"Yue Qi, kahit na ang ating pamilya ay nasa hindi magandang posisyon, tinustusan nila tayo mula pagkabata. Kahit gaano kasama ang Xia, ito ang lupain na dati natin tinirahan. Ngayon na may gulo silang kinakaharap, bakit tayo magpapasiklab ng panibagong labanan sa wasak nang lupain na iyon?"lubos na natigalgal si Yue Qi habang patuloy na nagsalita si Zhuge Yue, "Bukod doon, malalim ang utang na loob ko kay Zhao Che."
Tumalikod si Zhuge Yue para umalis noong natapos siyang magsalita, iniwanan si Yue Qi doon ay nagrereplekta sa sinabi niya. Hindi niya alam ang mararamdaman. Wala sa isip, alam niya na tama si Master. Gayumpaman, habang iniisip niya ang mga pagsubok nito sa nakalipas na dalawang taon, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng pagkainsultong hindi niya napigilan. Wala ba talagang interes si Master sa bagay na ito?
Syempre, mahalaga ito kay Zhuge Yue.
Isang maikling tawa ang narinig sa madilim na silid. Paanong hindi niya iisipin? Paanong hindi niya iisipin ang tungkol sa kanyang mga araw ng pagkabata niya, kung saan labis siyang lumaban para mabuhay sa mahirap na mga kondisyon? Paanong hindi niya iisipin ang mga panahon kung saan malayo ang nilakbay niya, para lamang mapigilan? Paanong hindi niya iisipin ang mga oras na mapagsusumakit siyang lumabas ng impyerno, para lang maduraan, mapahiya at kamuhian?
Hindi siya makakalimot, kahit na mamatay siya.
Ayaw na niyang isipin pa ang naramdaman niya, at anong mga emosyon ang nagawang pukawin mga mga sinabi ni Yue Qi sa loob niya. Gawa sa bakal ang kanyang puso. Naglagalag buong buhay niya, ano ba talaga ang gusto niya? Ang makaipon ng karangalan at maging karapat-dapat? Upang mapansin sa kumpol ng mga tao? Maging isang santo ng kapangyarihan, magagawang mag-utos sa mga tao sa kanyang ibaba sa isang salita lamang? Isa itong nakamamatay na temptasyon. Sa kahit sinong lalaki, tulad ito ng isang ipinagbabawal na gamot na hindi nila mailalayo ang kanilang pagkagumon.
Hindi siya malugod na tinanggap sa kabila nang nagawang makaligtas sa imposible. Ang kanyang pangalan ay kinapopootan ng lahat; inabandona siya ng kanyang pamilya at bansa, naging numero unong pampublikong kaaway ng Xia. Hindi siya isang santo. Paano siya hindi makakaramdam ng poot? Siguro ay totoo ang sinabi ni Chu Qiao. Maaaring nakaramdam niya ng pagkasaya sa katotohanang gumuguho ang Xia sa kamay ng Yan Bei. Natukso siya na samantalahin ang katotohanan na ang pampulitikang eksena ng Xia ay hindi matibay at magulo, kung saan ay mabibigyan siya ng pagkakataon na lumusob kasama ang mga sundalo niya at sakupin ang lugar. Magagawa niyang lupigin ang buong lugar at maghiganti sa mga taong nanghamak sa kanya. Gayumpaman, nang gagawin na niyang reyalidad ang isipin na iyon, umatras siya sa huling sandali.
Ang mga naninirahang sibilyan sa kapatagan ng Qinghai ay mainam na nakatingin sa kanya. Iyon ang mga taong mabait na umampon sa kanya nang wala siyang ibang mapuntahan. Lahat sila ay naghihintay sa kanya sa pag-asang magbabago sa ikabubuti ang kanilang buhay, na walang sinuman ang mamamatay sa malupit na kondisyon ng taglamig.
Oo, hindi niya ito masabi kay Yue Qi at sa iba pa niyang mga tauhan na matapat siyang sinusunod. Inaasahan niya na titingin sa kanya ang lahat na nanlalaki ang mata at tatanungin ang napaka importanteng tanong, "Master, bibitawan mo ba talaga ang pagkakataon na malupig ang West Meng para sa mga ordinaryong sibilyan ng Qinghai?"
