Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 220 - Chapter 220

Chapter 220 - Chapter 220

Mayroong maingat na kumakatok sa pinto. "Master, alam ng Master na nakabalik ka na, at nagpadala din ang palasyo ng mga tauhan upang sabihan ka na pumasok." Saad ni Yue Qi."

Kumuha ng kapa, nagsuot si Zhao Che ng higanteng roba, at may higanteng itim na sumbrero, hindi na masyado makita ang kanyang mukha. Tahimik niyang sinabi, "Oras na para umalis ako. Mag-ingat ka."

"Ikaw din. Lumisan ka mula sa sikretong landas. Mag-ingat ka."

Tumango ang dalawang lalaki. Binuksan ni Zhao Che ang pinto, at kasama si Huan'er at ilan pa, naglakad siya sa mabigat na pagnyebeng nasa labas.

"Master." Pumasok si Yue Qi para lang makita si Zhuge Yue na nakatayo sa silid, ang kanyang matangkad na pigura ay diretso ang tindig, na may mukhang tila napaka panglaw. Walang makakapagsabi kung anong iniisip niya.

Ang pakiramdam na magkaroon ng totoong kaibigan ay napakaganda talaga.

Hindi aktibo si Zhuge Yue sa pakikipagkapwa, at kahit sa kanyang pamilya at mga kapatid, wala siyang partikular na magandang relasyon sa kahit sino sa kanila. Gayumpaman, sa seguridad ng syudad ng Zhen Huang, nakipagsapalaran pa rin si Zhao Che na katagpuin siya. Isa itong gawa na talagang humaplos sa kanyang puso.

"Master? Oras na." Paalala ni Yue Qi.

Nagpakita ng ngiting walang inaalala si Zhuge Yue bago nag-utos, "Ihanda ang karwahe."

Nagulat si Zhuge Yue. "Saan mo balak tumungo?"

"Sa korte."

"Sa korte?" Tigalgal pa rin si Yue Qi. "Hindi ba kailangan ni Master na maligo at magbihis? Sa una palang, ikaw ang Grand Marshal. Hindi dapat mag-ulat ang Heneral sa korte gamit ang karwahe, at kailangan ay kabayo ang sinasakyan."

Nagbaba ng tingin si Zhuge Yue, at isang malamig at matalas na tingin ang kuminang sa kanyang mga mata. Hindi ito masyadong pinapansin, malamig siyang nagpaliwanag, "Hindi lang ako ng Grand Marshal ng imperyo ng Xia, ako rin ang Hari ng Qinghai na namumuno ng higit 500,000 sundalo. Para sa huling punto, natatakot ako na nakalimutan na nila."

Tumagos ang araw sa patong ng mga ulap sa kalangitan. Lumabas si Zhuge Yue ng kanyang silid, habang naglagay si Fang Chu ng hindi makintab na gintong kapa sa balikat ni Zhuge Yue. Ang 18 pinto ng sambahayan ng Zhuge ay sabay-sabay na nagbukas. Tila sumisinag ang liwanag mula sa likod nang ipinakita ni Zhuge Yue ang malinis niyang mukha. Ang kanyang labi ay mapulang-mapula at ang kanyang likod ay diretso ang tindig. Malamig na may malalaking hakbang siyang naglakad palabas. Habang naglalakad siya, isang langkat ng mga opisyales ang nagkumpulan palapit, para lang maharangan ng mga gwardya ng Yue isang metro ang layo sa kanya. Hindi man lang tumitingin sa gilid, sumakay si Zhuge Yue sa marilag na karwaheng hinihila ng walong kabayo at dinikta, "Umalis na tayo."

"Saan nais pumunta ng Master?" Tanong ng tsuper.

Wala rin emosyon si Fang Chu habang kalmado siyang sumagot para kay Zhuge Yue, "Sa palasyo ng Sheng Jin."

Kahit sa malamig na hanging tumatagos sa loob ng karwahe, nanatiling kalmado ang mukha ni Zhuge Yue habang marahan siyang umupo ng maayos sa malambot na upuan sa karwahe. Hindi siya nagkulang sa abilidad na gumawa ng pagpapakaabala. Dahil ganoon nga, gagawin pa niyang mas nakakalito ang sitwasyon, na walang maaaring makakuha ng kung ano sa sitwasyon ito, at walang makakalayo sa gulong ito.

Sa pagdilim, ang piging sa labas ay hindi pa rin natitigil, gayumpaman ay isang panibagong piging ang nag-umpisa sa loob. Kahit na mas mainit ang imperyo ng Tang, tuwing kalagitnaan ng taglamig, mas malamig pa rin ito kaysa sa karaniwan. Sa hangin ng gabi na umiihip, kahit na magsuot ng windbreaker, lulusot pa rin ang kalamigan sa tela at pataas mula sa mga suwelas ng sapatos, nagdadala ng nakakakilabot na ginaw sa katawan ng isang tao.

