Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Sa study room, seryosong sinabi ni Zhuge Huai kay Zhuge Yue ang, "Fourth brother, anong tingin mo sa insidenteng ito?"

Nanatiling tahimik, walang kahit isang tunog na maririnig. Nangunot ang noo ni Zhuge Huai at kinalabit si Zhuge Yue na malalim ang iniisip. "Fourth brother?"

"Yes?" wala sa sariling sagot ni Zhuge Yue, "Tiyak na mapapahamak ang pamilya ni King Yun. Nasa panganib si Yan Xun."

"Sumasang-ayon ako." Tumatango –tangong saad ni Zhuge Huai. "Mataas ang estado ni King Yan kaya madali silang maging target ng pag-atake. Matagal nang gustong kuhain ng Bahuta Family ang lupain ng Yan Bei. Ngayon, hindi maikakailang pagbabayaran ni King Yan ang gulo. At isa pa, mas pagkakatiwalaan pa ng master ng Sheng Jin palace ang estranghero kaysa sa mga kapatid nya."

Noong oras na iyon, maririnig ang ingay sa labas ng silid. Pasigaw na nagtanong si Zhuge Huai, "Zhu Yong, anong nangyayari dyan sa labas? Bakit sobrang ingay?"

"Master, nanggagaling po ang ingay sa Tao Ran court. Mukha pong nag-aaway ang ika-pitong binibini at si Tao Xiang. Ang ika-apat at ikatlong binibini ay pumunta na para awatin sila."

"Wala talagang araw na titigil sila. Nakakatawa na ito." Tiim-bagang na saad ni Zhuge Huai.

Narinig ito ni Zhuge Yue pero hindi sya nagsalita. Bagkus ay uminom sya ng tsaa at tumungo.

"Master, gusto ng ikatlong binibini na pumunta kayo at ng Fourth Young Master sa Tao Ran court. Ang sabi po nya ay mayroong emergency at kailangan ang tulong nyo."

Biglang nagalit si Zhuge Huai at sinabing, "Anong nangyari at kailangan pa kaming pumunta doon? Hindi ba sila nahihiya? Sabihin mo ay wala akong oras."

"Master, gagamitin ng ikatlong binibini ang batas ng pamilya at gustong... gustong patayin si Tao Xiang ng Tao Ran court."

Ibinaba ng Zhuge Yue ang tasa nya at tumayo habang sinasabing, "Big brother, pumunta nalang tayo. Baka kailangan talaga nila ng tulong mo."

Nagbuntong hininga nalang si Zhuge Huai at sinundan sya palabas ng silid.

Magulo ang Tao Ran court. Bawat binibini ay sinisigawan ang isa't-isa at hindi nagpapaawat. Subalit, sa gitna ng galit at pagkamuhi, makikitaan ng masamang pagkagalak – sa wakas, nakuha ng malanding babae na iyon na naglakas loob na akitin ang Young Master ang dapat sa kanya!

Mayabang na tumayo ang ika-pitong binibini sa gitna ng bakuran at sumigaw kay Tao Xiang, na wala sa ayos ang damit. Ngumisi sya at sinabing, "Sino ba naman ang makakaisip na ang ganitong eskandalo ay mangyayari sa sambahayan ng Zhuge. Naging mabait sayo ang old master, ngunit ganito mo susuklian ang kabutihan nya? Nakakahiya ka!"

Ang ikatlong binibini ay tatlumpung taong gulang lamang. Nababalutan siya ng balahibo ng fox, maganda ang tindig, at nagbibigay ng napaka eleganteng aura. Puno ng lungkot ang mukha nyang sinabi, "Tao Xiang, sinabi ng old master na pagbalik niya ay gagawin ka nyang concubine niya. Ang bagay na ito ay hindi maaaring palagpasin."

"Ma'am, bakit nag-aaksaya pa kayo ng oras para kausapin sya? Kung ako lang, bugbugin nyo nalang siya hanggang mamatay para matapos na. Dinudumihan ng eksistensya nya ang pangalan ng sambahayan ng Zhuge natin."

