Ang bagay na ito ay kaswal na tinawanan lang ng korte ng Xia, iniisip ng mga opisyales na ang Yan Bei ay nabaliw na dahil sa kahirapan upang aktwal na mag-alok ng pakikipagkalakalan sa Xia. Kahit na kulang ang Xia ng mga pandigmang kabayo at batong bakal, maaari pa rin silang makipagkalakalan sa Tang at Song. Para sa Yan Bei, basta't isara ng Tang ang kanilang mga ruta sa pangangalakal, maaari lamang silang humingi sa Xia ng tulong.
Likas na hindi papansinin ng Xia ang Yan Bei tungkol sa mga bagay na ito. Sa halip, ang Central Surveillance Organization ng Xia at pinuno ng sekretarya ay nagsanib pwersa sa kauna-unahang pagkakataon, bumuo ng isang mahabang sanaysay upang kutyain ang mga ginawa ng Yan Bei.
Ang bagay na ito ay itinuturing na hindi gaanong mahalaga sa parehong imperyo, ngunit maliwanag na itinampok nito ang unti-unting pagbagsak ng Yan Bei sa kahirapan. Bagaman hindi nakakaangat ang Xia, ang moral ng kanilang mga opisyales ay lumakas nang makita ang kaaway nila na nahihirapan kasama nila. Sinimulan nilang pasalitang isulong ang ideya na puksain ang Yan Bei na para bang madali lang itong gawin. Kahit na ang ilang mga kamag-anak ng pamilya ng hari, na nakatalaga sa labas ng kabisera, ay sumulat kay Zhuge Yue, humihiling na salakayin niya agad ang Yan Bei, upang lipulin ang lahat ng pulubi doon.
Malamig na tumingin si Zhuge Yue sa korte, sa mga opisyales kung saan ang emosyon ay napukaw. Napaisip siya sa sarili na hindi maalam ang mga taktika ni Yan Xun, ngunit direktang tinukoy nito ang kanyang problema. Nagawa niyang guluhin ang buong hukuman sa ilang pangungusap lamang.
Nang sinabi niya ang mga salitang ito, naguluhan si Chu Qiao. May proseso ng pag-iisip si Zhuge Yue na mas malalim kumpara sa isang normal na tao. Alam niya na nagkukunwaring mahina si Yan Xun, upang bitagin ang hukbo ng Xia patungo sa kanya. Ilang taon niyang nakasama si Yan Xun at kilala niya itong mabuti. Sa pagkatao nito, kahit makipaglaban ito hanggang kamatayan, hindi niya gagawin ito. Nararapat ba talaga ang sakripisyong ito upang guluhin ang kaaway?
Nang dumating ang tagsibol, nagsimulang mamulaklak ang mga bulaklak. Gayunpaman, tumanggi ang malamig na hangin na mawala. Kapag binuksan ang mga bintana, makakakita pa rin ang mga yelong nakabitin sa bubong. Tila mas matagal kaysa sa dati ang taglamig na ito. Gayunpaman, wala sa isip na alam ni Chu Qiao na hindi magtatagal ay mangyayari na ang mga bagay-bagay.
Umalis si Zhuge Yue sa isang paglalakbay tungo sa Lungsod ng Ye sa loob ng kalahating buwan. Tatlong araw ang nakalilipas, natanggap ni Chu Qiao ang balita na may isang salungatan na nangyari sa labas ng Yanming Pass. Gayunpaman, ito ay isang hukbo lamang ng humigit-kumulang 30 mga sundalong lasing na nagsidating sa tarangkahan ng Longyin Pass, na nagpakawala ng maraming mga palaso. Bilang resulta, isang sundalo mula sa hukbo ng Yan Bei ang nawalan ng buhay, habang may tatlong iba pa na nasugatan. Sa kabila nito, hindi gumanti ang Yan Bei.
Tumagal ng sampung araw bago nakarating ang balita sa syudad ng Zhen Huang. Sa papel na naglalaman ng mensahe, hinihiling ng heneral ng hangganan sa korte na magpadala ng mga sundalo patungo sa Yan Bei, sinasabi na kulang sa lakas-tao ang Yan Bei at nagdudusa mula sa taggutom. Ang mapagkukunan ng kanilang militar ay ubos na, habang may nagaganap na mga pag-aaway sa loob. Bukod dito, ipinapahayag niya na ang balita ay maaasahan at ito ang pinakamagandang oras upang magsimula ng isa pang salungatan sa hilaga. Kapag nawala ang pagkakataon, mahirap nang salakayin muli ang Yan Bei.
