Si Chu Qiao, na parang walang nakita, ay marahang hinaplos ang ulo ng bata at sinabi, "Kakanta ako para sayo. Makinig ka."
"You are my sunshine, my only sunshine.
"You make me happy when skies are grey.
"You'll never know how much I love you.
"Please don't take my sunshine away."
Ang malumanay niyang tinig ay tulad ng isang nakakaakit insenso na dumadaloy sa hangin. Ang mga ilaw sa silid ay nagbibigay ng mainit na pakiramdam. Ang babaeng nakasuot ng puti ay nakaningkayad sa sahig, ang kanyang buhok ay nakapatong sa kanyang balikat. Ang bata ay nakalagay sa isang itim na kahoy na palanggana.
Ang babae ay napaka-emosyonal na nakatuon sa kanyang kanta, ngunit tila hindi siya binibigyan ng pansin ng bata. Hawak-hawak nila ang mga braso ng isa't-isa, habang ang bata sa palanggana ay nagsisikap na magpumiglas habang ang babae ay nagsisikap na pigilan siya. Sa kabila nito, nagagawa niyang panatilihin ang tono ng kanyang awit na magiliw. Walang nakakaintindi kung ano ang kanyang inaawit bilang ang tunog ng kanyang tinig ay parang mga salita na ni Rong'er. Ang kanilang mga salita ay kakaiba, ngunit sa kanyang banayad na tinig, ang damdamin sa kanyang mga awit ay mararamdaman. Tila siya ay isang mapagmahal na ina, ngunit ay mas katulad ng isang mapagmahal na iniirog.
Thud! Ang palanggana ay nahulog sa sahig. Gumapang si Rong'er palabas ng palanggana, hubad, habang siya ay tumatawa. Siningkit niya ang kanyang mga mata, dahil upang maging kamukha siya ng kanyang ama.
Ang silid ay magulo. Ang damit ni Chu Qiao ay basang-basa. Tulala siyang tiningnan ang bata, habang siya ay naalala si Li Ce. Malaki siyang nagmulat at galit na sinabi, "Wala ka na, ngunit iniwan mo ang isang kalamidad na ito sa akin."
Bumungisngis si Rong'er habang gumagapang tungo sa labas ng pinto, pisil ang pisngi ng kanyang puwitan. Pipigilan na dapat ito ni Chu Qiao ngunit napansin niya ang lalaking nakatayo sa may pinto. Tila matagal na itong nakatayo doon. Ang mga ilaw mula sa pasilyo ay sumisinag sa kanyang makisig na mukha. May malalim siyang tingin sa kanyang mga mata, habang ang kanyang balat ay makinis. Gayunpaman, hindi siya lumitaw bilang isang mahinang iskolar, bagkus ay mas mukhang aristokrata. Sumandal ito sa gillid ng pinto at tiningnan siya na may interes. Ang ekspresyon nito ay tinatamad; hindi siya ngumiti, pero ang kanyang mata ay may kasiyahan.
Sa sandaling iyon, siya ay nagulat. Marahil, siya ay nakulam ng isang makisig na lalaki.
Gumapang si Rong'er sa pinto habang pisil-pisil ang kanyang puwit. Nang nakita niya ang hindi inaasahang bisita sa harap niya, tumingala siya at naghanda upang sumigaw. Gayunpaman, wala sa isip niyang napagtanto na ang kanyang taas ay hindi man lang lumampas sa bota ng oposisyon. Kaya, pinili niyang manatiling tahimik.
Umupo siya doon at sandaling nag-isip. Tumingin siya kay Chu Qiao, pagkatapos kay Zhuge Yue, at pagkatapos ay sa kuna sa tabi ng kama. Sa wakas, pagkatapos ng tila pakikipagsalungatan sa kanyang puso, bumuntong-hininga siya at hinila-hila ang manggas ni Zhuge Yue. Nagbaba ng tingin si Zhuge Yue at tumingin sa kanya, napagtatanto na tinuturo niya ang kumpol ng mga maliliit na espada, inukit mula sa jade, na nakabitin sa kanyang bewang. Ang aksesoryang ito ay espesyal na ilagay mismo ni Zhuge Yue upang bumagay sa kanyang kasuotan. Mukha itong makintab at maliwanag sa ilalim ng mga ilaw. Tinaggal ito ni Zhuge Yue at ibinigay sa bata.
Inilagay ito ni Rong'er sa kanyang bibig at kinagat ng dalawang beses, ngunit walang nalasahan. Mahigpit niyang hinawakan ang bagay at gumapang palabas ng pinto. Ang mabilog na bata ay gumapang papunta kuwarto sa tabi ng kay Chu Qiao at umupo sa sahig, gamit ang kanyang mga binti upang sipain ang pinto.
Antok na antok na binuksan ni Meixiang ang pinto. Nang makita siya, masaya itong napairit at kinarga ang bata. Lumabas siya at tumingin sa silid ni Chu Qiao at nakita si Zhuge Yue. Namula siya sa saya at tumango kay Zhuge Yue, bago bumalik sa kanyang silid kasama ang bata. Ang makulit na bata ay wala na sa larawan.
