Sa harap ng huling tarangkahan ng pader sa Hilagang Rehiyon, ang lupain ay nababalot na ng nyebe kahit Mayo pa lamang. Ang napakalamig na hangin ng hilaga ay sunod-sunod na umatungal, masakit na dumadaplis sa mukha ng lahat.
"Tayo na." Ngumiti si Zhao Che kay Wei Shuye. Kahit na sa ganoong desperadong sitwasyon, puno pa rin siya ng kumpiyansa. Tumingin ang matangkad na pigura ni Wei Shuye sa kumpyansang si Zhao Che, tapos ay hindi niya maiwasang maghinala.
Walang habas na inatake ni Yan Xun ang kanilang suplay ng pagkain, at gamit ang taktika ng alon ng mga tao, sumailalim ang pwersa ni Zhao Che sa matinding pag-atake. Sa oras na ito, si Zhao Yang, nababaliw para sa kapangyarihan, ay biglang sinalakay ang mga dagdag-kawal ni Zhao Che at hinarang ang dagdag-pantustos ni Zhuge Yue. Pinilit nito si Zhao Che sa isang sulok habang nawalan siya ng maraming sundalo, at nagresulta sa pagkawala ng 13 mga lalawigan sa gitnang lugar.
Sa sandaling nakakuha sila ng mas maraming mga sundalo at handa na ang kanilang pagganti, napagtanto nila na nalubog na sila sa isang desperadong sitwasyon kung saan wala na silang magagawa pa upang mabaligtad ang kanilang hindi maiiwasang pagkatalo.
Sa araw na iyon, nakatayo si Zhao Che sa mga nadurog na bato, matagal na tahimik na nag-iisip. Ang Prinsipeng ito na maraming pinagdaanan ay ibinaba ang kanyang sandata tapos ay tumingin kay Wei Shuye at sinabi, "Natalo tayo."
Nang araw na iyon, lahat ng mga opisyal na nasa paligid ay umiyak. Kahit na si Wei Shuye, isang mapagmataas na batang amo ng isang buong maharlikang pamilya, ay umiyak. Hindi naman sa wala silang tsansang magtagumpay, o na wala silang kapangyarihan upang ibalik ang lahat sa normal. Pinaglaban nila ang kanilang makakaya sa lupang ito ng isang Imperyo na patungo sa pagkasira. Mayroon silang tapang at resolusyon upang harapin ang kamatayan.
Gayunpaman, natalo sila.
Hindi sila natalo sa kalaban sa digmaan ngunit sa halip ay tinraydor ng kanilang kaalyado. Kinaharap nila ang pinakamalakas na kalaban na nakaharap ng Imperyong Xia sa oras kung saan ang Imperyo ay nasa pinakamasamang estado nito.
Itinaas ng batang prinsipe ang kanyang ulo habang hinuhukay ng pandigmang kabayo ang kanyang paa sa lupa sa kakulangan sa ginhawa. Ang langit ay nababalot ng niyebe. Matapos lumabas mula sa tarangkahan na ito, hindi na sila sa lupa ng Xia. Sa malawak na lupain sa labas, wala nang anumang watawat Xia na lumilipad sa hangin.
Tumingin si Zhao Che sa kalangitan at tahimik na sinabi, "Hindi maglalaho ang Pamilya Zhao. Kung saan sumisikat ang araw, walang dudang mayroong lipi ng Pamilya Zhao." Inilabas niya ang kanyang latigo, at nang iniunday niya, sumulong ang kanyang kabayo kasama ang napakalaking militar sa likod niya habang dumaan sila sa tarangkahan sa malawak na kaputian at mga bundok.
Ang mga kamao ni Zhao Che ay parang bakal nang tumagos ang kanyang paningin sa malayo. Ang kanyang mga labi gaanong nakaguhit tapos ay narinig ang kanyang determinadong tinig, "Babalik tayo..."
"Master!" Biglang sigaw ni He Xiao, ganap na pula ang kanyang mata. "Ayaw gawin ng tauhang ito!"
"Komandante He, isa itong utos!" Sa itaas ng napakalaking pader ng Tang Jing, nakasuot si Chu Qiao ng kanyang baluti habang inoobserbahan niya ang tauhan ito na higit niyang pinagkakatiwalaan. Isinalaysay niya ang bawat salita.
