Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 149 - Chapter 149

Chapter 149 - Chapter 149

Sa utos, higit sa 20 sundalo mula sa pangalawang hukbo ang tumalon pababa sa kanilang kabayo at nilabas ang kanilang pana sa mabilis na mosyon. Bago pa man maka kurap si Commander Cui, mabilis na lumipad ang mga palaso tungo sa binti ng mga sibilyan. Sa isang iglap, ang tinamaang mga sibilyan ay naglabas ng natatarantang iyak ng paghihirap.

"Kuhanin sila!" parang isang panther ang boses ng binata na naglalabas ng mababang ungol.

Ginulat ng mga mandirigma ang mga sibilyan na malayo. Itinapon nila ang pana nila, nilabas ang kutsilyo at sumugod sa harap. Wala silang awa. Kahit na gamit lang ang kanilang lalagyan ng patalim, uhaw sila sa dugo. Sa bawat kumpas, hinahampas nila ang mga ulo ng sibilyan gamit ang kanilang lalagyan. Sa maiksing sandali, higit sa sampung sibilyan ang patay na nakahiga sa lupa.

"Umalis sa daan!"

Nagkalipumpon ang mga mandirigma at biktima. Nasaksihan ng mga sundalo ng Yan Bei kung anong nangyayari sa loob ng syudad, naglabas silang ng emergency na senyales. Malaking grupo ng mga sundalo ang nagmadaling pumunta mula sa pinaka loob na parte ng syudad, ngunit napigil ng magulong mga tao sa labas ng gate, hindi makalabas sa syudad.

Sa iglap na ito, umalingawngaw ang tunog ng yabag ng mga kabayo mula sa malayo sa manyebeng kapatagan. Madaming mga tao ang mabilis na papalapit sa pangyayari. Isang maliit na mandirigma, nakasuot ng itim, tila ang pinuno ng kumpol ng tao, ang tumalon pababa sa likod ng kabayo. Pambabae ang boses, ngunit nagdadala ng nakakaintimidang awra. "Sinong gumagawa ng gulo?"

Higit sa 100 sundalo ang tumalon pababa ng kanilang kabayo pagkatapos. Lumapit sa harap ang mandirigma, sinuri ang mga tao, at naglabas ng espada tapos ay sinabi, "Lakad! Gulpihin ang mga sundalo!"

Napakagaling ng hukbo ng mandirigma. Sa ilang malinis at maliksing galaw, tumakbo sila sa mga tao at pinalibutan ang mga sundalo na mula sa pangalawang hukbo. Mas madami sila, kaagad nila itong nalupig. Nang makita ng mga sibilyan na may tumayo para sa kanila ay nagalak ang mga ito. Naayos na ang kaguluhan.

Nasa 30 hanggang 40 ang nakahiga sa lupa at sugatan. Ilan sa kanila ang hindi na gumagalaw. Mahira masabi kung patay na ba sila o buhay. Napasimangot ang maliit na mandirigma, nababalutan ng kanyang baluti. Tumalikod siya at sinabi, "Tawagin ang mga manggagamot at gamutin ang mga sugatan."

"Sino ka? Pangahas ka..." pagalit ni Xue Zhiyuan at lumapit sa harap. Hindi hinintay ng mandirigma na matapos niya ang sasabihin niya, bago siya malutong na sinampal sa mukha. Bago pa man siya magkaroon ng oras para makatugon, sinampal siya ulit ng mandirigma sa kabilang pisngi!

"Isa kang mandirigma ng Yan Bei! Ang espada mo ay dapat na nakatutok sa sundalo ng Xia imbis na sa mga sibilyan ng Yan Bei!" umalingawngaw ang malutong na boses ng mandirigma ng Yan Bei.

Nagalit si Xue Zhiyuan, ang mata niya ay halos bumuga na ng apoy. Naglabas siya ng malakas na atungal, kinuyom ang mga kamao at sumugod tungo sa mandirigma. Subalit, maliksi ang mandirigma, lumukso sa ere at hinampas ang lalagyan ng espada sa balikat ni Xue Zhiyuan. Sa isa pang sipa, pinadapa niya si Xue Zhiyuan sa lupa.