Bago pa man ang mensahe na ito, may mga ingay sa loob ng korte na salakayin ang Yan Bei. Ang mensaheng ito ay pinalala lamang ang sitwasyon, pinukaw ang hangarin ng Xia na magsimula ng isa pang digmaan. Mula sa korte hanggang sa mga sibilyan, ang pagnanasa ng lahat ay nalagablab. Ang may lupain ng Xia ay mula sa labas ng daraanan; sila ay isang lahi na gustong lumaban. Sa oras na ito, sa ilalim ng instigasyon ng ibang partido, lalo silang naging masigasig sa ideya ng isa pang salungatan. Nang sumapit ang gabi, tunog ng mga kutsilyo na pinapatalas ay maririnig sa buong lungsod; ang mga opisyales mula sa Central Surveillance Organization ay naglagay ng mga habong sa Rose Square upang maglista ng mga pinilit magsundalo sa hukbo. Isang mahabang listahan ng mga pangalan ay sulat sa noticeboard at nakasabit sa harap ng Rose Square, sa bawat tao na nanumpa sa dugo bago iyon. Sapat na nakakatakot ito upang maghatid ng ginaw paakyat sa kanilang likuran.
Sa kabila ng kagustuhan ng publiko na makipagdigma, inantala ng palasyong Sheng Jin ang pagpapalabas ng opisyal na utos. Ang karamdaman ng emperor ay muling lumabas, dahil hindi siya nakakapunta sa korte nang pito hanggang walong araw. Sa ilalim ng sinasadyang instigasyon ng angkan ng mga Nakatatanda, nagsimula ang paunang-salungatang paghahanda para sa mga sibilyan. Maging ang mga binuong hukbo mula sa iba't-ibang teritoryo ay nagsimulang magtipon sa kabisera hawak ang kanilang espada.
Apat na beses sumulat si Chu Qiao kay Zhuge Yue, ngunit bago siya makatanggap ng tugon, nakatanggap siya ng pagbisita mula kay Zhuge Huai, na matagal na nawala. Pansamantala siyang natigalgal.
Nakabalik si Zhuge Huai sa kabisera mula sa lupang pansariling pinamamahalaan ng pamilyang Zhuge. Bagaman pinalayas siya ni Zhuge Muqing sa pamilya matapos ng kasawian na nangyari kay Zhuge Yue, naibalik siya sa rehistro ng pamilya nang sandaling bumalik si Zhuge Yue na may kaluwalhatian, na parang walang nangyari. Tatlong taon niyang nilisan ang kabisera. Ang dahilan kung bakit siya bumalik ay upang dumalo sa kasal nina Chu Qiao at Zhuge Yue.
Isang buwan ang nakalilipas, pumasok ang bigay-kaya ni Chu Qiao sa tarangkahan ng Zhen Huang. Tinatayang mayroong higit 400 karwahe ng mga materyal na kalakal, inihatid ng 50,000 katao. Ang mga opisyales ng Tang ay bihis na bihis, nahahawig sa kasal ng hari.
Ito ay isang masayang tanawin habang ang syudad ay napipinturahan ng pula. Ang mga talulot ng bulaklak ay nakakalat sa lahat ng dako habang ang 3,000 tagasilbi sa palasyo ay pinangunahan ang daan, nagigiliran ng 20,000 sundalo na may buong katawang baluti mula sa hukbong Xiuli, at 20,000 sundalo mula sa hukbong Wolf. Nakakaintimidang tanawin ito; maging ang mga maharlika mismo ay hindi nagsagawa ng labis na ritwal.
Ang mga sibilyan ng Zhen Huang, kasama ang mga opisyales ng Xia, ay natigalgal. Ito ang bigay-kayang ginugulan ni Li Ce ng dalawang taon na paghahanda para sa kanya. Ito ang pangwakas na kilos ng kalabisan, karangalan, at kagitingan. Kahit na pumanaw na siya, puno ng obligasyon siya nitong binantayan sa pamamagitan ng ganoong kilos, tinitiyak na hindi siya minamaliit ng iba.
Ang katayuan ng pamilyang Zhuge ay agad na tumaas dahil sa pakikipag-isa nila sa imperyong Tang, sa pamamagitan ni Chu Qiao. Si Zhuge Muqing, na nagkasakit, ay bumalik mula sa kanyang lupaing pansariling pinamamahalaan, nakibahagi sa pormalidad sa mga opisyales ng Tang. Si Zhuge Yue, sa kanyang kakayahan, ay nagawang mahanap ang maraming malalayong kamag-anak mula sa pamilyang Jing, marami sa kanila ay hindi pa nakita ni Chu Qiao. Gayunpaman, ang mga may puting buhok na mga matatandang ito ay umiyak nang makita siya, ipinapahayag kung gaano nila siya namiss, dahil hindi siya nakita ng mga ito ng maraming taon.
