Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 173 - Chapter 173

Chapter 173 - Chapter 173

Naging mapulang-mapula ang mukha ni Chu Qiao. Nang makita ang mga tagasilbi sa gilid na mahinang tumatawa, napanguso siya at nagbulalas, "Anong sinasabi mo?"

"Huwag kayong tumawa! Hindi niyo ba nakikita na mahiyain si Heneral Chu?" Tumalikod si Yan Xun at nagkunwaring pinagsabihan ang mga tagasilbi, ngunit mas tumawa pa sila ng malakas. Lumingon siya kay Chu Qiao at nagkibit-balikat, iniunat ang kanyang kamay. "Wala na. Hindi na sila nakikinig pa sa akin."

"Kalokohan. Hindi na kita kakausapin pa." Tumalikod si Chu Qiao at naglakad pabalik sa sarili niyang silid. Mula sa pusong tumawa si Yan Xun at inangat siya mula sa likod. "Sabi ko ay ihahatid kita pabalik. Dapat kang maparusahan, sinusuway ang utos ng militar!"

Matapos makaalis ni Yan Xun, tumahimik ang silid. Nanatili si Chu Qiao sa sarili niyang silid, hindi na nakakaramdam ng pagod. Iniisip ang mga pangyayaring kakatapos lang mangyari, namula siya. Nagpagulong-gulong siya sa higaan, hindi makatulog. Wala siyang pagpipilian kung hindi ay maupo, tulirong sumandal sa lamesa. Matapos bumalik ni Yan Xun, tila nagbago ang mga bagay. Ang kanilang relasyon ay mas naging matalik, ngunit nagbago ang ibang mga bagay.

Inisip ang kakasabi lang ni Yan Xun, napangiti si Chu Qiao. Siguro naging sobra ang pagka-paranoid niya. Ganoon ang mga lalaki. Hindi nila gusto ang mga mahal nila na nasa labanan, lumalaban sa harapan. Ngayon na mas makapangyarihan na siya, nais niyang protektahan si Chu Qiao. Dapat ay naintindihan niya ito at ang mga intensyon nito na mamuhay siya ng mapayapa. Katulad ng isang ordinaryong babae, iiniom siya ng tsaa habang hinahangaan ang mga bulaklak. Magsusuot siya ng sutla at satin na mga kasuotan habang inaasikaso ng mga tagasilbi niya. Mamumuhay siya ng marangyang buhay, para makabawi sa lahat ng paghihirap na dinanas niya. Kahit na hindi ganitong buhay ang gusto niya, pakiramdam niya ay dapat niyang sundin ang hiling ng lalaki at intindihin ang mga rason nito. Hindi nito sinadyang ibukod siya; gusto lang nitong protektahan siya.

Bumuti ang pakiramdam ni Chu Qiao matapos mag-isip mula sa pananaw na ito. Nang papatulog na siya, nakarinig siya ng mga yabag sa labas ng pinto niya. Binuksan niya ang kanyang bintana, dahilan para pumasok ang malamig na hangin. Hanay ng mga lampara ang mabilis na pumasok tungo sa pinto ni Yan Xun; makikita na ang kalooban ng mga tao ay ninenyerbyos.

"Lü Liu!" Tawag ni Chu Qiao. Tumakbo palapit ang tagasilbi, mukhang inaatok pa rin. "Binibini, anong problema?"

"Anong nangyayari sa labas? Gabing-gabi na. Bakit ang dami pa ring mga tao?"

"Oh, Binibini. Hindi mo pa alam? Tatalakayin ng kamahalan ang usaping militar sa mga heneral buong gabi. Sa tingin ko ay pag-uusapan nila ang istratehiya para sa digmaan sa silangan. Matagal nang naghintay ang mga heneral na iyon sa labas ng pinto."

Natigilan si Chu Qiao nang marinig ang mga salitang iyon. Malakas ang hangin sa labas, umiihip sa kanyang damit sa may balikat at ginugulo ang kanyang mahabang buhok.

"Hala, Binibini! Kakapagaling mo lang! Bakit ka nahanginan?" Mabilis na isinarado ng tagasilbi ang bintana at tumawag sa kanya. "Binibini? Binibini?"

"Ah?" natigil si Chu Qiao sa pagkatulala niya at sumagot, "Oh, wala lang ito. Makakaalis ka na."

Nagsususpetyang tumingin si Lü Liu sa kanya at nagpahayag, "Binibini, ayos ka lang ba talaga?"

"Ayos lang ako. Matulog ka na."

