Talagang umiyak siya para sa lalaking naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang mga kapatid, at ikinulong siya ng maraming taon.
Naalala niya noong umagang iyon nang kumalat ang masamang balita sa residensya ng Zhuge. Pumasok si Yue Shisan sa mga pintuan ng Qingshan Courtyard, may alikabok sa buo niyang katawan, sinusundan ng mga lingkod ng bakuran. Bago pa sila magkaroon ng oras upang makatugon, hinalughog ng mga ito ang buong lugar. Pagkatapos noon, ang mga opisyales mula sa Hukom ng Shang Lu, ang mga yamen mula sa Great Temple Dwellings, ang mga inspektor mula sa Elder Clan ay nagsampa ng iba't-ibang bintang sa ulo ng lalaki, kinabibilangan ng katiwalian, pakikisabwatan sa mga kaaway, paghadlang sa mga utos ng militar, sinisira ang reputasyon ng militar sa pagiging suwail, at kahit na pagtataksil.
Ang reputasyon ng Qingshan Courtyard ay nagkapunit-punit. Ang mga gwardya ng Yue ay nagsipuntahan at binisita ang mga kaibigan ni Zhuge Yue mula sa ibang mga pamilya, nagmamakaawang linisin ang kanyang pangalan, magpakilos ng mga sundalo patungo sa Yan Bei upang ipagpatuloy ang kanilang operasyon ng pagsagip at hanapin siya. Gayunpaman, walang sinuman ang handang tumulong sa kanila, maliban kay Zhao Che, na nagdusa mula sa kaparehong kapalaran na matalo sa digmaan at kamuhian ng lahat. Maging ang pinuno ng pamilyang Wei na si Wei Shuye, ay iniwasan sila at tumanggi na makita sila.
Sa huli, kahit si Zhao Che ay ipinatapon sa hilaga habang ang bangkay ni Zhuge Yue ay ibinalik sa Xia ng Yan Bei. Kahit na nagbayad ng malaking pantubos ang pamilya Zhuge upang maangkin ang kanyang katawan, pinalayas siya ng mga ito sa talaan ng pamilya. Tumayo si Zhuge Muqing sa harap ng tarangkahan ng syudad habang tinanggap niya ang hatol ng Elder Clan, personal na hinampas ang bangkay ng kanyang anak, nilagdaan ang kanyang hangarin na putulin ang ugnayan sa kanya. Matapos ang kamatayan ni Zhuge Yue, hindi niya nailibing sa templo ng ninuno. Ang kanyang katawan ay itinapon sa isang lugar na libingan ng marami upang kamuhian ng marami. Ang kanyang pangalan sa militar ay tinanggal din. Ang mga babaeng alipin ng Qingshan Courtyard ay pinalayas din, para lang mahuli at ibenta ng ibang may-ari ng alipin. Ang kanilang buhay ay nagkagulo bilang resulta.
Matagal na rin, ngunit naaalala niya ang mga oras noon nang pinagdaanan niya ang lahat ng ito. Dahil sa lubos niyang pagtangging makipagtulungan, nagbayad ang amo ng bahay-aliwan ng dalawang lalaki upang pwersahang kunin ang pagka-birhen niya. Lumapit ang mga ito sa kanya; naaalala niya ang dilaw na mga ngipin ng mga ito, at ang masangsang na amoy ng alak na nagmumula sa kanilang mga bibig. Malakas sila, na may mga itim na kalyo sa kanilang palad. Nang makatapak sila sa silid, hinubad nila ang kanilang pantalon, hindi na makapaghintay pa. Nakaladkad ang kanilang pantalon sa kanilang mga paa, inilalantad ang nakakadiring bagay na iyon sa pagitan ng kanilang mga binti.
Lahat ng pagpupumiglas at paghingi ng tulong niya ay walang pinatunguhan. Bagaman may natutunan siyang ilang martial arts mula kay Zhuge Yue, hindi niya ito masyadong pinagtuunan ng pansin dahil sa lagay ng kaisipan niya noon. Idagdag pa, walang pakinabang ang mga galaw na iyon dahil binigyan siya ng pampakalma. Tulala lamang siyang nakatingin habang punupunit ng mga ito ang kanyang mga damit at mas lumalapit.