Sa kalagitnaan ng tanghali, isang ambon ang nagpatuloy hanggang takipsilim. Ginawa nitong mas malamig kaysa karaniwan ang madilim na gabi. Gayumpaman, ang mga babaeng nakasuot ng magagandang damit ay hindi nahihiyang ipakita ang kanilang malinis na maputing dibdib. Sa kanilang mata na puno ng pagnanasa, ang kanilang mainam na mga binting tila porselana na mapang-akit ba nagkukrus, paminsan-minsan, isang mapangahas na babae ang lalapit upang ipagsalin siya ng alak at "aksidenteng" ipapakita ang kanyang mga binti.

Maraming nainom si Li Ce, habang naniningkit siya at sumandal sa malambot na upuan. Sa pinto ng palasyo ng Roufu na bukas na bukas, ang karangyaan ng palasyo ay kitang-kita. Ang mga musikerong nagpapatugtog ng kanilang musika ay tumutugtog sa gitna ng lawa, habang ang mga melodiya ay maririnig hanggang sa kaloob-looban ng higanteng palasyo.

Tulad ng ahas na gumagapang, ang mga maliliit na bewang ay kumikislot sa kanyang harapan, habang ang balingkinitan nilang binti ay magkasunod na gumalaw. May patak ng pawis na tumutulo sa kanilang kulay peach na balat, isang mapangahas na mananayaw ang bumagsak dibdib ni Li Ce sa isang tuloy-tuloy na galaw. Sa kilay nitong bahagyang nakataas, isang disenyo ng ulap ang naiguhit gamit ang gintong alikabok. Ang kanyang labi ay makapal, at ang kanyang leeg ay mahaba at payat. Ang makurba niyang dibdib ay natatakpan ng manipis na patong ng tela, at sa manipis na telang iyon, halos makita na ang pink na kulay ng kanyang balat.

Tinaas ang baso ng alak, ang likod ng mananayaw ay nakausli sa nakakaakit na kurba. Ang kamay nito ay mataas na nakataas, at sa pilantik ng kanyang kamay, natapon ang alak, at sa tila sisne niyang leeg, dumaloy ito sa kanyang cleavage na mukhang dalawang manyebeng bundok.

"Kamahalan, lasing ka ba?" Talagang pambihira ang kanyang ganda. Hindi lang siya maganda, pati ang kanyang boses ay nakagagayuma. Ang flexible niyang katawan ay nakabaluktot, at ikinuskos niya ang hubad niyang balikat sa dibdib ni Li Ce, at doon, ang malambot niyang kamay ay pumasok sa loob ng damit nito. Gumagalaw pababa, tumigil nang kaunti nalang bago sa dulo.

Ang babaeng ito ay si Binibining Zi Ming, isang babae na nakuha ang pabor ni Li Ce sa nakalipas na taon. Isang babaero si Li Ce at bihirang magbigay nang matagal na atensyon sa isang babae. Gayumpaman, ang Binibining Zi Ming na ito, na ipinanganak ng isang bumagsak na maharlika, ay matagal siyang naakit. Patunay ito na lubos siyang kaakit-akit.

Si Li Ce, na may matang bahagyang lasing, ay nagbaba ng tingin. Nakasuot ng roba na asul at lila, mayroon siyang bandana na gawa sa balahibo ng lobo. Sa kwelyo niyang bahagyang nakabukas, makikita ang maganda niyang katawan sa ilalim ng umuugoy-ugoy na mga sulo. Nakasanayan, naningkit siya, at ang kanyang kilay ay malanding kumunot. Sa kailaliman ng kanyang mata, mayroong liwanang na kumikisĺap, pinagmumukha siyang tusong fox na malalim ang iniisip.

Nagpatuloy na sumayaw ang mga mananayaw sa palasyo. Sumasayaw sila ng katutubong sayaw ng nga taga Donghu. Mapangahas at lantad, ilang manipis na kasuotan lamang ang kanilang suot na bahagyang tinatakpan ang kanilang mga pribadong parte. Sa malambot nilang katawan na gumigiling-giling, makikita na nababalot sila ng pawis.

"Kamahalan, hindi ka pumasok sa palasyo ng Roufu ng kalahating buwan. Mabilis mo na bang nakalimutang ang binibining ito?" Marahang sumandal si Binibining Zi Ming. Sa kanyang matang maluha-luha, aalumanay siyang tumingin kay Li Ce, tulad ng isang mapang-akit na succubus.

