Pinalaki ni Chu Qiao ang kanyang mga mata, "Gusto mo pa rin sumagot!"
"Hindi, hindi," Humihingi ng paumanhin na sagot ni Yan Xun. "Sumagot ako ng walang kwenta. Madami akong sinabi. Heneral Chu, huwag mo na itong panghawakan laban sa akin."
Umismid si Chu Qiao, pinahihiwatig na pinakawalan na siya.
Mula sa puso na tumawa si Yan Xun. Tumingin sa kanila ang mga sundalo, hindi alam kung bakit masyado ang pag-uusap nilang dalawa ukol sa problema sa militar. Pareho silang nagkakasundong tumango sa isang iglap habang maayos na nagkapaliwanagan sa isa't isa. Nakapagdesisyon na ba si Heneral Chu na paslangin ang Emperor ng Xia sa syudad ng Zhen Huang?
"Mag-ingat ka. Ang mga espada ay walang mata sa labanan. Wag mo ipapahamak ang iyong sarili." Kahit na gaano man kalakas ang babae, kapag nakaharap na ang ganitong sitwasyon, walang katapusan ang kanyang pag-aalala. Katulad ngayon, alam na hindi siya makakasunod dito, nagsimula na naman siyang magpaalala ng walang tigil.
"Oo, alam ko." Tumango ng totoo si Yan Xuna at may magandang asal.
"Kahit na nakatalaga si Ginoong Wu sa unang hukbo, kumplikado naman sa loob ang mga relasyon. Ang Da Tong Guild ay may maikokonsiderang impluwensya doon. Mabuting mag-ingat ka at bantayan ang panloob na pulitika."
"Wag kang mag-alala, Tatandaan ko ito."
"Ang Meilin Pass ay malapit sa hilaga. Malamig doon. May sakit ka. Panatilihin mo na mainitan ka, magsuot ng madaming damit, kumutan mo ang sarili mo ng madaming kumot sa gabi. Alalahanin na inumin mo ang gamot mo."
"Sige, isusulat ko iyan."
"Kapag matutulog ka, maglagay ka ng palanggana ng tubig sa tabi ng higaan mo. Madaming beses kang umuubo. Ang usok mula sa tsiminea ay hindi maganda sa iyong kalusugan."
"Oo, Tatandaan ko iyan."
"Tungkol sa napagkasunduan sa mga taga Quanrong, hayaang mo sila ang humawak noon para sa iyo. Wag ikaw ang gagawa. Hindi natin sila masyadong maintindihan. Mag-ingat ka sa kanila."
"Wag ka mag-alala."
"Alalahanin mo na sulatan ako araw-araw. Kung wala akong marinig mula sa iyo sa tatlong araw, pupunta ako sa Meilin Pass para hanapin ka."
Mahinang sumagot ang lalaki, "Kahit mamatay ako, susulat ako para una kang sabihan."
Nataranta ang babae. "Mamatay? Kapag nagsalita ka pa, mag iimpake ako at susundan ka!"
Mabilis na pumakli si Yan Xun, "Walang kwenta ang mga sinabi ko. Isa akong makasalanan. AhChu, kapag nagpatuloy ka pa, magdidilim na ang kalangitan."
"Anong mali doon? Pwede kang umalis bukas kapag dumilim na."
Maluha-luha na si Yan Xun, pero walang magawa siyang sumunod nalang, hindi nangangahas na sumalungat.
"Ilang kapa ang dala mo?"
"Lima."
"Bota? Mayroon nyebe kahit saan. Matutunaw ito sa apoy. Wag kang magsusuot ng basang bota."
"Oo, alam ko."
"Pampainit na mga pakete? Ilan? Sapat ba iyan?"
"AhChu." Nayamot si Yan Xun. "Ikaw ang nag-impake sa akin."
"Oh? Talaga? Nalimutan ko." Prankang asal ni Chu Qiao. "Tingnan ko, dala mo ba yung pangprotekta mo sa tuhod? Ayos. Sapat na medyas? Oh, may dala kang 80 pares. Mga sumbrero? Tama. Gawa ito sa balat ng oso. Nagtahi ako ng patong ng balat ng fox sa harap."
Kinuha ni Chu Qiao ang bagahe sa karwahe at inilapag sa lupa. Naningkayad siya sa lupa at sinuri ang laman nito. Matapos ang ilang sandali, tila may naalala siya. Napatalon siya at malakas na nagtanong, "Mayroon bang sapat na uling? Magpupuno ako ng isang buong karwahe para sayo."
