Sumimangot si Chu Qiao at hinampas ang kanyang dibdib, "Mangangahas ka?"
"Dapat kang magtrabaho nang husto bago ako kumuha ng isa pang asawa." Likas na tinanggal ni Zhuge Yue ang pagkakatali ng kanyang buhok, habang ang kanyang mga kamay ay dumaplis sa kanyang leeg. Habang ang mga halik ay lumandas sa gilid ng leeg niya, ginamit ng lalaki ang kanyang mga daliri upang hubarin ang kanyang mga damit. Sa ilalim ng malamlam na ilaw, bumagsak sa paanan niya ang kanyang mga damit, inilalantad ang kanyang makinis na balat.
Tumalikod si Zhuge Yue at binuhat siya, at naglakad patungo sa malaking kama.
Ang epekto ng paglaktaw ng hapunan ay hindi kaaya-aya. Habang lumilipas ang gabi, tumayo si Chu Qiao, ang kanyang likod ay masakit at paga, at umalis upang lihim na kumuha pagkain na makakain. Dalawang hakbang lamang bago siya napatid, tapos ay napasimangot siya at hinimas ang kanyang likod, ginawa ang lahat ng pagsisikap upang manatiling nakatayo, tinitingnan ang taong nakahiga sa higaan.
Sobrang masakit. Kahit na ang pagtayo ay nangangailangan ng maraming pagsisikap. Nanlaki ang mata niya, nakatingin sa lalaking nasa higaan. Kailangan ba ito lagi? Paano niya tuturuan si Zhou'er na gumamit ng espada bukas? Ang makita ba siyang tinutuya ng kanyang anak ay nagbibigay kasiyahan sa kanya?
Kahit na lumamig na ang tsaa, ang kanyang gutom na tiyan ay nangangahulugang ang mga meryenda ay kasing sarap pa rin tulad ng dati. Bigla, isang tahimik na pagtawa ang narinig mula sa higaan. Nakaupo sa sopa, agad na tumayo si Chu Qiao at pinunasan ang kanyang bibig, nagtatanong, "Gising ka pa rin?"
Habang ang liwanag ng buwan ay pumapasok sa mga bintana ng bakuran, ang taong nakahiga sa kanyang higaan ay sumenyas sa kanya, "Halika rito."
Umigik si Chu Qiao at sumagot, "Ayoko."
Ngumiti si Zhuge Yue. "Para sa kabutihan mo iyon. Wala kang saplot, natakot ako na baka magkasakit ka."
Agad namula ang mukha ni Chu Qiao tapos ay nagmamadali niyang sinubukan na hanapin ang kanyang mga damit, para lamang maramdaman na may humawak sa kanyang baywang at hinila sa mga braso nito.
"Pagod?" Tanong ni Zhuge Yue tapos ay nagpatong ito ng kumot sa kanyang dibdib. Dahil nakalantad pa rin ang kanyang mga balikat sa hangin, hindi nito mapigilan na ibaba ang kanyang ulo at halikan sila.
Tila batang sumagot si Chu Qiao, "Medyo."
"Nagugutom? Tatawag ako ng magdadala ng pagkain."
"Hindi, hindi," Mabilis na tumanggi si Chu Qiao. Ang pagkain sa oras na ito ng gabi ay hahantong sa kanya na pagtatawanan nila Li Qingrong at ng iba pang mga bata.
Yakap ang bawat isa, umupo ang mag-asawa sa banig, si Zhuge Yue ay sinusubuan si Chu Qiao ng ilang maliit na cake. Lumipas ang oras habang ang pares ay nag-usap tungkol sa kanilang pang-araw-araw na buhay; ang tahimik na bakuran ay itinatampok lamang ang kumpanya ng bawat isa.
"Xing'er, lumaban ang Quanrong hanggang sa Beishuo Pass. Ano sa palagay mo?"
Bumuntong-hininga si Chu Qiao at matagal bago natipon ang kanyang mga saloobin bago nagtanong, "Zhuge Yue, may tiwala ka ba sa akin?"