Lasing ang mga mata ni Li Ce, at mukhang lasing din ang mga binti niya. Gayumpaman, sa pagitan ng mga mata niya, sobrang tino niya. Umangat pataas ang pulang kuko ng babae mula sa kanyang tiyan tungo sa kanyang kilay. Bumulong sa kanyang tainga, marahan itong nagtanong, "Sino may kasalanan na hindi masaya ang Kamahalan?"

Umangat ang gilid ng labi ni Li Ce at kalmado siyang ngumiti. Pwersahan niyang hinawakan ang payat nitong bewang, at ang kanyang palad ay humahaplos sa makinis nitong balat. "Demonyita ka." Saad niya habang bahagyang tumatawa.

"Magiging malupit ba ang Kamahalan na hayaang manatili mag-isa si Ming'er sa kanyang silid?"

Natigalgal si Li Ce nang isang pigura ang biglang umibabaw sa kanyang isip. Napasimangot siya sa pagsisisi, at halos mawala na sa karaniwang takbo ang kanyang isip. Nabaliw na siya sa nakalipas na kalahating buwan. Magpapatuloy pa ba siya?

Lumingon at tumingin sa nakakaakit na mukha ni Binibining Zi Ming, isang miasma ang tila umaangat mula sa kanyang puso, pinipigilan ang kung ano na tila parehong pait at pagnanasa. Sa kanyang puso, wala nang galit o saya, at mukhang hindi na siya walang inaalala. Ngumiti nalang siya at binawi ang kanyang hinahon bago bahagyang tumawa, "Simula kailan na hindi ako isang lalaki na nagmamalasakit sa mga magagandang tulad mo?"

"Kamahalan," isang kalmadong boses ang nagsalita sa labas ng palasyo.

Nag-angat ng tingin si Li Ce at nakita si Tie You na nakatayo sa labas ng pinto. Kumumpas si Li Ce, at doon, ang komander na ito, na nababalot pa ng baluti, ay naglakad sa palasyo. Hindi pinapansin ang ekspresyon ng mga nakapalibot na kababaihan, lumuhod siya sa lupa at matatag na nag-ulat, "Kamahalan, nakabalik na si Binibining Chu."

Natigalgal si Li Ce. Kahit na mukha siyang kalmado, ang alak na nasa basong hawak niya ay tila muntik nang tumapon. Mayroong kumakantang boses na mukhang umaalingawngaw mula sa malayo. Mabagal ang kanta, tulad ng kantang dapat pumawi sa puso ng isa. Sa lawa, malamig ang hangin, at nagdadala ng halimuyak. Sa matangkad niyang katawan at makapal na itim na buhok, napakagwapo ng pigura ni Li Ce.

"Kailan nangyari iyan?"

"Ngayon lang."

"Nasaan na siya ngayon?"

"Bumalik siya sa sambahayan ng Mihe."

"Tayo na." Tumayo si Li Ce at lumabas.

Natigalgal si Tie You at agad na nagtanong, "Kamahalan, saan ka pupunta?"

"Sambahayan ng Mihe." Mula sa malayo, lumutang ang boses ni Li Ce sa engrandeng gabi na ito. Agad na sumunod si Tie You kasama ang iba pang gwardya.

Marahang tumayo si Binibining Zi Ming, ang sutla niyang kasuotan ay bahagyang umuugoy sa paparating na hangin ng gabi. Gayumpaman, walang kahit isang bakas ng mapang-akit na ipinakita niya kanina ang natira. Kalmadong nakatingin sa papaalis na Li Ce, ang kanyang tingin ay kalmado at walang emosyon.

"Binibini." Isang katulong ang maingat na lumapit sa kanya. Kinuha ang pampatong mula sa tagasilbi, ikinumpas ni Binibining Zi Ming ang kanyang kamay. "Itigil ang piging." Parang hangin na umalis ang mga babae. Sa halimuyak ng alak, ang tanging tunog na natitira ay ang kumakanta mula sa malayo. Ang mga bulaklak sa lotus pond ay matagal nang nalanta, at kahit ang puno ng sycamore na nasa harap ng tarangkahan ay lubos na bakante. Ang buwan ay simpleng kawit lang, sinisinag ang maulap nitong liwanag sa malinis na puting batong hagdan.

Sa bead na tabing na tumatama sa isa't-isa, nagbibigay ng malutong na tunog ng pagtama, si Qiu Sui, na nagbabantay sa labas na silid, ay nagising. Sumenyas si Li Ce upang sabihan siya na manatiling tahimik. Nagbaba ng tingin ang katulong at lumuhod sa sahig, hindi nangangahas na gumawa ng kahit anong ingay.

Sa malamig na panahon, saradong-sarado ang bintana, gayumpaman ay mayroon pa rin mahinang liwanag ng buwan na sumisinag papasok sa purong puting bintana. Natutulog si Chu Qiao habang ang kumot na nakukulayan ng puting buwan ay nakatakip sa kanyang katawan, iniiwan lamang na nakikita ang kanyang maliit na ulo. Mukhang malinis at maayos, ang mukha niya ay may bihirang itsura ng kapayapaan. Nakasandal sa pinto, ihinilig ni Li Ce ang kanyang ulo, at sa sandali ay tumayo lang siya doon na hindi gumagalaw.

