Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 232 - Chapter 232

Chapter 232 - Chapter 232

Matapos suklayin ang buhok niya, tumalikod siya, at habang abot-tainga ang ngiti ay nagtanong, "Ano na itsura ko?" Ang kanyang mata ay madilim at hungkag, habang nililiwanagan ng buwan ang kanyang mukha na may manipis na tabing ng kaputian. Napakakisig niya sa kanyang mahaba at singkit na mata at matangos na ilong, kasama ang tila porselana niyang mukha. Naglalabas siya ng awra ng maharlika, ngunit isang sulyap ng kamatayan ang kumalat mula sa gitna ng mga mata niya, habang ang kanyang kutis ay naging hindi natural na puti, tulad ng puting jade na nababalot ng alikabok.

Pilit na ngumiti si Chu Qiao. "Sobrang napakakisig mo."

Napasimangot si Li Ce at nagtanong, "Pinupuri mo ba ako?"

Nang makitang tumango si Chu Qiao, saka siya masayang ngumiti, tulad noong una niya itong nakita.

"Li Ce," sinubukan ni Chu Qiao na pigilan ang lungkot sa kanyang puso habang marahan siyang nagtanong, "May mga kahilingan ka ba?"

"Kahilingan?" napasimangot si Li Ce at matagal na nag-isip bago marahang tumawa, "Wala akong kahilingan." Biglang humina at minamadali ang paghinga niya. Iniunat ang kamay tungo sa babae, marahang humiling si Li Ce, "Qiaoqiao, hayaang mong yakapin kita."

Biglang lumakas ang hangin sa labas at nabuksan ang maliit na bintana. Kinulayan ng buwan ang malaking pasilyo ng puti, at ang kapaligiran ay makintab lahat; kasing puti ng nyebe. Umihip ang hangin mula sa maliit na lawang Tai Qing mula sa malayo, dala nito ang halimuyak ng lotus. Tila nakagat ang lalamunan ni Chu Qiao at masakit ito. Nakaluhod sa sahig, sumandal siya sa dibdib ng lalaki, habang tumutulo pababa sa mukha niya ang kanyang luha at binabasa ang damit ng lalaki. Ang paghinga sa ibabaw ng kanyang ulo ay unti-unting naglalaho, tulad ng bulaklak ng sakura na bumagsak, na wala nang natirang tunog. Sa buwan na sumisinag mula sa gilid, tila ba bumalik ang oras, habang ang nakakaakit na lalaki sa pulang kasuotan, sa kanyang itim na itim na buhok, ay lumapag sa likod niya, at tinanong siya, "Hindi ka ba titigil?"

Tila isang panaginip ang oras, at nang naglaho ang pagkaengrande, tanging malawak na kawalan ang natira.

Ang mga mata ni Chu Qiao ay tila piraso ng amber na mag-isang kumikinang, kumikislap na may papawalang liwanag. Sa hungkag niyang mga mata, umupo siya at tumingin. Tahimik lang itong nakaupo doon, ang ulo ay nakalihis na para bang lumubog siya sa malalim na panaginip.

Ang mga bahagi ng alaala ay nagsimula nang mawasak, habang ang lalaking nababalot ng patsada ng kamarhalikaan at kayamanan ay bawat patong na hinubad ang kanyang balat-kayo. Kung ito man ay ang mga magagandang babaeng niligawan niya, o ang mga luhong natamasa niya, lahat bukod sa kalungkutan ang naglaho tulad ng papawalang liwanag ng papalubog na araw, nalulusaw sa kadiliman ng gabi.

Biglang bumukas ang mga pinto ng silid, at ang mapanglaw na buwan ay niliwanagan ang kanyang pigura. Makikita ang kumpol ng mga opisyales at babaeng nakaluhod sa malayo.

Tumingin si Sun Di sa kanya, may pagtatanong sa nanginginig niyang tingin. Tumitig siya pabalik sa lalaki, tuluyang walang kaluluwa sa kanyang mata, at ang buo niyang katawan ay manhid. Sa huli, marahan pa rin siyang tumango.

"Yumao na ang Emperador—"

Isang kakoponya ng iyakan ang tumagos sa kalangitan at niyanig ang palasyo. Ang mga trumpeta ng pagluluksa ang tumagos sa panggabing hamog.

Inangat ang kanyang ulo, lumilipad-lipad sa hangin ang manipis na kasuotan ni Chu Qiao. Sa bakanteng kalangitan, tila nakakita siya ng malinis na mukhang may pares ng mahabang mata ang tusong nakangiti sa kanya na parang fox.