Napaisip si Zhuge Yue sa kanyang sarili, bagamat ang batang ito ay nakayayamot, dalubhasa ito tulad ng kanyang ama pagdating sa ganitong mga bagay. Isinara niya ang pinto ng silid ni Chu Qiao at lumapit dito. Tumingin siya sa babae at iniabot ang kanyang kamay. "Hindi ka pa ba tatayo?"
Medyo nakaramdam ng hiya si Chu Qiao habang nakasimangot siya. Anong nangyari sa kanya? Nagayuma na ba siya ng kasabikan? Hindi niya iniabot ang kanyang kamay, pinili na tumayo mismo. Habang patayo siya, ang kanyang mga binti ay nanginig tapos ay nadulas siya, pabagsak muli tungo sa sahig. Gayunpaman, bago siya bumagsak sa sahig, hinawakan ni Zhuge Yue ang kanyang baywang upang mahinto ang kanyang pagbagsak habang ang mainit na kamay nito ay dumampi sa kanyang balat. Ang basa niyang damit ay hindi naitago ang kanyang kabuuang pigura, bagkus ay mas ginagawa itong nakakaakit.
Matagal siyang nakaningkayad, dahilan upang mamanhid ang kanyang binti. Binitbit siya ni Zhuge Yue sa kama. Ang kanyang buhok ay basa, na may tubig na tumutulo. Ang kanyang mga damit ay basang-basa—tila siya mismo ang inilagay sa palanggana.
Nagpatong si Zhuge Yue ng kumot sa kanya at tumayo sa tabi ng kama tapos ay sinabi, "Huwag kang magkasakit."
Ang mga ilaw sa silid ay nagbigay ng isang malapit na pakiramdam ng kapaligiran habang sumisinag ito sa mukha ng lalaki. Kumuha ito ng piraso ng tuyong tela at binalot sa kanyang buhok. Tumayo ito sa harap niya at metikolosong tinutuyo ang kanyang buhok, ngunit nanatili itong tahimik. Nadama niyang agad uminit ang silid habang tumulo ang butil ng pawis pababa sa kanyang mukha at sa kanyang kasuotan. Ang ilang hibla ng buhok ay bumagsak sa harap ng kanyang noo at pinalabo ang nakikita niya. Sa pagitan ng kanyang buhok, nakita niya ang ilang disenyo ng mga ulap na nakaburda sa puting kasuotan ng lalaki, dahilan upang makaramdam siya ng hilo.
"Ano iyong kinakanta mo kanina?" Tanong ni Zhuge Yue sa isang banayad at paos na tono kung saan ay kaakit-akit para sa isang lalaki.
Tumingala siya at nakita ang makisig nitong mukha. Naamoy niya ang halimuyak ng katawan nito, na halos nakakahipnotismo. Si Zhuge Yue, nakita na hindi niya sinagot ang kanyang tanong, ay bahagyang sumimangot at nagtanong muli, "Xing'er?"
"You are my sunshine."
Si Zhuge Yue ay nagulat at nagtanong, "Iyan ba ang wika ng bayang sinilangan mo?"
"Oo," sagot ni Chu Qiao habang tapat na tumatango.
"Kantahin mo ulit ito para sa akin."
Ang tinig nito ay tila nagdadala ng isang espesyal na pwersa sa loob nito ngayong gabi, dahilan upang ayaw niyang makapagtalo dito, na hindi katulad ng dati. Dalawang beses siyang huminga ng malalim tapos ay nagsimula kumanta sa isang nakapapawi na tono.
You are my sunshine, my only sunshine.
You make me happy when skies are grey.
...
Muli silang dinala ng kanta sa mga alaala habang binisita nilang muli ang nakaraang panahon. Mula sa unang beses nilang nagtagpo, sa mga oras na pinagtatangkaan nila ang buhay ng isa't-isa, ang buhay ay tulad ng isang piraso ng baog na kapatagan. Ang lokasyon ng mga bitag at lifelines sa loob ay hindi alam. Nakatayo sa harap niya ang lalaki, pinapatuyo ang kanyang buhok. Ang mahabang daliri nito ay hinahaplos ang kanyang itim na itim na buhok, para bang sinusubukang pukawin ang alon ng oras. Ang materyal ng damit nito ay malambot habang isinasandal niya ang kanyang ulo sa baywang ng lalaki, kinakanta ang paborito niyang kanta mula sa nakaraan niyang buhay.
You'll never know how much I love you.
Please don't take my sunshine away.
Ang kuwarto ay mainit, na nagpapaalala sa kanya ng panahon na iginugol niya sa St. Lorn's Orphanage maraming taon na ang nakalilipas. Ang punong-guro ng ampunan ay isang beterano ng digmaan na nakipaglaban sa mga labanan ng pagsalungat ng walong taon, at nakarating sa lugar ng labanan ng North Korea. Nawalan na siya ng isang binti habang nakikipaglaban, subalit nagawa niyang bombahin ang eropano ng Amerika sa proseso. Matapos niyang magretiro ay kinuha niya ang kanyang pera ng pensyon pabalik sa kanyang tahanan at nagbukas ng ampunan, upang kupkupin iyong mga batang nawalan ng mga magulang. Siya ay naiiba sa iba pang mga ulila, naging maswerte na magkaroon ng mabuting lolo. Pagkatapos noon, pinag-aral siya nito, ginamit ang kanyang mga koneksyon upang maipasok siya sa paaralan ng militar. Mula noon, nagpalista siya sa hukbo, naging isang magiting na sundalong nagprotekta sa kanyang bansa.
