Hindi mapigilan ni Chu Qiao ang kanyang tawa habang sinasabi niya, "Tignan mo ang sarili mo. Paano ka naging tulad ng isang emperador?"
"Sino may sabing hindi pwedeng umasta ng ganito ang isang emperador? Hindi mo alam kung gaano ako nagdusa. Gusto kong gumastos ng kaunti pang salapi, ngunit iyong mga matatandang iyon ay patuloy na umaangal tungkol sa tagtuyot sa silangang rehiyon at ang taggutom sa kanlurang rehiyon. Gusto nila akong kumain ng simpleng gulay araw-araw. Hindi sila mabuting lahat. Inipon ko ito mismo. Imbis na bayaran ang pasasalamat mo, pinagtatawanan mo ako ngayon?"
Ang kalangitan sa Tang ay maaraw, na walang makikitang mga ulap. Habang sumisinag ang araw sa tusong mga mata ni Li Ce, pinagmumukha nitong mas tuso ang kanyang itsura. Bumuntong-hininga si Chu Qiao para sa mga opisyales at iskolar ng Tang habang sinasabi niya, "Kasamaang-palad nila na nakatagpo sila ng ganitong emperador."
Umiling si Li Ce at bumuntong-hininga habang sumasagot, "Qiaoqiao, ang lupit mo. Sa pag-alis nalang ng ganito, lalabanan ako ni He Xiao at ng iba hanggang kamatayan."
Nang mabanggit ang pangalan ni He Xiao, natigilan si Chu Qiao. Matagal siyang nag-isip bago sumagot, "Li Ce, ipinagkakatiwala ko sayo ang mga mandirigma ng hukbo ng Xiuli sayo."
"Mga lalaki silang lahat. Bakit mo sila ipinagkakatiwala sa akin?"
Hindi pinansin ni Chu Qiao ang walang kabuluhan nitong pahayag habang nagpatuloy siya, "Napapaisip ako nitong ilang mga buwan. Kasalanan ko ba talaga? Masyado akong walang muwang, iniisip na mababago ko ang lipunan na ito sa isang mas may kalinangan at organisado. Hindi ito tulad ng larawan na ipininta ng Da Tong. Nais ko lang na makabili ng pagkain ang mga mahihirap, na matanggal ang pang-aalipin, na masiguro na ang mga taong may kapangyarihan ay mailalagay sa tama ang mga alituntunin para sa mga taong nasa ilalim nila, at upang masigurado na walang hindi namimiling pagpatay. Alam ko na hindi mangyayari sa isang gabi lang ang mga repormang ito, ngunit kailangang may mag-umpisa sa maliit na paghakbang pasulong. Natural na makikita ang mga resulta. Noong una akong nag-umpisa, wala akong mga marangal na hangad. Nais ko lamang tumakas at magkaroon ng magandang buhay. Gayumpaman, nang makilala ko si Yan Xun at narinig ang kanyang mga kwento tungkol sa Yan Bei. Noon nag-umpisa na magkaroon muli ng buhay ang aking puso. Sa tingin ko ay mahalaga ang pagpasok ko sa mundong ito, at nakatadhana ito. Gayumpaman, nawasak ang mga pangarap ko. Masyado akong nagkaroon ng kumpyansa. Akala ko ay sapat na nag kapangyarihan ko upang baguhin ang maraming bagay at protektahan ang maraming tao. Sa huli, napagtanto ko na limitado ang kapangyarihan ko. Ang pamilya ko, mga kaibigan... lahat sila ay iniwan na ako. Hindi ko sila naprotektahan. Ako ang naging dahilan upang maraming tao ang mamatay sa proseso."