Isang tagasilbi ang nagmamadaling lumapit mula sa eskinita at tahimik na nag-ulat kay Sun Di. Masyado silang malayo, ngunit inihip pa rin ng hangin angn bakas ng kanilang sinabi sa tainga ni Chu Qiao.

"Nang tumunog ang trumpeta ng pagluluksa... inuntog ang ulo sa gilid ng lamesa... puno ng dugo, hindi na maliligtas pa... sa huli... ay ang ina sa emperador..."

Sa malamig na liwanag ng buwan, tila nagyelo ang dugo ni Chu Qiao, habang ang daloy ng malinaw na luha ang bumagsak muli sa kanyang mga pisngi, tumutulo sa lupa ng palasyong ito na marami nang nakitang buhay at kamatayan.

Ang kalye ng kabisera ng Tang ay mukhang napakaganda, habang isang sariwang halimuyak ng mga lotus ang maaamoy na dala ng hangin. Umugoy ang mga puno sa hangin tulad ng mga katawan ng mananayaw. Sa pagdating ng takipsilim, lumipad pabalik ang mga ibon sa kanilang pugad, at ang kulay pulang mundo ay tila nakukulayan ng dugo.

Sa nakapanlulumong pagkamatay ng Emperador ng Tang, ang lahat ay nakasuot ng simpleng kasuotang pangluksa, at kahit ang mga parol ay isinabit na may mga puting telang nakabalot sa kanila. Naglalakad sa mga kalye, maaamoy ang pangungulila. Habang dumidilim ang gabi at nagparaan ang liwanag sa kadiliman, ang bilog na buwan ay umakyat sa malayong kalangitan.

Isang buwan na rin mula nang mamatay si Li Ce, at ngayon ang pista na kilala bilang White Moon Festival. Madaming beses na ipinadala ni Zhuge Yue ang mga tauhan niya upang sunduin siya, ngunit matigas ang ulo niyang nanatili. Isang kaisipan ang nanatili sa kanyang isip, dahilan upang hindi siya malayang makaalis. Paminsan-minsan, gigising siya sa gitna ng gabi na balot ng malamig na pawis. Sa paglisan ni Li Ce, dinala nito ang musika at pagdiriwang sa palasyo, habang ang malawak na palasyo ay lumubog sa salat na katahimikan. Naglalakad sa mahaba at makipot na daanan sa palasyo, maririnig ang tibok ng puso ng isa. Ang pagtibok ay patuloy siyang papaalalahanan ng katotohanan na may ilang mga tao na umalis, at mayroon pa rin na mga buhay pa, at mayroon pang mga bagay na kailangan niyang gawin.

Naglakad na siya sa landas na ito kasama si Li Ce. Nang gabing iyon, nang nagising siya mula sa pagkawala ng malay, para itong malaking bata habang hawak ang kanyang kamay, at lumagpas sa siyam na gate, maraming hardin, at kahit ang paglagpas sa mga ornamentong bundok, lumabas sila sa palasyo. Nagsama sa iisang kabayo, nakaupo ito sa harap niya, tumatawa habang tinuturo ang direksyon. Hindi lang iyon, paminsan-minsan ay lilingon ang lalaki upang tawanan ang mga gwardyang alalang-alala tulad ng mga langgam sa mainit sa plato.

Sa isang kisapmata, nagbago na ang mga bagay, at ang ilang bagay, ilang tao, ay naglaho sa ilog ng oras. Ang mga kalye ngayon ay hindi na kasing abala nang araw na iyon, at tahimik kahit saan; ilang mga tindahan nalang ang nanatiling bukas. Sa gitna ng buong bansang pagluluksa, lahat ng kasiyahan ay kinansela, at hindi na lumalabas ng tahanan nila ang mga sibilyan. Kung walang mga mamimili, natural na hindi magbubukas ang mga tindahan. Ang kadalasang maingay na kalye ay naging isang lungsod na walang tao, na mayroon lamang lantang mga dahon na bumabagsak, paminsan-minsan ay bumabagsak sa purong puti niyang kasuotan.

