Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 270 - Chapter 270

Chapter 270 - Chapter 270

Kahit na bumagsak ang langit, hindi siya aalis. Iyon ay dahil pasan niya ang pag-ibig ng babae.

Hinaplos ng malamig na hangin ang kanyang kilay nang makita niya ang pagbabalik ng batang tagamanman sakay ng kabayo. Ang likuran ng tagamanman ay nakayuko habang dosenang mga palaso ang nakabaon sa likod niya. Kahit doon, hindi siya nahulog, at sa halip, nagtali siya ng sibat sa kanyang kabayo. Tinusok ang sibat sa kanyang dibdib, pinilit niyang bumalik ang kanyang bangkay. Sa kanyang dibdib, ang kanyang baluti ay sira. Sa puting damit, may ilang salitang nakasulat ng dugo: Timog-silangan, 15km, magaang kabalyero, 10 libo.

Tiningnan ni Zhuge Yue ang batang mandirigma na ito at ibinaba ang kanyang ulo. Matapos ang mahabang paghinto, marahan niyang sinabi, "Magaling ang nagawa mo."

Doon, ang sibat na matagal nang napupwersa ay tumagos na sa wakas sa katawan ng sundalo. Umagos ang maitim na pulang dugo sa likuran habang ang batang sundalo ay nahulog sa kabayo. Nagdadalamhating humalinghing ang kabayo habang dinidilaan nito ang mukha ng sundalo, pabalik-balik na naglalakad.

"Mahal na Hari!" Lumapit ang gwardya. Nakahawak sa isang payat na matandang lalaki, sumigaw siya, "Natagpuan na namin siya!"

Ang lalaki ay higit sa 60-taong-gulang. Sa panahong ito, itinuturing itong pambihira. Napakapayat niya talaga, ngunit maliwanag na malilnaw ang kanyang isip. Sa kabila ng kanyang magulong hitsura, ang kanyang mata ay lumiliwanag sa katalinuhan. Inobserbahan siya ni Zhuge Yue, bago dahan-dahang tumango. "Ang guro na ito ay tila talagang malusog, at madaling matitiis ang malupit na kondisyon ng malayong paglalakbay."

"Ikaw... ang Qinghai ay lupain ng mga barbaro. Lahat sila ay walang pinag-aralan at hindi sibilisado. Ang matandang ito ay isang iskolar, paanong..."

Umirap ang mga mata ni Zhuge Yue habang nakatingin siya sa mata ng matanda. May tinig na mabagal at matibay, naglabas siya ng diin, "Naglakbay ako mismo ng libu-libong milya at nagdala ng malaking pwersa. Tila iniisip ng doktor na ito na hindi sapat ang pagiging taos-puso ko." Sobrang kaswal ng pahayag na ito, subalit puno ito ng papatay na hangarin. Pinatigil nito ang matandang lalaki, si Gao Qingzhu, sa kanyang sasabihin.

Mula Qinghai hanggang Cuiwei, dumaan sila sa maraming lalawigan. Dito, maraming sundalo ang naiwan nila. Napakatunay na sinseridad, sino ang mangangahas na iba ang sabihin?

"Imbitahan si Ginoong Qingzhu sa karwahe."

"Masusunod, Kamahalan!"

Kahit na hindi nadamay sa labanan ang syudad Maoling, hindi nag-atubili ang mga opisyales na hayaan ang hukbong Qinghai sa kastilyo. Sa kaguluhan ng kontinenteng West Meng, ang pamilyang Imperyal ng Xia ay umatras sa hilagang lupain, kasabay ng pagsakop ng Yan Bei sa Imperyo. Gayunpaman, kahit na ang lahat ng mga garison ay sumuko sa Yan Bei, marami sa mga garison ay hindi pa rin nababago. Tulad nito, para sa kanila, si Zhuge Yue, bilang dating Grand Marshal ng imperyong Xia, ay tulad ng dating kaibigan sa kanila.

Nang pumasok ang hukbong Qinghai sa syudad Maoling, inisip ng mga sibilyan na sinimulan na ng pwersang Imperyal ang kanilang kontra-atake. Hindi mabilang na mga kalalakihan ang nagdala ng mga palakol at patalim sa pag-asang makasali sa hukbo, at binigyan pa sila ng mga sibilyan ng pagkain. Ang kalye ay puno ng kaligayahan, ganap na hindi tulad ng isang syudad na kababagsak lamang.