Namumutla ang mukha ni Tao Xiang, tinatakpan ng mga kamay nya ang kanyang dibdib habang sya ay nakaluhod sa lupa. Punit-punit ang damit nya, walang ekspresyon ang mga mata nya at sya ay nanginginig. Maya't-maya niyang lihim na tinitignan ang lalaki sa tabi nya. Hindi rin mapigilan ang panginginig nya. At mas maputla pa ang mukha nya.

Binati ng nangyayari si Zhuge Yue nang makatapak siya sa Tao Ran court. Pagkatapos pakinggan ang paliwanag ng ika-pitong binibini, ang mga mata ng Fourth Young Master ng Zhuge ay bahagyang kumislap at nag-umpisang mag-isip ng matindi.

"First Young Master!" noong nakita ni Zhu Shun si Zhuge Huai, nagmamadali siyang lumapit habang umiiyak at sinabing, "Siya ang naunang nang-akit sa akin. Nagpadala sya ng sulat na hinahanap ako. Noong dumating ako, nag-umpisa siyang maghubad upang akitin ako. Pero malinaw kong naalala ang kabaitan ng master at young master sa akin at ang tanging gusto kong gawin ay pagsilbihan ang pamilya Zhuge. Paano ko maiisip na gawin ang nakakahiyang bagay na ito. Ngayon lang, ako ay nagsisikap na tanggihan siya. Ako ay, ako ay nagawan ng mali. Wala akong ideya kung ano ang balak nyang gawin. Isa itong hindi pagkakaintindihan."

"Ikaw! May puso ka pa ba? Malinaw na ikaw ang..."

"Ang lakas pa ng loob mong gumawa ng dahilan!" Sinampal ng ika-pitong binibini si Tao Xiang at malamig na sinabi, "Isa kang malandi! Ang lakas ng loob mong gumamit ng mga kasuklam-suklam na taktika para patayin ako! Sa huli, sarili mo lang ang sinira mo. Buti nga sayo!"

"Fourth brother! Saan ka pupunta?" Nagtaka si Zhuge Huai nang makitang tumalikod si Zhuge Yue at naglakad paalis, kaya malakas nya itong natanong.

"Big brother, may importanteng bagay akong kailangan puntahan. Babalikan nalang kita mamaya." Pagkatapos ng linya na iyon, nagmamadaling nilisan ng batang Zhuge ang Tao Ran court at madaling tumungo sa Qing Shan court.

Bang! Malakas na binuksan ni Zhuge Yue ang gate ng Qing Shan court at nakita si Huan'er at ang ibang taga-silbi na nagdidilig ng halaman. Nang mapansin nila si Zhuge Yue, dali-dali silang gumawa ng daan para makadaan sya at magalang na yumukod sa kanya. Hindi man lang sila tinignan ni Zhuge Yue at dumiretso sa kwarto ng mga tagapaglingkod. Habang naglalakad siya, nagtanong sya, "Saan pumunta si Xing'er? May nakakita ba sa kanya?"

"Ang sabi po ni Xing'er ay hindi maganda ang pakiramdam nya, kaya bumalik sya sa kanyang silid upang magpahinga." Isa sa mga tagapagsilbi ang sumagot.

Si Huan'er, na nakatayo lang doon, sa takot na mapaparusahan si Xing'er ay madaling sinabi, "namimili sya ng tsaa sa amin buong araw at kakaalis niya lang."

Madilim ang mukha ni Zhuge Yue na naglakad patungo sa silid ni Chu Qiao. Tahimik na sumunod si Yue Qi at sinabing, "Talaga pong tumulong si Xing'er sa kusina ng buong araw at hindi nilisan ang Qing Shan court."

