Nanatiling tahimik si Zhuge Yue habang iniinom niya ang baso ng alak niya. Umihip ang hangin sa pagitan na naghihiwalay sa kanila, dala nito ang napakalamig na ginaw. Tumingin si Chu Qiao sa lalaki habang ang mga nakaraang mga alaala ay dumaan sa kanyang isip. Bahagyang tuliro habang hawak niya ang kanyang baso, hindi niya alam kung anong sasabihin.
"Nakita ko siya."
"Sino?" tanong ni Chu Qiao.
"Iyong taong inakit ako na patayin ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison." Tumingala si Zhuge Yue at nagpatuloy, "Ang pangalan niya ay Cheng Yuan. Sa kasalukuyan, siya ang chief marshal ng Unang Hukbo ng Yan Bei. Hawak niya ang posisyon ni Wu Daoya. Bukod kay Yan Xun, siya ang susunod na pinaka makapangyarihang pigura sa Yan Bei."
Tumungo si Chu Qiao at hindi nagsalita. Tumingin si Zhuge Yue sa kanya at matagal na nag-isip bago tumango at sinabi, "Tama ang naging desisyon mo na bumalik sa pangloob na malaking lupain ng Yan Bei. Ang agawan sa kapangyarihan sa loob ng hukbo ng Yan Bei ay magulo. Huwag kang manatili sa lugar na iyon."
Ngumiti si Chu Qiao. "Oo, naging maganda ang taon na ito sa akin."
"Mabuti naman kung ganoon." Mula sa pusong ngumiti si Zhuge Yue. "Kung may posisyon ka, natural na magmamalasakit ka sa mga bagay na may kaugnayan sa posisyon na iyon. Ang Da Tong Guild ay may malaki at malalim na implewensya. Kung hindi dahil sa banta ng mga sundalo ko, napaalis na si Yan Xun. Ang magkaroon ng isa o dalawang matalino at may karanasang tao ay walang kwenta. Ang agawan sa kapangyarihan ay hindi maiiwasan. Mabuti naman at naiintindihan mo ang rason sa pagitan noon. Makabubuti sa iyo iyon."
Tumango si Chu Qiao at sumagot, "Naiintindihan ko. Para may makamit, kailangan magbayad. Ang maliit na mga hadlang na ito ay hindi ako magagapi."
Ngumiti si Zhuge Yue. Ang mantong gawa sa balat ng fox ay dumaplis sa kanyang baba. Gwapo si Zhuge Yue; idagdag pa, mayroong nakakatakot na pakiramdam sa kanyang halina. Nang iglap na iyon, nakaupo siya sa harap ni Chu Qiao, pinag-uusapan ang mga bagay na tanging silang dalawa lang ang makakaintindi. Bigla tuloy naramdaman ni Chu Qiao na lubos siyang naiintindihan ng lalaking ito. Mayroong mga bagay na hindi alam ni Yan Xun, at hindi rin siyang harapin ito. gayumpaman, nalalaman nito ang mga iniisip niya sa ilang mga palatandaan na binibitawan niya. halimbawa, ang kanyang mga pangarap, paniniwala, pag-asa, masaya at malungkot na mga alaala...
Dapat katakutan ang lalaking ito. Mayroon siyang matalas na utak ng militar, nagtataglay ng pambihirang kasanayan sa martial arts, at kahanga-hanga magplano. Saka, nasa likod niya ang makapangyarihan niyang pamilya. Gayumpaman, hindi ni Chu Qiao mabasa ang lalaki. Sa nakalipas na mga taon, ano ba talaga ang gusto niya?
Gusto maghiganti ni Yan Xun sa paglipol sa Xia at pagsakop sa buong mundo; gusto ni Zhao Che ang trono ng hari, kapangyarihan, at kayamanan; gusto rin ni Li Ce ang Xia para makuha ulit ang kanyang lupain at maitayo muli ang reputasyon ng Tang. Para naman kay Zhuge Yue, anong gusto niya? Walang nakakaalam o nakahula. Nakatingin sa itim nitong mga mata, pakiramdam ni Chu Qiao ay unti-unti siyang lumulubog. Ang tingin ng lalaki ay parang puyo sa dagat habang nakatingin sa kanya. Mukha itong malumanay sa labas, ngunit may masidhing apoy na namumuo mula sa loob. Siguro sinabi na niya kung anong gusto niya. Noong sa Tang, hagkan siya nito at pinigil ang kayabangan at galit nito. Sinabi niya sa mababang tono, "Kailangan din kita." Paano masasabi ng isang Zhuge Yue ang ganoon? Gayumpaman, ang mga salitang iyon ang nagpahirap kay Chu Qiao, minarkahan ang umpisa ng habang-buhay niyang bangungot, at ginawang mga salita na hindi niya mahanapan ng sagot.