"Itali siya! ibigay siya sa kamahalan para maparusahan!" saad ng mandirigma. Nagagalak na nagsaya ulit ang mga sibilyan.

Tumalikod ang mandirigma at sumigaw sa mga sibilyan, "Mga kababayan, didigma na ang Beishuo. Masyadong delikado dito. Ang kamahalan ay nasa kanlurang rehiyon malapit sa bundok ng Luori. Nagpatayo siya ng ilang tirahan doon para maiwasan niyo ang bagyo ng nyebe. May pagkain at damit doon. Pakiusap sundan niyo agad ang mga tauhan ko."

Nagsimulang gumalaw ang mga tao. Humalo sa mga tao ang tauhan ng mandirigma para ayusin sila. Sa maiksing sandali, ilang mga manggagamot ang tumakbo palabas mula sa loob ng syudad. Naglakad sa harap ang mandirigma para tumingin. Sa malapitang pagsusuri, 13 sibilyan ang namatay na gulo kanina. Napasimangot siya, ang kanyang ekspresyon ay nahihirapan.

Isang oras makalipas, ang natitirang sibilyan ay tumungo sa kanluran sa ilalim ng pamumuno ng mga sundalo. Naglakad tungo sa syudad ang mandirigma, habang ang tarangkahan ng syudad ay nagsara sa likod niya. nalunod na ang ingay sa labas, ginagawa ang bagyo ng nyebe na hindi masyadong malubha.

Nakipagpalitan ng salita ang mandirigma sa natatarantang si Commander Cui, bago naglakad tungo sa karwahe kung saan nakakulong si Xue Zhiyuan at ang mga tauhan nito.

"General Xue, patawad kung nagalit ko kayo kanina." Tinanggal ng mandirigma ang kanyang sumbrero, nilantad ang manipis na mukha, tukoy na kilay at maliwanag na mata. Ang mandirigma ay isa talagang magandang batang babae.

"Sino ka?" namamaga pa rin ang mukha ni Xue Zhiyuan, ang kanyang sugat ay masakit kung saan siya nito sinipa. Ayaw niya itong kausapin, ngunit nang makita ang mukha nito, nagulat siya.

"Ito si General Chu," pakilala ni Commander Cui. "Heneral, ito ang pinuno ng pangalawang hukbo, si Xue Zhiyuan. Pumunta siya dito para tulungan ang mga sundalo ng Beishuo."

Namula ang mukha ni Chu Qiao dahil sa lamig. Nagsimula nang magbalat ang kanyang labi. Tumango siya at sinabi sa tila kaibigang tono, "General Xue, naging mahirap iyon sayo. Naglakbay ka sa masamang panahon ng libong milya."

Napasimangot si Xue Zhiyuan, hindi alam kung saan nanggaling ang General Chu na ito. Walang awa siyang tumingin kay Chu Qiao at nanuya sa mababang boses, "Hindi ko palalagpasin ang insidente ngayong araw."

"Malamang. Higit sampung tao ang namatay sa harap ng gate ng syudad, na higit 40 ang sugatan. Natural lamang na hindi palagpasin ang insidente," ngumiti si Chu Qiao, ngunit ang tingin niya ay matigas. Kalmado siyang nagpatuloy, "Subalit, gustong protektahan ni General Xue ang syudad. Sa papalapit na digmaan, hindi ko iuulat ang bagay na ito sa command center ng militar."

"Ikaw..."

"General Xue, nagmadali kang pumunta dito. Wala ka bang mas mahalagang gagawin? Kahit na wala kang gagawin, kailangan kong umalis."

Huminga ng malalim si Xue Zhiyuan, mabangis na tinignan si Chu Qiao sa mga mata, pumiksi, at padabog na umalis kasama ang mga tauhan niya.

Pinunasan ni Commander Cui ang malamig na pawis sa mukha niya at sinabi kay Chu Qiao, "Heneral, ayos ka lang ba?"

Napasimangot si Chu Qiao at walang magawang napabuntong-hininga tapos ay sinabi, "Kung alam ko lang na mula siya sa pangalawang hukbo. Hindi ko siya sasampalin. Ngayon, magkakaroon ng gulo."

"Ah?" natigalgal si Commander Cui.