Bang! Malakas din na binuksan ni Zhuge Yue ang pinto ni Chu Qiao at naglakad papasok nang madilim ang mukha. Nakita niya ang namumutlang bata na nakahiga sa higaan na para talagang may sakit. Medyo nagulat si Zhuge Yue at hindi inaasahang nasa silid talaga ang bata. Nang makita siyang nakahiga sa higaan niya, siya ay nakahinga ng maluwag at napa buntong hininga na para bang nabawasan siya ng mabigat na dinadala. May pagkakataon pa na napayapa ang isip niya.

"Fourth Young Master?" naalarmang napaupo ang bata. May pagka-pagod pa ang kanyang boses na para bang kakagising niya lang. "May nagawa po bang mali si Xing'er?"

"Wala. Narinig ko kay Huan'er na may sakit ka, kaya pumunta ako para tignan ka." Awkward na sagot ni Zhuge Yue at umiling.

"Oh." Tumango ang bata at sumagot, "Binisita ako ng Young master kasama ang madaming tao, lubos na nagpapasalamat si Xing'er."

Nagsimulang mamula ang mukha ni Zhuge Yue at hindi nya alam kung ano ang isasagot. Awkward lang siyang tumayo doon. Para maputol ang katahimikan, nagkunwari siyang may nakabara sa lalamunan at umubo.

Napansin ni Zhu Cheng ang pagka-awkward ng Zhuge Yue at madali siyang tinulungan. "Xing'er, pinuntahan ka ng Young Master para bisitahin, hindi ba dapat ay tumayo ka?"

Natigilan ang bata at kinakabahang kinagat ang labi nya ngunit hindi man lang siya gumalaw.

Naghinala kaagad ni Zhuge Yue. Pagkatapos ng nangyari ngayon, kung gusto niyang tumakas, kailangan niyang maging sobrang ingat. Ngayon at nasabi iyon, siguradong may naiwang mga marka sa damit niya. Pagkatapos marinig ang balita, dali-daling bumalik si Zhuge Yue para hindi siya gaanong nahuhuli sa taong nagplano nito. Ngayon na sobrang kinakabahan siya, hindi kaya at may itinatago siya sa ilalim ng kumot?

"Xing'er," humakbang palapit si Zhuge Yue, na hindi inaalis ang tingin sa mukha ng bata at sinabing, "ipagsalin mo ako ng tsaa."

"Young Master, maaari po ba kayong lumabas muna? Sandali lamang po at pagsisilbihan na kayo ni Xing'er..." nagpapanic na sagot ng bata habang kinakagat ang labi nya.

"Hindi." Naglakad si Zhuge Yue sa gilid ng higaan, gamit ang mahahabang mga daliri ay hinila ang sedang kumot na nakatakip sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa malalaking mata ng bata. "Hindi. Gusto ko nang uminom ngayon," matigas na sagot ni Zuge Yue.

"Ah!" Lahat ay nagulat sa biglang hiyaw na nanggaling sa bawat isa. Ang maliit at payat na bata ay desperadong nakahawak sa kanyang dibdib habang nakatago ang kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang mga balikat na nababalutan ng kanyang mahaba at itim na buhok. Wala siyang saplot!

Gulat na napahawak si Zhuge Yue sa kumot. Agad-agad namang namula sa hiya ang mukha ni Zhuge Yue. Dali-dali siyang tumalikod at sinigawan ang lahat, na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat, "Ano pang ginagawa nyo? Labas!"

Natauhan naman ang mga taga-silbi at nag-alisan sa silid.

Inihagis niya ang hawak niyang kumot sa katawan ni Chu Qiao. Nangangatal ang boses nyang sinabi, "Dalian mo at isuot ang damit mo!"

Maririnig ang mahinang hikbi sa kanyang likuran. Napasimangot si Zhuge Yue at naiinip na sinabi, "Kalimutan mo na. Mahiga ka na lamang dyan." Agad-agad, lumabas siya ng kwarto at isinarado nang mahigpit ang pinto. Nag-angat ng ulo ang bata at tinignan kung lumabas na siya ng silid. Ang mga mata ay madilim at ang kanyang mukha ay kalmado. Hindi na ito makikitaan pa ng kahit anong kalungkutan. Iniangat ni Chu Qiao ang higaan at itinapon sa sahig ang damit niyang nababalutan ng dumi at lupa.