"Oh." Sumunod si Lü Liu at nagdagdag, "Matulog ka na din ng maaga, Binibini."

Maliwanag na naliliwanagan ang silid ni Yan Xun. Matagal na tumingin doon si Chu Qiao bago nagkumot para matulog. Bago siya makatulog, napaisip siya sa sarili: pinabalik ba ako ni Yan Xun ngayong gabi para matalakay niya ang usaping militar? Habang naiisip niya iyon, pakiramdam niya na mas maganda na nakabalik siya sa sarili niyang silid. Magiging maingay doon, tipong hindi siya makakatulog.

Habang pagising-gising siya, isang hindi maipaliwanag na balisang pakiramdam at takot ang dumaluyong sa kanyang puso. Hindi matatag ang pakiramdam ng kanyang puso, tulad ng bangkang inuugoy ng alon. Subalit, matapos ang ilang minuto, unti-unting kumalma ang pakiramdam na iyon.

Maagang nagising si Chu Qiao kinabukasan. Nababahala siya at hindi na makabalik sa pagkakatulog. Sa ikatlong araw, aalis na si Yan Xun. Hindi siya mapakali sa loob niya. Ni hindi man lang nag-aayos pa, tumakbo siya patungo sa silid ni Yan Xun unang beses sa umaga. Gayumpaman, sinabi sa kanya na tumungo ito sa kampo ng Luori kagabi, at hindi pa nakakabalik simula noon.

Matapos niyang kumain, hindi pa rin nakakabalik si Yan Xun. Dahil walang magawa, tuliro siyang nakaupo sa harap ng lamesa niya. Wala sa malay niyang nagsimulang isipin ng utak niya ang distribyusyon sa militar ng imperyo ng Xia matapos ang unang hilagang salungatan, pati na rin ang paghahambing sa pagitan ng kaalaman, lohistikal, at sandata ng parehong kampo. Isang likhang mapa ng militar ang nagsimulang makita sa kanyang isip.

Habang malalim ang kanyang iniisip, tumatawang pumasok sila Lü Liu at Feng Zhi. May hawak na tablet si Lü Liu sa kanyang kamay. Nang nakita niya si Chu Qiao, bumungisngis siya at sinabi, "Binibini, ano sa tingin niyo ito?"

Tumingin si Chu Qiao at natigilan. Isa itong longevity tablet na may pangalan niya at posisyon sa militar na nakaukit doon. Sa ilalim noon, maliliit na salita ng pagbati ang nakaukit.

"Ang longevity tablet ko?" Tumawa si Chu Qiao at nagpatuloy, "Sino sa inyo ang gumawa nito? Ito ba ay para pasayahin ako?"

Masayang nagpahayag si Lü Liu, "Anong sinasabi niyo? Binili ito ni Feng Zhi."

"Binili iyan? Bakit sila magbebenta niyan?"

"Pusta ko hindi niyo alam ito," saad ni Feng Zhi. Isa siyang binatang tinanggap ni Yan Xun bilang utusan matapos siyang iwan ni Feng Mian nang taon na iyon. May tawa siyang nagpatuloy, "Binibini, tagapagpala ka ng syudad ng Beishuo. Mataas ang tingin sayo ng mga sibilyan at mayroong mga tablet mo sa mga altar ng kanilang tahanan. Araw at gabi ka nilang sinasamba. Nang nasira ang Loyalty Hall sa parteng timog ng syudad, isang mayamang pamilya ang nag-alok na bayaran ang gagastusin sa pagpapagawa. Nagtayo sila ng istatwa ng Binibini kasabay noon, sa tabi ng istatwa ng dating Panginoong Yan. Unang beses ito na may natalagang isang nabubuhay sa Loyalty Hall. Ang mga nagtitinda at negosyante, nakakita ng oportyunidad para kumita, ay nagsimulang gumawa ng longevity tablet ng Binibini at jade na palawit para sa kapayapaan. Makikita na sila kahit saan ngayon. Kahit ang ilan sa mga sundalo ng hukbo ay binili ang palawit na jade para madala nila kahit saan!"

Natigilan si Chu Qiao nang marinig ang sinabi ni Feng Zhi. Gayumpaman, hindi siya ganoon kasaya tulad ng inasahan ni Feng Zhi at Lü Liu. Bagkus, nagsimula siyang sumimangot. Matapos ang mahabang sandali, nagtanong siya sa mababang boses, "Bukod sa tablet ko, may ibinebenta pa ba silang iba?"

