Binasa rin ni Feng Zhi ang sulat at napangiti. "Kamahalan, magulo ang sulat ni Master Xuan. Mukhang lasing siya."
Umiling si Yan Xun. Talagang pinahahalagahan niya ang kasumpaang kapatid na ito. Matapos ang lahat, isa itong katangi-tanging sampung taon ng pagkakaibigan. Masaya siyang nagnilay-nilay, "Ang taas ang enerhiya!" pagkasabi noon, isang bahid ng parang bata ang lumitaw mula sa kanyang puso. Napaisip siya kung ang nanumpang kapatid niyang ito ay magagalit kapag nakakita ng ganitong sagot? Mabilis siyang nagsulat ng tugon:
Hindi alam ng kapatid mo na ito na nahahaling ka sa akin, at iyon ay nakalimutan ng kapatid na ito. Sa araw ng pag-atras ng Xia, pupunta mismo ang kapatid mo na ito sa Song para hingiin ang iyong kamay sa kasal. Susubok ka bang sumagot?
Malakas na tumawa si Feng Zhi, "Kamahalan, kapag nakita ni Master Xuan ito, lubos siyang magagalit."
"Eh di papanoorin ko siyang magalit." Inilagay ni Yan Xun ang sulat sa sobre at maayos itong inilagay sa lamesa. May tawang mula sa puso, inilabas niya si Feng Zhi at AhJing.
Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ni Chu Qiao kaya nakahiga pa rin siya sa higaan para magpahinga. Medyo maganda na ang pakiramdam ngayon, nagpalit siya ng damit. Sa kastanyas na kababalat niya lang, nagtungo siya sa silid-aralan ni Yan Xun. Umiidlip si Lü Liu at hindi siya narinig na nagising.
Tinulak pabukas ang pinto ni Yan Xun, isang bakanteng silid ang bumati sa kanya. Inilagay ang kastanyas sa lamesa, nakita niya na ang kandila sa lamesa nito ay ubos na. Siguro ay gabing-gabi nanaman siya natulog. Hindi niya maiwasang makaramdam ng bakas ng pag-aalala. Nang papunta na siya sa kusina para siguraduhing maghanda sila ng masarap na pagkain, wumalis ang manggas niya sa sulat na nasa lamesa. Maganda ang sulat, may maaamoy na kakaunting bango mula dito. Bumagsak ang sulat mula sa lamesa. Nabuksan ang sulat, at nakita ni Chu Qiao ang unang dalawang linya ng sulat. Nang makita ito, nanigas si Chu Qiao, at hindi maiwasan na yumuko at ilabas ang sulat.
Nang biglang nakita ang linyang "Hinuhubog ng bundok ang mga puno, ngunit ang mga puno ay pinalusog ang kanilang mga sanga; Hinangad ng puso ko ang iyong kaligayahan, ngunit hindi mo alam" sumakit ang kanyang puso. Hindi ito sulat ni Chu Qiao, at sa una palang, hindi siya magaling sa paggawa ng mga tula. Malamig ang pakiramdam ng kanyang mga daliri, habang madali niyang ibinaligtad ito at nakita na mula ito sa residensya ng Hari ng Xuan ng imperyo ng Song. Sa isang iglap na iyon, may biglang naging malinaw sa kanya sa kanyang isip. Huminga ng malalim bago ito marahang binuga, tila ba gusto niyang ilabas lahat ng nagagalit na emosyon sa kanyang katawan. Ngunit, pakiramdam niya ay mas bumigat ang kanyang emosyon.
Patuloy na nagbabasa, nakita niya ang sariling sagot ni Yan Xun. Bigla niyang naramdaman na may napatid sa kanyang ulo. Halos bumagsak, kunot na kunot ang kanyang noo. Sandaang mga posibilidad ang lumitaw sa kanyang isip, at may kapantay na bilang ng dahilan, inalis niya ang mga naiisip na iyon. Ngunit, lahat ng senaryo na iyon ay hindi maalis ang itim at puting nakasulat sa harap niya.
Isang bahid ng panlalamig ang tumagos sa kanyang balat, na parang hindi mabilang na napakalamig na galamay ang nagsimulang gumapang palabas ng kanyang puso, tuluyang binabalot ang buo niyang katawan. Nanlumo ang puso niya, na parang nasa walang dulong bangin, ang kanyang mata ay nahumpak, walang buhay. Isang kaisipan ang umangat mula sa kailaliman ng kanyang puso, at unti-unting nabuo sa isang salita. Nakita ko, sa huli para sa kanya, ang habang buhay na samahan ay ganoon lang.