"Master, dapat mong samahan mismo ang Emperador ng Tang. Hayaan mong manatili ang tauhan na ito upang dumipensa."
Ang tunog ng labanan ay umabot na sa ilalim niya. Ang malakulog na tunog ng mga yabag ng kabayo ay naririnig na mabilis na papalapit sa kanila. Ang pwersang pinangunahan ng Ginang ng Jingan ay higit sa kanila ng sampo sa isa. Ang malaking mga kabalyero ay sumugod tapos ay inumpisahan nila ang sunod-sunod na alon ng pag-atake sa kabisera ng Tang, para bang isa silang napakalaking tsunami ng tao na walang makakapigil.
Malamig na nagtanong si Chu Qiao, "Kaya mo ba talagang ipagtanggol ang lugar na ito?"
Napasimangot si He Xiao, at walang pag-aatubiling sumagot, "Kahit na mamatay ang tauhang ito..."
"Kahit na mamatay ka, hindi mo magagawa," mariing saad ni Chu Qiao.
Nang marinig iyon, nanlamig ang mukha ni He Xiao, at nang sasagot na siya, nagpatuloy si Chu Qiao, "Sa ngayon, napapalibutan ang kabisera ng Tang, at sa likod ng pagkubkob na ito, nandoon pa rin ang malaking pwersa ni Yan Xun na daan-daang libo ang bilang. Ang pwersa ng Tang ay yumuyukyok na sa takot mula sa nakaraang mga laban. Sa buong bansang ito, tayo lamang ang tanging pwersa na may kakayahang makipaglaban, at walang duda na tutuon sa atin ang mga kaaway. Hangga't nakatayo ako sa kastilyong ito, hindi nila hahatiin ang kanilang pwersa. Sa sandaling makita nila akong umalis, isusuko nila ang pag-atake sa Tang Jing at hahabulin ako ng buong lakas nila. Sa sandaling iyon, wala tayong mga pader ng kastilyo upang dumipensa. Sa harap natin ay ang hukbong Yan Bei, at sa likuran natin, nandoon ang hukbong Jingan. Mamamatay tayo ng mas nakakakilabot na kamatayan!"
Ang antas ng pag-iisip na ito ay halata sa tulad ni He Xiao. Napasimangot siya habang nakikinig at nagtiim-bagang, walang binibigkas kahit isang salita.
"He Xiao, nagsusumamo ako sa iyo, ilabas mo sila at tumakas. Buong buhay kong natanggap ang pasasalamat ni Li Ce, kailangan ko siyang bayaran kahit papaano. Hindi ko maprotektahan ang kanyang bansa, ngunit ang pinakamababang magagawa ko ay protektahan ang kanyang mga anak."
Ang ekspresyon niya He Xiao ay nanggigilid sa pagkalungkot habang tinitigan niya si Chu Qiao, biglang sinabi, "Master, hayaan mong umalis ang iba. Hayaan mong manatili ako sa tabi mo upang protektahan ka."
Umiling si Chu Qiao at marahang sumagot, "Hindi ko sapat na mapagkakatiwalaan ang iba."
Tumingin si He Xiao kay Chu Qiao, ang kanyang paningin ay naglalagablab tulad ng sariwang nagbabagang putik na kabubuga lamang mula sa bulkan. Matapos ang napakaraming taon ng magkasamang pakikipaglaban, dumanas ng buhay at kamatayan nang magkasama, ang oras ng kanilang pinagsamahan ay higit pa kaysa sa ginugol nila sa ibang tao. Ang kanilang relasyon ay nagbago din sa tagal, mula sa tauhan lamang hanggang sa pagmamahal ng pamilya.
Ang babaeng ito sa harap niya ay malakas, matapang, mabait, at taos-puso. Sa parehong oras, minsan ay matatakot siya, mawawala siya, at iiyak ng malakas. Magkakampi sila, magkaibigan, pamilya. Siya ang kanyang panginoon pati na ang kanyang kapatid na babae.
Ang ilaw mula sa naglalagablab na mga sulo ay nagpaliwanag ng kanilang mukha habang iniunat ni He Xiao ang kanyang kamay at niyakap siya. May mababa at pilipit na tinig, na parang puno ng dugo ang kanyang bibig, sinabi niya, "Mag-ingat ka!"
