"Alam mo naman na kahit anong gawin mo, wala akong gagawin sayo." Tumingin si Yan Xun sa kanya at nagpatuloy, "Kapag nangyari ito, ibang tao ang magbabayad para sayo."
Ang ilaw sa labas ay nakakasilaw. Nakaramdam ng pananakit ng mata si Chu Qiao. Ang apoy sa palanggana ng apoy ay patuloy sa pagkutitap, pinapainit ang silid, ngunit naramdaman niyang lumamig ang kanyang dugo sa puntong halos magyelo na ito. Ang kanyang tingin ay hindi nakapirmi; mukha siyang nakatingin kay Yan Xun ngunit sa parehong oras ay mukha siyang nakatingin dito mula sa malayo. Ang tingin nito ay hindi na ganoon kalinaw; hindi na siya ang masiglang binata sa may dalampasigan dati o ang bumagsak na prinsipe na kasama niyang nagdusa sa palasyo ng Sheng Jin. Naglagay ng malaking kalso sa pagitan nila ang oras – hindi siya makatawid, habang hindi na ito nagtatangka pang tumawid. Gayumpaman, habang naiisip niya ito, napagtanto niya na kulang isang taon palang ang nakakalipas. Lubos niyang naramdaman ang ideya kung ano ang kapangyarihan."
"Naiintindihan ko," simpleng tumango si Chu Qiao at ikinaway ang kanyang kamay." Aalis na ako."
"AhChu," nang makita siyang ganito kalugmok, nadala si Yan Xun. Sumakit ang puso niya. "Huwag kang maging ganito."
Tumungo si Chu Qiao at walang emosyon na sumagot, "Kahit na tanga ako, hindi ko tatraydurin ang iba sa takot na mamatay. Kamahalan, pakiusap maghanap ka ng iba na may ganitong katangian. Ang kapalaran ng Yan Bei ay nasa kanilang mga kamay. May gagawin pa ako, aalis na ako. "Matapos masabi ang kanyang sasabihin, hindi man lang siya tumingin kay Yan Xun at lumabas na ng tolda. Bahagyang gumalaw ang mga kurtina habang ang mga hangin sa labas ay mas lumaki. Nakaupo si Yan Xun sa likod ng lamesa, tulirong nakatingin sa pinto na para bang may inaasahan siya.
Ito ang unang beses na nagalit si Chu Qiao sa kanya. Nitong mga taon na ito, kahit anong gawin niya, anong pagkakamali ang nagawa niya, patatawarin ng babae ang lahat. Kahit na sinukuan niya ang mga taga Yan Bei noon, hindi ito nagalit.
Ang Southwest Emissary Garrison, ang Southwest Emissary Garrison. Dalawang beses binigkas ni Yan Xun ang pangalang ito habang hindi magandang mga alaala ang kumislap ulit sa kanyang isip. "Ang pangit sa paningin ng pangalang ito." napasimangot ang batang hari ng Yan Bei at malalim na napaisip, ang kanyang mga daliri ay wala sa isip na tumutuktok sa lamesa.
Buong taon na mahangin sa Yan Bei. Kahit na nakalabas na sila sa teritoryo ng Yan Bei, hindi pa rin uminit ang panahon. Nang kakalabas pa lang ni Chu Qiao sa tolda, isang lalaki na nakasuot ng asul ang nakatayo sa hindi kalayuan. Ang postura nito ay diretso, ngunit sinadya nitong ikuba ng kaunti ang likod, mukhang mapagpakumbaba at magalang at hindi man lang kamuhi-muhi kahit kaunti. Mayroon siyang postura at kultura na hindi tinataglay ng isang ordinaryong tao. Nang makitang lumapit si Chu Qiao, marahan siyang nag-angat ng tingin at naningkit. Nakangiti sa babae, malambot niyang sinabi, "Heneral Chu, naging mahirap para sayo."
Hindi man lang siya tinignan ni Chu Qiao sa mata, naglakad tungo sa tolda niya sa isang diretsong linya. Tumawa ang lalaki at nagpatuloy sa isang nanghahamak na tono, "Mukhang hindi matagumpay ang pagpunta ng Heneral!"