Hindi niya binigo ang kanyang lolo habang patuloy siyang tumanda at magkaisip. Ang kanyang mga resulta ay angat sa lahat. Dagdag pa sa katotohanan na ang kanyang utak ay masigla, at siya ay may mabuting karakter, siya ay nakapasok sa command center at naging bahagi ng Secret Service. Ang kanyang buhay ay nakaplano na, habang sinusundan niya ang isang karaniwang landas na walang maraming pag-aalinlangan.
Noong bata pa siya, sinabi sa kanya ng kanyang lolo na ang pinaka prioridad ng isang sundalo ay ang mahalin ang kanyang bansa at protektahan ang mga tao nito, lalo na ang mga mahina. Marami itong ikinwento sa kanyang ukol sa militar, itinuro sa kanya ang mga prinsipyo ng katapatan at personal na integridad, ang kahulugan ng buhay at mga prinsipyo nito. Siya ay tulad ng isang maliit na puno, inaalagaan upang maging malaki sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang lolo. Naalala niya ang masayang itsura sa mukha ng kanyang lolo sa panahong siya ay pinagkalooban ng isang gantimpala matapos makompleto ang kanyang unang misyon. Ang mga kulubot nito ay kumikibot sa ilalim ng sikat ng araw; habang ito ay tumatawa, ang kanyang dibdib ay taas-baba. Niyakap siya ng kanyang lolo habang masaya nitong sinabi, "Ang aking mabuting apo!"
Iyon ang mga pinakamaligayang panahon ng kanyang buhay, kung saan mayroon siyang pamilya na nagmamahal sa kanya higit pa kahit kanino sa mundo, kung saan ay natanggap niya ang pinakamainit na yakap sa kanyang buhay.
Ang kanyang lolo ay nag-aral sa England noong ito ay bata pa. Bilang resulta, mayroon itong mahusay na bigkas ng wika doon. Tinuruan siya nito ng Ingles, ang mga kultura sa kanluran, at kung paano sayawin ang Waltz.
Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan, pahalang, humakbang ng tatlong beses, umikot…
At ang kanta na itinuro ng kanyang lolo na kantahin niya…
The other night dear as I lay sleeping.
I dreamed I held you in my arms.
But when I awoke, dear, I was mistaken.
And I hung my head and cried.
Biglang niyang inunat ang kanyang kamay at iniyakap sa bewang ni Zhuge Yue. Ang mga anino ng kandila sa silid ay tila sumasayaw, habang sila ay kumikislap sa bintana. Ang bangka ay pagewang-gewang sa ibabaw ng tubig. Ang mga bundok sa baybayin sa magkabilang panig ay naglaho sa malayo habang ang mga tunog ng hangin na dumadaan ay naririnig.
"Xing'er," ibinaba ni Zhuge Yue ang kanyang ulo at nagtanong, "Anong kahulugan ng awit na ito?"
Wala sa isip, nagsimulang mamula ang mukha ni Chu Qiao. Ibinaba din niya ang kanyang ulo at nanatiling tahimik.
Ang isang mainit na hininga ang dumapo sa kanya habang ang dibdib ng lalaki ay bahagyang kumibot. Alam ni Chu Qiao na tumatawa ito bagamat walang tunog.
"Maganda siya," tumigil si Zhuge Yue at tumingin sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay tapos ay patuloy na sinabi habang nakangiti, "Gustong-gusto ko ito."
Ang kamay nito ay malaki at mainit-init habang binabalot sa kanyang kamao. Hindi niya alam na may ganitong lakas ang lalaki, dahil hindi siya makagalaw.
Kumiling ito paharap na may malalim na tingin sa mga mata. Ang boses nito ay mababa at paos habang bumubulong sa kanyang tainga, "Ito ang parusa mo para sa hindi wastong pagkilos mo kanina." Nang natapos nito ang sasabihin, ibinaba nito ang ulo at naglapat ng halik sa kanyang mga labi. Bigla siyang nakaramdam ng lubos na paninigas. Kahit na nagdaan na siya sa dalawang magkaibang buhay at may nahalikan na noon, nakakaramdam pa din siya ng nerbiyos tuwing kaharap ang taong ito. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang kanyang mga kamay. Gayunpaman, matapos ang matagal na pagkakapikit ng kanyang mga mata, walang nangyari. Maingat siyang nagmulat at nakita ang lalaking nakatingin sa kanya na may ngiti sa ilalim ng ilaw. Matapos siyang makitang tumingin sa lalaki, kumiling paharap ang lalaki habang ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang mukha. May ngiti nitong sinabi, "Hinihintay mo bang halikan kita?"