Sa kabilang silid ay si Lan'er mula sa Qingshan Courtyard; sa silid sa likuran ay ang anak na babae ng nag-alaga kay Zhuge Yue, si Zhixiao. Lahat ng paghingi nila ng tulong at ang pagtawa ng mga kalalakihan ay umalingawngaw sa kanyang tainga. Akala niya ay manhid at sapat na ang lakas niya mula sa lahat ng mga karanasan na ito; naisip niya na sapat na ang lakas ng loob at tapang niya na hindi magmakaawa sa mga walang hiyang tampalasan na ito. Gayunpaman, sa sandaling nilapastangan siya ng mga lalaki, nang kumalat ang sakit sa buong katawan niya, nagsimula siyang umiyak sa kahihiyan. Tulad ng ibang mga alipin sa Qingshan Courtyard, isinigaw niya ang pangalan ng taong iyon.
"Zhuge Yue, iligtas mo ako!" Minura niya ang dalawang lalaki, paulit-ulit na sinigaw, "Ipaghihiganti ako ng Young Master! Lahat kayo ay kakila-kilabot na mamamatay!"
Gayunman, kaswal na hindi ito pinansin ng mga lalaki at naghatid ng isa pang malupit na katotohanan sa kanya: Namatay sa Yan Bei si Zhuge Yue. Ang kanyang katawan ay nakain na ng mga mabangis na aso.
Sa sandaling iyon, umiyak siya, nawalan na ng pag-asa. Bigla niyang naalala ang mga nagdaang panahon, kung saan tinuruan siya nitong magbasa, kung paano sumakay ng kabayo, kung paano maging isang taga-istratehiya ng militar, at kung paano ipagtanggol ang sarili. Minsan, inuutusan siya nito na umupo sa tabi niya nang walang ginagawa. Anuman ang mga pang-iinsulto nito, nanatili itong patay-damdamin habang patuloy na umiinom ng alak, binibigyan siya ng paminsan-minsang naiinis na titig.
Pinatay niya si Linxi, Xiaoqi, at ikinulong siya ng sampung taon. Sinaktan at pinagsabihan siya nito; mayroon silang tuluy-tuloy na hindi mapagkakasundong away. Gayunpaman, hindi siya nito pinahiya ng ganito. Ilang beses siyang iniligtas nito sa bingit ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang ligtas na kanlungan upang mabuhay. Sa kabila ng kanyang nakakahiyang katayuan sa lipunan, at sa kabila na alam kung para kanino ang pagtrato na ito, pinangangalagaan talaga siya ng lalaki. Noong bata pa siya at nabubuhay sa gitna ng magugulong oras na ito, nang wala siyang anumang sa kanyang pangalan, pinrotektahan siya nito ng maraming taon.
Sa pinaka nakakahiyang paghihirap sa kanyang buhay, walang magawa niyang tinawag ang pangalan ng lalaki, inaasahan na ililigtas siya nito. Gayunpaman, sa huli, hindi nito nagawa. Namatay ito sa manyebeng kalupaan ng Yan Bei para sa kanyang ate, sa kamay ng hukbo ng Yan Bei.
Nang gabing iyon, umiyak siya nang malakas sa kawalan ng pag-asa, tulad ng isang batang hayop na nawalan ng ina. Masakit sa puso itong tingnan. Gayunpaman, ang kanyang kalungkutan ay tumagal lamang ng isang gabi. Hindi tulad nina Zhixiao at Lan'er, na pinatay ang sarili pagkatapos nito, tila naliwanagan siya. Nagsimula siyang matuto kung paano tumugtog ng instrumento sa musika, maglaro ng chess, magbasa, gumuhit, at mang-akit ng mga kalalakihan. Nagsimula niyang matutunan ang mga kinakailangang bagay upang matiyak ang kanyang kaligtasan sa lugar na ito. Yamang hindi siya maaaring umasa sa ibang tao, maaari lamang siyang umasa sa kanyang sarili. Dahil nakatadhanang gugugulin niya ang natitirang oras ng kanyang buhay dito, determinado siyang mapabuti ang kanyang buhay. Dahil siya ay naitapon sa buhay ng prostitusyon, determinado siyang maging pinakasikat at pinaka hinihiling na binibini.
