Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 222 - Chapter 222

Chapter 222 - Chapter 222

Matapos sila isama ni Chu Qiao, bumili sila ng bahay-panuluyan na malapit sa lawa at sinimulan itong patakbuhin. Sa una, ito ay para itago ang kanilang pagkakakilanlan. Matapos ang lahat, kakaibang tignan para sa nag-iisang babae na maglakbay kasama ang isang tagasilbi at dalawang bata. Pangalawa, gusto niyang humanap ng bagay na magagawa niya. Hindi pagpipilian ang walang gagawin.

Sa una, hindi nila ito ginawa upang kumita ng salapi. Gayumpaman, dahil sa kakaibang istilo ng pamamalakad ni Chu Qiao, ang paraan na pananatili niya ang mga kapuri-puring pamantayan ng kalinisan, at ang kanais-nais na heograpikal na lokasyon ng lugar, ang bahay-panuluyan na ito ay naging isa sa mga kapuri-puring lugar sa syudad. Ang mga iskolar na dumating upang dumalo sa eksaminasyon na gaganapin sa tagsibol at taglagas ay mamarkahan ang lugar na ito bilang kauna-unahan nilang pipiliin na tutuluyan. Kaya, nakuha ng lugar ang ito ang titulo na "Scholar's Inn". Sa panahon ng karurukan, ang negosyo ay mabunga habang ang mga silid ay madalas na puno.

Mabilis na lumipas ang oras; bawat araw ay tahimik na dumadaloy sa susunod. Nanirahan siya sa malayong syudad na ito, malayo sa mga nangyayari sa mundo, tinatago ang nakalipas niyang karangalan at inaabandona ang nakaraan niyang mga alaala. Nanirahan siya tulad ng isang karaniwang babae, inilalarawan ng mapayapang mga araw na mayroon siya.

Walang nagbago, bukod sa kanyang kalusugan na nagsimula nang bumagsak. Kahit na 21 pa lang siya, ang mahabang panahon na pisikal na pagsusumikap, pakikibahagi sa labanan, at ang mga hirap na naranasan niya mula pa noong bata siya ay naging sanhi upang dumami ang karamdaman na nararamdaman ng kanyang katawan. Makakaramdam siya ng sakit dahil sa mga sugat niya sa tuwing masama ang panahon; nagsimula na rin rayumahin ang kanyang mga kasukasuan. Nagsimula nang makita sa talukap ng mata niya ang maninipis na mga kulubot, habang ang kanyang lakas ay naapektuhan din. Sa tuwing makakaramdam siya ng kaunting pagod, hindi magtatagal ay makakatulog siya.

Tila naging malapit niyang kaibigan ang mga sakit. Halos bawat parte ng kanyang katawan ay mayroong problema; habang binibisita siya bawat buwan ng trangkaso. Habang nakahiga siya sa kanyang higaan, nilalabanan ang mga sakit, madalas siyang napapaisip kung pag-aari niya ang katawan na ito. Para siyang isang manika na kahit anong oras ay maaaring magkandasira-sira.

Sa magandang banda, bumalik na sa wakas ang kapayapaan sa kanyang buhay. Wala nang pagdanak ng dugo, malupit na kamatayan, at walang humpay na pagbabalak at pagpaplano laban sa ibang partida. Nagsimula nang kumalma ang kanyang puso, tulad ng tubig sa ibabaw ng lawa.

Nitong dalawang taon, bihira siyang umalam ng bagong balita tungkol sa sitwasyon sa mundo sa labas. Gayumpaman, habang pinapatakbo niya ang bahay-panuluyan, maraming dumadaan ang nagbabahagi ng sitwasyon sa kanya at sa mga bata, kung saan ay intiresado din. Halimbawa, naibahagi sa kanya ang kasal ni Zhuge Yue at Prinsesa Nalan. Mula sa kanyang narinig, nang nakabalik si Zhuge Yue sa imperyo ng Xia, tinanggap niya ang alok. Habang pumapalakpak sa selebrasyon ang mga opisyales ng Xia, nagbagsak si Zhuge Yue ng panibagong bomba na mayroon na siyang lehitimong asawa na nasa Qinghai. Sinasabi na ayaw niya itong iwanan dahil nanatili ito sa tabi niya, dineklara niya na magiging kerida niya lamang si Prinsesa Nalan kung sila ay magpapakasal. Kahit siya manganak ito, magiging pangalawang asawa lamang siya.