"Ikaw rin!"
Sumakay ng kabayo ang mandirigma, habang sumigaw si Li Shuyi kay Chu Qiao, "Tiya! Tiya!" Dinala ni He Xiao ang bata, at walang nang pag-aalangan pa, pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga piling sundalo at sumugod palabas mula sa tarangkahan ng timog. Sa parehong oras, ang tarangkahan sa silangan at kanluran ay binuksan, habang dalawang pangkat ng mga sundalo ang lumabas nang sabay at humalo sa kaaway.
"Mga mamamana! Maghanda!" Sigaw ni He Qi, "Tira!" Ang malawak na kapatagan ay agad na naging isang gilingan ng karne habang sinisipsip nito ang buhay ng mga mandirigma nang walang pag-aalangan. Ang mga sibat at sandata ay kumislap ng kulay ng dugo, habang ang libu-libong mga tumatakbong kabayo ay parang kulog na gumugulong sa kalangitan.
Nakatayo sa kastilyo, inobserbahan ni Chu Qiao ang labanan habang ang mga alaala ng nakaraan ay dumaan sa kanyang isipan. Dalawang buhay ang dinanas niya, marami siyang nakamit, at maraming taong nakilala. Ang ilang mga bagay na ginawa niya ng tama, at ang iba ay nagkamali siya. Hindi siya nawalan ng pagkakataon upang makilala ang ilang mga tao, at hindi naging patas sa ilan. Anupaman, ano man ang sitwasyon, hindi niya kailanman tinraydor ang kanyang sariling paniniwala.
Sa sandaling ito, ang buhay ay tila malinaw. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaan ang mga anino ng mga pigura na dumaan sa kanyang mga mata. Nakita niya iyong mga mahal niya, ang mga kinamumuhian niya, mga binigo niya, ang mga nasaktan niya, at sa wakas, naging isang malinaw na pigura ang mga anino. Nang lumingon siya, puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata.
"Mahal kita," malambing niyang tawag. Malaki ang hangin habang hinahaplos ang kanyang buhok. Ang buong kalangitan ay kulay pula. Ang kawan ng mga kaaway ay lumapit habang hinahampas nila ang mga sinaunang tarangkahan, paulit-ulit, nagpapakawala ng isang malakulog na tunog ng pagkawasak.
Inilagay niya ang kamay sa kanyang tiyan na sa wakas ay nagsimulang umumbok, dala-dala nito ang pag-asa ng buhay. Iyon lamang ang pag-asa na sumuporta sa kanya sa daan, na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na tumayo nang hindi natatakot at mahina. Napakalayo nila, tiyak na hindi siya maririnig nito.
Malumanay na nakangiti, itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa malinaw na kalangitan. "Mahal kita…"
Ngunit sa huli, hindi kita masasamahan.
Napaka asul ng langit na ang kanyang mga mata ay nasilaw sa liwanag. Isang agos ng luha ang dumaloy sa sulok ng kanyang mga mata, nawala sa kanyang helmet, sumipsip sa kanyang buhok. Inilabas niya ang kanyang sandata nang lumapit na sa wakas sa kanya ang mga kaaway. Nagawa na ni He Xiao na makalagpas sa pwersa ng kaaway mula sa gilid. Ang mala-kulog na tunog ng labanan ay parang alon ng kulog habang ang puting bandila na napapalamutian ng pulang ulap ay pumapagaspas sa itaas. Halata ang pulang ulap, nakatayo tulad ng simbolo ng pag-asa.
Tumalikod si Chu Qiao at luminga sa mga batang mandirigma na iyon. Ito ang hukbong Xiuli na nakilala sa buong mundo. Gayunpaman mahirap nang makakilala ng marami sa mga orihinal na mukha. Nitong mga taon na ito, ang marubdob na hukbong ito ay sumunod sa kanya at nakipaglaban sa buong kontinente. Sumunod sila sa likuran niya nang walang takot o kaduwagan.
