Gusto ko lang maging isang kabibe. Sa oras at sarili kong laman, aalagaan ko ang aking perlas.
Sa kalagitnaan ng gabi, biglang nagsimulang bumagsak angn nyebe. Walang hangin, at dahil dito, ang nyebe ay bumagsak tulad ng koton na bumababa mula sa kalangitan. Ang buong hardin ng mga punong plum ay namumulaklak sa gabi; ang pulang bulaklak ay parang dugo, kinukulayan ang mga sanga ng patak ng pula.
Pumasok si Meixiang sa kalagitnaan ng gabi upang maglagay muli ng uling, para lang makita si Chu Qiao na nakaupo sa kama. Bahagyang nagulat, lumapit si Meixiang at marahang tumawag, "Binibini, anong nangyari?"
Suot ni Chu Qiao ang kanyang puting koton na pangtulog habang ang kanyang buhok ay parang itim na sutla, gayunpaman ay para siyang bato. Ang kanyang kutis ay medyo maputla habang bahagya siyang umiling at sinabi, "Medyo hindi ako komportable."
Narinig ito ni Meixiang at marahang ngumiti habang nanunukso, "Dalawang araw pa lang na wala ang ikaapat na panginoon, ngunit labis na siyang namimiss ng Binibini na hindi ka makatulog?"
Kahit na sinakop ni Zhuge Yue ang Qinghai, pinanghahawakan pa rin niya ang posisyon ng isang tauhan ng imperyong Xia, at itinuring si Zhao Che, na kasalukuyang namamahala sa hilagang lupain, bilang panginoon. Tulad nito, Hari pa rin siya, at Chu Qiao ang Ginang. Hindi binago ni Meixiang kung paano niya kinausap ang kanilang dalawa. Tumawa si Chu Qiao, at iniwan siya ni Meixiang.
Sa tahimik na gabi, nang wala siya sa paligid, ang silid ay tila walang laman. Naisip niya ang panaginip na kakaroon lamang niya. Ang babae sa kanyang panaginip ay may medyo malabong pigura, kasama ang isang maputlang kutis. Ngunit ang ngiti na suot ng babae ay banayad at kalmado. Nakasuot ng purong puting roba, tahimik itong tumayo sa magandang hardin at tahimik na tumingin sa kanya. Ang mga puting bulaklak ay namumulaklak sa likuran nito, bumabagsak kasabay ng hangin.
Sa madilim na gabing ito, sa kung anong kadahilanan ay biglang nagsimulang umihip ang hangin. Ang mga bulaklak ng plum ay nahulog kasabay ng hangin, bumabagsak sa bintana sa isang malambot na ritmo. Tahimik na tumingin sa labas ng bintana si Chu Qiao, biglang nakaramdam ng sakit. Hindi niya alam kung bakit o para kanino.
Ito ay ika-4 ng Disyembre, dalawang araw ang nakalilipas, nang umalis si Zhuge Yue tungo sa Gongyue upang ayusin ang ilang mga bagay sa militar. Sa palasyong Qianhua sa loob ng palasyong Xingyue, nanaginip si Chu Qiao ng isang hindi pamilyar na babae na nakatayo sa labas ng kanyang bintana, matagal na nakatayo bago umalis.
Matapos ang kalahating buwan, sa wakas ay bumalik si Zhuge Yue mula sa Gong Yue.
Ikinunot ni Zhuge Yunzhou ang kanyang maliit na kilay at nagsimulang magreklamo sa kanyang ina bago pa man siya makababa sa kanyang karwahe. "Hindi na muling sasama umalis si Zhou'er kay ama. Patuloy niyang minamadali ang paglalakbay. Hindi ito naging masaya."
Si Li Qingrong ay walong-taong-gulang na, at kamukhang-kamukha ng kanyang ama, lalo na kung paanong gustong-gusto nito ang makulay na damit. Sa kanyang mga aksyon, inilalabas niya ang awra ng taong iyon. Habang tinatamad siyang nakasandal sa batong haligi sa harap ng palasyo, humikab at nag-usal si Li Qingrong, "Matagal ko nang sinabi sa iyo. Hindi mo ako pinaniwalaan at iginiit na pumunta."