Lubos na nagalit ang sugo ng Song dito. Ang isyung ito, kung saan ay hinulaan na gagawa ng malaking komosyon sa West Meng, ay walang kahirap-hirap na hinawi ng kaswal na kilos ni Zhuge Yue sa bagay na ito. Wala nang iba pang kinahinatnan tapos ay unti-unting nakalimutan ang bagay na ito.

Pagkatapos, sa suporta ni Chief Marshal Zhuge, ang ika-pitong prinsipe, si Zhao Che, ay bumalik sa kabisera mula sa hilagang hangganan na may higit 500,000 piling mga sundalo. Dinurog nila ang rebelyon at pinalaya ang malalaking teritoryo sa hangganan. Habang sinusuportahan nila ang isa't-isa, binasag nila ang pagkimkim ni Zhao Yang ng kapangyarihan sa pulitika ng Xia.

Ang Yan Bei ay hindi na kasing yaman tulad ng dati; isinara ng imperyo ng Tang ang daanan sa tubig sa kahabaan ng hangganan sa timog habang ang relasyon sa ekonomiya ng Song ay naputol. Nahaharap sa dalawang atake ng Xia at Qinghai, pansamantalang nawalan ng kakayahan ang Yan Bei na makidigma sa Tang.

Maswerte ang Yan Bei, sangkot si Zhao Yang sa pakikipag-agawan ng kapangyarihan kay Zhao Che, dahilan upang malipat ang atensyon niya mula sa pagpapalakas ng Yanming Pass. Idagdag pa, sa nakalipas na isa't kalahating taon, tanging isang malakihang pag-atake lamang ang nagbabadyang mangyari, kung saan ay nangyari sa Longyin Pass. Gayumpaman, ni hindi man lang nangyari ang laban—kinaharap ng mga sundalo ang isa't-isa doon ng dalawang araw bago umatras pabalik sa kanilang mga sariling lokasyon.

Hindi mahuhulaan ang sitwasyon, na may maraming pabago-bago sa pangyayari.

Makikitang naintindihan ni Zhao Yang na ang hukbo ng Qinghai ni Zhuge Yue ay papatay upang makarating sa kabisera ng Xia, kung hindi dahil sa presensya ng Yan Bei. Tapos, ang Southwestern Army niya ay hindi mananalo kay Zhao Che at Zhuge Yue. Kung kaya, hindi siya direkta na tumayo sa parehong panig ni Yan Xun.

Nakakahanga ang mga bagay na hindi mahuhulaan sa mundong ito.

Gayumpaman, ang balitang nakakuha ng pinaka positibong tugon mula sa mga naglalakbay ay ang balita ng labis na kasal ni Yan Xun. Isang taon ang nakakalipas, noong panahon ng bagong taon, nagsagawa si Yan Xun ng malakihang mga serye ng piging pangkasal na isinapubliko sa labas ng palasyo ng Shuofang, ginawang kerida ang 18 mga anak ng babae ng kanyang mga opisyales. Itinira niya ang mga ito sa kanyang harem na itinayo sa likod ng palasyo ng Shuofang. Nagtagal ng 18 araw ang piging habang nagtipon ang mga sibilyan sa Shuofang upang magbigay ng respeto. Isa iyong kagila-gilalas na tanawin.

Sa pangalawang araw ng piging, ang pagtatayo ng palasyong Nada, sa tuktok ng bundok ng Luori, ay natapos. Ang mga taong sinuwerte na makita ang palasyo sa Yan Bei ay paulit-ulit na inilarawan ang milagrong tanawin na nasaksihan nila. Ilang mga iskolar at ang mga mas edukadong tao ay lumikha ng matalinhagang mga tula at kanta, na nagpapahiwatig ng kanilang pagkamangha sa magandang palasyo.

Bali-balita na ginawa sa ere ang palasyong Nada, nakatayo sa isang talampas. Dumadaloy ang tubig ng batis pataas; makukulay na hardin ang lumulutang sa ere, kasama ang mga ilog na gawa sa alak, kung saan ang halimuyak ay malayo ang nararating. Idagdag pa, mayroon ring gintong mga istatwa at pilak na dingding, kung saan ay kaing kinang ng araw. Tila isa itong mahiwagang kababalaghan—kahit ang palasyong Jinwu ng Tang, kung saan ay libong taon na, ay hindi maikukumpara dito.

Alam ng lahat na itinayo ng hari ng Yan Bei ang palasyong ito para sa kanyang kasintahan, ang Heneral ng Xiuli. Gayumpaman, mula noong malaking pagkakasira nila sa Huolei Plains dalawang taon ang nakakaraan, ang babaeng iyon na ipinanganak bilang isang alipin, na nagpakislap ng salungatan sa pagitan ng mga hari ng Yan Bei, Tang, at ang Chief Marshal ng Xia, ay tuluyang naglaho sa pulitika ng West Meng, at hindi na muling narinig pa.