Ang Labanan ng Zhen Huang, ang Labanan ng Hilagang-Kanlurang Rehiyong, ang Depensa ng Chidu, ang Depensa ng Beishuo, ang Labanan ng Qianzhang Lake, ang Labanan ng Huolei Plains, ang Labanan ng Longyin Pass, ang Labanan ng Tang Jing, ang Labanan ng Baizhi Pass, ang Labanan ng ilog Tiexian...
Sa nakaraang pitong taon, napatunayan ng hukbong ito ang kanilang katapatan sa kanilang maluwalhating rekord. Nakipaglaban sila para sa maraming bansa, maraming paksyon, ngunit nakipaglaban lamang sila para sa kanya, para sa kanilang sariling konsensya.
Pangkat-pangkat ng tao ang bumagsak, ngunit sumugod ang iba upang punan ang kanilang pwesto. Kahit na wala silang nararamdaman para sa bansa na kanilang ipinagtatanggol, kahit na ang kanilang tinubuang-bayan ay milya ang layo, kahit na hindi nila alam ang kapalaran na naghihintay sa kanila, sapat na ang isang dahilan, isang utos mula sa taong iyon ay sapat na. Basta't nakatayo si Chu Qiao sa harap nila, ang kanilang katapatan at pagsunod ay tulad ng metal na bakal sa ilalim ng nagyeyelong lawa. Kahit na mangyari ang apokalipsis, hindi matitinag ang kanilang katapatan.
Walang salita upang maghikayat, at hindi na kailangang palakasin ang moral. Hinubad ng dalaga ang kanyang helmet habang lumipad-lipad ang buhok nito. Ang kanyang mata ay malinaw habang nakatingin sa mga sundalo, at itinaas ang kanyang sandata.
"Nakikipaglaban tayo para sa kalayaan!" sigaw ng natitrang 2,000 sundalo ng Xiuli!
May mapurol na bagsak, ang mga tarangkahan ng Tang Jing na hindi bumagsak sa loob ng maraming siglo ay bumagsak na.
Parang baha na pumasok ang mga kaaway.
Sa hangin na umiihip, ang tunog ng labanan ay nasa tabi nila. Malakas na sumigaw si Chu Qiao, "Kayong lahat, maaari kayong mauna. Susunod ako sa likod niyo."
"Master! Mauuna na ang heneral na ito!" Isang heneral ang sumakay sa kanyang kabayo habang tumatawa-tawa. Iwinawasiwas ang kanyang sandata, sumigaw siya, "Lumalaban tayo para sa kalayaan!" Itinaas ang kanyang sandata, sumugod siya. Sumunod ang mga sundalo sa likuran niya habang sumusugod sila sa napakalaking pormasyon ng kalaban. Para bang hinahamon ng sanggol ang isang higante.
"Laban!" Ang tumatagos na tunog ng labanan ay pinuno ang buong kalangitan.
Dapit-hapon nang sumugod muli ang mga kabalyero sa dagat ng mga sandata. May malamig at nag-iisang hangin na umiihip, itinaas ng mga matitigas na ulong mandirigma ang kanilang sandata at sumugod sa kaaway. Lumubog ang Tang Jing sa walang katapusang apoy ng digmaan. Daang-taon na ang nakalilipas, ang bandilang Rose ng Dakilang Imperyong Tang ay minsan nang saklaw ang lahat ng lupain ng kontinente. Ang kalooban ng imperyong Tang ay ang kalooban ng mundo. Gayunpaman, ngayon, sa magulong lugar ng labanan, ang malaking palasyo ay natakpan ng patong ng abo at alikabok. Ang amoy ng kamatayan ay lumamon sa magagandang mga kalsada dahil maririnig ang halinghing ng namamatay na pandigmang kabayo, kasama ang paghagulgol ng mga sibilyan...
Inangat niya ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa kanluran. Ang lahat ng mga mandirigmang ito ay patungo sa kamatayan, ang kumukulo nilang dugo ay tila hindi nagbubuo-buo, at kahit mamatay sila, ang kanilang pangalan ay hindi kailanman lilitaw sa makasaysayang talaan ng kasaysayan, habang-buhay silang mahihimlay sa lupang ito. Kahit na gamitin nila ang lahat ng kanilang lakas, hindi nila mapipigilan ang yapak ng pagbagsak ng Imperyo.