Hindi sila pinansin ni Chu Qiao at dumiretso kay Zhuge Yue, inalis ang alikabok sa damit nito, at nagtanong, "Mahirap ba sa paglalakbay?"
Niyakap siya ni Zhuge Yue at humalik sa pisngi. "Ayos lang."
"Ah!" Bumuntong hininga si Zhuge Zhouyun nang mapansin na walang sumagot sa kanya. Bumaba siya sa kabayo nang sarili niya lang. Pagkababa niya, bumuntong-hininga siya habang umiiling. "Sa panahong ito, napakahirap na mahulaan ang puso ng mga tao. Kahit na magkakapamilya tayo, ang pakikitungo ay ibang-iba."
Sa kabilang banda, nagkunwari si Li Qingrong na hindi na niya kayang tignan pa tapos ay tinakpan niya ang kanyang mata ng isang kamay at ginamit ang isang kamay upang damhin ang pabalik sa palasyo.
Noong gabing iyon, nagsagawa ng malaking piging ang palasyong Xingyue. Ang lahat ng uri ng pagkain ay ipinakita, habang ang mga sayaw at musika ay pumuno sa palasyo. Napuno ang palasyo ng mga tao at tawa. Gayonpaman, ang lahat ng kaunlaran na ito ay hindi maikukumpara sa tingin ng taong nasa tabi niya. Sa pagtambak ng nyebe sa labas ng mga pinto, umugoy ang mga punong plum sa mga lumilipad na nyebe.
Matapos uminom ng ilang alak, maganda ang pakiramdam niya. Kahit na tinukso siya ng kanyang mga tauhan tungkol sa kung paano siya nag-aalala sa kanyang pamilya at nagmadali pabalik gabi-gabi, tila bata siyang tumitig lang at nagkunwaring nagagalit siya.
Nang gabing iyon, nang natapos ang piging, isinara ang mga pintuan ng palasyo. Sa bahagyang umuugoy na sutlang tabing, ang kanilang mapulang balat ay dumaplis sa bawat isa habang ang kanilang mga katawan ay magkadikit. Matapos ang kanilang ginagawa, magaan siyang humalik at bumulong sa tainga ng babae, "Xing'er, umalis na ang Nalan Empress."
Umalis? Saan pumunta? Sa isang sandali, tulala pa rin si Chu Qiao habang ang kanyang puso ay hindi pa nakakabawi mula sa matinding pagmamahalan. Nakasandal sa kanyang yakap, tulala niyang iniisip: Nalan Empress? Sinong Nalan Empress?
"Bali-balitang namatay siya mula sa isang biglaang sakit, at halos dalawang linggo na mula noon. Matapos marinig iyon, natatakot ako lalo nang naalala ko kung paanong sakitin ka. Mula noon, mayroon akong matinding pagnanais na magmadaling bumalik." Bahagyang nagsalita si Zhuge Yue habang yakap siya ng kanyang mga braso mula sa likuran, ang kanyang dibdib ay mahigpit na nakadiin sa makinis na likuran ng babae. Napakahigpit niya itong niyakap na pakiramdam nito ay parang mawawalan siya ng malay.
Ang katawan ni Chu Qiao ay biglang nanigas habang lumitaw sa kanyang mga daliri ang lamig tulad ng lamig sa kabundukan ng Yan Bei, may kakayahang pagyeluhin ang kumukulong tubig sa isang iglap. Nang umihip ang hangin sa bintana, maririnig silang umungal. Ang mga sanga ng punong plum ay umugoy sa harap ng bintana tulad ng isang binibining inaalog ang kanyang katawan.