Sumagot ng mahina si Yan Xun, "Sapat na. AhChu, sapat na. Wag ka mag-alala. Ang ating mga sundalo ay nakahanay na papunta doon. Kahit na ito ay hindi sapat, kukuha ako ng kaunti sa kanila."
"Paano naging ayos iyon?" Sumimangot si Chu Qiao. "Ginagamit natin ang uling mula sa puting sandalwood. Naglalabas ito ng pinaka kaunting usok. Ang mga sundalo ay gumagamit ng uling mula sa lupa. Naglalabas ito ng madaming usok. Nakakasakit ito sa baga mo."
Bago pa mapatigil ni Yan Xun siya. Inutusan ni Chu Qiao ang tagasilbi katabi nila. "Ikaw. Oo, ikaw. Halika dito. Pumunta ka sa departamento ng suplayan pang militar at punuin mo ng uling ang karwahe.Tandaan mo,Ung uling gawa mula sa puting sandalwood.Bilis. Nakasalalay dito ang buhay at kamatayan ng ating hukbo. Ang Kamahalan ay may tiwala sa iyo, kung bakit pinagawa ang trabaho na yan.Kailangan maayos mo na kompletuhin ito sa mabilis na oras,posible, intindi? Tatandaan ka ni Yan Bei sa iyong katapatan."
Ang mukha ng mga sundalo ay namula sa kagalakan. Matagal niyang pinigilan ang emosyon niya, bago pilit na yumuko at sumigaw, "Lahat para sa Yan Bei!" pagkatapos ng sinabi niya, tumakbo na siya. Kahit hindi niya alam kung anong kinalaman ng pagpuno ng dalawang karwahe ng uling sa buhay at kamatayan ng hukbo ng Yan Bei, alam niya na si General Chu ay isang matalinong tagaplano, isang henyo. Ang kahit anong tagubilin na bigay niya ay may dala-dalang malalim na motibo. Naniniwala ang sundalo na sa hinaharap na labanan, ang dalawang karwahe ng uling ay magpapasya kung ang hukbo ay makakaranas ng panalo o pagkatalo. Kung kaya, buong puso siyang sumunod sa utos sa kanya, galak na galak sa puntong nakalimutan niyang sumakay ng kabayo niya.
Ang araw ay mataas na sa langit. Sa kapatagan ng nyebe, ang dalawa ay nagpaalam na sa isa't isa.
"Mag ingat ka ,Yan Xun. Magiging mapanganib ang pupuntahan mo. Dapat ay gwardyado ka ng bawat isa sa tabi mo.
Tumango si Yan Xun at sumagot, "Alam ko. Ikaw din.Kapag wala ako dito, maaaring ibully ka ng mga tao. Tandaan mo na lng ang pangalan nila at wag aawayin sila. Kapag ako ay bumalik, Ako ang uusap sa bawat isa.
"Sige. Sa oras na iyon, Papatayin namin ang kanilang pamilya at aagawin ang kanilang mga ari-arian."
"Sige, itatali din natin sila pataas. Kaya mo silang saktan ng malaya."
"Nakapagdesisyon na." Tumango at nagpatuloy, "Tinalaga ko ang 4,000 archers sa iyo. Kunin mo sila sa iyo ng malapitan na gwardya
"Sige, Tanda ko."
"Wag kang kakain ng malamig, masama iyon sa kalusugan mo.Mag pahinga ka ng madami, wag mo papagurin ang iyong sarili."
"Sige, Wag kang mag alala."
"Dalangan mo ang pagsakay. Mamalagi ka ng matagal sa iyong karwahe. Ang hangin ay malakas, walang saysay ang gaano man kakapal ang iyong mga damit.
"Sige."
"Wag kang iinom ng malamig na tubig. Naghanda ako ng honey para sa iyo. Madaming nawalang timbang sa iyo nitong nakaraan."
"Sige..."
"Kung sinuman ang mangahas makipaglokohan sa mga babae,bitayin siya.Ang mga babaing yon siguro ay may sakit.
"Sige..sige..."
