Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 246 - Chapter 246

Chapter 246 - Chapter 246

Responsableng sinabi ni Meixiang, "Kailangan ko pang ayusin ang silid mo para sayo."

"Hindi na kailangan. Maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya aayusin ko ito mismo." Hindi na naghintay pa si Chu Qiao na makatugon si Meixiang bago kinuha ang tubig at bumalik sa silid. Kasunod noon, idinikit niya ang kanyang tainga sa silid. Saka lang maginhawang nakabuntong-hininga si Chu Qiao matapos umalis ni Meixiang at Jingjing.

Sumandal si Zhuge Yue sa higaan at kaswal na sinabi, "Tignan mo ang sarili mo, na parang may ninakaw ka."

Tumingin si Chu Qiao sa kanya. Lumapit, hinila niya ang braso nito. "Habang walang kung sino dito, bilisan mo na bumalik sa sarili mong silid."

"Ayoko nga," malutong na tanggi ni Zhuge Yue. "Saka lang pag hinilamusan mo ang mukha ko para sa akin."

Naguluhan si Chu Qiao at nagtanong, "Bakit?"

"Kapag hindi mo iyon ginawa, hindi ako babalik."

"Zhuge Yue... isa kang..." matagal na nag-isip si Chu Qiao bago sa wakas ay lumapit sa palanggana at inihanda ang tuwalya upang tumulong na hilamusan ang mukha ng lalaki. Inirolyo niya pataas ang kanyang manggas. Ang kanyang postura ay hindi mukhang sinusubukan niyang hugasan ang mukha ng isa, ngunit mas mukhang mag-uumpisa siya ng away.

Naningkayad sa harap ng lalaki, buong lakas siyang nagpunas sa mukha nito. Napakakaunti itong napasimangot ngunit walang sinabing kahit ano habang pinapanatili ang ngiti niya. Biglang hindi mainam ang naramdaman niya at nagsimulang malumanay na pahiran ang mukha ng lalaki pagkatapos bumuntong-hininga.

Habang sumisilip ang araw sa bukas na bintana, suminag ito sa dalawa. Tila bumalik ng higit sampung taon ang oras, dahil kinakailangan niyang gumising ng maaga bawat araw upang tulungan ang lalaki maghilamos, magbihis, at kumain ng umagahan.

"Tignan mo, kahit matapos gumamit ng maraming enerhiya, sa huli, ginagawa ko pa rin kung anong ginagawa ko noong una." Ngumuso si Chu Qiao habang talunan niyang nilaylay ang kanyang ulo.

Ngumiti si Zhuge Yue at sumagot, "May mahabang kamay lang talaga ang hustisya. Ipinanganak ka para maging sakin. Kahit ano pang gawin mo para tumakas, hindi mo magagawa."

Tinitigan siya ni Chu Qiao at nagpagalit, "Anong klaseng basurang analohiya iyan?"

Matapos niyang sipilyuhin ang kanyang ngipin at maghilamos, at ayusin ang kanyang itsura, itinulak siya ni Chu Qiao sa may pinto at minadali siya, "Madali, alis na!"

Tumalikod si Zhuge Yue at tumingin sa babae. "Anong klaseng babae ka? Kahit ang mag-asawa na isang araw pa lang ikinasal ay habang buhay na maaalala ang isa't-isa, ngunit ang bilis mong nagbago ng pakikitungo."

"Alis! Alis! Bumalik ka na sa sarili mong silid."

"Young Master!" isang malutong at masayang boses ang narinig, dahilan para lubos na matigilan si Chu Qiao. Lumingon siya tapos ay nakita si Yue Qi na nakatayo sa labas ng bintana. Nang makita siya, masaya siyang binati ni Yue Qi, "Pumunta ako sa silid ng Young Master kaninang umaga, ngunit nang makitang wala siya doon, inisip ko na magkasama kayo buong gabi, Binibini."

Nakatayo si Pingan sa likod ni Yue Qi, at sa likod niya, mukhang maraming tao. Dahil malayo sila, hindi masabi kung anong pinag-uusapan nila. Bigla, makakarinig ng hindi malinaw na masayang sigaw mula sa malayo, "Ikinasal na sa wakas si Ate. Hindi ko na kailangan pang marinig ang pagdaldal niya!"

Sa iglap na iyon, may langitngit na bumukas ang pinto. Pumasok si Meixiang kasama si Jingjing at ilan pang mga tagasilbi. Nang makita si Zhuge Yue, magalang nila itong binati, bago tumungo sa higaan ni Chu Qiao, gustong ayusin ang mga bagay.