Bigla niyang naalala kung paanong bigla siyang nagising mula sa pagtulog na nababalot ng malamig na pawis na nakadikit sa kanyang katawan. Pagkaraan ng maraming araw ay nakalimutan na niya kung ano ang hitsura ng taong iyon, at ang damit na suot ng taong iyon. Ngunit malinaw na maalala ni Chu Qiao kung paanong kalmado ang pares ng mga mata na iyon, napaka panandalian, tulad ng mga ulap sa kalangitan. Lumapag ang titig na iyon kay Chu Qiao at lumagpas sa kanya papalayo.
Inangat ng hangin ang sulok ng kanyang mga damit at lumagpas sa kanyang maputlang mukha ang mga talulot ng bulaklak. Hindi pa sila nagkakilala dati, at ang tanging oras na nagtagpo ang mga landas nila sa buong buhay na ito ay noong nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang liham. Sa magulong mga salita na nakasulat sa mabangong liham, ang tula ay magulo habang ang luha ng babaeng iyon ay tumulo at sumipsip sa papel, tinunaw ang tinta sa magulong mga batik.
Sa kakaibang baliko ng kapalaran, tanging si Chu Qiao lang ang nakakakita ng malalim na sakit ng ginang na ito na nakatayo sa rurok ng kapangyarihan.
Inalagaan ng bundok ang mga puno, gayunpaman inalagaan ng mga puno ang kanilang mga sanga; Hinahangad ng aking puso ang iyong kaligayahan, ngunit hindi mo alam…
Whoosh, isang madilim na anino ang lumagpas sa bintana. Bigla siyang nanigas, at maging ang kanyang mga daliri ay nanlamig. Napansin ni Zhuge Yue ang panlalamig niya at niyakap siya habang inangat ang kanyang katawan at tumawag, "Ano iyon?"
Isang alon ng nagmamadaling yapak ang narinig tapos ay sumagot ang mga tagasilbi, "Aking Hari, isa itong uwak na lumilipad sa gabi."
"Ipaalam sa pangkat ng mamamana. Panain silang lahat na nasa lugar."
"Naiintindihan ko, Kamahalan. Aalis na ngayon ang lingkod na ito."
Umiihip pa rin ang hangin nang niyakap siya ni Zhuge Yue at inaliw, "Huwag kang matakot. Ibon lamang iyon."
Biglang namuo ang luha sa mata niya, at mahigpit niyang hinawakan ang baywang nito. Sa isang kamay na nakayakap sa kanya at isang bahagyang tinatapik ang kanyang likuran, tila may naramdaman si Zhuge Yue at mahinang nagtanong, "Xing'er, anong problema?"
Iniyukyok niya ang kanyang ulo sa malambot na yakap nito at tahimik na sumagot, "Wala naman. Nararamdaman ko lang na ang hirap hulaan ng mundo."
Malumanay siyang sumagot, "Ang mundo ay mahirap hulaan, ngunit hindi tayo kasama doon."
Inangat ni Chu Qiao ang kanyang ulo, at ang pares ng itim na mata ay tila naglalabas ng pagkalito sa kadiliman. Bahagya siyang sumimangot at sinabi, "Mayroong ilang bagay na hindi makamit ng mga tao sa huli. Imposibleng mahulaan ang kapalaran."
"Hindi ako naniniwala sa mga diyos." Magaan itong ngumiti, ang mata nito ay puno ng liwanag habang lumapit ito para sa isang magaang halik sa kanyang mga labi at nag-usal, "Hindi ako gagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko."
Ang kanyang puso ay tila nahulog sa isang kumukulong bukal habang ang kanyang binti ay tila nawalan ng lakas. Niyakap niya ito at sumagot sa halik ng lalaki nang buong puso. Ang kanilang balat ay muling dumaplis sa isa't-isa, ninanamnam ang bawat pulgada ng katawan ng bawat isa habang ang kanyang mga daliri ay wumalis sa matipunong likod tapos ay umikot sa harap ng dibdib nito. Idiniin ang kanyang tainga sa kanyang kamay, kahit na sa kanyang palad ay naririnig niya ang malakas na tibok ng puso ng lalaki.
Bawat patak na tumulo ang luha niya. Walang dahilan upang tumigil, o gusto niya.