Sigurado nga, sobrang maingat si Zhuge Yue. Agad siyang dumating kaya hindi na nagawa pang magbihis ni Chu Qiao. Pero ayos na rin ito, dahil wala nang magtatangkang pumasok sa silid niya ngayong hapon. Nabigyan siya nito ng sapat na oras para isakatuparan ang susunod na plano nya.

Yumuko ang bata at bahagyang ngumiti. Nakakagulat na makita ang malungkot na ekspresyon sa kanyang batang mukha.

Oras na para magbayad sila.

Pagkatapos na pagkatapos magpalit, may kumatok sa pinto niya. Excited na lumapit si Huan'er at nakangiting sinabi, "Xing'er, may magandang balita. Gusto mo bang malaman?"

Hindi maabot ng paa ni Chu Qiao ang sahig pag umupo siya sa mataas na upuan dahil sa kanyang maliit na pigura. Nagsalin siya ng tsaa at nagsalita pagkatapos uminom ng kaaya-aya, "pwede mong sabihin sa akin."

"Xing'er!" nagtatampong sagot ng tagasilbi. "Gusto mo ba talagang marinig? Bakit hindi ka man lang mukhang excited?"

Ngumiti si Chu Qiao nang hindi nakikita ang mga ngipin at sinabing, "Sabihin mo lang kung gusto mo. Kahit gusto ko man makinig o hindi, sasabihin mo pa rin naman ito."

"Sige na, hindi na ako makikipagtalo sayo ukol dito. Pero ngayon, magandang balita talaga ito." Ngumiti si Huan'er at nagpatuloy, "Nahuli ng ika-pitong binibini si Zhu Shun at naakusahan ng pakikiapid sa babaeng sobrang pinapaboran ng master. Kahit ang ikatlong binibini at ang first young master ay nasabihan. Itinapon sa balon yung babae at ang tagapangasiwang si Zhu Shun ay pinalo ng limampu bilang parusa. Hindi ba't magandang balita ito?"

Ang kanyang kamay, na may hawak sa tasa, ay natigil. Nakaupo si Chu Qiao sa upuan na nanliliit ang mga mata, habang dahan-dahang pinipigil ang kanyang mga emosyon at tinatago ang talas ng isip. Tumango siya at sinabing, "isa nga itong magandang balita."

"Diba? Lagi na lang inaabuso ni Zhu Shun ang kapangyarihan niya at nang-aapi ng iba. Tayong mga alipin ay lagi nalang tinitiis ang galit niya. May ginawa siguro siya kaya ang mga bata sa pamilya nyo ay napadala sa Second Grand Master. Ngayong araw nabugbog siya, dahil kahit ang mga diyos ay hindi na sya matiis." Galit na saad ni Huan'er.

Nanatiling nanlulumo ang itsura ni Chu Qiao at nakapapawing sinabi na, "May eskandalo siya sa pinaka paboritong mistress ng Master. Ang parusa sa kahiya-hiyang pag-uugali na ito ay limampung palo lamang. Sobrang maawain naman noon."

"Sino nagsabing hindi? Nagreklamo ang ika-pitong binibini sa fourth young master dahil sa tingin nya ay hindi ito makatarungan. Kaya nga lang, normal na hindi naaabala ang ating Fourth Young Master sa mga gantong isyu. Ang master at ang ika-unang binibini ay wala dito, kaya ang first young master ang may huling sabi. Nagsisilbi si Zhu Shun sa first young master, kaya iyon na iyon."

Tumango si Chu Qiao at sumagot, "okay, naiintindihan ko. Huan'er, salamat sa pagbabalita mo sa akin."

Napansin ni Huan'er na parang hindi ayos si Xing'er kaya nag-aalala itong nagtanong, "Xing'er, ayos ka lang ba? Gusto mo ba tumawag ako ng doktor?"