May ilang nagsasabi na nagpakasal siya sa pamilya ng hari ng Tang, pinaliltana ng kanyang apelyido upang manatili sa tabi ng emperador. May ilang nagsasabi na siya ang asawa ni Zhuge Yue, nananatili sa Qinghai upang pangunahan ang mga sundalo doon. Saka, sinasabi ng mga tao na bumalik siya sa Yan Bei, ginawang tahanan ang palasyong Nada. Gayumpaman, mga tsismis lamang iyon. Walang nakakaalam na ang babae, na isang nabubuhay na alamat, ay kasalukuyang matatagpuan sa maliit na syudad sa timog rehiyon ng Tang, nagpapatakbo ng maliit na bahay-panuluyan. Mayroon siyang karaniwang buhay, araw-araw na naglalakad sa Jialing Lake, at naglalaro ng chess kasama ang mga matatanda upang magpalipas ng oras.

Ang biglaang pagpapakilala ng elemento ng kasimplehan sa kanyang buhay ay naging dahilan upang makalimutan niya ang maraming bagay. Gayumpaman, paminsan-minsan, naaalala niya ang kwentong sinabi niya sa binata sa sira-sirang bakuran na iyon maraming taon na ang nakakalipas.

"Nagpatayo ang hari ng paraiso para sa babaeng mahal niya. Maraming magandang bagay doon. Dumadaloy pataas ang tubig sa batis; lumulutang ang makukulay na hardin, kasama ang mga ilog na gawa sa alak, kung saan ang halimuyak ang malayo ang nararating. Gintong mga istatwa at pilak na mga dingding, kung saan ay kasing kinang ng araw, ay dinagdagan ang karilagan ng palasyo. Ang paraisong iyon ay naging nakakamangha sa mundo sa huli, kilala ng marami, habang senyales ito ng walang kamatayang pagmamahal sa pagitan ng hari at ng kanyang kasintahan."

Kalahati ng kanyang buhay ang lumipas. Ilang mga tao ay nanatili; ang ilan ay umalis. Ang ilan ay naligaw, habang ang ilan ay hindi na nakabalik pa. Kahit na naaalala niya ang ilan sa mga alaalang ito, paano niya maisasalba ang mga relasyon na nawala na? Matapos ang lahat, lumipas na ang lahat.

Dumating ang grupo niya sa Xiu Ridge sa susunod na araw. Dumadaloy mula sa taas ang mga batis; ang mga puno at bulaklak ay malago, ang kanilang mga dahon ay berdeng-berde. Kung hindi dahil sa nagmamadaling itsura nila, magandang lugar ito upang magpahinga. Gayumpaman, noong gabi ng ikatlong araw, isang malakas na ulan ang nagpatagal sa kanilang paglalakbay. Ang mga daan sa bundok ay maputik at mapanlinlang. Sa hapon ng ikaapat na araw, nakarating sila sa ilog Qingheng na may lubos na pagsisikap, para lang madiskubre na nasira dahil sa ulan ang tulay doon. Isa pang grupo ng tao na tila nais tumawid sa ilog ang ginagawa ang lahat upang ayusin ang tulay, ngunit limitado sila sa kanilang progreso dahil sa kakulangan sa tao.

Mayroon lamang silang dalawang pagpipilian. Pwede silang bumalik at maglakbay tungo sa Song, kung saan ay magdadagdag ng higit sampung araw sa kanilang paglalakbay. Ang pangalawang pagpipilian ay hihintayin na maayos ang tulay bago sila tumawid sa ilog.

Binigyan ni Chu Qiao ang mga inupahang gwardya at mangangabayo ng sampung tael ng pilak bawat isa. Ang mga tapat na tauhan, na hindi maitago ang kanilang tuwa, ay agad tumulong sa pagsasaayos ng tulay. Matapos ang maikling sandali, lumapit si Pingan sa tabi ng karwahe ng kabayo at sinabi, "Ate, may ipinadala dito mula sa kabilang grupo upang magpasalamat sa atin."

Sumagot si Chu Qiao nang makita na walang intensyon ang kabilang grupo na makipag-usap mismo sa kanya, "Sabihin mo sa kanila na dahil pareho naman ang dadaanan namin, hindi na nila kailangang magpasalamat sa atin."

Mabilis na nagdilim ang kalangitan; dumagundong ang kulog sa abot-tanaw. Hindi karaniwan na halumigmig ang panahon. Bahagyang itinaas ni Chu Qiao ang kurtina ng karwahe. Nang makita ang madidilim na ulap sa kanluran, inasahan na niya ang panibagong ulan maya-maya lang.

