Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 240 - Chapter 240

Chapter 240 - Chapter 240

Sa isang dulo ng tulay, nakaupo si Zhuge Yue sa ibabaw ng kanyang kabayo, nakabihis ng roba.

Tahimik siyang sinabihan ni Fang Chu, "Master, si Binibining Chu ay dumating na." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, isang grupo ng mga tao ang lumitaw sa abot-tanaw. Ang nangungunang babae ay nagsuot ng puting kapa, at mayroong maliwanag na ngiti habang nagmamadali patungo kay Zhuge Yue.

"Binibini!" Si Meixiang na orihinal na nakaupo sa isang bato, at nang makita si Chu Qiao, siya ay agad na tumalon sa kaligayahan.

Mabilis na nakarating si Chu Qiao sa unang grupo. Nang itinigil niya ang kanyang kabayo, tumalon siya pababa at niyakap si Meixiang. Umiiyak na sinabi ni Meixiang, "Binibini, akala ko nagsisinungaling ka at hindi na darating."

Si Jingjing, Pingan, at ang iba ay maligayang sumalubong habang si Chu Qiao ay nagtatanong tungkol sa kanilang mga karanasan. Pinaliwanag pa nga ni Pingan ang labanan ng oras na iyon na maraming detalye, tila nasisiyahan sa kanyang sariling pagganap. Walang pamilya si He Xiao, at bilang isang resulta ay hindi niya nais na manatili sa Imperyo ng Tang at sinundan si Chu Qiao. Kahit na hindi pa niya nakikita si Yue Qi dati, pareho nilang narinig ang reputasyon ng bawat isa, at hindi nagtagal, sila ay nag-uusap na.

Ang tanging pagbubukod sa eksena na ito ay si Zhuge Yue. May mukha ng bakal, malamig siyang tumingin kay Chu Qiao, na binabaling ang atensyon kay Meixiang, habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin hanggang sa tila sila ay masisira.

Sa wakas, ang pamatay na tingin na iyon ay winasak ang masayang pagsasama na ito. Nakangiting lumapit si Chu Qiao. Nang kakagalaw lang ni Zhuge Yue, agad niyang itinaas ang kanyang mga kamay at sumigaw, "Sumusuko na ako! Huling beses na ito! Ipinapangako ko!"

Nais ni Zhuge Yue na bigyan siya ng parusa upang tiyakin na matatandaan ito. Ngunit matapos iangat ang kanyang kamay sa loob ng ilang sandali, hindi niya alam kung saan siya tatamaan. Nang nakita kung paanong yumuko lang ito at naghintay na tamaan, nakadama siya sa halip ng pagkainis at sumigaw, "Bakit hindi mo ko sinubukan salagin?"

Minulat ni Chu Qiao ang kanyang mga mata, at nakanguso, mukha siyang kahabag-habag habang nagpapaliwanag, "Sinusubukan ko talagang humingi ng paumanhin."

"Alam mo na dapat kang humingi ng paumanhin?" Tumingin si Zhuge Yue sa kanya mula sa gilid ng mga mata nito. Hindi pinapansin ang mga nalilibang na tingin mula sa mga tauhan sa paligid, inunat niya ang kamay at pinisil ang payat na mukha ni Chu Qiao habang pirmi siyang nagtanong, "Bigla ka bang naging malilimutin kaya hindi ka sumagot sa lahat ng liham ko?"

"Wala akong panahon!" Napasimangot si Chu Qiao habang sinusubukan magpaliwanag.

"Wala kang panahon upang sumagot, ngunit mayroon kang oras upang sunugin ang aking sulat?"

Patuloy na naghanap ng dahilan si Chu Qiao. "Kung hindi ako magkukunwaring determinado ako, hindi kailanman maniniwala si Sun Di sa akin. Kung hindi siya maniniwala sa akin, ang iba, tulad ng Hari ng Jingan, ay mas hindi magtitiwala sa akin."

Tumingin si Zhuge Yue sa kanya at patuloy na nagtanong, "Kung gayon bakit hindi mo ipaalam sa akin nang mas maaga, nagresulta na malayo ang tinakbo ko makarating lang dito?"

Yumukyok si Chu Qiao, at habang kumukurap siya, tila ba wala na siyang mahanap na dahilan.

"Madali, umamin ka!"

"Sinundan ko lang kung ano ang nais ni Li Ce na gawin ko. Kung napakataang mo, maaari mo siyang hanapin."