"Mahal na Hari." Dala-dala ni Guo Huai ang isang malaking, mabigat na talim habang tumatakbo palapit. Pinunasan ang alikabok sa kanyang mukha, malakas siyang nagtanong, "Narito ang hukbong Yan. Anong gagawin natin?"

Tumingin si Zhuge Yue sa timog-silangan, at hindi binabago ang kanyang ekspresyon, mahinahon niyang sinabi, "Lalaban tayo."

Sa sandaling iyon, ang buong hukbo ay sumabog sa isang alon ng kagalakan. Ang pangkat ng sundalong ito ay ang mga pili ng Qinghai. Mula sa sandaling umalis sila mula sa Cuiwei Pass, nagyuyumukyok sila at tinatakpan ang kanilang mga bakas, umaatras mula sa bawat labanan. Nagresulta ito sa kanilang naipon na pagkainis. Sa sandaling ito nang narinig nila sa wakas na maaari silang makipaglaban, lahat ay nagalak.

Takip-silim nang sa wakas ay dumating ang hubkong Yan, subalit hindi sila nagsimula ng pag-atake at pinaligiran lamang ang syudad sa isang pagkubkob. Agad na nasabi ni Zhuge Yue na naghihintay sila ng dagdag-pwersa. Sa sandaling dumating ang dagdag-pwersa ay labis na makasasama sa kanya. Sa parehong gabi, bago pa matapos ng hukbong Yan ang kanilang mga pormasyon, ang hukbong Qinghai ay sumugod palabas mula sa Maoling, at matapos ang tatlong alon ng pag-atake, nagawa ng hukbong Qinghai na makapagbukas ng puwang sa solidong pagpalibot ng hukbong Yan at makatakas mula sa pagkubkob. Ang 10,000 sundalo na ito ay hindi karaniwang pwersa ngunit mga reserba lamang na agad pinatawag dahil sa pagbagsak ng Maoling. Ang ganoong pwersa ay likas na matatalo ng mga pili ng Qinghai.

Sa sandaling iyon, ang buong linya ng mga hudyat na apoy sa kahabaan ng dakilang Imperyo ng Yan ay sinilaban nang isa-isa habang ang iba't-ibang mga piling pwersa ay pinalabas. Gayunpaman, ang mga pandigmang kabayo ng Qinghai ay napakabilis. Dumating ang mga piling pwersa na iyon para lamang makita ang alon ng alikabok na naiwan ng hukbong Qinghai.

Hindi nagtagal ay naharap sila sa huling linya ng depensa—ang Cangming Mountain Pass. Matapos tawirin ang bundok na ito, makakarating sila sa Qinghai Cuiwei Pass. Kagabi, pinakintab lahat ng mga mandirigma ng Qinghai ang kanilang mga sandata bilang paghahanda sa darating na mahirap na labanan.

Suot ang kanyang malamig na baluti, itinaas ni Zhuge Yue ang kanyang braso habang isang kasing puti ng nyebeng agila ang dumapo sa kanyang palapulsuhan at iniunat ang binti na may dalang sulat. Maingat niyang binasa ang nilalaman ng liham nang dalawang beses bago inilagay ito sa kanyang dibdib, para bang nararanasan niya mismo ang init ng mga salita. Para bang may hawak siyang pampainit sa napakalamig na taglamig.

Ang bawat isa ay may mga bagay na napakahalaga sa kanila. Sa iba, ito ay kayamanan, sa ilan, ito ay awtoridad. Sa kanya, isang tao lang ito.

Hindi siya kailanman isang mabait na tao. Dahil lamang sa babae na kusang-loob niyang binawi ang kanyang mala-demonyong parte. Gayunman, hindi iyon nangangahulugan na nakalimutan na niya kung paano pumatay.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo. Ang madilim na kalangitan ay tila napakababa na kahit ang mga bituin ay malapit nang mahulog, para bang makukuha niya ito kung iaabot niya ang kanyang mga kamay. Umihip ang hangin mula sa malayo, para bang dala nito ang mga halimuyak na natatangi sa Qinghai. Ang kanyang puso ay tulad ng matataas na damo sa Qinghai, bahagyang umuugoy sa hangin.