"Kung sinuman mga opisyales ang mangahas mag regalo sa iyo ng mga babae, ilista mo ang mga pangalan at sabihin mo sa akin pag balik mo. Ang mga babaeng yon ay maaring ispiya pinadala para bantayan ka. Wag ka mag dadala ng sino sa kanila. Ito ay para sa ikakabuti mo."
"..."
"Matapos mo mapasok ang Meilin Pass,wag mo papatayin ang mga pamilya ng mga rebelde. Pwede mo silang gawing trabahador sa minahan.Wag mong kupkupin ang mga babae sa hukbo, bagkos tugisin mo palabas ng hangganan.Ang mga babae ay nakakasagabal lang ng moral sa hukbo.Wala sa kanila ang mabuti.""Sa sinabi iyon ni Chu Qiao, ang kanyang mga salita ay nagpakita ng pang aaba para sa mga babae lamangna sinuman ang gumulo sa hukbo. Ganun pa man,nalimutan nya ang kanyang sarili siya ay babae rin ng hukbo. At saka, hawak nya ang mataas na ranggo, hawakan ang madaming kapangyarihan din...
"Yan Xun,"Si Chu Qiao ay nakatitig sa kanya ng may katapatan at sinabi, "ang kalinisan ng hukbo at ng partidong politika ay nakadepende sa pinapakita ng pinuno ng may pinakamataas na kapangyarihan. Ikaw ang hari ng Yan Bei. Ang iyong kalidad ng pamumuhay at katayuang moral ay makakainpluwensiya sa direksiyon ng politiko ng Yan Bei, at tatahakin ng bansa,kahit doon sa kanluran ng Meng. Ang mga babaerong mga prinsipe sa syudad ng Huang ay mga hindi makatwiran at matigas ang ulo. Ang kanilang buhay ay nabubuhay sa kahalayan. Sila ay mga iresponsable. Wag kang pasira sa kanila.Kahit na ikaw ngayon ay nasa mataas na istado, may kapangyarihan,kailangan mo muna isipin ang mga panganib kahit pa ikaw ay nasa tahimik na kapaligiran. Tandaan mo ito! Ito ang pinaka matapat kong mga salita ipinayo mula sa akin para sa iyo akin kaibigan, bilang isang taong kasabayan mong lumaki,sabay na lumaban, at nabuhay ng sabay kasama ka mula pagkabata."
Lubos na hindi makapag salita si Yan Xun.
Hindi masaya sa kanyang inasal si Chu Qiao. Siya ay napakunot at napamura,"Nakikinig ka ba sa akin ng seryoso?
Halos maiyak si Yan Xun, Ang kanya ekspresyon ay nasasaktan. "AhChu, Ako ay Nakikinig."
Bahadyang bumaba ang galit ni Chu Qiao. Siya ay nakatitig sa kanya at nagpatuloy,"Kapag narating muna ang syudad Luon ngayon gabi, magpadala ka ng kalapati para masabi ang mensahe sa akin. Wag mo akong pag-alalahanin."
Nagdurugo sa loob ang puso ni Yan Xun. Masyado nang gabi ngayon. Kahit na mayroon dagdag na apat na hita ang kanyang kabayo hindi pa rin niya mararating ngayon gabi ang siyudad ng Luoan.
Ang sundalo ay bumalik na masaya dahil sa uling.Si Chu Qiao ay walang pag pipilian kundi tapusin na ang kanyang mahabang salita. Siya ay nakadama ng pagkalungkot, lumuluha ang kanyang mga mata. Hinila niya ang manggas ni Yan Xun,nag dadalawang isip kung papaalisin. Parang hindi siya ito. Alam niya pinagtatawanan siya ni Yan Xun sa loob nito, kahit siguro si AhJing at ang iba pa. Bagaman, ayaw pa rin niya paalisin ito. Nuong huling nagkahiwalay sila, matagal ito. Hindi sila matagal na nagkahiwalay sa maraming taon.Tungkol sa kanilang paghihiwalay ngayon, pinipilit niya itong iwasan. Ang hindi mailarawan pakiramdam ng pag aalinlangan ay namuo sa kanyang puso, sanhi nang nadaramang niya buong takot. Pinilit niyang ibahin ang kanilang usapan. Ibinaba ang kanyang ulo,ang nadaramang pagkahiya na parang siya ang asawa na tinatakot.Siya ay bumulong-bulong sa kanyang sarili. Hindi marinig ng malinaw ni Yan Xun ang sinasabi niya.