"Zhuge Yue, walang mga mata ang espada sa lugar ng labanan. Hindi rin mahuhulaan ang korte. Ingatan mo ang sarili mo."
Mainit na ngumiti si Zhuge Yue, pinapakita ang paminsan-minsan niyang mainit na ekspresyon. Tumingin siya sa istatwa ng diyosa sa palasyo at marahang sinabi, "Walang hawak ang mga iyon sa akin."
Lahat ay may kahinaan. Para sa lalaki, malapit na itong maglaho, dahil ang taong mahal niya ay ikakasal na sa iba.
Tumayo si Zhuge Yue, ang lumalaki niyang anino ay nagmumukhang gwapo sa ilalim ng liwanag ng buwan. Para siyang isang batong istatwa, lumalabas ang kinang mula sa kanyang mukha. Tahimik siyang tumingala sa mataas na istatwa. Ang magandang mukha ng babae ay ipinapakita ang nakakaintimida nitong diwa ng kabayanihan. Ang madilim na pagkapula nitong baluti ay makikita habang inukit na ng panahon ang marka nito sa istatwa. Mukhang bakas ng dugo ang tumutulo sa kanyang baluti. Ang pandigma niyang palakol ay nasa kamay niya; magkatalikod silang nakatayo ng pigura ng ina. Mabangis ang tingin ng mga mata niya, tulad ng isang nagliliyab na apoy.
Medyo natuliro si Zhuge Yue. Hindi niya mailarawan kung anong una niyang naramdaman nang makita niya ang istatwang ito. Sa iglap na iyon, tila may nakita siya sa istatwang ito. Kahalintulad ng taong iyon ang istatwang ito, may hawak na matatag na paniniwala at dakilang hangarin. Iisantabi lang ng nakaraang sarili niya ang lahat ng ito. Simula pagkabata, pinanganak siya sa isang maharlikang pamilya. Nakita niya ang sapat na bahagi niya ng pagbabalak at mga pagpaplano ng mga tao laban sa isa't-isa. Naniwala siya na likas sa tao ang masama, at ang pagiging kalkulado ay kinakailangan para mabuhay. Gayumpaman, sa kalaunan, dahan-dahan niyang naunawaan ang ideya na hindi kinakailangan ng mga tao ang mamuhay para sa kanilang sarili lamang. Maaaring magkaroon ng dakilang hangarin ang mga tao. Kapag nagpursigi sila tungo sa mga hangarin na ito, ipinapakita nila ang magaganda nilang bahagi. Noong nakaraan, hindi niya alam kung anong klaseng pwersa ang nagpapanatili sa babae na tumayo. Hindi niya alam kung bakit matatag ang babae sa paniniwala nito. Hindi siya naniniwala sa tadhana; minsan, naiisip niya na nasa panig ng babae ang kagustuhan ng kalangitan, at hindi maaatim ng kalangitan na biguin ito!
Ang ibang mga bagay, na humantong sa pagiging magagalitin at walang kahihiyan niya, ay nakatanim sa kanyang puso. Kinasusuklaman niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kahinaan ng loob at dedikasyon, ngunit hindi nalabanan ang nag-aalab na saloobin na mas lalong nagiging ragasa sa bawat araw. Hindi siya sigurado kung kailan ito nagsimula. Bata pa sila noon; hindi pa siya mas matangkad sa binti ng kabayo. Paano niya nalinang ang ganoong balighong damdamin para sa babae? Gayumpaman, sa mga araw at taon na lumipas, madalas niyang napapanaginipan ang tingin ng batang babae habang paalis ito. Determinado ito at matigas ang ulo, tulad ng balisang batang panther na hinding-hindi sasailalim sa latigo ng mangangaso kahit ikamatay pa nito. Sigurado siya na nagayuma siya sa maraming taon. Nagayuma siya ng matatag ng paniniwala ng babae, ng matalas na tingin ng mga mata nito, at ang paghihiwalay na salitang binitawan nito: Zhuge Yue, maghintay ka at makikita mo!