Tumigil sa paglalakad si Chu Qiao, sumimangot, tumalikod at sinabi sa mababang boses, "Cheng Yuan, sa tingin mo ba talaga ay hindi ako mangangahas na patayin ka?"
"Bakit sinasabi ng Heneral ito? Walong taon ang ginugol ng Heneral kasama ang Kamahalan sa kabisera. Marami kang labanang napagtagumpayan at nakaipon ng hindi mabilang na gantimpala, pati ang pagpugot mo mismo sa ulo ng ikatlong prinsipe ng Xia. Sino ako kumpara sa iyo?"
Nanatiling tahimik si Chu Qiao. Malamig siyang tumingin sa gwapong lalaki, nakaramdam ng pagkasuklam sa kanyang tiyan.
Ngumiti si Cheng Yuan at tumingin sa kanya habang pinahayag niya, "Gayumpaman, ang mga pinakamagaling na tao ang nakakatanggap ng pintas at inggit. Heneral, hindi mo ba naisip na labis na ang katayuan mo ngayon? Matapos ang lahat, ang Kamahalan pa rin ang hari ng Yan Bei!"
Umirap si Chu Qiao at nanghahamak na tumingin sa lalaki. Simple siyang gumanti ng sabi, "Heneral Cheng, hindi ka bagay para maghasik ng alitan sa pagitan namin ni Yan Xun. Sa pagtawag sayo ng Heneral, nirerespeto ko ang desisyon niya, ngunit hindi ibig sabihin nito ay makakakilos ka sa hindi mapigil na paraan sa harap ko. Dapat mong ipagdasal na maganda ang pakiramdam ko nitong mga araw, o hindi ko magagarantiya na hindi ako pupuslit sa tolda mo sa gabi at patayin ka. Kahit na mamatay ka, sa tingin mo ba ay bibitawan niya ako para sayo? Masyado kang walang muwang at mataas ang tingin sa sarili."
Naningkit ang mata ni Cheng Yuan. Tahimik siyang tumingin kay Chu Qiao ngunit walang sinabi. Tumalikod si Chu Qiao at naglaho sa nyebe, na hindi man lang siya tinitignan sa mata.
Nang pumasok si Chen Yuan sa tolda ni Yan Xun, tuliro pa ring nakaupo si Yan Xun sa may lamesa niya. Nanatiling tahimik si Cheng Yuan pero naiintriga habang nakatiklop ang mga kamay niya at tahimik na nakatayo sa tabi ni Yan Xun. Matapos ang mahabang sandali, isang mababang boses ang narinig mula sa may lamesa. Hindi man lang lumilingon, pinahayag ni Yan Xun, "Layuan mo siya."
Tumango sa pagsang-ayon si Cheng Yuan at sumagot, "Susundin ko ang utos ng Kamahalan."
"Kapag binagabag mo siya, kahit ako ay hindi ka matutulungan."
"Tatandaan ko."
Ang tunog na senyales sa hapunan ay umalingawngaw. Malaking grupo ng mga sundalo ang naglakad sa nyebe, gumagawa ng tunog gamit ang kanilang yabag. Ilang beses na sumigaw si Feng Zhi sa labas ng pinto ni Yan Xun, tinatanong kung kailan niya gustong kumain. Hindi sumagot si Yan Xun dahil tahimik itong nakatingin sa kanyang mapa, ang kanyang tingin ay matalas na palipat-lipat sa iba't-ibang teritoryo ng Xia, tulad ng sa agila.
Matapos makabalik ni Cheng Yuan sa kanyang tolda, naging malamig ang kanyang mukha. Ibinato niya ang manto niya sa higaan at lubos na napasimangot. Si Jiang Teng ang pinakamatapat niyang gwardya na ilang taon na siyang sinusundan. Nang makita si Cheng Yuan sa ganitong lagay, nagtanong siya, "Heneral, anong nangyari?"
"Kailangan natin siyang puksain." Tila isinusuka niya ang mga salitang ito sa pamamagitan ng mga puwang sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Hindi man lang isinisiwalat ang pagkakakilanlan ng tao, nagbago ang hitsura ng mukha ni Jiang Teng. Nag-abiso siya, "Heneral, kailangan mong pag-isipan mabuti. Hindi siya dapat maliitin. Kahit na magtagumpay ka, hindi ito palalagpasin ng Kamahalan."