Napasimangot si Li Ce at gustong magsalita ngunit pinigilan ni Chu Qiao. Tumingin siya sa lalaki habang nagpatuloy siyang magsalita na may mabigat na tono, "Li Ce, hindi ako mabuting pinuno. Ang mga mandirigma ng hukbo ng Xiuli ay walang mga paniniwala. Sa akin lamang sila naniniwala. Gayumpaman, ang eksistensya ko ang naging dahilan upang masangkot sila sa sunod-sunod na krisis, sa sunod-sunod na digmaan. Nasugatan sila, namatay sila. Hindi ko naibigay sa kanila ang organisadong buhay na ipinangako ko sa kanila. Isang beses ko lang silang iniligtas, at hindi dapat ako naging makasarili na hayaan silang lumaban sa tabi ko, mabigat na nasugatan sila. Maisip muli, kung nakinig ako kay Yan Xun at binuwag ang hukbo ng Xiuli, marami sa kanila ang hindi dapat namatay. Makakapangasawa dapat sila at mabubuhay ng masaya." Nagsimulang tumunog na tila nasasakal ang boses ni Chu Qiao. Napanguso siya habang ang kanyang mga mata ay bahagyang namula ngunit nakangiti siya at nagpatuloy, "Hindi kinakailangan na makakamit ng malalaking bagay ang isa sa buhay. Makapangasawa, magkaroon ng anak, at mamuhay ng masaya ay isa ring paraan upang magawa iyon. Sayang, huli ko na itong napagtanto. Patay na sila. Hindi na maibabalik pa ang kanilang buhay. Hindi ko na malilinis pa ang aking mga kamay sa mga mantsa ng dugo na ito."
"Qiaoqiao?" napasimangot si Li Ce habang sumingit siya sa mabigat na tono, "Hindi mo kasalanan ang lahat ng ito."
"May mga responsibilidad ako na hindi ko maiilagan." Saad ni Chu Qiao sa mababang boses, "Naniwala sila sa akin at sinundan ako, gayumpaman ay hindi ko sila naprotektahan. Isa-isa silang namatay, ngunit hindi ko mabigyan ng tamang libing ang kanilang mga katawan. Alam mo ba? Bawat gabi, naririnig ko ang kanilang iyak kasabay ng hangin. Ninanais nilang bumalik sa kanilang bayang sinilangan upang makita ang tumatanda nilang mga magulang. Ang babata pa nila. Ang ilan sa kanila ay nasa 15 o 16-taon-gulang pa lang. Sa edad na iyon, dapat ay nagmamaktol pa sila sa harap ng kanilang mga magulang. Gayumpaman, namatay sila sa nagyeyelong kapatagan para sa akin."
Ang masayang kilos ni Li Ce ay nawala na ngayon. Tumingin siya sa babae, nag-aalala, habang ang kanyang puso ay sumasakit.
"Li Ce, pakiusap tulungan mo ako at alagaan sila. Kung nag-aalala ka sa kanila, pwede mo silang buwagin at utusan sila ng mga bagay na gagawin. Maaari silang magkaroon ng magandang buhay, magpakasal at magkaroon ng anak sa bansa mo. Hiling ko na sana ay hindi na sila lumaban pang muli sa labanan. Sa isang sundalo, walang panalo doon. Sa mga heneral lang ang panalo. Pinapatay lang ang mga sundalo."
Hirap na tumango si Li Ce habang nakatingin siya sa maputla at mahinang dalaga. May malumanay na boses siyang nagtanong, "Paano ka? Galit ka pa din ba kay Yan Xun? Babalik ka ba sa tabi niya?"
"Hindi na ako galit sa kanya," bahagyang umiling si Chu Qiao at sumagot sa tonong kasing malumanay ng hangin ng tagsibol sa lawa. "Sa totoo lang, lahat kayo ay hindi alam ito. Siya ang pinaka nagdusa. Nasaksihan ko ang poot at sakit niya, at lahat ng kahihiyan na dinanas niya. Hindi naiintindihan ng mga nanonood ang ganitong mga bagay. Hindi ko masusukat ang poot na nasa kanyang puso. Sa kasalukuyan, nasa ganito siyang estado. Kahit na mali siya, pinilit siya ng kapalaran. Lahat ay may karapatan na pumili ng sarili niyang landas. Iyon ang landas na pinili niya. Kahit na hindi ako sumasang-ayon, nirerespeto ko ang pinili niya. Sa mundong ito, sino ba ang lubos na tama? At sino ang lubos na mali? Mayroon tayong sariling bagay na kailangan ipaglaban at ang mga hangganan natin. Kahit na hindi namin kayang manatili sa parehong landas, hindi namin kailangan na maging magkaaway."
"Paano si Zhuge Yue? Bakit hindi mo siya samahan? Marami na siyang nagawa para sayo. Hindi mo ba siya mahal?"
"Mahal? Siguro," ngumiti si Chu Qiao habang nagpatuloy siya, "Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang maikokonsiderang totoong pagmamahal, ngunit hindi ibig sabihin sa pagmamahal ay kailangan laging magkasama ang dalawang partida. Minsan, isa ring anyo ng pagmamahal ang pagbitaw." Bahagyang tumingala si Chu Qiao habang umiihip sa kanyang noo ang hangin. Sa iglap na iyon, tila nakakita si Li Ce ng kahanga-hangang kislap ng liwanag na lumitaw sa kalmadong mata niya. Nakabibighani ito at nakakahipnotismo.