Nagtaas ng kilay si Zhuge Yue at tumawa. "Gusto mong magpadala ako ng mga sundalo upang tulungan si Yan Xun?"
"Hindi upang tulungan siya, ngunit upang tulungan ang ating sarili." Umiling si Chu Qiao. "Alam nating pareho na walang mapapala ang Quanrong sa salungatan na ito. Marahil, sa una, ginamit nila ang elemento ng sorpresa sa kanilang kalamangan, ngunit matatapos ito sa sandaling wala na sa pagkatulala ang Yan Bei. Kung kailan mangyayari iyon, ang paksang iyon ay tatalakayin pa. Ang pagkakaiba sa digmaang ito ay kung gaano karaming pinsala ang maaaring maibigay ng Quanrong sa Yan Bei. Pagkatapos ng lahat, malupit sila sa digmaan. Ngunit, nang walang kumpletong diskarte sa militar, walang patutunguhan ang kanilang mga pagsisikap. Kumikilos sila tulad ng isang gilingan ng karne sa halip na isang kumpletong hukbo." Niyakap siya ni Zhuge Yue, tahimik na nakikinig sa bawat salita niya.
Nagpatuloy si Chu Qiao, "Minsan nang napasok ng Quanrong ang Meilin Pass noong ika-13 taon ng pamamahala ni Emperador Tangming. Sa loob ng isang buwan, ang buong Kanlurang rehiyon ay naging isang tigang na lupain, ang mga makasaysayang gusali sa loob ay nawasak lahat, at halos isang milyong tao ang napatay. Iyon palang ay pinabalik ng dekada ang bansa. Kung hindi dahil dito, hindi pahihintulutan ng Tang na kuhanin ng Xia ang pagkakataon na sirain sila."
"Kung pinahina ng mga digmaan ang Yan Bei, hindi ba't ibig sabihin noon ay mayroon tayong mas malaking pagkakataon na makuha ang ating nawalang teritoryo?"
Malumanay na ngumiti si Chu Qiao at tumingin sa kanya. "Alam mo mismo kung ano ang mangyayari, gayunpaman pinili mo pa rin akong tanungin. Maaari ko bang malaman kung bakit kinukuwestiyon ng aming hari ng Qinghai ang sarili niya?"
Tumawa si Zhuge Yue bago siya halikan. "Alam ko, hindi maaaring ganoon kadali lang ako pababayaan ni Yan Xun. Kung makita niyang hindi ako gumagalaw, sinong nakakaalam, maaaring hilingin pa niya sa Quanrong na salakayin ang Qinghai."
"Magandang punto iyan. Pagkatapos ng lahat, angkop ito sa kanyang estilo."
"Hayaan na," sagot ni Zhuge Yue at nagpatuloy, "Sa halip na iwanang bukas ang pinto para pumasok ang iba sa Qinghai, bakit hindi magpadala ng mga sundalo upang tulungan siya sa pagpapanatili sa kanila sa labas ng Beishuo? Sa ganoong paraan, hindi magkakaroon ng anumang problema dito. Ang mga sibilyan dito ay nagsisimula pa lang magbalik sa kanilang normal na pamumuhay. Kung dumating sila dito at magdulot ng kaguluhan, paano magkakaroon ng motibasyon ang mga sibilyan na mas magsikap?"
"Kailan mo balak magpadala ng mga sundalo?" tanong ni Chu Qiao.
"Sa loob ng susunod na mga araw. Naghihintay ako ng balita mula kay Zhao Che. Sa ngayon, dapat ay nagdudulot siya ng kaguluhan sa hilagang rehiyon. Magpapadala si Yan Xun ng mga sundalo laban sa Quanrong. Maaari nating siyang hayaan na magkaroon ng bahagi sa laban. Gagalaw lamang ako sa sandaling kumilos na siya, habang humihilinng ng ilang pondo ng militar mula sa emperador ng Yan."
