Namutla ang mga daliri ni Chu Qiao habang ang tunog ng mga baluting nagsasalpukan ay pumaibabaw sa kanyang isipan na parang bang lagi siyang nakikinig sa isang simponya.
"Master, susundan mo ba ako?"
Umiling si Chu Qiao at bahagyang ngumiti. "Mananatili ako dito."
Tumango siya Xiao tapos ay yumuko. "Mag-ingat ka, Master."
May ilang mga patak ng hamog sa labas ng bintana, habang ang buwan ay maliwanag na nakabitin sa panggabing kalangitan. Tumingin si Chu Qiao sa puting buwan na nakabitin sa kalangitan habang bumubulong, "May namumuong bagyo."
Nagpadala ang pamilya Zhuge ng tatlong magkakaibang tagasilbi upang alagaan si Chu Qiao bago ang kasal ngunit pinabalik ang lahat. Ang pamilya Jing ay nagpadala din ng ilang mga tao, ngunit hindi pinansin ni Chu Qiao ang kanilang mga alok. Sa pagtatapos ng araw, si Meixiang ang sumama kay Chu Qiao sa gabi bago ang kasal.
Si Meixiang, na karaniwang malakas at matatag, ay nanginginig habang sinusuotan si Chu Qiao ng pulang sutlang damit na halos natatakpan ng burda. Ang nakaburdang patong tsina ay sumisimbolo ng walang hanggang katapatan; ang bulaklak ng peony ay pinayayabong ang likuran. Iniilawan ng maraming ilaw, ang buong eksena ay tila yumayabong.
Nagsimulang umapaw ang luha mula sa gilid ng mga mata ni Meixiang habang ang sulok ng bibig nito ay tumaas. Inunat ni Chu Qiao ang kanyang kamay upang punasan ang mga luha sa mukha ni Meixiang bago niyakap ang babaeng ito na sumunod sa kanya sa loob ng maraming taon. Ngayon, tila mas maganda si Chu Qiao kaysa dati sa bagong kalalagay na pampaganda sa kanyang mukha.
"Binibini." Ibinalik ni Meixiang ang yakap habang humihikbi. "Binibini... Binibini..." Hindi na siya makabalangkas ang wastong pangungusap habang nanatili siya sa posisyon na iyon at patuloy na tinatawag si Chu Qiao habang malayang hinahayaan na dumaloy ang kanyang luha.
Kinabukasan, sa huli ay sinalubong na ni Chu Qiao ang kanyang kasal.
Sa mga seremonyal na opisyal mula sa imperyong Tang na nagbabantay sa tabi niya, sinundan ng seremonya ang tumpak na pamamaraan ng isang maharlikang kasal. Nagmula ang karwahe mula sa sambahayang Zhuge bago dumating sa Embahada ng Tang. Una, ang utos mula sa yumaong Emperador ng Tang na si Li Ce, ay binasa nang malakas, bago ang mga salita ng pasasalamat mula sa kasalukuyang Emperador ng Tang na si Li Shuyi, ay inihayag, pagkatapos nito, lumabas siya, tinanggap ng simponya ng mga instrumento na may kasamang hihip ng mga tambuli na nakasunod sa kanya kung saan man siya magpunta. Ito ay tulad ng isang pagtatanghal.
Nagkumpol ang mga sibilyan tulad ng isang dagat tumatangong mga ulo. 80 abay ang nakaupo sa isang serye ng mas maliliit na karwaheng nakasunod sa kanyang likuran, at sa dulo ng eskorte, mayroong isang pangkat ng mga kamag-anak ng pamilyang Zhuge kasama ang iba pang mga maharlika. Nagpapawis ang palad ni Chu Qiao, habang ang matingkad na pulang tabing ay tinatakpan ang kanyang makikita, at maririnig lamang niya ang tunog ng hihip ng mga tambuli.