"Hindi!" biglang tumayo si Chu Qiao at bumalik ang liwanag sa kanyang mata. Hindi niya paniniwalaan ang ganitong bagay maliban kung sasabihin mismo ito ng lalaki. Hindi siya malilinlang! Sa kanyang bagong determinasyon, ang sakit at hirap mula sa kanyang sakit ay biglang nawala nang tumakbo siya pabalik ng kanyang silid. Madaling isinuot ang kanyang kapa, naglakad siya pabalik. Balisang humabol sa kanya si Lü Liu, at natatarantang sumigaw, "Binibini! Hindi pa rin mabuti ang pakiramdam mo! Saan ka pupunta?"
Hindi ito pinansin, sumakay si Chu Qiao sa kabayo at nagmadaling tumungo sa kampo ng Unang Hukbo. Ngunit, pagkadating sa kampo, hindi siya pinayagang makapasok. Ang mga sundalo ng Unang Hukbo ay hindi siya nakilala at hindi pinaniwalaan ang kanyang sinabi. Matatag silang humarang sa daraanan niya. Sa pinaka oras na ito, may tumawag sa pangalan niya. Lumingon si Chu Qiao at nakakita ng pamilyar na mukha. Sa malapitang pagsusuri, nalaman niya na si Du Pingan ito.
Nang makita siya, lubos na nagalak si Pingan. Nagmadaling lumapit, sumigaw siya, "Master! Nakita na kita sa wakas. Ilang araw akong umaligid sa iyong sambahayan, ngunit hindi nila ako pinayagang pumasok. Nakabalik ka na sa wakas!"
Medyo natigilan si Chu Qiao at nagtanong, "Hinahanap mo ako?"
Nagulat si Pingan sa kakulangan ng impormasyon ni Chu Qiao at nagtanong siya, "Master, hindi mo ba alam?"
"Alam ang alin?"
Sa iglap na iyon, naging mapanglaw ang ekspresyon ni Du Pingan habang nagbulalas siya, "Master, isang malaking kasawiangpalad!"
Sa ilalim ng maulap na kalangitan, patuloy na nagngalit ang hangin, dala noon ang ilang manipis na nyebe na napulot mula sa lupa. Sa gitna ng kampo ng Pangalawang Hukbo, dalawang kampo ang kaharap ang isa't-isa. Ang malambot na baluting leather ang nakabalot sa katawan ng mga lalaking may hindi mabilang na pinagdaanang labanan, habang mahigpit na nakakuyom ang kanilang kamao. Nakasuot si Yan Xun ng itim na kasuotang pandigma, habang nakaupo siya sa upuan na gawa sa balat ng puting tigre sa malaking tolda. May malamig na tingin, kalmado siyang nagtanong, "Nagpaplano ba kayong mag-alsa ulit?"
Ang malupit na awra ay sumalpok sa mga nakikinig. Narinig ang matalas niyang salita, ang mga tauhan ng Southwest Emissary Garrison ay namutla sa galit, at mukhang ginagawa nila ang lahat para pigilin ang kanilang emosyon. Nakatayo sa harap ng lahat si He Xiao. Kahit na hindi siya maidedeskriba na gwapo, ang tukoy na tukoy niyang mga tampok at ang awra niya bilang isang sundalo at naglalabas ng isang tumatagos na awra. Sa puntong ito, inunat niya ang kanyang kamay at hinarangan ang nagagalit niyang mga sundalo. Nakasimangot siyang nagpahayag, "Kamahalan, pinangakuan mo kami na hindi mo kami hahabulin para sa nangyari sa nakaraan."
"Tinupad ko ang pangako kong iyan." Ngumiti nang kaunti si Yan Xun na may pilantik ng kanyang kilay, ang kanyang matang kumikinang na may panghahamak ay nagpatuloy siya, "Ang mga nakaluhod sa labas ay hindi mga traydor—isa silang mga takas!"
"Hindi kami mga takas!" isang galit na sigaw ang narinig. Sa gitna ng parade square, higit 30 sundalo ang nakaluhod sa isang hanay. Sa likod nila ay mga patalim ng Unang Hukbo. Isang batang sundalo ang sumigaw sa galit, "Kahit sino man, hindi sila pinapayagang sunugin ang bandila namin!" isang sira-sirang bandila na may puting likod at pulang ulap at itinapon sa lupa, na may sunog na gilid, maruming-marumi ito.