Umungal ang nyebe sa labas ng bintana habang nakasandal siya sa yakap ng kanyang asawa sa kanyang mainit na silid-tulugan. Sa silid-tulugan sa tapat nila, doon natutulog ang kanyang anak. Sa malawak na kalangitan, ang kanyang personal na mundo ay mahigpit sa kanyang pagkakahawak. Hindi alintana kung paano magbago o bumaligtad ang mundo, magkakaroon siya ng lakas ng loob na harapin ito.
Ang taglamig sa Qinghai ay maikli at mabilis na natapos. Ang hangin sa tagsibol ay mahalaga habang umaambon ito sa lupain. Ang araw na ito ay ang pinakamahusay para sa pagtatanim sa lupain. Dinala ni Zhuge Yue ang buong korte niya sa dambana ng diyos ng lupa, nakasunod sa tabi niya si Pingan. Sobrang bagot ni Jingjing kaya ginulo niya si Chu Qiao na lumabas sa palasyo upang makalanghap ng sariwang hangin. Medyo pagod si Chu Qiao nitong nakaraang mga araw, ngunit napapayag pa rin ni Jingjing at dinala sina Yunzhou at Rong'er sa labas. Kahit na bata pa si Li Qingrong, mahilig siyang matulog. Kahit matapos lumabas ng palasyo, tulala pa rin siya. Walang pagpipilian si Chu Qiao kung hindi ay maghanda ng hiwalay na karwahe para sa kanya, samantalang kasama niya sa isa pang karwahe sina Yunzhou at Jingjing.
Matapos makaakyat sa bundok, iniwan ng lahat ang kanilang kabayo upang maglakad. Bumuntong-hininga si Li Qingrong at sumunod, nagrereklamo tungkol sa kung paanong pumunta siya sa Qinghai upang magpahinga, subalit pagod pa rin siya. Sinimulang makipagtalo ni Jingjing sa kanya, ngunit agad natalo sa isang pasalitang laban, at maaari lamang humingi ng tulong kay Chu Qiao. Ngumiti si Chu Qiao at tinanong kung pinipilit pa rin siya ng Emperador ng Tang na mag-aral ng pulitika araw-araw.
Agad siyang tumango at walang magawang sumagot, "Sinabi ng kapatid ko na pagkatapos ng ilang taon, papayagan niya akong pumalit sa kanya at hayaan siyang makapagpahinga."
Alam ni Chu Qiao na sobrang malapit ang magkapatid na ito, at hindi nagulat sa mungkahi na iyon. "Malaki talaga ang puso ng iyong kapatid."
Pinalagutok ni Li Qingrong ang kanyang dila at sinabi, "Ang pagiging emperador ay ang pinakamahirap na trabaho sa mundo. Hindi ako kailanman malilinlang niya upang maging isa."
Nang makarating ang karamihan sa taluktok ng bundok, kakaalis lang ng mga ulap habang tumagos ang sikat ng araw, naglalahad ng malaking bahaghari na mukhang sutlang sinturon na bumaba mula sa kalangitan.
Tuwang-tuwa si Jingjing habang nagsasasayaw siya. Nang makita iyon, tinitigan siya ni Zhuge Yunzhou at nagtanong, "Ina, kailan ikakasal si Tiya Jingjing?"
Ang punang iyon ay malinaw na isang sensitibong tanong habang mabilis na lumingon si Jingjing at nagalit, "Sinong nangangailangan ng pakialam mo?"
Sumimangot si Zhuge Yunzhou. "Sinong may sabi na may pakialam ako? Gusto ko lang na mabawasan ang ingay sa buhay ko."
Habang nagtatalo ang dalawa, tumalikod si Chu Qiao para lang makita si Li Qingrong na nakasuot ng kanyang pulang blusa kasama ng mga burloloy na maayos na nakalagay sa buong katawan niya habang kaswal siyang nakasandal sa punong pine sa tabi. Kahit bata pa siya, ang kanyang mga mata ay kapareho kay Li Ce. Ang mahaba niyang mga mata ay parang isang fox habang pinapanatili niya itong kalahating nakasara habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang ngumiti. "Kung magawa ni tiya na makapanganak ng babae, kapag lumaki siya, ipakasal mo na lang siya sa akin."