Si Meixiang, kasama ang ilang tagasilbi, ay naghanda ng lugaw na may karne. Nakita ni Chu Qiao na tahimik ang galaw ng mga taong malapit sa tulay. Ang mga tagasilbi ay abala sa pagsasaayos ng tulay, habang isang simpleng karwahe ng kabayo, na nababalot ng berdeng tela, ang nakatayo sa ilalim ng puno. Sa ilalim ng liwanag ng gabi, umilaw ng maliwanag na pula ang karwahe ng kabayo. Habang umiihip ang hangin sa karwahe, inaangat ng bahagya ang mga kurtina, isang gintong pares ng sapatos ang makikita. Makikitang ang taong nasa karwahe ay isang maharlikang may mataas na katayuan.

Nagdala si Meixiang ng ilang gwardya at tumawag upang magkasamang kumain ng lugaw. Nang makita iyon, inutusan siya ni Chu Qiao na dalhin ang sobrang lugaw sa kabilang grupo. Gayumpaman, nang bumalik si Meixiang, may hawak siyang paketeng papel. Matapos buksan, makikita na puno ito ng marangyang meryenda at kahit dalawang malaking piraso ng tinuyong karne ng baka.

"Alam ng taong iyon kung paano magbayad ng mga pabor," ngumiti si Meixiang habang pinulot niya ang piraso ng pastelerya. Habang inaamoy niya ito, sinabi niya, "Kaamoy ito ng millefeuille mula sa Yufu sa Baishui Pass. Binibini, amuyin mo ito. Kahalintulad ba niya ang mga produktong inangkat natin mula sa Baishui?"

Napasimangot si Chu Qiao nang kinuha niya ang piraso ng pastelerya. Matagal niya itong tinignan bago tahimik na sumagot, "Hindi sila pareho. Ang mga pasteleryang binibili natin ay nasa kalagitnaan ang grado. Hindi ito ganoon kalutong. Hindi makakatagal ng mahabang paglalakbay ang mga pasteleryang ito. Sa tingin ko ay binili ito ng kabilang grupo upang kainin habang nasa daan."

Medyo humanga si Meixiang. Kahit na hindi niya kailangang mag-alala tungkol sa pangunahing pangangailangan ng buhay nitong mga taon na ito, ipinanganak pa rin siya sa isang mahirap na pamilya. "Napakamahal ng meryendang ito. Napaka mapagbigay naman nila." Usal niya.

Ilang araw nang may sakit si Jingjing tapos ay pagising-gising siya sa kanyang pagkakahimbing. Nang naamoy niya ang halimuyak ng pastelerya, ni hindi man lang ito tinitignan, tumawag siya kay Meixiang at nakiusap, "Ate Mei, gusto kong kumain."

"Mas maganda nang maging maingat. Hindi natin alam kung sino ang mga taong ito. Meixiang, maghanap ka ng lugar upang itapon ang bagay na ito. Huwag mo itong kainin."

Tumatango sa pagsang-ayon si Meixiang tapos ay sumagot siya, "Binibini, tama ka."

Matapos ang mahabang panahon kung saan dumagundong ang kulog at umihip ang hangin, bumalik sa katahimikan ang gabi. Nang tuluyan nang dumilim ang kalangitan, nagawa na sa wakas ang tulay. Tila nagmamadali ang grupong iyon. Nagpadala sila ng tao upang batiin si Pingan habang nag-empake na ulit sila at umalis. Ayaw na ni Chu Qiao na mag-aksaya pa ng oras. Sumunod siya sa grupo ng tao na tumawid sa ilog. Gayumpaman, habang papalapit sila sa tulay, nakita niya ang porselanang mangkok, kung saan ay ginamit ni Meixiang sa paghahanda ng lugaw, nakalapag sa mga damo. Hindi nagalaw ang lugaw na laman nito, habang ilang mga daga ang tinatamasa ang swerte nila.

Ibinaba ni Chu Qiao ang mga kurtina ng karwahe. Tahimik siyang sumandal sa malambot na unan habang nagsimula siyang mapakunot.

Sino ang mga taong ito? May kaugnayan ba sila sa bagay na iyon?

Habang iniisip ni Chu Qiao ang hindi pangkaraniwang kilos kamakailan lang sa imperyal na musoleo sa kabundukang Mei, nagsimula siyang mag-alala para kay Li Ce.

Sana, lubos lang ang pag-iisip ko.

Related Books

Popular novel hashtag