Ang ilan sa mga matatanda mula sa pamilyang Jing ay binigyan ng lugar sa tirahan ng chief marshal upang tuluyan. Kahit na walang magandang impresyon sa kanila si Chu Qiao, inutusan ni Zhuge Yue ang kanyang mga tagasilbi na tratuhin nang mabuti ang mga ito. Sa susunod na mga araw, ang lahat ng ginawa ni Chu Qiao ay umupo sa kanyang silid, habang nakikinig sa mga ito na nagtuturo sa kanya ng mga kaugalian ng pag-aasawa, ang mga responsibilidad ng pagiging asawa, kasama ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin.
Habang papalapit ang araw ng kanyang kasal, mas nababalisa siya. Habang ang mga mata ng buong mundo ay nakatuon sa kanya, hindi siya nakaramdam ng kapayapaan, madalas nararamdaman ang nakatagong panganib sa likod ng kalabisan na ito. Bilang resulta, hindi siya makakain o makatulog ng maayos. Sinubukan ni Zhuge Yue na aliwin siya sa pagsabi na labis siyang nasiyahan, habang inaaliw niya ang sarili sa pagsang-ayon sa lalaki. Hinihiling niya na isa lamang itong pananamlay bago ang kasal, imbis na isang masamang premonisyon na sanhi ng kanyang pang-anim na pakiramdam.
Gayunpaman, matapos umalis ni Zhuge Yue, ang kanyang hindi pagkapakali ay nagsimulang maging mas halata. Pagkaraan nito, ang mga kakaibang piraso ng impormasyon mula sa Yan Bei at ang mga suliranin sa korte ay pinalaki lamang ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang emosyon. Maaari lamang siyang maupo at manood habang ginagawa niya ang mga kinakailangang pag-iingat, habang hinihintay na bumalik si Zhuge Yue para sa kasal.
Suminag ang sikat ng araw sa pabelyon, kinukulayan ang kapaligiran ng bahagyang ginintuan. Ang anino ng mga bulaklak ay tumama sa silid at sa kanyang mata sa mga sanga ng willow. May hawak siyang letterhead sa pagitan ng mga daliri niya, kaamoy ng baluti at pulbura. Ang mga salita ay malakas at saganang isinulat.
Nakabihis si Chu Qiao ng maputlang puting damit habang nakasandal sa malambot na banig. Isang hawla ng ibon ang nakabitin sa bintana, nakabukas ang pintuan nito. Isang puting ibon na may tatlong pulang balahibo sa buntot nito ay tamad na natutulog sa loob ng kulungan, wala ang nakagawian nitong kahanga-hangang tindig. Sinabi ni Yue Qi na ito ang personal na alagang hayop ni Zhuge Yue, isang kulay nyebeng kwago. Ito ang pinaka mabangis na lumilipad na hayop sa Qinghai; ito ay mabilis, maliksi, matalino at may matalim na mga kuko at ngipin.
Ginamit ni Chu Qiao ang kanyang chopstick upang kunin ang isang piraso ng nilagang karne na may sarsa. Ang ibon, hindi man lang nagpapakita ng emosyon, ay inagaw ang piraso ng karne mula sa kanya sa isang mabilis na paggalaw at nilunok ito matapos nguyain nang dalawang beses. Pagkatapos, nagpatuloy ito sa pagtulog na ang ulo ay nakatagilid sa isang tabi.
Talagang isa itong tamad na ibon. Hindi man lang ito gumawa ng isang tunog buong araw.
Tumingin si Chu Qiao dito habang humahaplos ang kanyang mga daliri sa letterhead. Isang bahid ng kagalakan ang namuo sa kanyang puso. Bagaman tamad ito, kapaki-pakinabang pa rin ito.
Ang mga liham na ganito ay kilala bilang isang pag-uusap sa pagitan ng dalawang walang kaugnayan na tao. Sa kasalukuyan, ito ay naging isang pag-uusap sa pagitan ng dalawang miyembro ng pamilya.
Papalapit na ang araw ng kasal. Sa ikalawang araw, babalik na ang lalaki. Pagkatapos nito, isusuot niya ang kanyang korona at manto at sasakay sa napakagandang sedan. Sa ilalim ng nakakabinging tunog ng mga tambol at instrumento sa musika, opisyal na siyang magiging bahagi ng pamilya nito, makikilala bilang lehitimong asawa nito. Ang gintong piraso ng papel na nakasulat ang karakter ng kapanganakan niya ay nakalagay pa rin sa ilalim ng kanyang unan. Napapalamutian ito ng mga guhit ng pato ng tsina, ibon, at namumulaklak na mga bulaklak, na nakasulat ang pangalan nila dito.