Sa ikalawang araw, makikita nila ang pormasyon ng kaaway na may bilang na 8,000. Naiiba sa nakaraang mga pagtatagpo sa pwersang Xia na napilitang dumipekto, at ang mga reserba ng imperyong Yan na bagong hinikayat, sila ay katutubo ng Yan Bei, ipinanganak sa dagat ng mga patalim at ulan ng dugo.

Ang mga hangin sa hangganan ay palaging malamig, habang wumawalis ito sa malawak na lupain, inaangat ang alon ng damo. Sinikipan ng mga sundalong Qinghai ang itim na bigkis sa kanilang mga palapulsuhan habang mahigpit na hinawakan ang kanilang mga sandata at malamig na tumingin sa kaaway na nasa harap nila. Isang matinding kagustuhan lumaban ang lumitaw sa labanan. Tila ba kahit ang mga hangin na medyo umiihip ay sumama sa pagtambol ng mga tambol ng digmaan.

Gayunpaman, sa kritikal na sandaling ito, tila may ilang uri ng taranta sa pormasyon ng garison ng Cangming Mountain. Si Zhuge Yue, na nasa taas pa rin ng kanyang kabayo, ay napasimangot nang mapansin na dahan-dahang naghiwalay ang garrison at nagbukas ng isang landas sa gitna. Bumukas ang mabibigat na pintuan. Para bang naglatag sila ng pulang karpet sa harap ng hukbong Qinghai.

"Anong ginagawa nila?" may mga sundalo na tahimik na nagtanong.

"Isa itong bitag! Nililinlang tayo ng mga aso ng Yan Bei." Nagkaroon ng komosyon ang mga tao tulad ng isang patak ng langis na tumulo sa palayok ng kumukulong tubig.

Tiningnan ni Zhuge Yue ang hukbong Yan na sobrang tahimik habang nakasimangot siya. Mabagal na lumipas ang oras sa kakaibang kalagayan na ito. Tahimik ang hukbong Yan, hindi gumawa ng anumang aksyon. Hindi rin kumilos ang hukbong Qinghai. Ang karagatan ng damo na hanggang tuhod ay bahagyang umugoy sa kaunting hangin.

Humakbang pasulong ang kabayo ni Zhuge Yue. Agad na tumayo si Guo Huai sa harap niya at balisang nagbabala, "Mahal na Hari, mag-ingat ka na baka ito ay isang patibong."

"Nangahas silang buksan ang tarangkahan sa harap ko, paanong hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na lumapit?" Malambot ang tinig ni Zhuge Yue at ang tono niya ay pantay, ngunit ang nilalaman ng kanyang mga salita ay sinilaban ang pagnanais na makipaglaban ng buong hukbo. Inangat ni Zhuge Yue ang kanyang ulo at bahagyang tumawa habang itinuro niya lalagyan ng kanyang espada sa kanyang mga sundalo at malakas na nagtanong, "Sino ang maglakas-loob na sundan ang Hari na ito na lumapit?"

"Ang taong ito ay handa!" Sa sandaling iyon, ang buong hukbong Qinghai ay sumabog sa sigawan. Ang kanilang mga tinig ay tulad ng kulog na gumulong sa buong lupain, lumilikha ng maliit na pagyanig sa landas nito. Ang 3,000 malakas na pwersang Qinghai ay sumunod sa likuran ni Zhuge Yue habang sumusugod sila sa malaking tarangkahan.

300 metro, 150 metro, 100 metro... Malapit na sila, napakalapit na nakikita nila ang mukha ng bawat sundalo ng Yan Bei at ang kagustuhan nilang lumaban. Gayumpaman, walang sinuman ang naglabas ng kanilang mga sandata, at walang tunog ng digmaan na narinig. Ganoon lang, dumaan sila sa Cangming Mountain Pass, sa mga pintuan na inaasahan nilang madadaanan lamang pagkatapos mawala ang marami sa kanilang mga kapatid.