Oo, mga supling lang sila ng mga bilanggong ipinatapon sa lupain na iyon. Mga ordinaryo lang sila, mga taong walang pinag-aralan na hindi alam ang ibig sabihin ng buhay. Sa nakaraan, pareho ang iniisip niya sa mga tauhan niya, piniling hindi pansinin ang mga taong ito na may paghamak. Bilang isang maharlikang aristokrato, inaasahan siya na mataas ang layunin, imbis na magdalawang-isip at maging duwag. Gayumpaman, sa daan ng buhay, ang paraan ng pag-iisip niya ay nabago. Nang hinamak siya at iniwasan ng buong mundo, may nagbukas sa pintuan ng init at pinapasok siya. Kahit na sira-sira ang pinto na iyon, at ang kubo ay wasak-wasak, umupo siya doon at kinain ang lugaw, kung saan itinuturing niyang pinakamainit na lugaw na nakain niya sa buong buhay niya.
Nang sandaling iyon, rumehistro na sa kanya. Naintindihan na niya sa wakas si Chu Qiao, ang dalagang iyon na laging sinasabi sa kanya na maghintay at makikita niya na may walang pag-aalinlangang determinasyon sa mukha nito.
Labis niyang pinasalamatan ang kalangitan para sa pagkakataong ito. Kung hindi dahil dito, hindi niya maiintindihan ang babae. Hindi niya kailanman maiintindihan ang kaguluhan ng paglikha at pagtatanggol sa paniniwala ng isa. Sa gulat niya, napagtanto niya na ang pakiramdam ng katuparan ay hindi natalo sa pakiramdam nang nanakop siya o nangwasak.
Para naman sa Xia, para sa pagtutumbas, para sa pananakop sa West Meng... Ipinikit niya ang mga mata niya at tahimik na sinabi sa sarili: Alam ko kung ano ang pinaka mahalaga.
Oo, kailangan niyang patuloy na lumaban, na magpatuloy ayusin ang mga sitwasyon, na magpatuloy sa pagtatanggol at pag-agaw, lahat ay base sa sarili niyang abilidad. Kailangan pa rin niyang magbalak laban sa mga ambisosyo niyang kaagaw sa pulitika, at makipagsalpukan sa mga kaaway na may ibang ideolohiya sa labanan. Sa huli, ang kanyang mga ambisyon ay wala sa lupain ng Xia, ngunit ayaw niya ito makitang manghina sa kamay ng iba. At saka, napunta na siya sa puntong walang balikan. Nang pinangunahan niya ang mga sundalo niya palabas ng Cuiwei Pass, nang nakuha niya ang posisyon ng Grand Marshal ng hukbo ng Xia, nang pinigil niya ang digmaan sa pagitan ng Xia at Tang, naihanda na ang entablado.
Naisip niya ang oras nang taon na iyon nang naging desperado siya at gumawa ng kasunduan kay Zhao Che sa nagyeyelong lupain ng Donghu. Tapos, naglalabas ang mata niya ng malamig na katalasan.
Bigla, isang kalmadong pares ng mata ang tumingin sa kanya mula sa kadiliman. Ang tingin na iyon ay malumanay, ngunit ang kalulngkutan ay makikita. Tahimik niyang ipinikit ang kanyang mata habang humaplos ang mga daliri niya sa kanyang puting tasa. Mapait at malamig siyang ngumiti, tulad ng nagyelong nyebe.
Umpisa pa lamang ito ng katapusan. Ganito na sila noon pa man, nakakatagpo ang isa't-isa ay nagkakahiwalay sa mga hindi napapanahong oras. Ipinagkaloob sa kanila ng tadhana ang isang madilim na landas na puno ng balakid, tapos ay natitisod sila at paulit-ulit na tumayo sa kanilang mga paa.
Madilim ang gabi; isang sinag ng buwan ang tumama sa silid sa pamamagitan ng bintana at tungo sa kanyang katawan. Sa huli, isa pa rin siyang binata na nasa dalawampu. Bagaman marami na siyang naranasang dagok at paghihirap, mayroon pa rin siyang paminsan-minsang panaginip kung saan matagumpay siyang nakabalik bilang isang bayani na nakaipon ng hindi mabilang na magandang katangian. Ipinresenta niya ang lahat ng mayroon siya sa kanyang minamahal habang nagmamalaki niyang ipinahayag, "Heto, para sa iyo ito lahat!"
Sayang, isa lamang itong panaginip.
Sumandal siya sa kanyang upuan habang tumaas ang gilid ng labi niya, ang kanyang ngiti ay kasing malumanay tulad ng malaking bata.
Ang panahon pagkatapos ng bagyo ay kadalasang pinakamalamig at pinaka hindi matitiis. Umihip ang hangin sa mga damo, ipinapakita ang pulang lupa. Ang kalangitan ay maulap habang ikinalat ng hangin ang mga nyebe sa ere, dahilan upang mahimlay sila sa ibabaw ng Shuofang Palace, kung saan ay kakagawa lang. Ang digmaan sa silangang rehiyon ay pumasok sa isang pansamantalang estado ng tigil-putukan, habang ang mga taga Quanrong sa hilagang rehiyon ay natalo na. Umatras ang mga mandirigma pabalik sa landas habang naghanda silang ipagdiwang ang bagong taon, kung saan ay isang bihirang okasyon sa kanila.