"Talagang hindi kayo natatakot sa mga pangyayari, hindi ba? Huwag na alalahanin ang pag-uusap na maaaring gumuho, hindi ba ito nakakahiya kapag pareho niyong ipinadala ang iyong mga sundalo?" sagot ni Chu Qiao.
Tumawa si Zhuge Yue. "Matapos makipaglaban sa isa't-isa sa loob ng maraming taon, nag-umpisa na namin maunawaan ang mga saloobin at taktika ng bawat isa, hanggang sa hindi matukoy kung sino ang nagwagi sa amin. Sa sitwasyong pampulitika na nagiging matatag na sa magkabilang panig, walang sino man ang makikipagsapalaran ng lahatang digmaan. Matapos ang lahat, hindi solusyon ang digmaan sa lahat ng problema. Darating ang araw kung saan kinakailangan ang negosasyong pangkapayapaan. Nakikipaglaban ang West Meng sa loob ng isang dekada, marahil oras na para sa kapayapaan."
Bumuntong-hininga si Chu Qiao at sumandal sa mga braso ni Zhuge Yue, marahang tumugon, "Sana nga."
Ang mga tauhan ng Quanrong ay nagmamadaling pumasok mula sa labas ng Meilin Pass sa kalungkutan ng mga sibilyan sa West Meng. Hindi nila alam, sa kabila ng pagdanak ng dugo at pagpatay, nag-alok din sila ng pag-asa at tunay na pagkakataon tungo sa tunay na walang hanggang kapayapaan.
Beishuo... Beishuo... Ilang taon na mula nang umalis siya sa lugar na iyon? Hindi niya kailanman naisip na babalik siya isang araw.
Kung mayroong anumang panahon na maaaring tawaging apokalipsis na nagdulot ng pagpatay ng isang buong populasyon, ang taon na 788 ng kalendaryong Baicang marahil ang pinaka malapit dito.
Nang tagsibol na iyon, tulad ng dati, nakipaglaban si Yan Xun ng isang mabagsik na labanan sa pinuno ng hilagang rehiyon, si Zhao Che, at si Zhuge Yue ng Qinghai. Ang teritoryo ng Song, sa ilalim ng pamumuno ng Yan, ay maraming beses na nakipaglaban sa Tang. Itinapon nito ang buong kontinente ng West Meng sa kaguluhan. Sa lahat na kasangkot sa kanilang sariling panloob na salungatan, hindi nila nabatid na isang malakas at masamang pwersa ang lumilitaw mula sa loob ng imperyo ng Yan.
Nang taon na iyon, sa ika-siyam na araw ng ika-apat na buwan, isang napakahalagang piraso ng balita ang gumulat sa mga mamamayan ng West Meng sa ika-anim na anibersaryo ng kapayapaan. Si Princesa Jingan, ang rebelde ng Tang, ay pinangunahan ang pwersa ng 3,000 mga kabalyerong sundalo upang lihim na lumusot sa Meilin Pass. Matapos makipagtagpo sa Quanrong noong nakaraang gabi, sinimulan ang pag-atake sa pass. Ang buong hukbo sa Meilin Pass, na binubuo ng higit sa 28,000 sundalo, ay pinatay lahat bilang pagtatanggol sa kanilang imperyo.
Kasabay nito, isa pang piraso ng balita ang kumalat sa buong rehiyon tulad ng malaking apoy—ang tunay na Prinsesa Jingan ay publilkong ipinahayag ang kanyang pagkakakilanlan bilang Princesa ng Xia, sa ilalim ng proteksyon ng Quanrong. Gamit ang mga sundalo ng Quanrong, magpapakilos siya ng mga sundalo tungo sa silangan, sa pangalan ng muling pagbuhay sa Imperyo ng Xia at paghiganti sa namayapa nitong emperador.
Kasabay nito, ang Khan ng Quanrong, na may apelyidong Nayan, ay pupunta sa silangan na may mataas na moral, ipinapahayag na "papanatilihin ang linya ng dugo ng kaalyado nitong maharlikang pamilya at lilipulin ang iba pang mga rebelde".
