Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 179 - Chapter 179

Chapter 179 - Chapter 179

Hindi karaniwan ang lamig sa labas. Inangat ng hilagang hangin ang nyebe, umiihip sa mga sulong sinindihan ng pine oil. Nakatayo sa pinto ng tolda si AhJing. Ang mga tagasilbi sa kaliwa at kanan niya ay nanatiling tahimik nang makita siya, piniling magsagawa ng simpleng saludo. Isang hindi mapakaling pakiramdam ang nabuo sa puso ni AhJing. Hindi na niya makilala pa ang mga kasalukuyang gwardya ni Yan Xun; ang kanyang titulo, ang pinuno ng mga gwardya, ay agad nagiging blankong titulo. Matapos ang hindi masabing dami ng oras, hindi na matagalan pa ni AhJing ang lamig. Tumalon-talon siya, sinusubukang alisin ang lamig, at patuloy na kinukuskos ang kanyang kamay. Bigla, nakita niyang gumalaw ang kurtina. Ang batang heneral ay nakasuot ng asul, at marahang lumabas ng tolda.

"Cough... pwe!" sadyang umubo si AhJing at dumura ng plema na bumagsak sa sapatos ng heneral.

Tumigil sa paglalakad niya ang heneral at marahang lumingon, nakatagpo ang mabangis na tingin ni AhJing. Walang emosyon ang heneral; ang kanyang mata ay kumikinang. Umakto na parang walang nangyari, naglakad na siya palayo at naglaho sa kadiliman.

"Duwag! Walang kwentang nilalang!" mura ni AhJing. "Hindi nakakapagtakang gusto mong tumakas!" madilim na madilim ang gabi. Nang naglaho ang anino ng lalaki, dalawang beses na nagpiksi si AhJing bago pumasok sa tolda.

Sinisiyasat ni Yan Xun ang mapa sa ilalim ng ilaw. Nang marinig ang pagpasok nito, hindi man lang siya nag-angat ng tingin. May mababang boses niyang sinabi, "Anong problema?"

Winaksi ni AhJing ang sarili bago sumagot, "Kamahalan, sumusunod pa rin sa likuran ang Binibini. Sa malamig na panahong ito, walang tolda na lilipasan ng gabi, ito..."

"Ano?" dahan-dahan na itinaas ni Yan Xun ang kanyang maayos na kilay at tumingala. Ang kanyang boses ay mababa at sinadyang patagalin, ipinapakita ang pagkainis niya, "Hindi ba't sinabi mo na bumalik na siya?"

Kinamot ni AhJing ang kanyang ulo at bumulong, "Oo, nakita ko ang Binibini na bumalik tungo sa Beishuo, ngunit nakahabol ulit siya sa atin sa gabi."

"Walang kwentang mga tao!" hinampas ni Yan Xun ang mapa sa kanyang lamesa at nagbulalas. "Kayong mga lalaki na hindi man lang mapigilan ang isang babae."

Nagbaba ng tingin si AhJing at nanatiling tahimik, nakaramdam na naapi. Napaisip siya sa sarili, siya ang babaeng mahal mo. Hindi kami mangangahas na hawakan siya, maging marahas sa kanya, o itali siya at ipadala pabalik! Nangako siya na babalik maya-maya lang. Sinong makakaisip na makakahabol ulit siya!

Tumalikod si Yan Xun at kinuha ang kanyang manto sa sampayan ng damit. Ipinatong niya ito sa kanyang balikat at naglakad tungo sa labas. Nakita ito ni AhJing at nakaramdam ng kasayahan, nagmadaling pumunta sa tabi ng lalaki at sinabi, "Kamahalan, inihanda ko na ang kabayo para sa iyo. Umalis na tayo kaagad. Kapag nahuli tayo, mamamatay sa lamig ang Binibini. Katulad ng sinabi ko, paanong iiwanan ng Kamahalan ang Binibini sa gilid? Bukod sa iyo, ang Binibini ang pangalawa sa pinakaimportanteng pigura sa Yan Bei. Nagdusa siya kasama mo mula pa sa Zhen Huang. Paano maikukumpara ang mga traydor na iyon sa kanya? Sinasabi ko na ng ba..." gayumpaman, bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, napagtanto niya na ang lalaki ay hindi sumunod sa kanya. Tumalikod siya at nakita si Yan Xun na nakatayo sa gitna ng tolda. Tumatama sa mukha nito ang liwanag ng kandila, iniilawan iyon. Isang greyish na anino ang suminag sa mukha nito, tulad ng patong ng hamog.