Nang pumutok ang takipsilim, ang mga tindahan sa dalawang gilid ng kalye ng Wuxuan ay nagsara para sa bagong taon. Manipis na butil ng dilaw na buhangin ang ikinalat sa kalye upang maiwasan na madulas ang mga kabayong humihila sa karwahe. Mula sa malayo, nagliwanag ang kalye ng makinang na maliwanag na dilaw, tulad ng lupaing puno ng kayamanan. Mataas na gintong kurtina ang luminya sa gilid ng daan, habang ang mga sibilyan ay umuwi sa kanilang mga tahanan. Lumuhod ang mga opisyales sa parehong gilid ng daan habang ilang mga gwardya ng karangalan ang sumusulong, ang kanilang pormasyon ay maayos at sabay-sabay. Hindi nagtagal, ang kalye ay napuno ng karwahe, habang makikita kahit saan ang marangyang mga kasuotan.
Ang araw na ito ay araw kung saan isinasagawa ng Yan Bei ang taon-taon nitong pangangaso sa taglamig. Ang mga matatandang may magandang memorya ay inalala ang huling pangangaso sa taglamig kung saan ay nangyari noong nakalipas na 12 taon. Ang nakaugaliang lugar ng pangangaso ay matatagpuan sa Western Wall na nakatayo sa tuktok ng Central Hills, malapit sa pusod ng kabundukang Luori. Ang likod nito ay nakaharap tungo sa katimugang rurok ng bundok ng Huihui. Isa itong malawak na manyebeng kapatagan na nababalot ng bahid ng pula. Hindi alam kung natural na pangyayari ito o responsable ang dugo ng tao sa tanawin na ito.
Umupo si Yan Xun sa mataas na trono na may mabigat na kapang nakapatong sa kanyang balikat. Maraming tao ang nakatayo sa harap niya. Mula sa malayo, ang kumpol ng mga tao ay mukhang dalawang itim na pakpak. Lumuhod ang mga opisyales sa harap ng namumuno sa kanila, ang kanilang mga puso ay balisa. Ang kanilang mga tuhod ay sumasakit dahil sa lamig, ngunit hindi sila nangangahas na magtaas ng tingin bukod kay AhJing, na hindi malinaw na nakikita ang mukha ni Yan Xun.
"Heneral Zhuang." Isang malamig na boses ang narinig mula sa taas. Isang lalaki na nasa singkwenta ang naginig sa takot habang ang kalamnan sa kanyang mukha ay kumibot. Marahan siyang tumayo at pumunta sa gitna, tapos ay lumuhod. May magalang na boses siyang sumagot, "Anong magagawa ko para sa iyo Kamahalan?"
"Wala naman. Nais ko lang ibahagi sa iyo ang isang bagay na masaya, kung saan ay nakuha ko nito lang." Ang boses ni Yan Xun ay may bahid ng kasayahan, tulad ng mapaglarong batang inaasahan ang resulta ng kalokohan niya.
Lumuhod sa lupa si Heneral Zhuang at napasimangot habang ang kanyang daliri ay namuti, ngunit itinungo niya ang kanyang ulo at walang emosyon na sumagot, "Salamat sa pag-iisip mo sa akin, Kamahalan."
Ngumiti si Yan Xun, ang kanyang mata ay nagdadala ng bahid ng mapaglaro. Tamad niyang ikinumpas ang kanyang kamay at nagpahayag, "Dalhin iyon dito." Isang serye ng dumadagundong na tunog ang nagsimulang marinig habang isang karwahe ng kabayo ang pumasok sa larawan. Isang makapal na piraso ng itim na tela ang nakatakip dito; ang tunog sa loob ay kahalintulad ng hindi maintindihang pag-uusap. Lahat ay lumingon at naiintrigang tumingin sa karwahe. Isang nakakasakal na katahimikan ang bumalot sa kapaligiran.
Smack! Lahat ay nagulat habang nakaupo si Yan Xun sa kanyang trono, ginamit ang kanyang latigo upang ihampas sa kanyang gintong upuan.
Smack! Smack! Smack!
Walang nangahas na magsalita. Isang imperyal na gwardya na nasa trenta ang naglakad palapit sa unang karwahe at inunat ang kanyang kamay upang tanggalin ang telang bumabalot sa karwahe.
Nagsimulang makarinig ng singhap mula sa mga nanonood, habang bawat isa sa kanila ang nagulat. Sa kabila noon, walang nangahas na magtanong.