"Matapos ang lahat, siya ang Grand Marshal ng hukbo ng Xia. Katapat iyon ng ministro ng pananggalang sa bansa. Paano niya makakasama ang taong katulad ko?" marahan niyang bulong tapos ay nagpatuloy siya, "Alam ko na, basta handa akong gawin, bibitawan niya ang lahat ng mayroon siya para sa akin. Gayumpaman, Li Ce, maganda ba talaga iyon? Marami na siyang hirap na pinagdaanan. Naiwasan na niya sa wakas ang kahihiyan na pumeste sa kanya at nakarating kung nasaan siya ngayon. Magkaiba kami. Kahit na bumagsak ang kanyang bansa at inilagan siya ng kanyang pamilya, sa huli ay mayroon siyang lugar na nabibilang siya. Naiintindihan ko ang responsibilidad na mayroon siya, namimili sa pagitan ng pag-ibig at kalayaan. Gayumpaman, kung bibitawan niya ang lahat para lamang mahalin ako, susundan ako hanggang sa dulo ng mundo, sa tingin mo ba talaga ay masisiyahan siya? Hindi. Isa siyang tao. May sariling ninanais ang isang tao. Kapag nagmature at tumanda na siya, maiintindihan niya ang lahat ng ito. Sa paglipas ng panahon, magsasaya siya sa mga desisyong ginawa niya."
"At saka, pagod na ako," itinungo ni Chu Qiao ang kanyang ulo, tumingin kay Li Ce na may mainit na ngiti. "Higit sampung taon na akong nagtatrabaho. Wala na akong lakas ng loob na maglagalag pa sa isang landas na hindi sigurado. Isa rin akong babae. Gusto ko ng oras sa rili ko upang makapagpahinga ako."
"Qiaoqiao," bumuntong-hininga si Li Ce at walang magawang sinabi, "Hindi ba kita mapipigilan? Plano mo na ba talagang umalis?"
"Oo," seryosong sumagot si Chu Qiao. "Hindi mo na kailangang mag-alala sa akin, kaya ko mag-isa. Sa mundong ito, hindi totoong mga maharlika lang ang makakapamuhay ng magandang buhay. Magiging isa akong ordinaryong sibilyan na walang kahit anong pasanin at responsibilidad. Mamumuhay ako ng maraming araw na walang inaalala, magagawa ang lahat ng gusto ko. Makakapunta rin ako kahit saan ko gustuhin. Maraming taon kong ninais ang buhay na ito."
"Babalik ka ba? Para bisitahin ako?"
"Syempre," tumawa si Chu Qiao at idinagdag, "Ikaw ang pinakamahalaga kong kaibigan."
Inunat ni Li Ce ang kanyang kamay at ginulo ang buhok ng babae habang mapait niyang sinabi, "Nasaktan mo ang nararamdaman ko."
Tumayo si Chu Qiao at lumapit sa tabi ni Li Ce tapos ay tumayo din ito. Inunat niya ang mga kamay at niyakap ang lalaki habang malumanay niyang sinabi, "Li Ce, aalis na ako. Ang sitwasyon sa West Meng ay mas gumugulo pa. Dapat kang mag-ingat. Huwag mo akong pag-alalahanin sa iyo."
Nakaramdam ng pagkainis sa loob niya si Li Ce, ngunit nagpakita ng masayang pangharap habang sinasabi niya, "Anong mangyayari sa akin? Ako ang emperador ng Tang. Sino ang makakagawa ng kahit ano sa akin? Idagdag pa, napakakisig ko at talentado. Ang tanging tao na nangangahas akong apihin ay ikaw."
Wala sa isip na napatawa si Chu Qiao. "Sige, makisig ka at talentado. Kahit si Leonardo ay tatalon sa gusali sa kahihiyan kapag nakita ka."
"Sino si Leonardo? Kakaibang pangalan. Isa ba siyang dayuhan?" napasimangot si Li Ce at nagtanong.
Tumawa si Chu Qiao habang sumasagot, "Isa siyang dayuhan. Napakakisig niya."
"Ang bastos mo upang ikumpara ako sa isang dayuhan."
Malakas ulit na tumawa si Chu Qiao. "Dumidilim na. Aalis na ako." Hindi sumakay si Chu Qiao sa kanyang kabayo, piniling umupa ng karwahe ng kabayo kasama si Meixiang.