"Ka...Kamahalan?" bulong ni AhJing, sinusubukan ang reaksyon ni Yan Xun.

Tahimik na tumayo doon si Yan Xun. Sa wakas, ibinaba niya ang kanyang kamay na tinatali ang kanyang manto at kalmadong sinabi, "Magdala ka ng 20 gwardya para sunduin siya papunta dito."

"Ah?" napanganga si AhJing sa pagkakatigalgal. "Kamahalan, hindi ka na pupunta pa?"

Walang sinabi si Yan Xun, tumalikod at inalis ang kanyang manto. Tapos ay pumunta siya sa kanyang lamesa, ikinuskos ang kanyang kamay sa higanteng mapa ng Yan Bei, nanatiling tahimik ng mahabang sandali.

Mapapansin ang anino ni Yan Xun sa gitna ng maliwanag na mga kandila. Bigla, pakiramdam ni AhJing ay lumabo ang paningin niya. Tumingin siya sa anino ni Yan Xun, iniisip ang tungkol sa maliwanag na umaga sa palasyo ng Sheng Jin maraming taon na ang nakalipas. Marahang naglalakad palabas ng kanyang palasyo ang Emperor ng Xia, habang nakaluhod siya sa gitna ng mga tao. Palihim siyang tumingin ngunit nabulag sa makintab na gintong roba.

"Masusunod, Kamahalan." Sumunod si AhJing. Nang tumalikod na siya para umalis, umalingawngaw ang boses ni Yan Xun, "Nang walang wastong pagpayag, hindi ka na maaaring basta pumasok sa tolda simula ngayon." Tumango ang batang mandirigma mula sa Yan Bei, ang kanyang kasiglahan ay wala na. "Masusunod, Kamahalan."

Nang sinundan ni Chu Qiao si AhJing sa kampo, tulog na si Yan Xun. Tumingin siya sa tolda ni Yan Xun, kung saan ang mga kandila ay napatay na, at medyo natuliro. Mabilis na lumapit si Feng Zhi at inusal, "Buong araw na naglakbay ang Kamahalan. Sa tingin ko ay pagod siya."

"Sige." Tumango si Chu Qiao na walang kahit anong emosyon at tahimik na sumagot, "Babalik na muna ako."

Nang nakabalik siya sa tolda, nagmanhid na ang mga paa niya sa lamig. Si AhJing at ang ilang tagasilbi ay mainit siyang sinalubong sa pagdala ng mainit na tubig sa kanya. Kahit na karamihan sa mga mandirigma ay hindi siya kilala, narinig ng mga ito ang kanyang pangalan at nakaraang mga kontribusyon. Nagtipon sila sa labas ng tolda niya para makita kung anong nangyayari at umlais lang matapos mapagalitan ni AhJing. Matapos ang ilang sandali, gumalaw ang kurtina ng kanyang tolda. Isang maliit na ulo ang sumilip mula sa labas at masayang sumigaw, "Heneral Chu!"

"Pingan?" nagulat si Chu Qiao. Nakasuot si Pingan ng maliit na uniporme ng militar. Ilang araw nilang hindi nakita ang isa't-isa ngunit tila mas lumaki ito. Nang araw na iyon, matapos magtapos ang labanan sa Beishuo, nagkasakit siya at hindi nakapagbigay ng atensyon sa kanya. Hindi niya inaasahang makita ang bata dito. Nagpahayag siya, "Bakit nandito ka?"

"Isa akong sundalo."

"Ikaw? Sundalo?" nagulat si Chu Qiao. "Ilang taon ka na?"

"Heneral, huwag mong maliitin ang mga tao. Kakabigay lang ng utos ni Heneral AhJing. Simula ngayon, si Pingan ang magiging personal na gwardya ng Binibini. Kung mayroon kang mga kailangan gawin, pwede mo itong ibigay sa akin."