Napaisip si Chu Qiao sa kanyang sarili na marahil, siya ang kulay nyebeng kwago mula sa Qinghai na hinubad ang kabangisan nito at ang pagnanais na pumatay, pinili na masayang mabuhay pagkatapos sa kapayapaan sa isang bahay na gawa sa ginto, hindi kailanman nais na muling makipagsapalaran.
Maraming pintuan sa mundong ito. Iyong pumipigil sa pag-unlad ng mga tao ay madalas na hindi nakikita. Siya ang chief marshal ng hukbo ng Xia, at isang panginoong may-lupa na may pamamahala. Ikakasal siya sa pamilya nito tulad ng kung paano ikakasal ang isang prinsesa; ang kanyang bigay-kaya ay natipon nang buo sa bakuran, nagmumukhang isang lupain ng kayamanan. Ang mga taong namamahala sa kasuotan ng palasyo ang pinili ng kanyang kasuotan sa kasal. Marami din siya natanggap na mga regalo mula sa mga pamilya ng hari, habang ang palasyo ay punong-puno.
Mas nasasabik din siyang kumilos, kung saan ay bihira. Paminsan-minsan, titignan niya ang mga regalo kasama sina Jingjing, Meixiang at Huan'er. Dahil hindi pa marami ang nakikita nila sa mundo dati, pagkakita ng isang pambihirang regalo, masaya silang mapapabulalas, kumikilos na parang mga taga-probinsya.
Ngayong gabi, lilipat siya sa mansiyon ng pamilyang Zhuge, habang tinulungan siya ng babaeng pinuno ng sambahayan Zhuge sa paghahanda sa kasal. Dahil wala siyang pamilya, maaari lamang siyang manirahan sa sambahayan ng Zhuge bago ang kanyang kasal, kung saan siya nakatira noong bata pa siya. Mula roon, opisyal siyang papasok sa tirahan ng chief marshal, at magiging asawa nito.
Lumipas ang oras sa isang iglap; hindi nagtagal, sumapit ang madaling araw, nagsasaad sa pagsisimula ng susunod na araw.
Matapos niyang lumipat siya sa sambahayan ng Zhuge, hindi niya nakita ang pinunong babae sa sambahayan. Sa halip, sinamahan siya ng mga tao mula sa pamilyang Jing. Isinama ni Chu Qiao ang isang batang babae na nagngangalang Yu Xiaohe sa kanyang tabi upang maging kanyang personal na katulong. Sa tuwing matutulala siya, ang batang babae na ito na may mababang estado sa lipunan ay magsisindi ng insenso. Ang insenso na ito ay may pamilyar na amoy, na nagpapaalala sa kanya ng isang resipe na natutunan niya noong bata pa siya.
Bagaman ang halaga ng halo-halong halamang gamot ay hindi mahalaga, ang amoy na ibinibigay nito ay nakakapagpaalwan sa kaluluwa, hinahayaan ang mga taong nagdudusa sa bangungot na magkaroon ng masarap na tulog.
Pagkalipas ng dalawang araw, isang tagasilbi ang dumating dala ang balita na nakabalik na sa syudad si Zhuge Yue, at dinalaw nito ang kanyang mga magulang sa tirahan ng pinaka matandang pamilya. Gayunpaman, dahil sa tradisyon, hindi ito pinayagang bisitahin siya. Nang marinig niya ang balita, naliligo siya. Isang katulong ang nagbigay sa kanya ng liham tapos ay binuksan niya ito gamit ang basang kamay. Ang liham ay may isa lamang pangungusap na nakasulat dito.
"Nakabalik na ako, susunduin kita sa loob ng limang araw."
Ang araw ng kanilang kasal ay nasa ika-limang araw.
Nang gabing iyon, itinabi ni Chu Qiao ang isang tuyong baging, dahilan upang kumiskis sa kamay niya ang ilang puting pulbos. Nang hinuhugasan niya ito sa isang palanggana ng tubig, nakaramdam siya ng ilang emosyon na umakyat mula sa kailaliman ng kanyang puso.
Ang palanggana ng tubig ay kumislap ng bahagyang ginintuan habang ang letterhead ay nalubog sa ilalim ng ibabaw nito. Bahagyang bakas ng mga salita sa maliit at maayos na hilera ang lumitaw; iyon ang tunay na mensaheng nais nitong iparating, kung saan ay nakatago sa ilalim ng ibabaw ng sulat.