"Ah? Para saan?" tumalikod si Chu Qiao at nagalit, "Kung hindi dahil sa pangalawang hukbo, hindi mapapasok ang tarangkahan kanina! Alam mo ba ang kapalit kapag nakapasok ang espiya sa syudad sa ganitong oras? Ang buong hukbo ng Yan Bei ay malilipol! Mahalagang syudad ang Beishuo ng Yan Bei, ngunit wala kang ingat. Kahit na mali si Xue Zhiyuan sa pagpatay sa mga sibilyan kanina, kinukuha mo ang buong kapalaran ng Yan Bei sa sarili mong mga kamay!"

Takot na takot si Commander Cui. Nanlambot ang mga binti niya at kumislap ang kanyang mata. Kaliwa't-kanan siyang lumingon, tulad ng isang magnanakaw na nahuli. May malakas na kalabog siyang lumuhod sa lupa at malakas na nagmakaawa, "Heneral, dapat akong mamatay. Kaawaan niyo ako."

Marahang sumimangot si Chu Qiao, iniisip kung paanong ang walang sibling hangal na ito ay natalaga bilang pinuno na ipagtanggol ang syudad. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin. Sa puntong ito, pakiramdam niya ay wala siyang kapangyarihan.

"Humayo ka at iulat ang sarili sa command center ng militar!" utos ni Chu Qiao at tumalikod para umalis. Mabigat ang bagyo, hindi nagpapakita ng senyales ng paghina.

Binuksan ni Chu Qiao ang pinto ng silid at sinalubong ng bugso ng mainit na hangin. Tinanggal niya ang kapa niya, kaliwa't-kanan na lumingon, pero hindi nakita si Yan Xun. Tumalikod siya at naglakad tungo sa aralan, nakabangga si AhJing habang papunta, na nagmamadali. Hinihingal na sinabi ni AhJing, "Binibini, sinabi ng kamahalan sayo na hanapin mo siya."

Nagtaas ng kilay si Chu Qiao. "Nasaan siya? Anong nangyari?"

"Ang kinatawan ng pangalawang hukbo ay nandito. Hinihintay ka ng kamahalan para maumpisahan ang pagpupulong."

Bago siya pumasok sa kabahayan, nakarinig siya ng boses na malakas na nagpahayag, "Mayroon tayong higit sa milyong sundalo. Bakit tayo matatakot sa Xia? Kaya natin silang harapan na kalabanin sa madamong kalupaan!"

Napasimangot si Chu Qiao nang marinig ang mga salitang ito. Sa panahong ito, ito siguro ang pinaka nailalabas niyang emosyon.

"Oo! Tuwid ang Yan Bei! Hindi tayo takot sa mga aso ng Xia!"

"Ulat!" sigaw ng sundalo sa labas ng silid. "Nandito na si General Chu."

"Pasok."

Pumasok si Chu Qiao at binati ang lahat ng naroon. Ang nandoon ay mas marami kaysa sa nakaraang pagpupulong. Bukod sa mga dumalo nung nakaraan, ang kinatawan ng una at pangalawang hukbo ay nandoon, kasama ang vice-commander ang pangatlong hukbo, ang mga nakatatanda ng Da Tong Guild, ang mga sundalo ng hangganan, ang mga sundalo sa probinsya, ang mga boluntaryong sundalo, at ang mga pinuno ng tribo ng kabundukan ng Yan Bei. Punong-puno ang pinagpupulungang bulwagan.

Alam ni Chu Qiao na halos lahat ng lakas ng militar ng Yan Bei ay nandoon. Diretso ang tindig niyang naglakad papasok sa silid at umupo sa tabi ni Yan Xun. Nakangiti niyang kinausap ang mga tao. "Pasensya, nahuli ako."

"Kamusta iyon?" naniniphayo ang ekspresyon ni Yan Xun. Makikita na nagalit siya ng mga tao. Tumingin siya kay Chu Qiao at nagtanong sa mababang boses.

"Ayos ang lahat. Naitayo ang mga silungan. Sapat iyon sa kanila ngayon."