Dito, nagawa niyang mag-isang magplano at patayin ang mga kalalakihan na nagpahiya sa kanya, makalipas ang dalawang buwan. Habang pinagmamasdan niya ang mga kalalakihan na mamatay sa harap niya, nakaramdam siya ng hindi mailalarawan na pakiramdam ng kasayahan at kabaliwan. Naisip niya na magpapatuloy siyang mabuhay sa kahalayan, hanggang sa makilala niya ang lalaki.
Sa araw na nakilala niya si Zhao Song, kasama niyang naglilibot ang isang mayamang negosyante sa lawa. Ang matabang lalaki, na ang edad ay higit sa 50, ay mahalay. Sa ilalim ng paningin ng lahat, pinunit nito ang kanyang damit. Sa natatarantang estado, aksidente niyang nasugatan ang mukha ng lalaki. Sa galit, itinapon siya nito sa lawa.
Ang panahon sa Zhen Huang ay malamig pa rin sa ikalimang buwan. Ang ibabaw ng lawa ay kakatunaw lamang; ang temperatura ay nagyeyelo pa rin. Nakabalot siya ng makapal na damit; ang kanyang mga paa ay nagsimulang magmanhid. Hindi niya alam kung paano lumangoy, habang nagsimula siyang lumubog patungo sa ilalim ng lawa matapos ng ilang pagtatangka ng walang saysay na pagpumiglas. Habang ang sinag ng araw, kalangitan, at mga ulap ay magsimulang mawala, napalitan ng mapanglaw na kadiliman at isang walang katapusang pag-agos ng malamig na tubig, ang kanyang paghinga ay nagsimulang humina. Nang nasa bingit siya ng kamatayan, naisip niya si Zhuge Yue nang ito ay namatay. Ganito rin ba ang naramdaman niya, malamig at nag-iisa, na may kaunting pakiramdam ng init sa kanyang puso? Mawawala rin ba ang mga huling labi ng init?
Gayunpaman, habang naghahanda siyang ihinga ang huling paghinga, may humawak sa kanyang baywang. Hinila siya sa ibabaw ng tubig ng kung sino. Nang sumikat muli sa kanya ang araw, umubo siya at humingal para sa kanyang buhay, hindi mapigilan ang kanyang saya na maligtas mula sa bingit ng kamatayan.
Nakatayo sa tabi niya si Zhao Song, nakikipag-usap sa utusang batang lalaki na basang-basa. Habang nakatingin siya sa lalaki, kalmado siyang lumingon pabalik. Isang pakiramdam ng pagkabigla ang lumamon sa kanya tapos ay sumimangot siya. Kakaiba itong tumawa at nagwika, "Pagkakataon nga naman. Kamukha mo ang taong kilala ko sa nakaraan."
Dati, sinabi ng lalaki ang mga salitang iyon nang may ngiti, ngunit nakaramdam siya ng kalungkutan sa tinig nito. Ang ekspresyon nito ay kalmado ngunit malamig.
Katulad nito, inampon siya nito. Isa siyang bumagsak na prinsipe, ngunit matapos ang lahat ay bahagi siya ng pamilya ng hari. Sa wakas ay natanggalan na siya ng kanyang katayuan bilang isang alipin, nakakakuha ng kalayaan na ninais niya sa loob ng sampung taon. Gayunpaman, sa huli, kusang-loob siyang naging alipin sa ilalim ng lalaki. Matapos itong malaman ng lalaki, hindi siya nito pinigilan, bagkus ay pinili na respetuhin ang kanyang desisyon.
Sa isang iglap, maraming taon ang lumipas.
Hindi niya mailarawan ang kanyang naramdaman kay Zhuge Yue. Sa oras at panahon, sa sama ng loob at pag-asa sa kanya, ang kanilang relasyon ay naging isang bagay na masyadong kumplikado. Hindi niya ito naiintindihan, o gustong maintindihan. Gayunpaman, lubos niyang batid ang nararamdaman niya kay Zhao Song. Walang bagay tulad ng utang na loob o pasasalamat. Ang tanging gusto niya ay makasama ang lalaki, umaasa na mapapansin at maaalala siya nito. Gayunpaman, hindi nagkatotoo ang kanyang hiling.
Dalawang lalaki lamang ang minamahal niya sa buhay niya, ngunit pareho silang nagmamahal sa ibang babae. Ang babaeng ito ay kanyang ate, na malaki ang utang niya.
