Mataas na nakatayo si Chu Qiao sa toreng-bantayan habang nakatingin siya sa masayang Beishuo. Nakitang may pag-asa ng pagkapanalo, lahat ay nagmadaling umakyat sa pader ng syudad. Nag-angat ng simple ngunit magaspang na batong mga catapult, matigas ang ulo nilang dinepensahan ang syudad.
Isang itim na kumpol ng mga palaso ay bawat pangkat na lumipad habang ang mga kaaway ay tulad ng isang damo na bumagsak sa ilalim ng pamutol ng damo. Nakasuot ng puting pangpatong, walang ekspresyon si Chu Qiao. Daan-daan ng libong buhay ay nawawala bawat segundo, at lahat ng ito ay pamumunuan ng isang simpleng kumpas mula sa kanya. Dumaloy ang dugo tulad ng isang ilog, at sa ibang lugar, nagsimula itong bumuo ng malaking lawa. Sa isang iglap, sa labanan na ito, tila ba hindi na mahalaga ang buhay ng tao, na tila isa lang silang langgam, habang ang demonyo ang digmaan ay binuka ang bibig nito at buo silang nilamon.
Unti-unting nawala ang pakiramdam ni Chu Qiao, at hindi na natatakot, o nandidiri. Sa katunayan, ni hindi na nga siya nakaramdam ng pagod. Pinamanhid ng digmaan ang kanyang pakiramdam, at ngayon ay nanigas lang dahil sa lamig.
Sa huli, wala pa ring awa ang gyera. Dalawang araw ang makalipas, ang mga palaso sa syudad ay naubos na. Isa araw ulit ang makalipas, ang mga malalaking bato at gumugulong na malaking puno ay naubos na din. Para dito, ang hukbo ng Xia ay nagsakripisyo ng halos pitong libong buhay. Sa tigang na lugar ng labanan na ito, duguang mga katawan ay bumuo ng pulang karpet, habang ang maraming mga sandata at palaso ang nasayang. Ang nagtatanggol ng Beishuo ay pagod na pagod, ngunit bago pa man sila makakain, nagsimula ulit na magkumpol ang itim na pangkat.
Malungkot na bumuntong-hininga si Chu Qiao. Kahit na itinapon na nila ang huling piraso ng kanilang malaking bato, at itinira ang lahat ng palaso, at nakagawa ng mabigat na kawalan sa kaaway, mabilis pa rin silang naaayos at susugod ulit. Pareho nilang alam ni Zhao Yang na minsan ang digmaan ay isang kumpetisyon ng lakas. Kung sino ang mas tumagal ay ang panalo sa huli. Hinarap ang mabigat na kawalan, balak ni Zhao Yang na ibigay na ang lahat para buhayin muli ang kung hindi man ay isang seryosong pagkatalo.
"Master, anong gagawin natin?" isang tauhan ang pumasok. May mata ng antisipasyon, tumingin ito kay Chu Qiao. Matapos ang lahat, ang babaeng heneral na ito ay laging nagagawang maglabas ng sikretong sandata para mailigtas ang araw, kaya ang buong Ikalawang Hukbo ay may labis na suporta sa kanya. Ngunit, umiling si Chu Qiao at kalmadong sumagot, "Wala na tayong iba pang paraan. Lumaban na tayo."
Ang malapitang pakikipaglaban ay nangyari na. Sa nakakahindik na sigaw, kahit ang lupa ay tila yumayanig. Ang mga pormasyon ng Xia ay parang isang walang hanggang karagatan na paulit-ulit na sumasalpok ang alon sa pader ng syudad ng Beishuo. Ang pagkatalo sa dami ay sa huli ay makakawasak. Habang nagpapatuloy ang digmaan, ilang ulit na natalo sa kalaban ang pader ng syudad, at sa bawat oras, may madugong pagganti, nakuha ulit nila ang kontrol sa pader. Nagpakita ang Southwest Emissary Garrison ng labis na lakas sa pakikipaglaban. Sa kulang 3,000 sundalo, binantayan nila ang kalahati ng pader. Ang isa pang kalahati ay binantayan ng higit 60,000 sundalo, ngunit ang Southwest Emissary Garrison ay madalas pa ring kinailangan na tulungan ang isa pang kalahati para itaboy ang kalaban.
Dalawang araw ang makalipas, nagpadala si Zhao Yang ng tauhan para maghukay ng kanal malapit sa silangang parte ng pader. Naging dahilan ito ng pagbagsak ng maliit na piraso ng pader. Kahit na mabilis tumugon si Chu Qiao, 2,000 sa mga pwersa ng Xia ang nakapasok pa rin sa syudad. Ang 2,000 iyon ay piling mga sundalo ng pwersa ng Xia, at inabot ng higit apat na oras para linisin sila, gumagawa ng bundok ng bangkay sa proseso.