Personal na gwardya? Ayos na din ito. Hindi ko na kakailanganin pa na pumunta sa lugar ng labanan. Ngumiti si Chu Qiao at hinimas ang ulo ng bata bago sinabi, "Ihatid mo ang pasasalamat ko kay AhJing."

"Walang trabaho ang Heneral ngayong gabi. Si Heneral Cheng ang nakatalaga ngayon."

Nag-angat ng kilay si Chu Qiao. Si AhJing ang pinakamatapat na personal na gwardya ni Yan Xun. Paanong hindi siya ang nakatalaga ngayong gabi? Malambot siyang nagtanong, "Heneral Cheng? Sinong Heneral Cheng?"

"Hindi ko rin alam." Isa pa ring bata si Pingan habang bata siyang sumagot, "Ang alam ko lang ay Cheng ang apelyido niya."

"Oh," tumango si Chu Qiao at nagpatuloy, "Gabi na. Bumalik ka na at magpahinga muna."

Masayang sumunod si Pingan at nilisan ang tolda, tumatalon habang naglalakad. Tumingin si Chu Qiao sa anino nito at nakaramdam ng lungkot sa loob niya. Sa modernong panahon pa, ang bata ng ganitong edad ay naghahandang pumasok sa eskwelahan araw-araw. Kapag may nakaaway siya, magrereklamo siya sa mga magulang niya habang yakap-yakap ng mga ito! gayumpaman, dito, kailangan niyang akuin ang responsibilidad ng pag-aalaga sa kanyang kapatid, isinama ang sarili sa buhad ng pagdanak ng dugo.

Naging maligamgam ang tubig matapos niyang maghilamos. Tinanggal niya ang kanyang sapatos na may pagsisikap at inilagay sa tubig. Namaga na ang paa niya sa lamig; ang mga pasa ay pinagmukhang purplish-red ang kanyang paa. Nangati siya nang inilubog niya ito sa tubig, at huminga ng malalim. Matapos niyang hugasan ang kanyang paa, kumain siya ng tuyong rasyon na kakadala lang sa kanyang ngayon. Inaantok siyang humiga sa mainit na kumot. Ang pangyayari ng araw na iyon ay naglagay ng kalang sa kanilang dalawa sa huli. Sa kabila ng pagtatago niya noon at pagsisikap ni Yan Xun na sagipin ang sitwasyon, ang ibang mga bagay ay parang porselana – oras na mabasag ito, hindi na ito masasagip kahit gaanong pagsisikap pa ang ilagay.

Dahil sa sakit niya, inantala ni Yan Xun ng dalawang araw ang pag-alis nito. Sa mga oras na iyon, nanatili ito sa tabi niya, pinapakain siya at ginagawa mismo ang kanyang gamot. Ang pagsisikap nito ay tinakot ang mga taong nakapaligid dito. Gayumpaman, nang inungkat ni Chu Qiao ang ideyang sumunod sa hukbo, tinanggihan niya ito na may mga rason na sapat na mauunawaan. Sa kabila nag pagka makatwiran ng mga salita nito, o kung paano nito sinabi na iniisip niya ang babae, inulit ng utak ni Chu Qiao ang sinabi ng lalaki noong nakaraang araw: kung lalabagin ulit nila ang batas ng militar, hindi na ako maaawa pa.

Isa itong babala, ngunit paano siya makakasigurado na hindi ito senyales? Sumama ang pakiramdam ni Chu Qiao nang ganito ang naisip niya. Kailan pa siya nagsimulang mag-ingat sa lalaki? Bukod noong nakaraang araw na sobrang maayos ng pakikitungo si Yan Xun sa kanya, sa puntong pakiramdam niya ay panaginip ito. Gayumpaman, nang araw na umalis ang hukbo, nang tumayo siya sa tarangkahan ng syudad at nagmakaawa na sumama sa laban na ito, nagalit si Yan Xun sa kanya.

Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya. Hindi siya nito pinagsabihan, pero matagal siyang tinignan. Mukhang marami siyang nakita habang nakatingin ito sa kanyang balikat. Sa wakas, nagtanong ito, "AhChu, anong pinag-aalala mo?" matapos noon, bago pa man siya magkaoras na sumagot, lumagpas ito sa kanya na hindi man lang lumilingon.

Pinalibutan siya ng mga sundalo at hiniling na bumalik siya sa kanyang bahay. Tahimik siyang tumingin habang umaalis si Yan Xun, nakakaramdam ng kabiguan.

Alam niya ang lahat, lahat. Nagpaplano siya. Tinanong siya nito: anong pinag-aalala mo? Ngunit, Yan Xun, ikaw? Anong ipinag-aalala mo?

Sa huli, nagdesisyon siyang sundan ang grupo ng lalaki. Tama siya—nag-aalala siya. nag-aalala siya dito, natatakot siya na papatayin niya ang buong hukbo ng Southwest Emissary Garrison. Sa lugar ng labanan, madaling puksain ang buong hukbo na hindi nag-iiwan ng bakas ng ebidensya. Napakaraming paraan. Ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay inilagay ang kanilang mga buhay sa kamay niya.

Hindi niya hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay nila.

Siguro paranoid lang siya. Ngunit, Yan Xun, dahil alam mo kung anong kinakatakot ko, bakit hindi mo ako pinangakuan? O dahil ba ayaw mo? Ang ikinatatakot ko ba ay parte na ng mga plano mo?

Tahimik na umaapoy ang apoy sa lupa. Isa itong mataas na klase ng puting uling, dahil naglalabas lang ito ng manipis na usok. Tumingin si Chu Qiao sa pugon, pakiramdam niya ay nanuyo sa sakit ang kanyang mata. Hindi pa siya lubos na gumagaling. Samahan ng katotohanan na buong araw siyang naglakbay sa malamig na panahon, nagsimulang umibabaw ang pagod niya. Nakasuot siya ng manipis na puting kasuotan at humiga sa higaan. Pinatay niya ang kandila at natulog.

Ang buwan sa labas ay maliwanag. Suminag ang liwanag ng buwan sa manyebeng lupa, ginagawa ang tanawin na magmukhang malawak na piraso ng puti. Gayumpaman, sa tolda, napakadilim. Nagpatuloy sa pagngalit ang hangin. Walang makikitang kahit isang puno sa paligid. Tanging mga irit ng agila ang maririnig, habang tinutusok nila ang tahimik na panggabing kalangitan. Matapos ang hindi malamang oras, sa madilim na tolda, nakaramdam ng malamig na sensasyon sa paa niya si Chu Qiao. Napasimangot siya, ang kanyang mata ay nakapikit pa rin. Mabilis siyang umupo at sinabi, "Sino iyan?"

Sa dilim, isang mahabang anino ang nakaupo sa higaan niya. Nakabihis ang lalaki ng kasuotan na gawa sa malambot na tela. Sa tulong ng mahinang liwanag, medyo nahuhulma niya ang mukha nito. Nakaupo ito doon, ang kamay nito ay nakahawak sa paa niya. Naglagay ito ng mangkok sa tabi ng kanyang higaan habang ang amoy ng gamot ay natangay palayo mula sa mangkok.

"Gising ka?" tahimik na tanong ni Yan Xun. Tumayo siya at sinindihan ang kandila. Suminag sa mukha niya ang dilaw na ilaw, binibigyan ito ng pakiramdam ng kapayapaan at kakalmahan. Bumalik ito sa higaan ng babae, inabot ang mahabang mga daliri, kumuha ng gamot at inilagay sa sugat ng babae. Ang hipo ng mga daliri nito ay mainit, tulad ng mainit na hangin, habang humahaplos sila sa kanyang paa at talampakan. Hindi nag-angat ng tingin si Yan Xun habang nagpatuloy niyang sabihin, "Kailangan mong lagyan ng gamot ang paa mo araw-araw. Sa hukbo, walang mga tagasilbi na magsisilbi sayo kumpara sa bahay. Abala dito. Huwag mong pabayaan ang kalusugan mo kapag naging abala ka."

Related Books

Popular novel hashtag