"Alam ko," mabagsik ang tingin ni Cheng Yuan habang nagpatuloy siya, "ngunit kapag hinayaan natin siyang mabuhay, oras na magkabati ulit sila ng Kamahalan, mamamatay din ako sa mga kamay niya."
"Ngunit, ang Kamahalan..."
"Huwag ka mag-alala, hindi ko kikitilin ang buhay niya ngayon." Marahang umupo si Cheng Yuan sa upuan niya at pumulot ng puting jade tablet. Hindi mataas ang kalidad nito, ngunit may nakaukit na pangalan ni Chu Qiao dito. Ito ang longevity tablet ng babae. "Puputulin ko muna ang mga pakpak niya. Naniniwala ako na masasayahan ang Kamahalan na makita ito."
Smash! Binitawan ni Cheng Yuan ang tablet na hawak, dahilan para magkadurog-durog ito pagbagsak sa lupa. Nagbigay ito ng malinaw na tunog nang nabasag, tulad ng musika.
"At saka, paano siya makakakamit ng malalaking bagay kung pinipigilan siya ng isang babae? Ang hinaharap at pag-asa ko ay nasa kamay ng Kamahalan!"
Ang ilog ng Xuekui ay isang sanga ng ilog na matatagpuan paitaas at sa kabila ng Yanming Pass. Dahil sa nyebe, ang ibabaw ng ilog ay matigas na matigas ang yelo. Mababa pa sa 14 na minuto ang itinagal na paglalakbay gamit ang kabayo mula sa kampo ni Yan Xun tungo sa Yanming Pass. Gayumpaman, kahit sino kay Yan Xun o Zhao Che, walang kahit sino sa kanila ang nangahas na padalos-dalos na umatake katulad sa unang salungatan. Sa limang araw, bukod sa maliliit na grupo ng mga nagmamanman sa kilos ng kalaban, walang malaking labanan na nangyari. Mukhang sinusubok nila ang kapabilidad ng isa't-isa, naghihintay ng tamang oras para sumugod.
Habang ang nyebe ay mas bumibigat sa mga araw, ang mga tagamanman ay dumadaan sa matibay na ibabaw ng lawa, nagdadala ng mga piraso ng impormasyon tungkol sa kaaway sa kani-kanilang mga kampo. Ang kagawaran ng istratehiyang militar sa magkabilang panig ay buong oras na nagtatrabaho, pinag-aaralan ang anumang kaugnay na mga piraso ng kaalaman na interesante. Tuloy-tuloy na nagtrabaho si Chu Qiao ng ilang araw, makikitang nababawasan ng timbang. Gayumpaman, ang kaalaman niya sa militar ay pinamangha ang mga pinuno ng hukbo ng Una, Pangalawa at Black Eagle sa Yan Bei. Wala pang tatlong araw, siya na ang naging pangkalahatang komander ng Kagawaran ng Istratehiyang Militar.
Nang hapong iyon, si Huanhuan at Xiaohe ay naghatid ng panibagong mga rasyon mula sa Song. Mayroong sapat na rasyon para sa lahat, pinapaginhawa ang pangangailangan sa mga kailangan tulad ng repolyo at bacon. Natuwa si Yan Xun, at inutusan si AhJing at ang mga tauhan nito na maghatid ng talaksan ng ginto pabalik sa Song sa araw na iyon mismo.
Dahil papalapit na ang digmaan, natural na ayaw umalis ni AhJing. Ang ganitong utos ay maaaring ipalakad sa isang karaniwang komandante, ngunit sinabi ni Yan Xun na hindi niya mapagkatiwalaan ang iba. Kung kaya, walang pagpipilian si AhJing kung hindi ay gawin ito, ang kanyang puso ay puno ng pangamba. Bago siya umalis, binisita niya si Chu Qiao. Habang papunta, ang mga taong nakita niya ay hindi na mga bata at pamilyar na mukha. Wala na sila dahil umalis sila para humimok ng marami pang sundalo, o nanatili sila sa mga syudad para tulungan ang mga mamamayan na buuin muli ang kanilang buhay at proseso ng agrikultura. Hindi masaya ang pakiramdam ni AhJing sa loob ng kanyang puso. Hindi siya kinita ni Chu Qiao; si Pingan, na nagbabantay sa labas ng kanyang pinto, ay sinabi na pumunta siya sa kampo ng mga tagamanman para ibahagi ang kanyang nalalaman. Hindi nito alam kung kailan makakabalik ang babae. Ipinagdalamhati ni AhJing ang kanyang kapalaran, at umalis na isang malungkot na tao.