Ngiting-ngiti na tumayo si Li Ce sa ilalim ng puno ng sycamore. Nakasuot siya ng pulang roba. Mula sa malayo, mukha talaga siya kung paano niya inilarawan ang sarili niya—makisig at talentado.
"Qiaoqiao, mag-ingat ka. Kapag hindi ka pa nakakasal kapag 30 ka na, maaari kang bumalik at hanapin ako."
Sumakay si Chu Qiao sa karwahe ng kabayo, binuksan ang kurtina, kumaway sa lalaki at sinabi, "Salamat sayo, sisiguraduhin ko na makasal bago ako mag-30." Habang papalayo sa distansya ang karwahe ng kabayo, nagsara na sa wakas ang berdeng kurtina. Unti-unti, naglaho ang anino nito sa dulo ng kalye.
"Kamahalan, magpapadala ba tayo ng mga tao upang protektahan si Binibining Chu?" Matagal na nag-isip si Sun Di bago nagtanong.
"Hindi na kailangan," umiling si Li Ce at tumalikod upang maglakad tungo sa tarangkahan ng syudad.
Lahat ay may karapatan na pumili sa kanyang buhay. Qiaoqiao, humayo ka at sundan ang instinct mo.
Binuksan ang mga kurtina ng tolda, dahilan upang pumasok sa loob ang sinag ng araw at ang samyo ng karne. Napasimangot si Jingjing habang ilang beses siyang bumabalikwas, marahang binuksan ang kanyang mata. Makikita na hindi pa siya masyadong gising. Dala-dala ng hangin ng bukang-liwayway ang sariwang halimuyak, inaalis ang amoy ng damong-gamot sa tolda.
Hindi nag-angat ng tingin si Chu Qiao tapos ay naglagay siya ng isang kamay sa kanyang noo habang hawak ang itim na piraso ng chess sa pagitan ng pangalawa at pangatlong daliri ng isa niya pang kamay. Paulit-ulit niya itong ikinatok sa jade na chess board habang may ritmo itong naglalabas ng malutong na tunog, ipinapakita ang naipon niyang pagkainis. Umakto siya na parang walang nangyari. Nandoon lang ang panalo para makuha dahil maraming maling galaw na ginawa ang kalaban, nakamamatay na galaw, ngunit natagalan siya doon, hindi magawa ang susunod niyang galaw.
"Binibini, handa na ang lahat," tumayo si Meixiang sa pasukan, sinasabi habang tumatawa.
Napasimangot si Chu Qiao nang uamlingawngaw sa hangin ang boses ni Meixiang. Sa mahabang oras, hindi siya tumugon. Nang uulitin na ni Meixiang ang kanyang sinabi, ibinaligtad ni Chu Qiao ang chess board, tumalikod, at dineklara sa mababang boses, "Sabihan ang lahat na simula ngayon, araw at gabi tayong maglalakbay, walang tigil. Ihanda ang sarili niyo." Umalis si Chu Qiao at ang kasamahan niya ng syudad ng Xuefu kahapon. Sa kasalukuyan, papunta sila sa Tang Jing.
Sa isang kisapmata, dalawang taon ang lumipas. Noong araw na nilisan nila ang Tang Jing, si Du Pingan at ang kapatid nito, si Du Jingjing, ay nakahabol sa kanila. Naiwan na walang pagpipilian, pinayagan niya ang dalawa na sumunod sa kanila. Dahil sa mga batang sumusunod sa kanya, inabandona ni Chu Qiao ang pag-asa niyang magpagala-gala tulad ng isang lagalag. Bagkus ay pumirmi siya sa isang maliit at tahimik na syudad sa timog na rehiyon ng Tang. Ang klima ay mainit; ang buhay ay mahinahon at payapa. Dahil ang lugar ay matatagpuan malapit sa Meishan, kung saan makikita ang imperyal na musoleo ng imperyo ng Tang, mayroong kaunting krimen.
Ang lugar na ito ay ang tahanan ng kilalang iskolar ng Tang, si Shen Mobai. Nanirahan din dito ang mga ninuno niya. Mga batang iskolar na kukuha na ng kanilang pagsusulit ay madalas na dadaan sa lugar na ito upang bisitahin si Ginoong Shen, nililibot ang maliit na syudad na ito habang naglalakbay sila. Habang nagdaan ang oras, nakilala ang syudad na ito bilang syudad ng Xuefu.