Matapos maglakad ng mahaba, nakarating siya sa tindahan ng bihon na kinainan nila ni Li Ce. Nakakagulat na bukas pa rin sila, ngunit walang mga kumakain. Ang lalaki ay nakaupo sa upuan at mukhang makakatulog na ito. Nang makita siyang pumasok sa tindahan, napatayo ito, at matapos siyang maingat na suriin, pinunasan nito ang isang lamesa at sinenyasan siya na umupo. Ganoon pa rin ang itsura ng asawa nito, at ang paglipas ng oras ay tila hindi nag-iwan ng bakas sa kanyang mukha. Lagi nitong inilalabas ang parehong masigasig na awra. Naglakad sa harap ni Chu Qiao, ang kanyang mata ay nanatiling hindi nakatuon, gayumpaman ay ngumiti ito at binati siya, "Binibini, matagal na rin."

Nagulat si Chu Qiao at nagtanong, "Natatandaan mo ako?"

"Nakilala ka niya at tinawag ako." Taos-pusong ngumiti ang babae at tinuro ang asawa nitong nakatayo sa likod niya. Medyo namula, ngumiti ang lalaki, nagpakita ng hanay ng maayos at puting ngipin.

"Nasaan ang ginoong iyon? Matagal na rin noong huli siyang pumunta dito."

Biglang nagtanong ang babae, nakangiti pa rin sa kanyang matang mukhang dalawang bagumbuwan. Umihip ang hangin mula sa kabilang banda ng kalye. Agad na humakbang ang lalaki, hinarangan ang alikabok para sa kanyang asawa. Ang kilos na iyon ay tila napaka natural lang.

Medyo nagulat si Chu Qiao sa kilos ng lalaki, at sandali niyang nakalimutang sumagot sa babaeng may-ari. Nagpatuloy na magtanong ang babae, "Binibini? Binibini?"

Lumingon si Chu Qiao sa kanya at bahagyang ngumiti. "Oh, pumunta siya sa malayong lugar."

"Oh." Tumango ang babae. "Kung ganoon ay kailan siya babalik?"

Habang nagpapatuloy na umihip ang hangin ng taglagas, at ang mga dahon ay nagkumpol sa gilid, unti-unting nagyelo ang puso ni Chu Qiao. Ang kanyang kalagayan ay naging maputla, at nakaramdam siya ng nasasakal na pakiramdam sa kanyang lalamunan. Matapos mag-isip saglit, malambot siyang sumagot, "Lumipat na siya, at siguro ay hindi na siya babalik."

Hindi nakikita ng babae ang ekspresyon ni Chu Qiao at nais na magpatuloy sa pagtatanong, gayumpaman ay hinila siya ng kanyang asawa. Agad na naintindihan ng matalinong babae na ito, tapos ay tumalikod at umalis. Hindi nagtagal, isang mangkok ng umuusok na bihon ang inihain sa kanya, kasama ang plato ng baka at kalahating plato ng hipong bola-bola. Kahit sa malayo, maaamoy ang suka.

Kinuha ni Chu Qiao ang chopstick niya, at matapos punasan ito ng kanyang panyo, nagsimula siyang kumain. Kumukulo sa init ang bihon na may hiniwa-hiwang sibuyas na ikinalat sa ibabaw, nagbibigay ng mabangong amoy. Dahan-dahang kumain si Chu Qiao. Matagal na rin simula noong kumain siya ng tamang pagkain, at ang kanyang tiyan ay puno na ng asido, na para bang susuka na siya.

"Lalamig kaagad ang bola-bola," isang malutong na boses ang narinig. Tumalikod si Chu Qiao at nakakita ng batang babaeng nasa sampung-taon-gulang, napakapamilyar niya. Tumingin sa babaeng may-ari, agad naalala ni Chu Qiao ang batang ito, tapos ay tumawag siya, "Qian'er?"

Napasimangot ang bata at seryosong-seryoso na tinanong si Chu Qiao, "Kilala mo ako?"

Ngumiti si Chu Qiao at hindi masyadong nagsalita. Umupo ang bata sa upuang nasa tabi niya at nagtanong, "Pumunta ka na dito dati para kumain?"

"Oo." tumango si Chu Qiao.

Isang pamilyar na tunog ng instrumento ang narinig. Inangat ni Chu Qiao ang kanyang ulo, para lang makita na ang pagtatanghal gamit ang anino ng manika sa may gilid ay nagsimula ulit magtanghal.

"Gusto mo bang makinig sa mga pagtatanghal na iyon?" tanong ng bata.

Hindi maiwasang ngumiti ng malumanay ni Chu Qiao tapos ay hinaplos niya ang buhok ng bata habang nagtatanong, "Interesado ka pa rin sa mga pagtatanghal na iyon?"