Sa oras na ito, nagsimulang makaramdam si Chu Qiao ng pagkakaba habang ang eskorte ay papalapit sa residensya ng Grand Marshal. Alam na ni Chu Qiao ang mga ruta at pamamaraan sa puso, at naiintindihan niya na kung ang lahat ay mangyari ayon sa plano, ibibigay ng mga opisyales ng Tang ang kanyang karwahe sa mga seremonyal na opisyales ng imperyong Xia sa Peacock Bridge sa taas. Nandoon si Zhuge Yue upang salubungin siya.
Gayunpaman, kahit na malayo pa sila sa destinasyon, biglang tumigil ang kanyang karwahe. Lumukso ang puso ni Chu Qiao, habang narinig niya ang tunog ng kampana na nagmula sa palasyong Sheng Jin.
14 na mapanglaw na tunog ng kampana ang narinig sa kalangitan. Mayroong limang mahahabang tunog na may siyam na maiikli, naiiba sa karaniwang siyam na mahaba at limang maiikling tunog na sumisimbolo sa awtoridad ng Emperor. Sa sandaling ito, ang tunog ay tila napakapanglaw at seryoso, habang dinala ng hangin ang tunog, ikinakalat ang pakiramdam sa kabuuan ng masaganang lupain.
Ang lahat ng mga naglalakad, nakatayo, nanonood, nagkakagulo sa paligid, lahat ay tumigil sa kanilang ginagawa habang ang kalangitan ay natahimik. Maging ang mga ibon sa himpapawid ay tila tumigil. May naunang tumugon. Ang iba ay sumunod habang ang masa ng mga tao ay biglang yumuko ng mababa sa direksyon ng palasyong Sheng Jin. Maririnig sa buong syudad ang malakas na pag-iyak, lalo na mula sa Zi Wei Square kung saan nagtipon ang mga tao.
Hinubad ni Chu Qiao ang kanyang belo at itinaas ang kurtina sa karwahe. Hinaplos siya ng hangin, dahilan upang sumayaw sa hangin ang kanyang buhok. Tanging sa sandaling ito niya lang naintindihan sa wakas ang nangyari.
Pumanaw na ang Emperador ng Xia...
Ang mga seremonyal na opisyales ng imperyong Xia ay mababang yumukod sa lupa habang malakas silang umiiyak. Ang kasamang mga opisyales ng imperyong Tang ay natigalgal sa gulat, ang kanilang bibig ay nakanganga, hindi alam kung anong gagawin sa biglaang sitwasyon na ito.
Sumakay si Zhuge Huai sa kanyang kabayo. May sobrang seryosong ekspresyon, nagsimula siyang magbigay ng mga utos para bumalik ang eskorte.
Sa simoy ng hangin na umiihip sa mga kurtina ng karwahe, tumingin si Chu Qiao sa Peacock Bridge, kung saan ay makikita na mula sa kinalalagyan niya. Ang kanyang damdamin ay tila napakahirap, at ang halo ng mga emosyon ay sunod-sunod na sumalakay sa kanya. Nang bumalik ang eskorte, ang Peacock Bridge ay tila bahagi ng isang malayong panaginip, habang ito ay unti-unting natatakpan ng patong ng mga bulaklak at dahon.
Biglang nabalisa si Chu Qiao, na parang hindi niya alam ang gagawin. Tila nadala siyang muli sa manyebeng araw na iyon. Habang patuloy silang itinutulak palayo ng kamay ng kapalaran, sa huli ay pinaghiwalay sila ng malalaking balot ng tundra at hindi magkita. Inangat ang kanyang damit, itinulak niya pabukas ang pintuan ng karwahe.
"Kamahalan!" Isang pares ng mahabang kamay ang biglang humawak sa kanya. Hindi makapaniwalang tumingin si Yu Xiaohe kay Chu Qiao na tila nais niyang tumalon pababa mula sa karwahe. Sumigaw si Yu Xiaohe, "Kamahalan, saan ka pupunta?"
Sa sandaling ito, mayroong isang taong lumingon mula sa harap ng grupo. Ang kanyang mata ay mahaba at manipis, medyo katulad kay Zhuge Yue. Siya ang kapatid ni Zhuge Yue na si Zhuge Huai.