Ito ang pangatlong beses na nagawa ni Zhao Chun'er ang kanyang marka sa kasaysayan.
Ang una ay sa ika-20 araw ng ika-limang buwan, sa taon 775, sa madugong kasal sa Zhen Huang. Naging katatawanan siya ng lahat dahil naging sikat siya sa pagiging kasintahan ni Yan Xun. 16 pa lang siya noong taon na iyon.
Ang pangalawang beses ay sa unang araw ng ika-siyam na buwan, ng parehong taon. Matapos ang pagtiwalag ni Yan Xun at ang pagdeklara ng kalayaan ng Yan Bei, ang Xia, sa kanilang kagyat na pampulitikang pagtulak, hinahangad na gamitin ang kasal upang itali ang kanilang sarili sa Tang. Pagkatapos ng pagpapatalsik ni Li Ce sa ika-siyam na prinsesa ng Xia, naiwan si Zhao Chun'er upang maglakbay sa Tang na nag-iisa, upang magpakasal sa maharlikang pamilya ng Tang. Pagkatapos noon, dahil sa kanyang pagtatangka na maghasik ng sigalot at sulsulan ang Gitnang Hukbo, pinatalsik siya palabas ng Tang. Ayaw sumuko, susubukan niya ang paghihimagsik kasama ang hari ng Luo malapit sa rehiyon ng Meishan, sa tulong ni Zhong Peng, isang pangunahing heneral ng Tang. Gayunpaman, ang kanilang plano ay inilantad ni Li Ce. Simula noon, wala nang narinig na balita tungkol sa kanya.
Ngayon lang, pagkatapos ng 13 taon, na muli siyang lalabas bilang Prinsesa Jingan upang muling buksan ang Meilin Pass. Habang pinamunuan niya mismo ang 80,000 tauhan mula sa mga tribo, pinayagan niya ang mga taga Quanrong na magwala sa kapatagan.
Ang digmaan ay palaging maaalala bilang isang kakila-kilabot na sakuna, kahit gaano katagal na ito. Kahit na ang mga pinaka mahusay na pinuno sa rehiyon tulad ni Zhuge Yue, Yan Xun, at Zhao Che ay hindi kailanman inaasahan kung paanong lalala ang sitwasyon nang napakabilis at napakalubha.
Matapos ang lahat, ang unang naisip ni Zhuge Yue nang pumutok ang balita ay: Sa halip na hayaan ang mga taong ito na umabot sa aming pintuan, bakit hindi ito tapusin ngayon. Maaari pa tayong makakuha ng ilang mga benepisyo mula kay Yan Xun.
Walang makakaalam kung magiging gaano kawasak ang digmaan.
Ang mga taga Quanrong ay naisip ng lahat na mga barbaro, may lakas ngunit walang talino. Sa libu-libong taon, naglagalag ang tribo sa labas ng Meilin Pass. Naglagalag sila sakay ng kanilang kabayo na walang nakapirming lugar na tinitirahan, walang syudad na uuwian, walang pinag-isang sistema ng pulitika, walang makabagong teknolohiyang pandigma at tiyak na walang piling pinuno. Ang pakikipaglaban para sa kanila ay pamunuan ang pagsugod ng mga kabayo patungo sa unahang linya, kung saan lalaban lamang nila ang mga panig na mas mahina tapos ay tumakas mula sa mas malakas na mga kalaban.
Samakatuwid, ang bawat pagbanggit sa kanila ay magreresulta sa mga pinuno ng militar ng silangang rehiyon na nanghahamak na tinatawag silang mga barbaro.
Gayunman, walang sinuman ang nag-isip nang mabuti. Simula ng kalayaan ng Yan Bei sa taon 775 hanggang sa pagbagsak ng Xia noong 782, nasasamahan ng anim na taon ng mga maliliit na labanan simula noon, ang West Meng ay dumanas ng 13 magulong taon. Taliwas sa mga taga Quanrong, tahimik silang nanirahan sa loob ng 13 taon nang walang isang pangunahing salungatan, bukod sa ilang mga maliliit na labanan.