"Heneral! Ang ikatlong batalyon ay tuluyan nang nawasak! Ang kampo ng namamana at ang Ikaapat na Grupo ng pinilit na mga sundalo ay sumugod sa labas ng syudad sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Yu. Pinilit nilang paatrasin ang mga sundalo ng Xia na naghuhukay sa ilalim ng ating pader, ngunit nawala silang lahat sa atin! Ang kampo ng Xiaolin at ang ika-11 na grupo at tuluyan nang nalipol sa Silangang pader ng syudad..."
"Heneral, hindi na natin kayang pigilan pa ang kalaban. Hanggang apat na oras na lang tayo makakalaban. Kailangan na natin umatras!"
Lumapit si He Xiao. Mayroong hindi mabilang na sugat sa binatang ito, naliligo siya ng dugo. May paos na boses siyang nagmakaawa, "Master, ang buong Southwest Emissary Garrison ay hinihimok kang umatras. Pwede kaming maging pangunang hanay para makadaan ka sa timog na tarangkahan."
Maputla ang mukha ni Yin Liangyu. Ang lalaki na ito na administrabong opisyales lang noong nakaraan ay nakasuot na ng unipormeng pandigma para sa mga heneral. Nakasimangot siyang lumapit, "Heneral, hindi darating sa oras ang dagdag na kawal. Wala tayong oras. Pakiusap pangunahan mo ang Southwest Emissary Garrison, kasama ang mga ababe at bata, palabas sa pagpapalibot na ito. Tumungo kayo sa syudad ng Lan, at hangga't mahanap niyo si Lady Yu, mayroon tayong tsansa ng pagkaligtas. Handang manatili dito sa Beishuo ang tauhan na ito para patuloy na pigilan ang kalaban."
Marahang umiling si Chu Qiao. Tanging siya lang ang nakakaalam na walang kahit isang tao sa syudad ng Lan. Kahit na tumakas siya doon, mapupukaw lang niya ang atensyon ng pwersa ng Xia na umabante papasok. Matatag siyang sumagot, "Hindi ako aatras!"
"Pakiusap! Heneral, kailangan mong isipin ang mas malaking larawan! Hindi ngayon ang oras para maging matigas ang ulo mo!"
Nag-angat ng tingin si Chu Qiao at tumingin sa malayo, bago kumpyansang nagpahayag, "Siguradong darating ang dagdag na kawal."
"Master!" ngayon, medyo naging histerikal si Xiao He, habang tahasan siyang sumingit, "Kahit na papunta na ang dagdag na kawal, maaaring hindi tayo tumagal ng ganoon katagal! Kung hindi pa tayo aalis, maaaring hindi na tayo makakuha ng oportyunidad na gawin pa iyon."
Inulit ni Chu Qiao ang kanyang sinabi, puno pa rin ng kumpyansa na nasa hangganan ng baliw na paniniwala, "Darating ang mga dagdag na kawal."
Walang magawang umatras na lang sila, habang ipinasa nila ang utos na lumaban hanggang sa huling kaaway. Sa utos na iyon, ang buong syudad ay sumabog sa nababaliw na sigaw. Ni hindi masabi ni Chu Qiao ang emosyon na iyon. Galit ba iyon? Lungkot? Takot? Pagkauhaw sa dugo? Sindak? Poot? Kawalan ng pag-asa? O siguro, isa lang itong sigaw ng kamatayan?
Habang nagpatuloy ang araw tungo sa dapit-hapon, naging isang madugong pula ang araw, pumasok na ang laban sa huling yugto. Ang kumandante ng ikawalong dibisyon, ika-pitong batalyon, na isa ring tagaluto, ay hinawakan ang kanyang kutsilyong pangkatay habang pinagputol-putol ang mga sundalo ng Xia na umaakyat sa pader. Dosenang mga sundalo ng Xia ang sabay-sabay na sumugod sa kanya, ngunit dumagan lang ang matabang tagaluto sa kanila at bumagsak sa apoy kasama sila. Habang sinusunog sila ng apoy, ang sundalo ng Xia ay natatarantang nagpagulong-gulong, sinusubukang patayin ang apoy na sumusunog sa kanila, ngunit sumugod lang ang tagaluto sa iba pang sundalo ng Xia. Ang apoy sa kanyang katawan ay nagdagdag lang sa kanyang mukhang hindi mapipigilan na awra, nataranta ang mga sundalo ng Xia at iniwasan siya na parang isang salot. Sa huli, hindi man lang dumadaing, hinawakan niya ang hagdan na ginagamit ng hukbo ng Xia para akyatin ang pader, at sa malaki niyang katawan, gumulong siya pababa, sinama niya sa kanya ang buhay ng higit 20 sundalo ng Xia. Tumama siya sa malalaking bato sa baba ng syudad.