Biglang naalala ni Chu Qiao na mayroon pang mantsa ng dugo sa higaan. Nang pipigilan na niyang maglinis ang mga ito, lumapit si Jingjing na may mangkok ng sabaw, at bumulong sa tainga ni Chu Qiao, "Espesyal na inutos ni Ate Meixiang na pakuluin ang sabaw ng halamang-gamot na ito. Maganda ito sa pagdagdag ng nawalang dugo. Ate, inumin mo ito."

Itim ang nakikita ni Chu Qiao, habang ang kanyang pisngi ay pulang-pula.

Lumapit si Zhuge Yue at kinuha ang mangkok na iyon. Ipinasa kay Chu Qiao, ngumiti siya, "Talagang maganda ito para sayo. Xing'er, inumin mo."

Sa parehong araw, tumigil ang barko sa probinsya ng Lanling para sa imbak ng pagkain bago nagpatuloy sa paglalakbay. Matapos ang dalawang araw, nakarating na sila sa wakas sa probinsyang Hu.

Dumaong ang grupo. Kahit na nakarating na sila sa teritoryo ng Xia, malinaw na mas ninerbyos ang mga gwardya ni Zhuge Yue. Nang nakarating sila sa daungan, mayroong pangkat ng 500 sundalong naghihintay sa pagdating nila, at lahat ng babaeng kasama sa piling kasama ay nakabalat-kayo bilang lalaki habang nakahalo sila sa grupo. Ang buong sitwasyon ay palihim.

Nang makitang ang karamihan sa mga sundalo ay mayroong klase ng tattoo sa kanilang mukha, napagtanto niyang galing silang lahat sa Qinghai, at bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan.

Nakarating sa probinsyang Baolin, mayroong 3,000 sundalo ng Qinghai na nagbabantay doon. Sa gitna noon, mayroong 1,000 sa kanilang nakasuot ng berdeng leather na baluti. Naglalabas sila ng napakalaking pagkauhaw sa dugo at papatay na awra. Masasabi kaagad na mga dalubhasa sila sa martial arts.

Mapagmataas na sinabi ni Yue Qi sa kanya na tauhan niya ang mga iyon, at mula sa piling ika-pitong dibisyon mula sa Qinghai. Isa lamang iyong maliit na bahagi dahil ang natitira ay nagbabantay sa Cuiwei Pass at sa syudad ng Zhen Huang.

Matapos magpahinga sa probinsyang Baolin ng isang araw, inumpisahan nila ang kanilang paglalakbay tungo sa Zhen Huang sa susunod na araw. Sa dapit-hapon, nakita na nila sa wakas ang marilag na kastilyong iyon.

Sa kalawakan na ito, ang lahat ay napakatahimik habang hinihipan ng hangin ang mga damo sa kapatagan at dinadala ang mga lantang dahon. Ito talaga ang panahon ng imperyo ng Xia, sa kakaibang lasa ng hangin at ginaw. Inangat ni Chu Qiao ang kurtina ng karwahe, inilalantad ang tanawin ng malalaking tarangkahan ng syudad na napakataas sa kanila, nadadarang sa mapula-pulang lilim ng papalubog na araw. Bigla niyang naalala kung paanong noon, siya at si Yan Xun ay umasa lang sa isa't-isa upang manatiling buhay sa gahiganteng bilangguang ito habang kinamumuhian ang lahat sa paligid nila, umaasa na isang sakuna ang babagsak sa syudad na ito at huhugasan ang lahat ng kaluwalhatiang ito. Matapos ibigay ang lahat ng pagsisikap nilang magplano, nakagawa sila sa wakas ng madugong landas sa bilangguang ito na kinulong sila ng higit walong taon. Ngunit ngayon, maluwag sa kalooban niyang tumapak muli sa syudad na ito, habang pumasok ulit siya sa nakakasakal na syudad na ito.

Anim na taon ang nakakaraan, iniwan niya ang lugar na ito para sa isang lalaki. Anim na taon ang makalipas, bumalik siya sa lugar na ito para sa panibagong lalaki.

Ang mga pagbabago sa tadhana ay nakakamangha. Kahit ang paggalaw ng isang hakbang ay magreresulta sa isang walang nakakaalam na hindi kailanman maaarok. Sa kabila noon, kailangan magpatuloy maglakad.

Habang lumalagpas ang ihip ng hangin sa tainga ng isa, nagbibigay ito ng kaunting ungot. Isang kamay ang biglang umunat mula sa likod, hinihila siya sa isang yakap. Narinig ang boses ni Zhuge Yue mula sa likod, sobrang payapa niya, ang tono palang niya ay tila pinapakalma na ang tao. "Huwag ka mag-alala, nandito ako."