Tumingin si Yan Xun sa kanya na hindi masyadong iniisip at may paghamak na suminghal, "Ang Southwest Emissary Garrison ay naglaho mula sa mundo tatlong araw ang nakakaraan, bakit kailangan pang itago ang bandila? Tinambangan niyo ang kakamping pwersa at iniwan mismo ang syudad bago ang malaking labanan. Isa iyong pagtataksil, at kapag hinayaan kita na walang parusa, anong batas militar pa ang naiwan sa Yan Bei?" ang tono ni Yan Xun ay biglang naging seryoso, habang ang kanyang tingin ay lumagpas sa mga matang iyon. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at malamig na nagpahayag, "Ang pagtataksil ang pinaka malalang krimen! Mapapatawad kita ng isang beses, ngunit hindi sa pangalawang pagkakataon. Halika! Parusahan ang mga ito batay sa batas ng militar! Ang kung sinong hindi nakumbinsi sa hatol na ito ay mapapatawan ng kaparehong parusa!"
"Kamahalan!" ngumiwi ang mukha ni Xiao He nang lumapit siya. ngunit, may malakas na whoosh at kislap ng sandata, dalawa sa mga gwardya ay inilagay na ang kanilang sandata sa leeg ni Xiao He. Doon, walang gumawa ng ingay. Ang mga sundalo ng Unang Hukbo ay lumapit lahat, ang namamana ay inihanda ang kanilang palaso. Sa buong pormasyon na may sandata, tila pwede at handang sumabog sa aksyon ang sitwasyon sa kahit anong pasimula.
Ang mga sundalo ng Pangalawang Hukbo ay gulat na gulat. Sa nakaraang mga araw, kasama nilang lumaban ang Southwest Emissary Garrison. Sa pader ng Beishuo, sila ay naging magkakampi. Tulad nito, lumitaw sila ngayon para suportahan ang Southwest Emissary Garrison. Ngunit, ang matatag na ugali mula kay Yan Xun at ng Unang Hukbo ay isang bagay na hindi nila inasahan.
Mayroong 1,500 tauhan nalang Southwest Emissary Garrison. Nakatayo sa gitna ng hukbo ng sampung libong mga sundalo, wala silang mga sandata. Bawat isa sa kanila ay nakakuyom ang kanilang kamao, ang kanilang mukha ay tuluyang namula sa galit. Hinarap ang may sandatang mga kalaban, ang kanilang galit ay tila nagliliyab mula sa kanilang mga mata. Luminga-linga si He Xiao, at huminga ng malalim, nagtanong siya, "Kamahalan, balak mo bang patayin kaming lahat?"
Misteryosong tumawa si Yan Xun habang ang kanyang tingin ay nawalan ng emosyon, katulad ng pinakamalalim na dagat, sinabi niya, "Si Commander He Xiao ay isang lalaki na may magandang mga nakamit. Maaari ko talagang tratuhin ka sa parehong paraan tulad ng mga traydor na iyon."
"Kamahalan!" may mapulang mata, humakbang si He Xiao. 20 gwardya ang humakbang at sabay-sabay na itinutok ang kanilang sandata sa leeg niya. Gayumpaman, ni hindi takot si He Xiao. Hindi nalalaktawan ang mga salita, sinabi niya, "Sa Labanan ng Zhen Huang, ang Southwest Emissary Garrison ay dumanas ng 6,000 kawalan. Sa Labanan ng Chidu, ang Southwest Emissary Garrison ay dumanas ng 4,000 kawalan. Tinamaan ng higit sampung palaso si Heneral Feng Ting ngunit nagpatuloy siyang lumaban. Pinangunahan ni General Mu Rong ang kanyang tauhan para tambangan ang kaaway sa Bai Zhang Cliff. Nang maubos ang kanilang mga palaso at malalaking bato, sinilaban niya ang buong kagubatan para pigilan ang pag-abante ng kaaway, at isinakripisyo ang sarili sa proseso. Pinangunahan ni Heneral Wu Danyu ang 500 tauhan lang at inantala ang pag-abante ng kalaban ng buong tatlong araw sa mala-gerilyang paglaban. Sa huli, malawak ang dami ng kaaway at namatay habang nakikipaglaban. Sa Depensa ng Beishuo, pumunta kami para tumulong sa kabila ng aming kakulangan sa bilang at tumangging umalis kahit isang hakbang. Ang katapatan ng Southwest Emissary Garrison ay nasaksihan ng kahit langit at lupa. Ang daang-libong mga sundalo at sibilyan sa Beishuo ay nasaksihan ang aming katapatan. Gayumpaman, nakikita ang paraan ng pagtrato ng Kamahalan sa mga tapat na tauhan, ako, si He Xiao, ay hindi nakukumbinsi!"