Nanigas si Chu Qiao nang makita niya ang libu-libong sundalo sa harap niya. Unti-unti niyang isinara ang pintuan ng karwahe tapos ay umupo muli sa kanyang upuan, nalubog sa katahimikan.
Dinala siya pabalik sa Embahada ng Tang. Sa buong araw, umupo siya sa silid nang hindi man lang tumatapak kahit isang hakbang sa labas. Sa takipsilim, bumalik si Pingan na may balita na mayroong aktibong pagpapakilos sa labas ng mga pader ng syudad, at hindi pa rin isiniwalat ng palasyong Sheng Jin ang sanhi ng kamatayan ng Emperador. Nagtago ang mga sibilyan sa kanilang mga bahay, yumuyukyok sa takot.
Matapos ganap na sumapit ang kadiliman, ang Embahada ng Tang ay ganap na napapalibutan. Maging si Pingan ay hindi makakalabas upang mangalap ng karagdagang impormasyon.
Sa mala-pilak na liwanag ng buwan, biglang may magulong mga yapak. Pinalibutan ng mga tao ang buong embahada, at nang lumapit si Pingan upang makipag-ayos, isang matangkad na payat na lalaki ang lumitaw. Nakatayo si Zhuge Huai sa harap ng pintuan, nakangiti pa rin tulad ng dati. Ang pagkakaiba lamang ay ang awra na kanyang pinakawalan ay naiiba sa dati.
"Magulo ang syudad. Hinihiling ko sa Haring Xiuli na manatili dito upang maghintay at huwag pumunta kung saan."
Tumango si Chu Qiao at marahang sumagot, "Naiintindihan ko. Kuya, makakapagpahinga ka na."
Bahagyang ngumiti si Zhuge Huai. Hindi sumasagot, naglakad na siya palabas.
Sumapit ang hatinggabi habang isang kakoponya ng ingay ng labanan ang sumabog sa direksyon ng palasyong Sheng Jin. Tunog ng pakikipaglaban, mga lumilipad na palaso, pagdaing mula sa iba't-ibang mga nasugatan, kasama ang pagdagundong ng mga tambol ng digmaan ay maririnig saanman, humahalo sa isang nakakabinging tugtog.
Balisang nagmadaling pumasok si Pingan at malakas na ipinaalam, "Ate! Napapalibutan tayo!"
Suot pa rin ni Chu Qiao ang damit pangkasal niya habang nakaupo siya na may hawak na tasa ng tsaa. Nang marinig iyon, hindi man lang siya kumislot, at ang tangi niyang reaksyon ay bahagyang sumimangot sa balitang iyon.
"Ate, sisiguraduhin naming makakaalis ka!"
Suot na ni Jingjing ang kanyang mandirigmang kasuotan habang may dala siyang maliit na pana. Ilang mga matatandang opisyales ng Tang ang nakatayo sa isang sulok habang nanonood sila, ang kanilang mga mukha ay lubos na maputla.
Umiling si Chu Qiao habang nakatingin siya sa pintuan at nakakuyom ang kamao, ang kanyang mapalad na damit ay mukhang parang nalubog sa dugo sa ilalim ng kumukutitap na kandila.
"Binibini, hindi siguro mabuting tao ang Zhuge Huai na iyon. Sinusubukan niyang ikulong tayo sa bahay." Humakbang din si Meixiang.
Pagsapit ng 1 ng umaga, ang tunog ng pakikipaglaban ay halos nawala na. Naglakad si Zhuge Huai, sa oras na ito walang nang anumang pagpapanggap, at direktang nag-utos, "Mangyaring sundan mo ako."
"Anong nangyari kay Rong'er?"
"Huminga ka ng maluwag. Wala akong naunang mga problema kay Li Ce. Basta't makikipagtulungan ka sa amin, ang bata ay magiging ligtas."