Marahang ngumiti si Chu Qiao. Tila lagi niya iyong sinasabi. Sumandal siya, tapos ay huminga ng malalim, para bang sinusubukang alalahanin ang amoy ng lalaki habang buhay, bago pumikit. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito, na para bang hindi siya kailanman bibitaw.

Hindi na kasing unlad ng dati ang syudad ng Zhen Huang. Kahit na hindi pa gabi, kakaunti na ang mga naglalakad. Pagkakita sa karwahe ni Zhuge Yue, lahat ay parang salot na iniwasan ang grupo. Maliwanag na ang syudad na ito ay anino lang ng dati nitong sarili, dahil wala na ang mga kumpol ng tao at ingay na dati nitong ipinagmamalaki.

Nang lumiko ang karwahe sa kalye ng Xuanhua at pumasok sa Baiwei Road patungo sa kanluran ng syudad, medyo nagulat si Chu Qiao at nagtanong, "Hindi ba tayo babalik sa residensya ng Zhuge?"

Ngumiti si Zhuge Yue. "Ako ang Grand Marshall ng imperyo ng Xia. Natural na nakatira ako sa aking opisyal na residensya."

Pagkarinig noon, pakiramdam ni Chu Qiao ay natanggal ang kanyang pagkabahala. Hindi niya maiwasang mapangiti.

Tinuya siya ni Zhuge Yue, "Paano mo nahahayaang madaling makita sa mukha mo ang mga emosyon mo? Paano ka naging karapat-dapat sa titulong Hari ng Xiuli?"

"Anong dapat itago sa harap mo?" natural na tugon ni Chu Qiao, na ginulat si Zhuge Yue. Pagkatapos noon, niyakap siya nito at pinuri, "Mahusay."

Hindi marami ang tao sa kalye, at natural, mas mabilis na nakadaan ang karwahe. Hindi nagtagal, nakarating sila sa opisyal na residensyang matatagpuan sa tabi ng lawang Biliu sa kanluran ng syudad.

Nakita na ni Chu Qiao ang residensyang ito dati, dahil isa ito sa mga palasyong nasa gilid ng imperyal na palasyo, at binuo na may kamarhalikaan. Hindi tumigil ang karwahe at tumungo hanggang sa tarangkahan. Saka lang matapos makarating sa panloob na gate at matapos makapasok ang lahat ng tagasilbi sa lugar ay nilisan ni Zhuge Yue ang karwahe kasama si Chu Qiao na nakasunod sa lalaki.

Agad nakita ni Chu Qiao si Huan'er na nakatayo sa gilid, ang mata nito ay mapula. Nang makita si Chu Qiao, nagsimulang tumulo ang luha ni Huan'er. Kahit na hindi na ito ang parehong residensya, dati silang magkaibigan. Nakaramdam din si Chu Qiao ng pag-alaala tapos ay inunat niya ang kanyang kamay. Agad na tumakbo si Huan'er sa kanyang kabayo, at agad na tinangkang mababang yumukod kay Chu Qiao. Agad na sinubukan ni Chu Qiao na pigilan si Huan'er, ngunit pinigilan siya ni Zhuge Yue at sinabi, "Simula ngayon ay ikaw na ang maybahay sa residensyang ito. Natural lamang na batiin ka nila."

Pagkasabi niya noon, lahat ng katulong at tagasilbi ay lumuhod at yumuko sa kanya habang sinasabi, "Pagbati sa Maybahay."

Tinulungan ni Chu Qiao na makatayo si Huan'er. Matapos ang maraming taon, medyo nagbago ang itsura ng babae, at medyo naging elegante at kaaya-aya. Naging tagapangasiwa na siya ng dosena ng mga katulong sa residensya ng Mihe.

Sinabi ni Huan'er kay Chu Qiao habang umiiyak, "Alam ng tagasilbing ito na siguradong babalik ka, binibini. Naayos na ang silid mo, at lagi itong nakareserba para sayo, binibini."

Medyo nakaramdam si Chu Qiao ng hiya kung paanong tinatawag siya na "Binibini" lagi. Gayumpaman ay pakiramdam ni Zhuge Yue na normal ito, tapos ay pinaalam niya, "Pwedeng bakantehin ang silid niya. Dalhin ang lahat ng gamit niya sa silid ko."