Nang umalis ito, pumasok si Pingan sa silid, naiintriga. Tinanong niya si Chu Qiao kung bakit hindi nito kinausap si Heneral AhJing. Matapos ang mahabang sandali ng pag-iisip, sumagot siya, "Para sa ikabubuti niya ito."
Sa susunod na araw matapos umalis ni AhJing, isang labanan ang nangyari sa Xiongxi Slope, matatagpuan 40 kilometro ang layo. Hindi malaki ang labanan, at hindi sinasadyang mangyari. Nagkataon na 200 tagamanman ang nakasalubong ang 100 sundalo ng Xia na nagdadala ng rasyon, ang parehong pangkat na ayaw makatagpo ang isa't-isa. Matagal silang nagtitigan, bago napwersang ilabas ang kanilang mga sandata at labanan ang isa't-isa.
Sa tama, ang mga tagamanman ang dapat na mga piling sundalo sa hukbo. Kilala sila bilang mga eksperto at pagkalap ng kaalaman, at sanay sa pangangabayo. Mayroon silang katangi-tanging pangangabayo at kaalaman sa espada, at magaling sa malayong pamamana. Kumpara sa mga tauhan na naghahatid ng rasyon, hindi kapani-paniwala na mahina sila. Nang makasalubong ng 200 tagamanman ang 100 sundalo na nagdadala ng rasyon, mayroon lamang isang malinaw at walang dudang panalo. Subalit, lubos na natalo ang mga tagamanman ng Yan Bei; tanging 10 hanggang 20 lang ang nakatakas. Nang makita sila ni Chu Qiao, nagulat siya at natakot na marinig ang paglalarawan ng mga ito. Tumakbo siya pabalik sa Kagawaran ng Istratehiyang Militar at hinablot ang isa sa tauhan, nagtatanong, "Sino ang taong nakatalaga sa lohistehiya ng labanan na ito?"
Halatang hindi alam ng may puting balbas na opisyales ang sobrang sikretong bagay. Tumingin siya kay Chu Qiao, hindi makapagsalita.
Galit na nagtanong si Chu Qiao, "Sabihin mo!"
"Ang matagal nating kaibigan, ang ikaapat na batang amo ng pamilya Zhuge, si Zhuge Yue," isang mababang boses ang narinig mula sa likod niya. Tumalikod si Chu Qiao at nakita si Yan Xun na nakatayo sa may pinto, ang sumbrero nito ay nababalot ng nyebe. Kalmado siya, ngunit ang tingin ng mga mata niya ay malamig. Matalas siyang nakatingin kay Chu Qiao, sinusubukang makita ang kahit anong pagbabago sa mukha nito, ngunit walang pinatunguhan. Ang ekspresyon nito ang nanatiling pareho na nakatingin sa kanya habang nakasimangot, tila ba nagtatanong: bakit ka narito? Nitong mga araw, sila ay nasa isang malamig na digmaan sa isa't-isa.
"Sabihin mo sa akin, gaano katagal mo pa akong hindi papansinin?" bumuntong-hininga si Yan Xun at lumapit sa kanya, hinawakan ang kamay nito. Nagpumiglas na makawala si Chu Qiao ngunit nabigo siya. Mahigpit siyang napakunot ng noo at sinubukan gawin ang mga espesyal niyang kasiningan, ngunit pinantayan ni Yan Xun ang mga galaw niya at pinanatili ang hawak sa kamay niya.
"AhChu, huwag ka nang magalit pa."
Malamig na sumagot si Chu Qiao, "Paano ako mangangahas na magalit sa Kamahalan?"
Nanlumo ang mukha ni Yan Xun habang nagpagalit siya, "Huwag kang gumawa ng gulo."
Nagtaas ng kilay si Chu Qiao at nagpahayag, "Yan Xun, sa tingin mo ba ay parang bata akong nagliligalig sa iyo?"