Kaya, nanood siya ng nanood habang ito ay lumalabas ng kanyang bahay-uod at lumitaw bilang isang magandang paru-paro. Pinanood niya ang babae na umakyat sa tuktok, pinanood siyang magdusa sa hindi masukat na kapagudan, at pinanood siyang madapa at paulit-ulit na tumayo. Sa kabila ng pagdanas ng maraming hirap at sugat, hindi nag-alinlangan ang determinasyon ng babae.
Sa mundong ito, sinong mananatili sa tabi mo kapag bumagsak ka sa pinakailalim ng impyerno? Sinong mananatiling kasama ka kahit walang pinaghahawakan ang pangalan mo? Sinong iisantabi ang kanilang buhay at buong puso kang susundan? Pinakamahalaga, sinong mananatili pa rin sa iyong panig na walang hinihinging kondisyon matapos layuan at hindi pansinin? Yan Xun, hindi mo alam kung gaano ka kaswerte.
Tumawa si Zhuge Yue at tumalikod para lumabas. Umihip ang malakas na hangin sa kanyang manto, dahilan para pumagaspas ito sa hangin. Iyong mga bagay na hindi niya makukuha, papakawalan niya. Ang salitang "hiling" ay wala sa diksyunaryo niya.
"Zhuge Yue!" sigaw ni Chu Qiao sa kanya. Napakislot ang katawan niya at tumigil. Tumakbo sa tabi niya ang dalaga. Ang paa nito ay lumulubog sa nyebe habang tumatapak siya.
Tumalikod si Zhuge Yue at bahagyang nagtaas ng kilay. "Mayroon pa ba?"
Hinubad ni Chu Qiao ang Moon Shatterer Sword na nakasabit sa kanyang bewang. Itinaas niya ito at inabot sa lalaki, sinabi na matigas na ekspresyon, "Mag-ingat ka."
Tinignan ni Zhuge Yue ang espada sa kamay ng babae pero hindi ito tinanggap. Wala rin siyang intensyon na ibalik ang espadang Canhong na nakasabit din sa kanyang bewang.
Nakaramdam ng hiya si Chu Qiao ngunit matigas ang ulong itinaas ang espada at determinadong tumingin sa lalaki. Kahawig niya ang maliit na batang ayaw kainin ang kanyang pagkain dahil hindi siya makakain ng kendi.
"Anong ibig sabihin nito?"
Kinagat ni Chu Qiao ang kanyang labi at saglit na nag-isip bago sinabi, "Ang malaking digmaan sa pagitan ng Yan Bei at Xia ay malapit nang mangyari. Magtatagpo tayo noon sa digmaan. Hindi ako maaawa, at hindi mo na rin kailangang magmalasakit sa akin. Tayo ay..."
Lumamig ang tingin ni Zhuge Yue. Ibinaba niya ang kanyang ulo at nagtaas ng kilay, dahilan para medyo hindi mapakali si Chu Qiao. Ang kanyang boses ay medyo humina.
"Xing'er, tanungin mo ng totoo ang sarili mo. Kapag nagtagpo tayo sa digmaan, pupugutin mo ba talaga ang ulo ko?" mababa ang boses ni Zhuge Yue at nakakapawi. Mukhang hindi nanggagaling sa lalamunan niya ang kanyang mga salita bagkus ay sa kanyang puso. Malamig ang mga palad ni Chu Qiao ngunit nagpapawis ito. Tuyo ang kanyang bibig habang huminga siya ng malalim, pinipigil ang hindi mapakaling pakiramdam niya. Marahan siyang sumagot, "Hindi kita papatayin, ngunit gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para talunin ka."
Isang mababang tawa ang narinig. Tumungo si Zhuge Yue at umiling, nananatiling tahimik. Kinuha niya ang espada mula kay Chu Qiao at tumalikod para maglakad palayo sa dito, marahang humahakbang sa manyebeng lupa.
"Sayang. Hindi ko magagawa." Hindi naman sa hindi kayang gawin ni Zhuge Yue. Ayaw niya itong gawin. Alam niya na katulad ng kamatayan ang pagkabigo. Saka, paano niya aalisin ang tanging paraan ng pagkaligtas nito?