Tila labis na naiinis si Zhuge Yue, at sa wakas ay inusal niya, "Sige. Kung may isa pang ganito, pupunta ako at sasakupin ang lahat ng teritoryo ni Li Ce. Doon ay ni hindi ka magiging consort!"

Patuloy mo lang magpanggap. Tahimik na bumungisngis si Chu Qiao sa kanyang isip, gayumpaman ay nagpanggap siyang masunurin at sinabi, "Syempre, paano ako mangangahas? Paninindigan ko ang king pangako. Ito na ang huling pagkakataon."

Mapagkunwaring umiling si Zhuge Yue, para bang ang kanyang sarili ay lubhang nasiyahan.

"Wah!" Isang malakas na iyak ng sanggol ang nagmula sa karwaheng dala ni Chu Qiao. Nagpatigil ang lahat sa tunog na iyon. Agad inangat ni Chu Qiao ang tabing ng karwahe, para lang makita ang dalawang tagapag-alaga ay may bitbit na sanggol na tila apat hanggang limang buwang gulang lang. Ang sanggol ay kagigising lamang, at kasalukuyang sinasanay ang natatangi niyang kakayahan—ang pag iyak.

Agad na binuhat ni Chu Qiao ang bata at nagsimulang patahanin ito.

"Ano ito?" Tila mapanglaw si Zhuge Yue habang malamig siyang nagtanong.

Binigyan siya ni Chu Qiao ng kakaibang tingin habang tapat siyang sumagot, "Sanggol."

"Alam ko!" Nauubusan na si Zhuge Yue ng pasensya at sumigaw, "Kaninong anak ito?"

Biglang naalala ni Chu Qiao na hindi pa niya naipapaliwanag ang buong sitwasyon. Nagsimula siyang magpaliwanag, "Ito ang ikatlong anak na lalaki ni Li Ce—si Li Qingrong. Bagamat maaaring kailanganin na natin siyang bigyan ng ibang pangalan mula ngayon. Ang kanyang ina ay pinangalanang Zhan Ziming. Bago ang kamatayan, ipinaubaya Li Ce ang bata na ito sa akin at sinabihan ako na ilabas ang bata na ito mula sa palasyo sa takot na masasaktan ang batang ito kung siya ay nanatili sa palasyo."

"Anak ni Li Ce?" napasimangot si Zhuge Yue, tapos ay nakita ang pulang labi at purong puting ngipin ng bata na may pares ng itim na mga matang nakatingin sa kanya. Sa sandaling ito ay pinaglalaruan niya ang dekorasyon na nakabitin sa damit ni Chu Qiao, ang kanyang mata ay nagpapaikot-ikot. Sa isang sulyap, ang kanyang kilos ay tila eksaktong katulad ng kaibigang pumanaw na.

Biglang nakadama ang puso niya ng isang tiyak na kapanglawan. Nang magsasalita na siya, biglang lumingon sa kanya ang bata. Sa mata nitong lumilinga-linga, nagsimulang umiyak ng buong lakas ang bata, tila nabalisa ng isang bagay.

"Anong nangyari? Bakit siya umiiyak?" Tila naguguluhan si Chu Qiao.

Nagmadali rin si Meixiang at tinanong ang mga taga-pangalaga, "Maaaring nagugutom ba ang bata?"

Agad na umiling ang taga-pangalaga, at ipinaliwanag na kakainom lamang nito ng gatas kanina. Tinignan ni Meixiang lampin ng bata; malinaw na hindi niya rin naihian ang sarili niya.

Biglang may naisip si Chu Qiao tapos ay tumingin siya at kinausap si Zhuge Yue, "Maaaring hindi ka gusto ng bata."

Namutla ang mukha ni Zhuge Yue at napasigaw siya, "Bakit hindi niya ako magugustuhan?"

"Subukan mong lumayo upang makita kung ito ay totoo."

Pakiramdam ng isang tao ay hindi niya matatanggap ang mungkahing ito kaya napasimangot siya at kumontra, "Bakit? Ni hindi ko siya sinaktan."

"Ang ilang mga tao ay hindi makasundo ang iba. Marahil ikaw ay nasa kategoryang ito."

"Tama, bayaw, subukan mong lumakad palayo. Marahil ay hindi na matatakot si Rong'er matapos makita na ikaw ay naglalakad papalayo." Nagpatuloy si Jingjing na gatungan ang apoy sa gilid.