"Pangahas ka!" si Heneral Qiu Yi ng Unang Hukbo, Ikatlong Pulutong ng Gwardya ay lumapit at sumigaw. Ngayon ay isa siya sa mga bise kumandante ng mga sariling gwardya ni Yan Xun. Kakataas lang ni Yan Xun sa ranggo niya. Matatag niyang sinabi, "Isa ka lang kumandante. Anong karapatan mong mangahas sa kamahalan? Hindi mo dinisiplina ang tauhan mo, at hindi ginawang mahirap ng Kamahalan ang mga bagay para sayo. Gayumpaman, sumasagot ka sa Kamahalan. Narinig mo ba kung ano ang batas militar?"
"Kamahalan!" Lumuhod si He Xiao. May pirming tingin, malakas niyang sinabi, "Ang 2,000 sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay taos-pusong nangako ng katapatan sa Yan Bei. Sa paggawa nito, Kamahalan, hindi ka ba natatakot na mapukaw mo ang galit ng mga mamamayan?"
"Mas sumosobra ka pa!" ang bise kumandante ng Unang Hukbo, si Feng Lu, ay sumigaw, "Ilabas siya!"
Agad na pumalibot kay He Xiao ang mga gwardya at pinilipit ang kanyang mga bisig. Ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison na nasa likod ni He Xiao ay napansin at agad na lumapit para tulungan ang kanilang komandante. Naging magulo ang sitwasyon. Malakas na sumigaw si He Xiao, "Kamahalan! Kahit iyong mga sumuko sa pamilya Batuha ay nabigyan ng tsansang makaligtas, bakit gusto mo kaming Southwest Emissary Garrison na tuluyang malipol? Hindi nakukumbinsi si He Xiao! Hindi nakukumbinsi!"
"Tigil!" Hindi malakas ang boses ni Yan Xun ngunit puno ito ng awtoridad. Malamig na nakatingin kay Xiao He, malamig siyang nagpahayag, "Commander Xiao, ang mga pinarurusahan ko ay ang mga traydor na nagtangkang tumakas mula sa Beishuo kagabi, at kompletong walang kaugnayan sa inyo. Hiling ko na sana ay lumayo ka sa gulong ito. Kung hindi, huhusgahan ko kayo na gumagawa ng kaguluhan sa loob ng hukbo."
"Kamahalan, hindi sila mga traydor. Sinusubukan lang nilang protektahan ang bandila! Dahil lang tinugis sila kaya sila tumakas sa labas ng syudad..."
"Ang utos ay utos! Ayokong makinig sa paliwanag mo, gusto ko lang makita ang resulta! Kung ang lahat ay may dahilan, paano ko pamumunuan ang militar?" mabangis na tanong ni Yan Xun.
Mapula ang mata ni He Xiao nang umirit ulit siya, "Kamahalan!"
"Umpisahan ang pagpatay!"
"Kamahalan!" sumugod si He Xiao. Ang 2,000 sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay nasa likod niya at sumugod din. Nang makita iyon, inilabas ng mga personal na gwardya ang kanilang mga sandata at nagsimulang atakihin sila. Hinigitan ang Southwest Emissary Garrison, nagsimula sila ng patayan, habang umulan ng sariwang dugo. Nakatayo sa labas ang Unang Hukbo para putulin ang pakikialam mula sa labas. Samantala, ang mga sundalo ng Pangalawang Hukbo ay nakatayo sa labas, lubos na nalito sa mga nangyayari.
Sumigaw si Qiu Yi sa berdugo, "Anong ginagawa mo? Patayin sila!"
"Lulutuin ang asong-pangaso matapos mahuli ang lahat ng kuneho, at isantabi ang pana kapag napatay na ang lahat ng ibon. Yan Xun, ikaw ay walang utang na loob at hindi karapat-dapat. Tunay na nagkamali kami sa iyo!" ang administratibong opisyales ng Southwest Emissary Garrison, si Wen Yang, ay nakaluhod sa lupa. Kagabi, siya ang unang nakapansin na ang Unang Hukbo ay nakuha ang higit 20 ng kanilang bandila at sinusunog ito sa loob ng kampo ng Unang Hukbo. Dahil biglaan ang sitwasyon, wala siyang oras para sabihan si He Xiao. Pinangunahan ni Wen Yang ang kanyang higit 30 administratibong opisyal sa ilalim ng kanyang pamumuno para sumugod sa kampo ng Unang Hukbo, at tumakas sa labas ng syudad. Sa puntong ito, ang kanyang ulo ay idinidiin sa malamig na nyebe habang sumisigaw siya nang pagkalakas-lakas.