Sa araw na iyon, daang mga sundalo ang nakasaksi ng katapatan at katapangan ng isang tagaluto lang.
"Master! Ang Ika-walong grupo ay nalipol na!"
"Darating ang dagdag na kawal."
"Master! Ang Silangang pader pangalawang sektor ay bumagsak na! Higit 300 kalaban ang sumugod. Ang Ika-siyam at Ika-sampung Batalyon ay patungo na para salubungin sila!"
"Darating ang dagdag na kawal."
"Master! Umalis na kayo kaagad! Ang huling mga pormasyon ng hukbo ng Xia at pumasok na sa laban!"
"Darating ang dagdag na kawal."
"Master! Magiging huli na ang lahat kapag hindi ka pa umalis ngayon! Hindi darating ang mga dagdag na kawal! Pakiusap bigyan niyo kami ng utos na umatras!"
"Darating ang dagdag na kawal."
"Master…"
….
Lahat ay nawalan ng pag-asa. Akala nila ay nakapagpasya na talaga si Chu Qiao na depensahan ang syudad na ito hanggang sa huling kaaway. Habang lumalala pa ang labanan, iyak ng paghihirap ang pumuno sa syudad. Na tila ba sila ay mga baliw, ibinigay ng mga sundalo ng Yan Bei ang lahat ng makakaya nila, tapos ay sumugod sila sa kaaway habang iwinawasiwas ang kanilang sandata.
Sa karapatan, ang pinakamataas sa pamumuno ay hindi dapat sumali sa labanan, ngunit sa oras na ito, inilabas ni Chu Qiao ang kanyang sandata. Kahit sa oras na ito, isang paniniwala ang baliw na sumisigaw sa kanyang isip. Bawat minuto'y mahalaga. Naglakad palabas ng malaking tolda, dumating siya sa pinakamataas na tuktok sa pader ng syudad. Sa espada niyang nakalabas, ang sinag ng papalubog na araw ay sinalamin ang malamig na bakal sa mahinang kislap.
Biglang lumapit sa kanya si Xiao He, ang kanyang ekspresyon ay gulat. Mahirap masabi kung masaya ba siya o malungkot nang balisa siyang tumawag, "Master!"
"Huwag ka nang magsalita pa!" pinutol siya ni Chu Qiao habang pirmi niya itong sinabihan, "Hindi ako aatras. Siguradong darating ang kakampi natin."
"Master,"dinilaan ni Xiao He ang maputlla niyang labi habang marahan siyang nagpatuloy, "Dumating na ang kakampi natin."
Nanigas ang mahinang pigura ni Chu Qiao nang tumingin siya sa direksyon na tinuturo ng Xiao He. Sa abot-tanaw ng kapatagan ng Huolei, isang itim na itim na linya ang nakita, na may ulap ng hamog na lumilipad sa ere. Sa puntong ito, ang hukbo ng Xia ay nagpatunog ng mga alon ng tawag ng tambuli, ngunit ang tunog ay malinaw na iba mula sa nagsasabi ng pagkapanalo. Desperadong nagmadali ang mga mensahero ng Xia sa lugar ng labanan, habang ang kanilang opisyales ay patuloy na sumisigaw sa isa't-isa. Ito ay pagkataranta, lubos na pagkataranta. Umatras ang hukbo ng Xia na parang isang baha, sa mga sundalo ng Xia na umaatras kasunod ng tunog ng tambuli, ngunit lubos na naguguluhan sa pagbago ng pangyayari.
Yumanig ang lupa! Boom! Boom! Boom! Lahat ng galaw ay tumigil sa syudad ng Beishuo. Ang mga sundalong inihanda na ang sarili sa kamatayan ay nag-angat ng ulo at tumingin sa malayong silangan. Ang manipis na itim na linya ay unti-unting naging isang pagdaloy, tapos ay ilog. At pagkatapos, tulad ng isang itim na agila na inilabas ang kanyang ulo mula sa ulap, sa isang iglap, nakita ang gumilid. Tulad ng dalawang malawak na pakpak ng agila, ang itim na ilog ay naging isang karagatan!