"Ano pinagsasabi mo?" mahinang ganti ni Yue Qi sa gilid sa pagtatangkang tulungan ang kanyang master. "Sa totoo lang ang Master ay mabait at palakaibigan..." At doon, ang kanyang tinig ay lumiit, hanggang hindi na maintindihan pa.

Sa wakas, lumakad si Zhuge Yue papalayo. Biglang huminto sa pagiyak si Li Qingrong. Kahit na siya ay umiyak ng malakas kanina, tila siya ay umiiyak pa rin, ngunit makikita na ang ngiti sa kanyang mga pisngi. Hindi nagtagal ay sumabog sa tawanan ang lahat ng mga tao. Tila hindi sinasadyang nasaktan ng bata ang ulo niya habang pinaglalaruan ang espada ni Yue Qi, at sa huli ay galit na kinagat sa braso si Yue Qi bilang ganti.

Umupo si Zhuge Yue sa isang bato sa malayo, at tinitingnan ang mga tao na nakangiti sa malayo, inusal niya sa kanyang puso, "Ang batang ito ay tulad talaga ng kanyang ama."

Nagmadaling lumapit si Chu Qiao at naupo sa tabi niya.

Kahit na ang makapangyarihang si Yue Qi at ang iba ay hindi alam kung paano haharapin ang batang ito. Hindi nagtagal ay iniabot nila ang bata sa natigalgal na si Fang Chu at sinabi, "Oh Gosh! Tila sobrang nagulat ang bata. Halika, yakapin mo muna siya. Oh Gosh! Sinabi ko na yakapin mo siya, kuhanin mo nalang siya!"

Hinila-hila ni Chu Qiao ang braso ni Zhuge Yue at pinatong ang kanyang mukha sa balikat nito. Tinignan niya ito mula sa gilid habang huminga ng maluwag at sinabi, "Natapos na sa wakas ang insidente."

"Pagod ka ba?"

"Medyo." pumikit si Chu Qiao habang ang ginintuang liwanag ng araw ay tumama sa kanyang mukha. "Nababahala ako na maaaring nag-aalala ka, kaya sinubukan kong magmadali."

Medyo naiinis pa rin si Zhuge Yue at patuloy na nagtanong, "Bakit hindi mo binasa ang mga sulat ko?"

"Hindi ko alam kung magtatagumpay ako." Inangat ni Chu Qiao ang kanyang ulo at ngumiti kay Zhuge Yue. "Hindi ako tiyak kung magtatagumpay ako, na mamamatay ako. Nababahala ako na matapos kong basahin ang iyong mga sulat, maaaring hindi ako magkaroon ng sapat na lakas ng loob na magpatuloy."

Ngumiti si Chu Qiao tulad ng isang bulaklak sa paraang tila hindi nakita ni Zhuge Yue dati. Ngumiti siya nang walang inaalala. "Ikaw ang kahinaan ko. Ginawa mo akong hindi payag na manatiling malakas."

Nakatingin sa babae, ang mukha ni Zhuge Yue ay lumambot. Hinatak papalapit sa kanya, sinabi niya dito sa isang kalmado at malalim na tinig, "Kapag ikaw ay nasa tabi ko, hindi mo kailangang maging malakas." Nang natapos siya, hinalikan niya ang noo nito.

"Ah! Nakakahiya ito masyado!" Sigaw ni Jingjing.

Ang kalangitan ay napakalawak, habang ang lupain na may pulang dahon ng taglagas ay umunat sa abot-tanaw.

Hindi pa nakikita ni Chu Qiao si Zhuge Yue na matulog ng isang diretso. Sa sandaling sumakay siya ng barko sa Cangzhou, natulog ito at nagmulat ng isang buong araw, at ni hindi alam na pumasok si Chu Qiao sa kanyang silid. Sinabi ni Yue Qi na hindi pa ito nakakatulog ng maayos magmula nang umalils sa syudad ng Zhen Huang. Marahil ay pagod na pagod na ito ngayon.

Ang kalagayan ni Zhuge Yue ay mukhang hindi ganoon kabuti. Sa nakalipas na ilang araw, nakita niya itong maingat na umiinom ng kulay itim na gamot. Pumunta siya kay Yue Qi upang tanungin tungkol dito, ngunit sinubukan nitong itago ito mula sa kanya. May kaunting alam si Meixiang tungkol sa mga gamot, at maya-maya ay sinabihan si Chu Qiao na marahil ay sobrang pagod si Zhuge Yue at nagkaroon ng sipon.