Malupit ang kapalaran at tunay na gustong tuyain ang mga tao.
Kaya, nadama niya ang lahat ng kumplikadong emosyon na ito sa kanyang ate, na lagi niyang naaalala na matapang at determinado. Sa sandaling nakita niya ito, halos hindi niya mapigilan ang kanyang mga emosyon.
Gayunpaman, ang lahat ng ito ay hindi na mahalaga. Tapos na ang lahat; malapit na siyang umalis kasama ang lalaki. Lahat ng iba pang mga alalahanin ay wala na. Ano naman kung may pagkakaiba sa kanilang katayuan? Ano naman kung bumagsak na ang lalaki? Ano naman kung may ibang laman na ang puso nito? Determinado siyang sumunod sa lalaki. Kahit ano ay maaaring mapigilan siya, ngunit hindi mapupuksa ang kanyang mga pagsisikap at determinasyon.
Tumingin siya sa lalaki. Ito ang unang pagkakataon sa apat na taon na nagbihis siya tulad ng isang babae sa harap ng lalaki, naglagay ng kolorete sa mukha upang harapin ang marangal ngunit bumagsak na prinsipe. Ang kanyang mga mata ay maliwanag; maganda ang mukha niya. Ang kanyang ngiti ay makinang sa ilalim ng sikat ng araw, habang tumatawa siya at sinabi, "Hindi ako gumagawa ng gulo. Gusto ko lang sumunod sa iyo."
Malamig siyang tinanggihan ni Zhao Song at sumagot, "Bakit mo ako susundan? Bumalik ka."
Hindi man lang tumingin si Xiaoba sa mata nito habang nag-abot ng kutsilyo.
"Kung gayon ay patayin mo ako."
Sumimangot si Zhao Song at inutusan ang utusan, "AhJiang, alisin mo siya sa karwahe."
"Bahala ka," Desididong tumalikod si Xiaoba at sumagot. Inayos niya ang mga dokumento sa kanyang kamay at nagpatuloy sa masiglang boses, "Mayroon na akong kompletong dokumento. Mayroon akong dokumento para sa aking sarili upang legal na maglakbay. Hindi na ako isang alipin na ang kalayaan ay limitado. Mayroon akong salapi at pagkain. Maaari mo akong itaboy, ngunit hindi mo ako mapipigilan na sumunod sa likuran mo. Susundan kita hanggang Qianghu. Kung ayaw mo sa akin, hahanap ako ng lugar na matitirhan sa paligid mo. Kahit na ikaw ay isang prinsipe ng Xia, hindi mo mapigilan ang isang sibilyan na sumusunod sa batas na lumabas upang maglibot."
Kalmado siyang tumingin sa lalaki, may walang alalahanin na ekspresyon, walang anumang gulat o pagkabalisa. Ang malinaw ngunit matigas na ulong itsura sa kanyang mukha ay naglalaman ng ilang elemento ng pang-iinis, habang kahawig niya ang isang matigas na ulong sugarol.
Biglang naramdaman ni Zhao Song na sumakit ang puso niya habang nakatingin sa babae, naalala ang unang pagkakataon na itinaboy niya ang taong iyon, ngunit nakita ang katulad nitong babaeng matigas ang ulo sa harap niya. Ang kanyang tinig ay mababa at malamig habang kalmadong sinasabi, "Alam mo ba na kapag umalis ako sa lugar na ito, hindi na ako isang prinsipe ng Xia?"
Nagsimulang sumakit ang puso ni Xiaoba. Tiningnan niya ang bagsak na mukha ni Zhao Song habang naramdaman niya ang damdaming naglalagablab sa kanyang puso. Gayunpaman, hindi niya ito ipinakita, sa halip ay pinipili na manuya. "Wala akong pakialam sa pagkakakilanlan mo. Kalimutan mo na kung hindi mo ako papayagan sundan ka. Aalis na ako. Sa karamihan, susunod ako sa likod mag-isa."
Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, tumalikod siya at naghandang tumalon pababa sa karwahe.
Bigla, isang mahabang kamay ang humawak sa kanyang makinis na baywang. Ang kamay nito ay mabuto ngunit malakas; ang balat nito ay makinis habang maraming kalyo sa kanyang palad. Bagaman ito ang kaliwang kamay niya, hindi pangkaraniwan na maliksi ito.