Sa maayos na pormasyon, ang mga nanghimasok ay tila hindi mapipigilan! Itim na bandila ay pumagaspas sa ere sa ibabaw ng karagatan ng itim, habang ang pandigmang agila sa mga bandilang iyon ay malupit na tumitig sa kanilang kalaban. Kinokontrol ang mga kabayo gamit ang kanilang mga binti, inilabas ng mga mandirigmang iyon ang kanilang sandata at patayong hinawakan sa harap ng kanilang mukha. Malakulog silang sumigaw, "Para sa kalayaan!"
Ang pagsugod na tunog ng tambuli ay umalingawngaw sa kalangitan, at kasama nito, ang syudad ng Beishuo ay nagbigay ng masayang kagalakan!
"Ang itim na agilang bandila! Ang kamahalan! Dumating ang kamahalan!"
"Nandito na ang kakampi natin!"
Ang pagkagalak ng mga sundalo ay nahaluan ng iyak ng kasayahan. Sa mga araw bago ngayon, ang syudad na ito ay nakakita ng maraming kamatayan ng kakampi o kalaban, at sa liwanag ng pag-asa na biglang suminag sa kanila, nilamon sila ng lubos na kagalakan.
Kaibahan sa kanilang kagalakan ay ang sigaw ng pagkataranta sa loob ng hukbo ng Xia. Hindi ito mapaniwalaan ni Zhao Yang habang sumigaw siya, "Paano nangyari ito? paano nila tayo napalibutan!"
"Kamahalan! Kamahalan!" isang mensahero ang madaling lumapit. Kataka-taka, ang sundalo na ito ay nakasuot ng uniporme na makikita lang sa syudad ng Zhen Huang. Marumi at nababalot ng alikabok, sumigaw siya, "Utos mula sa imperyal na kabisera! Ikaw ay madaling bumalik para patatagin ang kabisera! Ang rebeldeng si Yan Xun ay pinangunahan ang 500 libong mga sundalo sa pinakaloob na teritoryo ng imperyo. Ang buong hilagang-kanlurang rehiyon ay naging mga bato nalang. Ngayon, bumalik siya para palibutan ang mga sundalo mo!"
May bam na sinipa ni Zhao Yang ang sundalo pababa sa kabayo nito, tapos ay galit siyang sumigaw, "Bakit hindi kayo naghintay na mag-ulat matapos nila kaming mapatay lahat?"
"Araw at gabi nang naglalakbay ang tagasilbing ito. Lahat ng kakampi ko ay napatay na ng hukbo ng Yan Bei. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ay mas mag-ingat..." madaling sinubukang ipagtanggol ng sundalong iyon ay pagkaantala niya, ngunit bago pa siya matapos, nasipa siya ulit ni Zhao Yang. Madaling nag-utos ang Ika-14 na Prinsipe, "Ang lahat ng pwersa ay dapat sumuhay! Walang aatras. Tanging sa pagpapatatag ng ating pormasyon lang tayo makakayang harapin ang kaaway!"
Ngunit, bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi, ang Timog-kanlurang hukbo, ang pagsasanib ng hilaga, at ang mga sundalo ng Batuha ay nagkagulo na. Tanging ang pwersa ng Hilagang-kanluran ang nanatiling matatag sa mabilis na paparating na pwersa ng Yan Bei.
Ipinikit ni Zhao Yang ang kanyang mata sa kawalan ng pag-asa. Nais ba talaga ng kalangitan ang pagkamatay ng imperyo ng Xia?
Ang pagkatalo ng imperyo ng Xia ay nangyari sa isang iglap, habang lahat ng paraan ng depensa ay sinira ng magaling na pwersa ng Yan Bei. Ngayon, sa kalamangan sa bilang, lakas ng pakikipaglaban, moral, at ang elemento ng pagkagulat, ang hukbo ng Yan Bei ay halos nasigurado na ang mapanirang pagkapanalo. Sa apat na oras lang, ang hukbo ng Xia ay tuluyang nawala mula sa kapatagan ng Huolei, tungo sa bundok ng Helan. Para habulin ang tumakas na mga kaaway, 100 libong sundalo ang pinadala para manugis!
Nang araw na iyon ay ika-una ng Nobyembre, taon 775 ng kalendaryo ng Bai Cang. Ang hukbo ng Black Eagle na malalim nang nakapasok sa teritoryo ng Xia ay biglang bumalik. Sa nag-aapoy na bilis, nagmadali sila sa gabi, at kumain at natulog pa nga sa likod ng kabayo. walang kahit anong pahinga, pumasok sila sa pakikipaglaban, nahuli ang hukbo ng Xia na walang depensa, pinadala sila sa ganap na pagkawasak!