"Nandito ako kasama ang mga magulang ko araw-araw, at wala rin naman akong magawa. Sa pagsasalita mo, hindi ka taga-rito. Naiintindihan mo ba ang sinasabi nila?"

Umiling si Chu Qiao.

Agad na nagmungkahi ang bata, "Kung ganoon ay hayaan mong ipaliwanag ko ang kwento."

"Ikinwento mo na siya sakin dati."

"Bago siyang palabas!" paliwanag ng bata, "Palabas siya noong huling, huling, huling, huling, huling buwan, isang bagong palabas!"

Nang makita ang sigla nito, walang pagpipilian si Chu Qiao. "Sige, sabihin mo sa akin ang kwento."

Nagsimula ang pagkanta, at sigurado nga na iba ang tunog nito noong nakaraan. Hindi lang iyon, mayroon pang maraming kumakanta at maraming instrumento, gayumpaman ay mukhang bumabagsak ang negosyo nila. Ang kapaligiran ay bakante, na may dalawang sanggol ang nagpapagulong-gulong sa harap ng entablado na walang kahit isang wastong nanonood. Nagpatuloy pa rin sila sa pagtatanghal na may sukdulang propesyonalismo. Ang anino ng masiglang anino ay nakita sa tabing. Kahit sa malayo, makikita ang mahirap na disenyo ng mukha.

"Siya ang Prinsipe." Ito ang parehong pasimula, kaso nga lang ay iba ang prinsipe sa nakaraan, na iminumungkahi ng mahirap na pagkakagawa, kasama ang mas madetalyeng mga instrumento. Kahit gaano pa ito tignan, masasabi na hindi na ito mahirap na grupo.

Sa oras na ito, may panibagong anino na nakita.

"Iyon ang binibini," seryosong paliwanag ng bata. "Mayroong panahon na lumabas ang prinsipe ng bansa niya at nakatagpo ang binibining ito. Alam ng binibini ang martial arts at binugbog ang prinsipe. Nagalit ang prinsipe at nais maghiganti, ngunit maya-maya, may nangyari, at nahulog ang loob ng prinsipe sa binibini."

Sa mga taon na ito, malinaw na gumaling ang bata sa kakayahan nitong magkwento. Tumingin kay Chu Qiao, nagtanong ang bata, "Gusto mo bang malaman kung anong nangyari?"

Napatigil ang kamay ni Chu Qiao na hawak ang chopstick, at matigas na tumango.

Mapagmalaking ngumiti ang bata at nagpatuloy, "Mayroong oras na nakatagpo sila ng masamang tao, at ang mabait na binibini ay ilang beses na iniligtas ang prinsipe. Inisip ng prinsipe na napaka marangal ng binibining ito, nais niya itong isama pabalik upang maging asawa niya. Sa kasamaang palad, hindi gusto ng binibini ang prinsipeng ito at may gustong iba. Pagkatapos, umalis siya kasama ang taong iyon."

Nang oras na ito, may panibagong tao ang nakita sa entablado. Ang pigurang ito ay iba sa dalawa, at ang manika ay pangit ang pagkakagawa, hindi man lang ito nakasuot ng damit, sa sa kamay nito, mayroong patpat.

"Ngunit masama ang lalaki na iyon. Hindi lang siya walang katwiran, pangit din siya at mahirap, at gustong nang-aapi ng iba. Sa huli, biglang natauhan ang babae kaya iniwan niya ang lalaking ito."

Sa oras na ito, may panibagong karakter ang nakita sa entablado.

"Napamahal sa ibang tao ang babae. Ngunit hindi rin mabuti ang taong ito. Hindi lang ito mayabang, ngunit isa ding itong mapang-api at napaka pangit. Maaaring mayroon siyang espesyal na interes dahil malapit siya sa prinsipe ng ibang bansa. Ano pa man, masasabing isang baliw na tao ang bagong lalaking ito."

Doon, mahabang bumuntong-hininga ang bata at nagpatuloy, "Sa wakas, lumaki na ang babae, at napagtanto na ulit ang kanyang pagkakamali, at buong determinasyon na iniwan din ang pangalawang tao at bumalik upang hanapin ang prinsipe. Nakaupo na sa kapangyarihan ang prinsipe at naging Emperador. Hindi lang siya makisig, mayaman at disiplinado din siya. mabait siya at tapat. Nagsisisi ang babae at umiyak at lumuhod sa harap ng bahay ng Emperador, nagmamakaawang pakasalan siya. Sa huli, nag-aatubiling pumayag ang Emperador."

Related Books

Popular novel hashtag