinaka makapangyarihang lalaki sa mundo ay nagsimulang mag-away tulad ng maliliit na bata. Nagkatinginan silang dalawa, natatagpuan ang bawat aspeto ng isa't-isa na masakit sa mata.