Medyo nagulat si Chu Qiao tapos ay napatawa siya, "Napakabata mo, bakit bigla mo itong naisip?"
"Hindi ko biglang naisip iyon." Nagtaas ng kilay si Li Qingrong. Kahit na bata pa siya, mayroong isang patong ng kung ano na tumatakip sa kanyang mga mata, pinipigilan ang sinuman na ganap na mabasa siya.
"Kung may ganitong naiisip si Rong'er mula noong bata pa, sigurado akong ipinanganak ako para doon."
Nang nagdaan ang simoy ng hangin, lumipad-lipad ang buhok ni Li Qingrong. Nakatingin sa malayo, tahimik niyang sinabi, "Tiya, napakaraming mag-asawa na galit sa isa't-isa. Tulad ng aking Ama at Ina, Lola at Lola, buong buhay nilang kinapopootan ang isa't-isa hanggang sa kamatayan. Si Tiya at ang Hari ay isang bihirang mag-asawa."
Bigla, nagsimula ulit ang hangin. Nang makita kung paanong manipis ang suot ni Chu Qiao, agad na naglabas si Li Qingrong ng isang roba. Kahit na maliit siya, nagawa niyang ilagay ang roba sa kanyang balikat sa isang medyo may gulang na paraan.
Ngumiti ang batang lalaki. "Tiya, nais kong ang isang kapatid na babae upang maging asawa ko. Kung kaya, kailangan niyong gawin ang inyong makakaya ng Hari." Nang makita kung paanong kahit na ang gayong bata ay nagsimulang asarin siya, medyo hindi alam ni Chu Qiao ang gagawin. Pinagalitan niya ito nang marahan kahit na pinapanatili nito ang nakangiti niyang mukha.
Matapos tumigil ang ambon, mas nagliwanag pa ang bahaghari habang ang sikat ng araw ay tumagos sa mga ulap, pinaliliguan ang lupain sa isang ginintuang dilaw.
Pagkaraan ng kalahating buwan, ipinaalam ng imperyal na doktor na buntis na muli ang Ginang ng Qinghai. Sa pagtatapos ng taon, isang anak na babae ang idinagdag sa palasyong Xingyue. Pinangalanan siyang Zhuge Yunsheng na may palayaw na Zhenzhu, at kilala bilang Prinsesa Zhenzhu.
Ang kahilingan ng Imperyong Tang para sa kanyang kamay ay ipinadala isang buwan lamang pagkatapos ng kanyang kapanganakan, gayunpaman ay hinarang sila ni Li Qingrong at pinabalik lahat. Sinabi ng Emperador ng Tang na si Li Xiuyi na baliw na siya, gayonpaman ay isinantabi niya lang ang pahayag at nagpadala ng tugon, "Bakit kailangan pang alalahanin ng molusko ang tungkol sa perlas ng kabibe?"
Isa pang bata ang pumasok sa silid-tulugan ng palasyong Qianhua. Ang kawawang Hari ng Qinghai, na sa wakas ay natapos na ang kalahating taon ng pagpipigil, ay kinakailangang simulan ang kanyang pakikipagsapalaran upang makipagkumpetensya muli sa kanyang asawa at sa kanyang anak.
Nang umihip ang hangin mula sa hangganan, mayroong banayad na amoy ng damo. Sa paglipas ng oras, sa Silangang Dagat sa Imperyong Song, nagawang hulihin ng mga mangingisda ang mga kabibe para sa taon. Mayroong ilang sa kanila ang nagdadala ng isang nagliliwanag na perlas, ngunit ang ilan ay nawala ang kanilang mga perlas. Ang lahat ay buhangin lamang sa simula, at pagkatapos lamang na mahalin ng isang tao ay tunay na sila ay naging mahalaga.
Matapos ang paglipas ng oras, ang buhangin ay maaaring maging perlas sa wakas.