Nang makapasok sila sa malawak na kapatagan, nagsara sa likod nila ang mabibigat tarangkahan. Isang itim na itim na pandigmang watawat ang nakasabit ng mataas sa tarangkahan ng kastilyo. Para bang may nanonood sa kanila habang sila ay umaalis. Tahimik na naghanap si Zhuge Yue bago tumalikod at inutusan si Guo Huai, isang katutubong heneral ng Qinghai na umakyat sa mga ranggo, "Ipaalam kay Yue Qi na dalhin pabalik ang kanyang mga tauhan."

Medyo natigilan si Guo Huai. Upang makipagtulungan sa operasyong ito, pinangunahan ni Heneral Yue Qi at Heneral He Xiao ang 30,000 sundalo at nagtago sa paligid ng syudad ng Zhen Huang. Kung may mangyaring mali, agad nilang aatakihin ang Zhen Huang. Sa pakikipagtulungan ng natitirang mga sundalo ng imperyong Xia, ikakalat nila ang atensyon ng Yan Bei upang maaari silang madaling makabalik. Gayunpaman, ang sabihan sila na bumalik ay sasayangin ang kanilang nakaraang pagsisikap para makapasok. Gayunpaman, hindi nagkomento si Guo Huai at sumunod lamang sa utos. Hindi nagtagal, lumitaw ang Qinghai sa kanilang harapan.

Nang kakaalis lang ng doktor, pumasok si Zhuge Yue. Ang malaking palasyo ay napuno ng amoy ng isang nakakapagpahingalay na insenso. Pinaalis niya ang mga katulong at naglakad sa gilid ng higaan at umupo sa gilid ng higaan.

Mas pumayat siya, para bang isang siyang ganap na ibang tao. Sa sandaling ito, natutulog siya, at ang kanyang paghinga ay medyo maayos. Dahil kakainom niya lang ng gamot, ang kanyang kutis ay tila kulay rosas ng kalusugan. Maaaring isang lamang itong palsipikadong epekto, ngunit pakiramdam ni Zhuge Yue na pagkatapos siyang makita ng matandang doktor, tila mas malusog siya kaysa sa dati.

Nakipaglaban sa dadaanan at naglatag ng isang karpet na pula mula sa dugo, at alalang-alala habang nasa daan. Sa sandaling ito, lahat ng iyong ay naging isang pakiramdam ng kaligayahan at kasiyahan.

Mabuti nalang... Tahimik siyang bumuntong-hininga sa kanyang puso, inaanim ang mga kaisipang karaniwang hindi niya aaminin.

Mabuti nalang maayos siya.

Sa higaan ng sanggol sa tabi ng higaan, may maliit na tunog. Lumingon, nakita ni Zhuge Yue ang maliit na batang nakatingin sa kanya na may isang pares ng bilog at malalaking mata. Ang mata ng bata ay itim na itim. Napakabata pa nito, at kahit ang kanyang leeg ay malambot pa rin at hindi maiangat. Ngunit ang kanyang mga kamao ay tila napakalakas habang nakatingin sa taong ito na nakakahinalang nakaupo sa gilid ng higaan ng kanyang ina. Nakasimangot, seryosong tumingin ang bata kay Zhuge Yue.

Tumingin si Zhuge Yue sa kanyang anak at nakaramdam ng kakaiba. Ilang sandali niyang hindi alam kung anong ekspresyon na ihaharap sa kanyang anak. Itinaas niya ang isang daliri at inilagay ito sa gilid ng kanyang labi, nagpapahiwatig na maging tahimik upang hindi magambala ang pagtulog ni Chu Qiao. Halatang hindi naintindihan ng bata ang kanyang kilos. Marahil nagugutom siya, habang kinuha niya ang kanyang paa at labis na natural, inilagay ito sa kanyang bibig.

Sumimangot si Zhuge Yue habang iniisip: Anong klaseng ugali ito? Hindi malinis. Umunat ang kanyang mahabang braso at hinila ang paa sa bibig ng bata, at kasunod nito, pinandilatan niya ang sanggol.