Nakita ni Feng Zhi ang mabalasik niyang ekspresyon at nagsimulang mataranta. Bumulong siya, "Oo. Subalit, nagbebenta sila ng putik na pigura ni Lu Zhi, ang heneral sa Ikalawang Hukbo. Inuuwi ito ng mga sibilyan sa kanilang tahanan at sinusunog sa kanilang lutuan o inihahagis sa kanilang palikuran."

"Binibini, ayos ka lang ba?" Malumanay na tanong ni Lü Liu.

Umiling si Chu Qiao. "Ayos lang ako. Umalis na kayo. Para naman sa bagay na iyan, sunugin yan o itapon. Huwag yang ilagay sa bahay."

"Mmm." Balisang sumunod ang dalawa at lumabas na ng pinto.

Hindi mapakali si Chu Qiao. Ang labanang iyon, surpresang giniliran at pinalibutan ng Yan Xun ang kalaban, iniwas ang krisis sa Beishuo. Walang nakakaalam sa intensyon niyang bitawan ang Yan Bei. Sa lohikal na paghihinuha, dapat ay nagpapasalamat sa kanya ang mga sibilyan. Bakit hindi nila pinasalamatan ang kanyang pagsisikap? Mayroong mali na kailangan pa ng masusing pag-iimbestiga.

Napasimangot si Chu Qiao. Tumaas ng ganoon ang kanyang reputasyon. Maaaring hindi naparanoid si Yan Xun tungkol dito, ngunit hindi niya rin iyon masasabi tungkol sa ibang tao. Mukhang kailangan pa niyang gumawa ng maraming bagay para kay Yan Xun. Mukhang tama na hindi siya nakialam sa mga problema ng militar. Habang mas iniisip niya iyon, nakaramdam siya ng ginaw. Alam ba ni Yan Xun ang mga ito? Kung alam niya, magdadalawang isip ba ito tungkol sa paglayo sa kanya mula sa mga usaping militar? Subalit, habang kung saan-saan naglalakbay ang iniisip niya, inalis niya ang isipin na ito at umiling, tinatawanan ang sarili. Imposible iyon. Isa itong kabaliwan.

Pagbukas niya ng bintana, nakita niyang tumigil na ang pagnyebe. Ang matangkad na bakanteng palasyo ng Qingyuan ay nakalagak sa ibabaw ng malawak na lotus pond. Gawa ito ng mataas na gradong kahoy ng Phoebe Zhennan. Ang tubig mula sa apat na direksyon ay malinaw at malinis. Ang magkadugtong na kawayang kurtina ay kalahating nakabukas, nagmumukhang malinis. Wala nang bulaklak pa ng lotus sa panahon na ito, ngunit ang mga may kakayahang katulong ng palasyo ay gumamit ng mga ginupit na may bluish-green na tela para gumawa ng kopya ng mga bulaklak. Tapos ay inilagay nila ito sa ibabaw ng lawa para maanod ito. Sa malayo, umihip ang hangin sa mga puno, dahilan para umugoy sila. Ang kopyang mga dahon ng lotus ay bluish-green tignan, katulad ng mga totoong bulaklak. Ang palasyo ng hari ng Song ay maganda, mas maganda pa kaysa sa palasyo ng Jinwu sa Tang.

Dahil inaayos pa ang palasyo ng Qinyuan, inilipat ni Nalan Hongye ang korte sa palasyo ng Qingyuan. Matapos ang umagang pagpupulong, binuksan niya ang kurtina at naglakad palabas. Nakasandal si Nalan Hongyu sa kanyang gintong trono. Diretso siyang nakaupo, ngunit may bakas ng laway na tumutulo sa kanyang baba. Humaharok siya; makikita na matagal na siyang natutulog.

Naisip ang itsura ng mga opisyales nang umalis sila, nagsimulang sumimangot ang unang prinsesa. Nakita ng maliit na eunuch ang kanyang ekpresyon at bahagyang tinulak si Nalan Hongyu sa balikat, maingat na tumatawag, "Kamahalan? Kamahalan?"

Inaantok na gumising ang batang emperor. Napasimangot siya at galit sanang tutugon ngunit bigla niyang nakita ang kanyang ate sa harap niya. Naging takot ang galit niya habang patayo siya. Kinusot niya ang kanyang mata at bumulong, "Ate."