Walang duda, iyon ang pinakamagandang pagpipilian para sa kanya. Walang maraming responsibilidad at pasakit, walang maraming malakas na pakiramdam at masidhing poot, makakaalis siya kailanman niya gustuhin.

Itinuon ang tingin sa babae, napaka malumanay ng kanuang tingin. Suminag ang malumanay na liwanag sa babae, binibigyan ito ng mahinang liwanag. Umihip ang hangin mula sa labas, ang anino ng mga puno ay umuugoy tulad ng isang babaeng sinusubukan silang abutin, marahang hinahaplos ang palasyo na ito na mukhang nasa permanenteng pag-iisa.

"Natulog ang binibini pagkabalik niya. Mukhang pagod na pagod siya," bulong si Qiu Sui kay Tie You. Kahit gaano siya katahimik, nakarating pa rin sa tainga ni Li Ce ang kanyang boses.

Nakatayo doon, tila may naintindihan si Li Ce. Ang uling sa gilid ng silid ay nagbibigay pa rin ng mainit na liwanag. Ang mga ibon na naninirahan sa mga puno ay nagbibigay ng magaan na melodikong huni na lubos na magandang pakinggan.

"Kahit anong nangyari, kung pagod siya, dapat siyang magpahinga." Pagkasabi noon, tumalikod ang lalaki at naglakad palabas sa pinaka silid-tulugan. Sa bakanteng palasyo, umalingawngaw ang yabag niya, sinasalamin ang pagkabakante ng silid.

Habang lumalamig ang gabi, unti-unting nagmulat si Chu Qiao. Sa dilim, tila obsidian ang kanyang mga mata. Sa kaibahan, ang maputlang puti niyang mga kamay ay buong lakas na humawak na kumot. Hindi nagtagal, ang tunog ng musika ay nagpatuloy mula sa palasyo ng Rou Fu, at mas malakas pa ito kaysa dati. Marahan niyang ipinikit ang mga mata niya. Pagod na pagod talaga siya.

Tatlong araw ang makalipas, nagdesisyon siyang lisanin ang kabisera ng Tang. Wala siyang inalertong iba ngunit dinala kasama si Mei Xiang. Sa oras na ito, pumunta siya upang batiin si Li Ce bago siya umalis. Walang binanggit si Li Ce tungkol sa paghatid sa kanya, tangi lang na bago lumabas ang karwahe niya sa tarangkahan ng syudad sa kabisera ng Tang, sa ilalim ng puno ng sycamore sa malayo, si Li Ce, kasama si Tie You, Sun Di, at ilan pang iba, ay binati siya pagdating niya. Agad na nawala ang mga tao, na tanging si Chu Qiao at Li Ce nalang ang natitira. Nagkausap na sila sa wakas simula noong nakabalik siya.

"Saan ka pupunta?"

"Hindi ko alam." Nang makita ang nagsususpetyang tingin ni Li Ce, ngumiti si Chu Qiao. "Wag kang tumingin ng ganyan sakin. Hindi kita niloloko. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta."

"Kung ganoon ay bakit aalis ka?"

"Gusto ko lang maglakbay at makita ang mundo." Huminga ng malalim si Chu Qiao. Nakangiti niyang inobserbahan ang kapaligiran. May malutong na boses siyang nagpaliwanag, "Tignan mo, umiinit na ang panahon. Ang kontinente ng West Meng ay napakalaki, gayumpaman ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga at matamasa ang tanawin. Sa oras na ito, iisipin ko na nagbabakasyon ako."

Mabilis na naghanda ng tsaa si Li Ce habang nagpatuloy siyang magtanong, "Hanggang kailan mo balak magpahinga?"

"Hindi ko alam, depende sa gusto ng pakiramdam ko. Siguro isang araw kapag wala na akong pera, babalik ako upang kumuha ng pagkain sayo. Kaya dapat siguruhin mo na maayos mong pangangalagaan ang trono mo. Wag mo hahayaang mawala lahat ng pera mo bago ako makabalik."

Nang marinig iyon, agad na pinulot ni Li Ce ang sobreng nasa lamesa at inilabas ang makapal na notang pilak. Nasa kalahati ng nota ang tinanggal niya at inilagay sa kanyang bulsa hababg inuusal, "Babalik ka lang kapag wala ka nang pera? Kung ganon ay hindi ko dadamihan ang bigay sayo. Kung hindi, sa oras na bumalik ka na, baka matandang babae ka na na wala nang natitirang mga ngipin."