"Tumututol ako!" isang matalas na boses ang biglang umalingawngaw. Ang Vice Chief ng militar ng Beishuo, si Liu Ou, ay tumayo at sinabi, ang kanyang ekspresyon ay naguguluhan. "Bakkit kailangan nating gamitin ang mga kagamitan natin para magtayo ng bahay para sa mga biktima? Ang mga gamit na ito ay magagamit pa para mapagtibay ang tarangkahan ng syudad natin sa pagdagdag ng sampung talampakan sa taas nito. Magagamit ito sa pagtaboy ng mga sundalo ng Xia. Isa pa, bakit natin ibinibigay ang mga rasyon natin sa mga biktima? Hindi ba alam ni General Chu ang sitwasyon natin ngayon? Malapit na ang mga sundalo ng Xia. Mag-uumpisa na ang digmaan. Ni hindi nga tayo sigurado kung may sapat tayong rasyon para sa sarili natin, tapos ay gusto mo itong ibigay sa mga biktima!"

"Vice Chief Liu Ou, kung tama ang natatandaan ko, noong inayos ko ang tarangkahan ng syudad sampung araw ang nakakaraan, hindi mo ako binigyan kahit kaunting suporta. Wala mula sa hukbo ng Beishuo ang tumulong. Bagkus, ang mga sibilyan ang masiglang tumulong. Kung hindi, ang pader ng syudad mo ay hindi tataas ng 20 talampakan. Saka, kailangan kitang paalalahanan na ang taas ng pader ng syudad ay kailangang sundin ang ilang pamantayan. Sapat na ang taas ng pader ng syudad natin. Kung tataasan pa ito, maaapektuhan ang pagkatumpak ng mga namamana natin. Mapipigilan ang kakayahan nating dumipensa. Kung kaya, hinihimok ko ang mga tao na hindi alam ang digmaang militar na mag-ingat sa pagsasalita."

Ang tingin ni Chu Qiao ay malamig, hindi katulad ng mainit niyang kilos ilang araw ang nakakalipas. Malamig siyang tumingin sa vice chief na ito at sinabi, "saka, may gusto din akong sabihin. Lumalaban tayo para sa mga sibilyan ng Yan Bei, para sa kalayaan nila. Kung lahat sila ay mamamatay, walang halaga ang digmaang ito."

Namutla ang mukha ni Liu Ou. Sa pagtatanggol niya, sinabi niya, "Ganito naman na lagi. Mabigat ang bagyo ng nyebe bawat taon. Hindi sinusuportahan ng imperyo ng Xia ang mga sibilyan ng rasyon, pero walang namatay sa kanila sa libong taon."

"Tama ka. Kaya napalayas ang Xia sa Yan Bei." Tiniklop ng dalaga ang mga braso niya at nagkibit-balikat tapos ay nagpatuloy, "Ang hukbong papunta dito para salakayin tayo ay mula sa kabisera. Nakukuha nila ang sweldo nila sa kabisera. Vice Chief Liu Ou, binayaran mo ba ang mga sundalo mo? Bakit ka sinusundan ng mga tauhan mo na walang kondisyon? Huwag mong sabihin na gusto mong ipagsapalaran ng mga sundalo mo ang kanilang buhay para sayo, tapos hayaan ang mga pamilya nila na magutom at mamatay sa lamig?"

Ang pinagpupulungang silid ay napuno ng nahihiyang katahimikan. Walang nagsalita. Tanging tunog ng malakas ng hangin sa labas ang naririnig.

Malamig ang boses ni Yan Xun. Marahan niyang sinabi, "Balik sa pinag-uusapan. Sinong nagsalita kanina?"

"Ako," ang pinuno ng ikatlong hukbo, si Lu Jie, ay sumagot sa mababang boses. Hindi siya matanda, nasa 30-taon-gulang. Balbas sarado siya, nagmumukhang lalaki na mula sa kabundukan. Ang kanyang mukha ay mapula. May mabigat na tono niyang sinabi, "Hindi ko naiintindihan. Bakit tayo nagtatago? Bakit tayo nagtatago sa syudad ng Beishuo? May hukbo tayo ng 500,000, habang ang Xia ay may pangharap na hukbo ng 100,000. Nalalamangan natin sila ng lima sa isa. Matatalo ba tayo?"

Related Books

Popular novel hashtag