"Bakit hindi..."Mahinang siyasat ni Yan Xun,"sundan mo ako sa tabi sa parte ng aking paglalakbay? Gayunman, kailangan mo bumalik kapag nakarating na sa bundok ng Luori."
Swoosh! Isang puting anino ang biglang humarang kay Yan Xun, na naging sanhi ng kanyang pag iisip na nakakita siya ng isang multo. Sa isang iglap, hindi na doon sa dati pwesto nakatayo si Chu Qiao.Nasindak si Yan Bei. Bago pa man makapag salita, si Chu Qiao ay napatakbo sa kanyang koponan at sumakay sa kabayo. Siya ay kumilos at sumigaw, "Halika dito! Ano na bang oras na?
Napakabagal mo!"
Ang ibang mga sundalo ay napatitig kay Yan Xun, halos parang walang masabi, Ang inyong kamahalan ay maaaring wala sa gyera rin, siya ay mabigat ang loob na umalis! Sa puntong iyon, hindi alam ni Yan Xun kung matatawa o maiiyak.
Ang buong koponan ay nakahanda na sa kanilang paglalakbay. "Binibini! Sumusunod ka ba sa amin? Ang sundalong mula sa hukbo ng Black Eagle,ang tuwang-tuwang nagtanong sa kanya ng may pag galang.
"Hindi, Sumusunod lang ako sa inyo hanggang sa bundok Luori."
"Kung sumunod ka na lang sa amin. Binibini, magaling ka sa pakikipag laban! "ang sundalo, na ito ang sumusunod kay Yan Xun mula pa noong mga araw na nasa Zhen Huang, matibay na paniniwalang sinabi niya.
"Iyon ang tama, nakita ko ito sa akin sarili.Kaya ng binibini ang lumaban sa mahigit 100 katao ng mag isa. Iyon mga lalaking matangkad, masyadong malaki ang kanilang mga mata. Iyong mga kamao kaya ang pumutol ng mga ulo. Hindi ko kaya ang makipaglaban sa kanila kahit isa. Magaling ang binibini. Sa konting sikap, lahat sila matatalo. Kahit mantsa ng patak ng dugo hindi siya magkakaroon."
"Ah? Iyan ay kahanga-hanga?" lumaki ang mga mata ng sundalo.
"Iyon ay tama, hindi mo ba ito nakikita sa iyong sarili. Hindi na ko nagtataka."
Tumatak kay Chu Qiao ang mababang loob, pagkadismaya, "HurHur, Hindi ako gaano magaling. Basta katamtaman. Katamtaman."
"Kung susunod lamang sa amin binibini, "Ang sundalo ay bumuntong hininga.
Si Chu Qiao ay lumingon at tumingin kay Yan Xun ng may ekspresyon iyon sinabi, Narinig mo iyon? Narinig
"Tapusin na ang walang saysay na usapan at maglakad ng maayos! "Galit ni Yan Xun, maitim ang mukha nito.Hindi niya pinansin ang tingin ni Chu Qiao sa kanya at nag kunwari walang anuman napag usapan sa sundalo tulad ngayon lamang ang paksa ay pagkain ngayon at panahon.
Hindi lalampas sa dalawang oras, ang bungad ng bundok Luori ay mararating na. Si Yan Xun ay nanguna sa harapan ng dadaanan, kasama ang kanyang sariling gwardya. Ang mga mata ni Chu Qiao ay namula. Ibinaba ang ulo ,pinaglalaruan ang hinlalaki. Bumuntong hininga si Yan Xun at tumalon sa kanyang kabayo, naglalakad papunta sa kanya at niyakap siya. Madahan, sinabi niya, "Pangako ko sa iyo, Iingatan ko ang aking sarili. Mag iingat ako. Kapag minsan ang sitwasyon ay hindi umayon sa akin, Babalik agad ako. Hindi ako magpapakapagod. Babalik ako sa iyo ng buong buo. Kung may paglabag ako isa sa mga patakaran, Ako ay maging iyong awaan kapag ako ay nakabalik. Wag kang ganyan. Paano ako makakapagpatuloy sa akin matiwasay napaglalakbay? AhChu, ikaw ang pinaka malakas na tao nakilala ko. Hindi mo na kailangan suportahan ako. Ikaw ang pinaka malapit kong kasama sa laban, at pinaka mapagkakatiwalaan na iniibig na meron ako. Tama ba ako?"