Agad naintindihan ng mga tao ang ibig sabihin sa likod ng utos na iyon. Agad na nagsimulang utusan ni Huan'er ang mga katulong na tulungan si Chu Qiao sa paglipat ng bagahe, tumulong din si Meixiang at Jingjing. Biglang naging abala sa buhay ang residensya.

"Halika na," saad ni Zhuge Yue sa tainga niya, at hindi hinihintay ang kanyang tugon, hinila nito ang kamay niya at nagsimulang maglakad.

Nang sumapit ang gabi, ang gasuklay na buwang nasa kalangitan ay nagbibigay ng malamlam na liwanag. Sa mga sulong sinisilaban sa gilid, niliwanagan ng mainit na liwanag ang dalawa. Hindi nagsasalita, patuloy na naglalakad si Zhuge Yue. Dala-dala ng panggabing hangin ang ginaw, gayumpaman ay kakaibang nakakapresko ito. Ang manggas ni Zhuge Yue ay puno ng burda, at paminsan-minsan na dumadaplis sa manggas ni Chu Qiao, nagbibigay ito ng kaluskos na tunog.

Isang napakagaang halimuyak ang maaamoy. Hindi ito lubusang matapang, ngunit tila kahit saan ito. Isa itong espesyal na uri ng orchid, nagbibigay ng kakaibang halimuyak.

Laging alam ni Zhuge Yue kung paano tamasahin ang buhay. Siguro dahil ito sa maharlikang pagpapalaki sa kanya. May tulong ng daantaong kaunlaran ng pamilya Zhuge, iba siya sa karaniwang maharlika na mabilis umakyat sa kayamanan. Para bang ang bawat isang halaman dito ay naglalabas ng isang maharlikang awra.

Tinulak sa gilid ang gate na gawa sa kahoy ng Phoebe Zhennan, makakakita ng silid-tulugan na lubos na elegante sa disenyo. Hindi ito lubusang marilag, gayumpaman ay naglalabas ito ng maaliwalas na awra na bahagyang mabibigyan ng komento. Tumapak sa makapal at malambot na karpet, tila naglalakad sa ulap ang pakiramdam. Ang disenyo ng mga dekorasyon at muwebles ay ginawa ang bahay na medyo eleganteng tirhan, na may napakalaking pakiramdam ng pagiging sopistikada. May 18 patong ng tabing na nakahilera sa pasilyo, diretso itong patungo sa loob na silid-tulugan.

"Pagod ka ba?" tanong ng lalaki habangn nakatayo sa harap niya.

Umiling si Chu Qiao at hinimas ang kanyang tiyan, "Gutom na gutom lang ako."

Isang katulong na nakasuot ng pula ang mabilis na sinabi sa kanya, "Malapit nang mahanda ang pagkain. Tutungo na ba ang Master at Mistress sa silid-kainan ngayon?"

Umiling si Zhuge Yue at sinabi kay Chu Qiao, "May mga mahalaga akong kailangang gawin at hindi makakakain ngayon."

Tumango si Chu Qiao. "Sige, ayusin mo na muna iyong gagawin mo."

"Inihahanda pa ng mga tagasilbi ang kabayo. Makakapaghintay pa ako." Matapos sabihin iyon, niyakap niya si Chu Qiao. Ang mga burda sa kanyang dibdib ay kiniliti ang mukha ni Chu Qiao. Naririnig niya ang mga ugong na nagmumula sa dibdib nito at sinasabing, "Xing'er, nakabalik ka na sa wakas."

Ngumiti si Chu Qiao at ibinalik ang yakap. Sa kanyang puso, mayroong napakalaking pakiramdam ng kagalakan na natagpuan niyang imposibleng ilarawan sa mga salita. Sa silid ay mayroong insenso, hinihimok ang kaantukan ng tao.

"Mamayang gabi, hintayin mo ako dito."

Medyo namula ang mukha ni Chu Qiao, tapos ay inangat niya ang kanyang ulo at matamis na ngumiti kay Zhuge Yue, "Kung gayon, siguraduhin mong bumalik kaagad."

Tumango si Zhuge Yue. Sa sandaling ito, handa na ang mga kabayo. Sinabi ni Zhuge Yue kay Chu Qiao, "Aalis ako upang puntahan ang Ikapitong Kamahalan. Mauna ka nang kumain at maagang magpahinga."

"Sige." Tumiyad si Chu Qiao at magaang humalik sa labi ng lalaki. May pulang kulay sa kanyang mukha, bumulong siya sa tainga nito, "Mag-ingat ka."

Isang bahid ng kasiyahan ang bumaha sa mata ni Zhuge Yue, habang pwersahan niyang niyakap si Chu Qiao bago umalis.