Ang karwahe ng kabayo ay puno ng grupo ng magagandang dalagang nasa 16 hanggang 17-taong-gulang. Dahil sa malamig na panahon, nagkumpol-kumpol sila, ang kanilang mga mukha ay maputla. Nakatali din sila sa kanilang kamay at paa.
Tumingin si Heneral Zhuang sa tanawing nasa harap niya at natigalgal. Sa malamig na panahon, tumulo ang butil ng pawis sa kanyang noo.
Umalingawngaw ang tawa ni Yan Xun sa likod niya. May tono na ipinapalagay ang kanormalan ng mga bagay sa paligid niya, nagkomento siya, "Heneral Zhuang, isa ka sa mga haligi ng Yan Bei. Marami kang nagawang pabor para sa akin nitong mga nakalipas na taon. Nasa iyo ang karangalan na unang tumira ng palaso ngayon."
Nang mabuksan ang hawla sa loob ng karwahe ng kabayo, ilang sundalo ang naglakad sa bastos na paraan at pinagsamantalahan ang mga dalaga, pinipilit silang bumaba mula sa karwahe ng kabayo. Nakayapak silang lahat; ang kanilang paa ay naging mapulang-mapula nang lumapat ito sa lupa.
"Takbo! Bilis!" inilabas ng mga sundalo ang kanilang latigo at nilatigo ang mga babae, nagbibigay ng madugong sugat sa kanilang hubad na likuran, kasunod noon ay napuno ang hangin ng iyak ng paghihirap.
Tinanggal na ang kanilang tali. Nagsimula silang padaskol-daskol na madapa-dapa habang gumagawa sila ng may hawig sa pagtatangkang tumakas, habang tinatakpan ang sugat sa kanilang katawan.
Habang may imperyal na gwardya ang nag-abot kay Heneral Zhuang ng pana at palaso, tumayo si Yan Xun sa likod niya at nanghikayat, "Heneral Zhuang, dali na."
Namutla ang mukha ni Heneral Zhuang habang ang kulay ng kanyang labi ay naubos. Siya ay pumostura na titira habang inilihis niya ang kanyang pana sa gilid, ang kanyang daliri ay hindi mapigilan sa panginginig.
Habang tumatakbo ang mga dalaga sa manyebeng lupa, narereplekta sa kanilang katawan ang ilaw. Tila naramdaman nila ang paparating na panganib na sasapitin nila, inilingon nila pabalik ang kanilang mga ulo sa natatarantang estado. Nang nakita nila si Heneral Zhuang na hawak ang kanyang pana, natigalgal sila tapos ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan nila.
Swoosh! Isang matalas na palaso ang lumipad, ngunit wala itong lakas. Maiksi itong tumilapon sa ere bago maamong lumapag sa lupa.
"Heneral Zhuang, hindi ka ganito," marahang usal ni Yan Xun habang nakataas ang kanyang kilay, malamig na nakatingin kay Heneral Zhuang na may intensyong makita ang niloloob niya.
Tumayo sa orihinal niyang posisyon si Heneral Zhuang. Nais niyang magsalita ngunit hindi niya magawa. Habang walang tigil na nangatal ang kanyang katawan, ang ilang opisyales sa ilalim niya ay nagsimulang mag-usap nang sila lang, "Narinig ko na isang grupo ng mga katulong sa palasyo ang nagtangkang paslangin ang Kamahalan ilang araw na ang nakakalipas. Ito ba ang mga iyon?"
"Cheng Yuan, dahil nagkakaedad na si Heneral Zhuang, nasayo ang karangalan."
"Salamat sa pagmamahal mo, Kamahalan." Isang heneral na nakasuot ng berdeng roba ang humakbang at desididong kumuha ng isang titirang postura. Swoosh! Panibagong palaso, tulad ng homing missile, ay ibinaon ang sarili sa likod ng isang dalaga na pinakamalayo ang naitakbo. Isang maiksing singhap ang umalingawngaw sa malawak na kapatagan habang napaduro siya ng dugo sa lupa sa ibaba. Habang lumalabas ang dugo, nakabubulag itong tignan.
Nang makita ang nangyari, nataranta ang iba pang babae. Isa sa kanila, na napaupo sa lupa at nag-iiyak, ay nalugmok habang kaawa-awang gumapang tungo sa trono at nagmamakaawa, "Ginoo, iligtas mo ako! Iligtas mo ako! Ginoong Zhuang, ako ay... Ah!"
Isang makabasag-taingang sigaw ang umalingawngaw sa kapatagan. Panibagong dalaga na hindi kalayuan ang biglang sumunggab sa kanya, dinakma siya sa leeg at binali ito sa isang mabilis at desididong kilos.