Kahit bata pa ang sanggol, may kakayahan siyang sabihin ang saloobin ng iba. Dito, nang walang anumang pag-aalinlangan, sa susunod na sandali, ang batang anak ng Qinghai ay nagsimulang humagulgol ng buong lakas. Sa sandaling iyon, ang mga katulong, tagapag-alaga ng bata, tagapaglingkod, doktor, at lahat ay agad na lumitaw mula sa lahat ng sulok ng palasyo. Si Chu Qiao na nasa malalim na pagtulog ay nagising at umupo nang tuwid.

"Anong nangyari?"

"Naihian ba ng bata sa kanyang sarili?"

"Tawagin ang doktor!"

"Batang Kamahalan, huwag kang umiyak. Tingin ka rito, ano ito?"

Isang pangkat ng mga tagapaglingkod ang bastos na itinulak ang isang lalaki paalis. Gumala ang mga mata ng bata sa mga tao bago tuluyang huminto sa mukha ng kanyang ina. Mukhang labis na naiinis, iniunat niya ang kanyang matabang kamay at humikbi. Niyakap ni Chu Qiao ang sanggol sa kanyang mga braso at tumingin sa paligid. Noon lamang niya napansin ang kanyang asawa na matagal nawalay sa kanya. Gayumpaman ay sumimangot siya at nagpagalit, "Inapi mo ang ating anak!"

"Hindi ko ginawa iyon," agad na itinanggi ito ni Zhuge Yue at nais na lumapit. Gayunpaman, parang sinusubukang salungatin ang mga salita ni Zhuge Yue, nagsimulang ngumawa nang mas matindi ang sanggol habang papalapit si Zhuge Yue.

"Sinasabi mo pa rin na hindi?" Tumingin si Chu Qiao kay Zhuge Yue. "Ang tanda mo na, ngunit nang-aapi ka pa rin ng bata!"

Nagalit si Zhuge Yue. Sa akin ba talaga ang batang ito? Nang makita kung paano ipinunas ng sanggol ang kanyang sipon sa damit ni Chu Qiao, ang apoy ng kanyang galit ay nagliyab. Ano ito? Matapos niyang dumaan sa buhay at kamatayan upang maibalik ang doktor, ito ang saloobin na matatanggap niya?

"Kamahalan? Nababalot ka sa alikabok mula sa iyong paglalakbay. Inirerekomenda ng doktor na umalis ka muna."

Tumitig si Zhuge Yue sa katulong, at halos mawalan ng malay ang batang babae. Gayunpaman, kahit na sumulyap siya ng matagal, sa huli ay pinalabas siya sa kanyang sariling pintuan ng doktor na pwersahan niyang dinukot.

"Ah! Naihian ng batang prinsipe ang kanyang sarili!"

"Dalhin ang mga lampin! Mga tagapag-alaga, mangyaring halika dito, baka nagugutom ang batang prinsipe." Ang palasyo ay nagkagulo habang ang mga tagasilbi ay nagmamadaling labas-pasok nang hindi siya pinapansin.

Ang Hari ng Qinghai na ito ay partikular na miserable habang nakaupo siya roon nang may mahabang mukha. Sa paanuman ang sitwasyon ay ganap na naiiba sa naisip niya.

Ganito dapat ito: Isang masunuring anak, isang malumanay na asawa, isang pangkat ng mga tauhang puno ng paggalang na tumingin sa kanya na may luhang pumupuri sa kanyang mga nagawa. Gayunpaman, ito ay ganap na naiiba sa kanyang imahinasyon. Ang anak na ito ay alam lamang kung paano umiyak at kutkutin ang paa, at ang kanyang asawa ay mahal na mahal ang bata.

Bumuntong-hininga siya at nagpatuloy na miserableng umupo doon.

"Meixiang, dapat bang suutin ng Batang Kamahalan ang asul na damit na ito o ang kulay beige na ito?"

"Binibini, nagsusuka ang Batang Kamahalan, marami ba siyang nakain?"

"Ah, Kamahalan, makakatayo ka ba? Nakaupo ka sa laruan ng Batang Kamahalan."

Ang bawat isa ay may mga bagay na napakahalaga sa kanila. Sa iba, ito ay kayamanan, sa ilan, ito ay awtoridad. Sa kanya, dalawang tao lang.