Masyadong napagod at nagkaroon ng sipon…

Umupo si Chu Qiao sa upuan habang nakapalumbaba. Matiwasay na nagpatuloy sa paglayag ang barko dahil walang hangin o mga alon; kahit na ang mga bintana ay mahigpit na nakasara, makikita pa rin ang malabong anino ng tanawin sa malayo.

Muli niyang naalala ang panahon noon nang napilitan siyang humulagpos dahil kay Zhao Chun'er. Sa oras na iyon, si Zhan Ziyu at Zhan Ziming ay pawang mga itinakwil na maharlika lamang, at si Li Ce ay buhay pa at mabuti bilang ang walang inaalalang Prinsipe ng Imperyo ng Tang. Si Ginoong Wu, Binibining Yu, at iba ay buhay pa at mabuti, nakikipaglaban para sa kanilang mga pangarap. Si Yan Xun—ang kanyang pinakamalapit na kaibigan at minamahal. Para sa sarili niya, puno siya ng kumpiyansa na may maikokontribusyon siya sa bugbog na mundong ito nang sarili niya lang, tinulungan ng mga kaibigan niyang may katulad na paniniwala.

Gayumpaman, ang pinakamalupit na pumapatay sa mundo ay oras. Ngayon, wala na si Li Ce, pinatay si Mister Wu, namatay si Lady Yu sa kanyang yakap, dinala ni Zhan Ziyu ang kanyang buong pamilya kasama ang kanyang mga ambisyon. Ang kanyang mga pinakamalapit na kaibigan ay kailanman hindi naging tapat sa dahilan, at karamihan ay iniwan siya. Kahit si Yan Xun ay naging isang estranghero.

Sa paglipas ng oras, kahit na ang malawak na nakamit ay nabalot ng alikabok habang ang mga pangarap ay nawala na parang usok, at tulad ng mataas na damo sa pagtatapos ng taglagas, sumasayaw sa hangin na may lantang mga dahon, tumatawang tinutuya ang iba sa nakaraan nilang pangako.

Tama, walang sinuman ang hindi magbabago. Kahit na ang kanyang sarili, masasabi ba niyang pareho pa rin siya?

Marahang inilingon ang kanyang ulo, si Zhuge Yue ay tila natutulog pa. Siya ay palaging isang matigas ang ulo at naaasiwang tao. Kahit na siya ay natutulog, ang kanyang mga kilay ay pirming nakakunot. Sa kanyang karaniwang malamig na mga mata na natatakpan ng mga talukap, ang kanyang makisig at mahusay ang pagkakatukoy na mga tampok tila mas halata kaysa dati. Bali-balita na ang mga taong kamukha niya ay malamig at walang emosyon. Gayunpaman, tanging siya lamang ang matatag sa kanyang mga emosyon, at matagal na kumakapit sa kanyang mga nararamdaman na kahit siya ay nakakaramdam ng awa para dito.

Ang Imperyo ng Tang ay mas madilim kaysa sa inaasahan habang ang alon sa ilalim ay wumalis na walang paunang-sabing panganib. Iyon ay naiiba mula sa salungatan na ipinakita ng Imperyo ng Xia, at karamihan ay nasa anyo ng isang hindi nakikitang palaso. Nababalot ng mga patong ng mga frills at dekorasyon, ang mga nakatagong palaso ay maaaring pumatay ng mga tao bago pa man siya maalerto sa papatay. Sa huli, nalaman niya na kahit na ang pagkamatay ng ama ni Li Ce ay dahil sa ina ni Li Ce.

Paulit-ulit niyang tinatangkang patayin ang Emperador sa iba't-ibang paraan mula sa paglason hanggang sa pagpatay. Sa proseso, ilang beses siyang halos magtagumpay, ngunit palagi siyang pinatatawad ng matandang emperador at hindi isinapubliko ang mga insidenteng iyon. Medyo galit din ang matandang emperador, at nagbanta na sasaktan ang hari ng Luo at ang pamilya nito. Sinubukan din niyang pukawin ang pagseselos nito sa pagbibigay ng lahat ng pansin sa iba pang mga kababaihan sa harem, at ikinukulong siya sa bahay ng hindi mabilang na beses. Gayunpaman, hindi pa rin siya manalo sa kanyang sariling konsensya. Habang tumatanda siya, tinanggal niya ang kanyang buong harem at ibinigay ang lahat ng atensyon sa babae. Tila napukaw niya ang damdamin nito, at sa wakas ay binigyan siya ng ilang taon na kapayapaan.