Tumayo si Chu Qiao at kaswal siyang sinabihan, "Sige, susundan kita."
May paggalang siyang tiningnan ni Zhuge Huai at pinuri, "Tila magaling humusga ang aking ikaapat na kapatid."
"Hindi ka ba natatakot na ipagkanulo ang iyong pamilya?"
Napatawa si Zhuge Huai. Ang lahat ng taon ng pagdurusa ay natapos na sa wakas sa gabing ito. Bahagya siyang tumawa. "Ipagkanulo ang pamilya? Paano ka nakakasiguradong hindi namin siya inabandona?"
Umatras ang tingin ni Chu Qiao, at pagkatapos mag-isip tungkol sa pangyayari ng maikling sandali, tumango siya as wakas at sinabi, "Naiintindihan ko."
"Tulad ng inaasahan sa isang matalinong tao."
Nagtanong si Chu Qiao, "Ano ang maibibigay ni Zhao Yang sa pamilyang Zhuge na naging karapat-dapat upang makipagsapalaran ito ng malaki?"
"Walang gaano." gaanong tumugon si Zhuge Huai, "Ang tanging pag-aalala ay kapag umakyat sa trono si Zhao Yang, ang imperyong Xia ay ang imperyong Xia pa rin, pati na rin sa mga maharlikang pamilya. Gayunman, kapag nakoronahan si Zhao Che, ang imperyong Xia ay magiging Qinghai o Silangang Hu. Sa kasong iyon, mahirap sabihin kung anong mangyayari sa mga maharlikang pamilya."
Tulad ng inaasahan. Tumango si Chu Qiao at hindi tumugon.
"Ang ika-apat na kapatid ay napapalibutan na sa Zi Wei square. Mayroon lamang siyang 3,000 tauhan sa tabi niya. Ang iba pang mga sundalo ay nasa labas ng syudad. Ang hukbong Jingji, Cavalry Army, at Green Army ay nasa aming panig lahat. Sa ngayon, ang hukbong Silangang Hu ni Zhao Che ay paalis mula sa kabisera patungo sa Silangan, at hindi na niya maiimpluwensyahan pa ang sitwasyon ngayon. Ang pagpapatuloy na makipaglaban ay maantala lamang ang hindi maiiwasang pagkatalo. Kung makakatulong ka upang makumbinsi siya na sumuko, maaari ko pa siyang hayaang mabuhay. "
Nagtaas ng kilay si Chu Qiao habang tinitigan siya at nagtanong, "Totoo ba yan?"
Ngumiti si Zhuge Huai, "Nangangako ako."
"Sige, ang nagwagi ay magtatakda ng mga patakaran, at wala akong sasabihin. Mangyaring pangunahan mo ang daan."
Nagpatuloy si Zhuge Huai, "Mangyaring tiisin mo muna kami."
Inunat ni Chu Qiao ang kanyang mga kamay at sinabi, "Oo naman. Halika."
Dalawang armadong tagasilbi ang lumapit na may hawak na lubid, handa silang itali si Chu Qiao.
Ang silid ay maliwanag, at ang tunog ng pagpatay sa labas ay humupa na. Suot ni Chu Qiao ang mapalad na damit habang mukha siyang perpektong mahinahon at may kumpyansa habang nakatayo sa tabi niya ang dalawang malaking sundalo, ang bawat isa ay nakahawak sa isa niyang braso. Nakatayo si Zhuge Huai sa harap niya kasama ang apat pang gwardiyang nagbabantay sa likuran niya.
Sa pagkutitap ng mga kandila, umihip ang hangin. Sa sandaling iyon ay tila narinig muli ni Chu Qiao ang mga turo ng kanyang guro dati sa militar: Mabilis na humambalos, tumpak na pumuntirya, manatiling kalmado, at maging mapwersa.