Kinagat ni Chu Qiao ang kanyang labi, tila nababahala ng ilang bagay sa loob ng puso. Nagsimulang sumakit ang kanyang dibdib. Tumingin siya sa diretsong tindig na anino ng lalaki at nakaramdam ng ginaw pataas ng kanyang likod. Itinungo niya ang kanyang ulo at bawat salitang inusal, "Ang buhay ay puno ng tinik. Kung ang puso at katawan ng isa ay hindi nadala, hindi ito masasaktan. Kung nadala ang puso at katawan ng isa, dadanas siya ng lubos na sakit at mahaharap sa hirap ng buhay."
Napatigil si Zhuge Yue sa paglalakad. Malinaw niyang natatandaan ang pangungusap na ito. Napakatagal na noon, nang isa pa siyang binata na may malamig at pabago-bagong ugali habang ang babae ay walang-wala sa pangalan niya. Sa maliwanag na naiilawang gabi, sinubukan niyang ipabigkas sa babae ang kasabihan na ito.
Nakakatawa! Malamig na ngumiti si Zhuge Yue. Kung hindi gagalaw ang isa, ibig ba sabihin noon ay hindi masasaktan ang isa?
"Natusok na ako ng mga tinik," umalingawngaw ang paos na boses sa tuktok. Umihip ang hangin, nilulunod ang boses.
Nagsimula nanaman bumagsak ang nyebe. Sa silangan ng bundok ng Minxi, isang kumpol ng mangangalakal ang nagtayo ng kampo. Siguro ay mga tauhan sila ni Zhuge Yue. Tumayo si Chu Qiao sa harap ng mga pinto ng templo, tinitignan na unti-unting maglaho ay anino ng lalaki sa nyebe. Nakaramdam siya ng panibagong ginaw pataas sa kanyang likod. Naglakad siya sa templo, pinulot ang lalagyan ng alak sa lupa, itinaas ang kanyang ulo, at lumagok ng alak. Dumaloy pababa sa lalamunan niya ang mainit na likido, nagbibigay ng maanghang na panghuling lasa. Nang tumingala siya, nakakita siya ng mandirigmang mabangis na nakatingin sa kanya, tila kinakastigo siya sa padalos-dalos niya at isinantabi ang malaking larawan. Gayumpaman, ang istatwa ng pigura ng ina na nakatingin sa kanya ay may mainit at malumanay na tingin, tila naiintindihan ang kalagayan niya at nakikisimpatya sa kanya. Marahan siyang dumukwang sa lupa, pakiramdam ay naapi. Umupo siya at sumandal sa mataas na poste, sumiksik sa isang tabi habang yakap ang mga tuhod. Mukha siyang mahina, parang bata na hindi lumaki.
Sa susunod na araw, nang naghanda siyang umalis, isang nagmamadaling tunog ng mga yabag ng kabayo ang umalingawngaw sa likod niya. Sa malawak na manyebeng kapatagan sa likod niya, isang grupo ng kabayo ang tumatakbo tungo sa direksyon niya. Ang babae sa kabayo ay nakasuot ng pilak na mantong gawa sa balat ng fox, na mukhang malaki sa katawan nito. Nagmumula siya sa silangan, hindi humihinto nang nakita ang partido ni Chu Qiao.
Nagtaas ng kilay si He Xiao at sakay ang kabayo na pumunta ng harapan. May mababang boses siyang nagtanong, "Sino iyan? Ilantad mo ang pagkakakilanlan mo!"
Tumingin ang babae sa kanya tapos ay nagtaas ng kilay. Tumawa siya, at talagang pinalo ng dalawang beses pa ang kanyang kabayo na mas malakas, mabilis na tumungo sa kanila. Sumimangot si He Xiao at sinubukang pigilan ang babae, ngunit nagtaas ulit ng kilay ang babae. May malutong na boses siyang sumigaw, "Ji Xiang, sipain mo siya!"
Ang pandigmang kabayo na nasa ilalim niya ay tila naintindihan ang sinasabi niya. Tumigil ito ay mahabang humalinghing. Nang papalapit si He Xiao, tumayo ito sa dalawang likurang binti at ginamit ang harapang binti para maghatid ng sipa sa tiyan ng kabayo ni He Xiao. Umiyak sa sakit ang kabayo ni He Xiao at bumagsak sa lupa.
Maliksi si He Xiao; nagawa niyang makatayo matapos gumulong ng isang beses sa lupa. Nawala na ang helmet niya mula sa kanyang ulo habang binalot ng nyebe ang kanyang ulo, pinagmumukha siyang kawawa.