Ang mga tao sa palasyo ay umalis na, iniwanan nalang si Nalan Hongye, ang kanyang batang kapatid, at isang personal na eunuch na pinaglilingkuran sila. Sumimangot si Nalan Hongye. Kalmado ngunit matatag niyang sinabi, "Hindi ba't sinabihan na kita dati na huwag matutulog sa korte?"

Nagbaba ng tingin ang emperor, tulad ng isang batang nahuli sa kapilyuhan niya. Bumulong siya, "O-oo."

"Bakit ginawa mo ulit?"

Mas nagbaba ng tingin ang batang emperor at inamin ang kasalanan niya. "Ate, mali ako."

Nagtaas ng kilay si Nalan Hongye. "Hindi ba't tinuruan na kita kung paano tatawagin ang sarili mo?"

"Um?" Natigilan si Nalan Hongyu, hindi naintindihan ang sinabi ng ate niya.

May ibinulong sa kanya ang maliit na eunuch. Tumango ang emperor at sumagot, "Ate, ako...hindi...ang Inyong Kamahalan ay nagkamali. Ang Inyong Kamahalan ay nagkamali."

"Dahil alam mo ang pagkakamali mo, bumalik ka na at kopyahin ang 'The Record of Morals' ng sampung beses. Hindi ka kakain hangga't hindi mo natatapos."

"Ah?" nanamlay ang mukha ng emperor. Hindi na ito pinansin pa ni Nalan Hongye at umalis na. Bakante sa palasyo. Maliwanag ang sinag ng araw; umihip ang hangin sa kawayang kurtina mula sa lahat ng direksyon. Dumaan ito sa mga gintong kampanilya, dahilan para kumalansing sila. Nakasuot ng madilim ang pagka-asul na uniporme si Nalan Hongye na para sa mga pagpupulong sa korte. Nahihila ang kanyang kasuotan sa makapal na sahig, inilalantad ang ilang ibon na nakaburda dito. Nagliwanag sila ng matingkad na pagkaginto, pinapakita ang kanilang napakagandang disenyo. Talagang karapat-dapat ito sa isang royal na katayuan at katatagan.

"Prinsesa." Naghihintay sa labas si Tiya Yun para sa kanya. Nang makita na siyang tumapak sa labas, nagmadali itong lumapit sa tabi niya at nagpatong ng malambot na manto sa kanya. Ika-11 na buwan na ng taon. Sa kabila ng mainit na klima ng Song, sapat na ang lamig ng hangin. "Prinsesa, babalik ka na ba sa palasyo?"

Umiling si Nalan Hongye. Ang mga hari ng Changling at Pujiang ay maingat sa kanilang mga salita, iniiwasan ang tungkol sa sakuna sa silangang dagat. May mababang boses, sumagot siya, "Papuntahin si Xuan Mo sa palasyo. May mahalagang bagay akong kailangan talakayin sa kanya."

"Masusunod," sumunod si Tiya Yun at nagpatuloy sa pagtanong, "Gusto mo ba siyang katagpuin sa palasyo ng Qingyuan? Tungkol dito, ang emperor ay…" tumigil sa pagsasalita si Tiya Yun. Lumingon si Nalan Hongye nang marinig ang kanyang sinabi. Ang malaking palasyo ay tahimik at mukhang mapanglaw. Ang itim na itim na kahoy na tabla sa loob ay dumagdag lang sa pakiramdam na iyon.

Mag-isang nakaupo sa hagdan ang batang emperor, kinakamot ang kanyang ulo. Ang perlas sa kanyang korona ay nakahilis sa parehong gilid, nagrereplekta ng maliwanag na liwanag. Sumikat ang sinag ng araw sa perlas mula sa perlas na kurtina, nagdadagdag sa rikit nito. Sa sinag ng liwanag, may makikitang mga alikabok na nakalutang sa ere. Ang kanyang dilaw na roba ay mas inilarawan ang kanyang kalungkutan, katulad ng isang batang hindi pinansin.

Gayumpaman, ang lungkot niya ay dahil kinailangan niyang kopyahin ang "The Record of Morals" ng sampung beses. Hindi ito dahil sa baha sa Qiubei, sa mga bandido sa silangang dagat, ang mga reklamong isinampa ng mga punong tagausig, o ang salungatan sa loob ng korte. Hangga't matapos niyang kopyahin ng sampung beses ang libro, malaya na siya sa kahit ano pang pasakit. Tapos ay makakakain, makakatulog at makakapaglaro na ng payapa siya, makakapagpatuloy na payapang mamuhay sa bawat araw niya na walang inaalala, kahit na nakapatong sa balikat niya ang responsibilidad sa buong bansa.