Sa sandaling iyon nang ang buhol ay malapit na maitali sa kanyang mga kamay, kumislap ang pigura ni Chu Qiao. Naningkayad siya at humulagpos sa pagitan ng dalawang kamay ng mga gwardya. May paggalaw tulad ng kidlat, hinila niya ang mga sandata ng dalawang maskuladong sundalo, at sa isang mabilis na paghiwa, tumilamsik ang dugo sa silid!
Bago pa man tumunog ang dalawang iyak ng kamatayan, wala na ang dalawang patalim sa kanyang mga kamay at ibinaon ang sarili sa dibdib ng dalawang pang gwardya na sumugod. Sumugod si Chu Qiao, at dinakma ang isa pang gwardya sa palapulsuhan, sinakal niya ang leeg nito. May mabilis na pagtapon sa kanyang balikat, makakarinig ng natatanging paglagutok habang patay na nakahiga ang taong iyon sa sahig sa isang kakaibang posisyon.
Nang makita kung paano tatakbo na si Zhuge Huai sa huling gwardya, hinila ni Chu Qiao ang kanyang ipit at ibinato. Habang ginagawa iyon, tumalon siya at hinila ang buhok ng gwardya. May mabilis na pagpilipit, hinila niya ang malaking tapal ng balat, at sa mabilis na pagpilipit ng leeg nito, bumagsak ang lalaking iyon at tumigil gumalaw matapos panandaliang nanginig.
Tila nangyari ang lahat sa isang iglap. Matapos maayos ang huling gwardyang iyon, marahang lumapit si Chu Qiao kay Zhuge Huai na nakabaon ang ipit sa kanyang leeg. Naglabas ng patalim na nakatago sa kanyang sapatos, mahinahon niyang sinabi, "Ang nagwagi ay magtatakda ng mga patakaran. Mayroon ka bang ibang sasabihin?"
Nanlaki ang mga mata ni Zhuge Huai habang tinangka niyang pumiglas. Sa isang malakas na paghampas, isang linya ng dugo ang lumipad.
Sinipa pabukas ang pintuan, habang sinamahan ng hangin ang kaguluhan at hinipan ang alon ng mga nahulog na dahon. Ang mga sundalo bakuran ay nag-angat lahat tingin para lang makakita ng binibini na nakasuot ng pulang damit na hawak ang ulo ni Zhuge Huai. May ganap na kakalmahan sa kanyang mga mata, kaswal niyang itinapon ang ulo sa lupa.
Sa papalapit na tumatakbong mga kabayo, lumitaw ang malalaking kumpol ng sulo. Gulat na napalingon ang lahat ng gwardya. Ang pandigmang watawat na may pulang ulap na nakatahi sa puting likuran ay lumipad-lipad sa kalangitan, na may salitang Xiuli na nakasulat sa ibaba. Lumakad si He Xiao sa gate na may hawak na batang isang taong-gulang-lamang habang malakas niyang ipinahayag, "Master, nasa iyong serbisyo!"
Walang takot na lumakad si Chu Qiao sa karamihan. Saka lang tumugon ang bakuran ng mga gwardya, habang isang opisyal na nakaasul ang sumigaw, "Mga kapatid! Maghiganti para kay Master Huai! Patayin itong..." Bago pa man niya matapos ang kanyang pangungusap, isang palaso ang tumpak na tumagos sa kanyang lalamunan. Sa kadiliman, isang pulang bulaklak ang namulaklak.
Walang emosyon na tumayo doon si He Xiao kasama ang hindi mabilang na mga sundalo sa itim na baluting nasa likod niya. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na mga pana at parang isang pulutong ng mga mandirigmang terracotta na nakatingin sa mga mortal na sundalo.
Tumagal ang mabigat na kapaligiran habang si Chu Qiao ay nagpatuloy na maglakad sa kanyang mapalad na pulang damit. Kaswal na pumulot ng patalim, sumakay siya sa kabayo na dinala ni He Xiao. Sa kanyang malamig na titig, tinignan niya ang mga tao. Saanman siya tumingin ay tila bumababa ang temperatura, na parang ang kanyang mga mata ay kayang gawing isang dagat ng yelo ang kapaligiran.