Ika-walong araw ng ika-siyam na buwan sa taon 775. Umihip ang malakas na hangin sa Nanqiu Plains sa Chengzhou. Ang hindi mabilang na nalantang damo ay lumipad sa hangin, tila isang gintong karagatan. Sa abot-tanaw, tanging matandang lantang puno ang makikita. Ang pinakamataas na tuktok sa Chengzhou, Heqi Peak, ay isang malabong linya sa malayo. Tila isa itong elepante na natutulog, na natatakpan ng hamog.
Nakasuot ng dilaw na manto si Li Ce. Nakasunod sa kanya ang mga imperial na gwardya. Hindi pangkaraniwan ang pagkatigas ng kanyang ekspresyon. Nakaupo siya sa likod ng kabayo niya, ang kanyang buhok ay bahagyang nagulo ng hangin at nawawalis sa kanyang mukha, na nagbibigay ng nakaka-kating pakiramdam. Naiinip na iginilid ng lalaki ang kanyang buhok, tumuro sa mga gwardyang nasa likod niya at sinabi, "Ang ilan sa inyo, doon. Pumunta kayo doon at tulungan akong harangan ang hangin."
Napasimangot si Lu Yunxi at sumagot, "Kamahalan, nasa harap ang hukbo ng Yan Bei at pinapanood tayo."
"Ano ngayon?" Tinaas ni Li Ce ang kanyang kilay at tamad na sinabi, "Anong kinalaman noon sa pagsabi ko sayo na pumunta doon?"
Hindi pa nakakabawi ng lubos si Tie You mula sa mga natamo niya. Kahit na nakabenda pa rin ang kanyang balikat, hindi nito naapektuhan ang kanyang personalidad o pag-iisip. Naiinip siyang napairap at nagsalita, "Kamahalan, nasa harap si Prince Yan. Mag-ingat ka."
Nagpatuloy si Lu Yunxi, "Pumuslit tayo rito na kakaunti lang ang tauhan na dala. Kapag kinain nila tayo, hindi man lang sila mabubusog."
"Bakit ganoon. Anong gusto niyong iparating? Sinabihan ko lang kayo na gumilid, para hindi masira ng hangin ang balat ko. Anong kinalaman noon kay Prince Yan?"
Suminghal si Sun D, na nagsira sa atmospera, "Ayaw mong istorbohin namin ang pag-amin mo ng pag-ibig, tama?"
"Ah? Ano? Ganito talaga ang iniisip niyo? Mukha ba akong hindi tumitingin sa malaking larawan?"
Tumingin ang iba kay Li Ce, ang tingin ng mga mata nila ay isa lang ang sinasabi: Oo.
"Kamahalan, nandito si Binibini Chu," isang imperial na gwardya ang nag-unat ng kamay at sinabi.
Lumingon si Li Ce at nag-utos, "Alis! Kung hindi, babawasan ko kayo ng kalahating taon na sweldo." Nang matapos niya ang sasabihin, lahat ng anino ay nawala sa paningin niya. Tumakbo palapit si Chu Qiao sakay ng kabayo niya at hininto ito gamit ang renda. Nagsususpetya niyang sinabi, "Saan sila pumunta? Nagmamadali sila ng ganoon."
"May masama silang nakain. Naghahanap sila ng palikuran."
Tumawa si Chu Qiao at sinabi, "Salamat, Li Ce."
Nagtaas ng kilay si Li Ce. Ang kanyang mata, na tila isang fox, ay kumislap. "Para saan?"
"Salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sakin nitong nakaraan. Salamat sa hindi pagsasamantala sa sitwasyon. Salamat dahil wala kang kinampihan sa panahong ito at hindi inatake ang Yan Bei."
Inilabas ni Li Ce ang kanyang daliri, iniling ito, at sinabi, "Hindi sayo ang problemang si Zhao Chun'er. Hindi ko intensyong pakasalan siya. Kahit na maganda siya at maganda ang pigura, mayroon siyang padalos-dalos na ugali, walang utak, at maaaring lamunin ng selos. Kapag pinakasalan ko siya, walang kapayapaan sa mga kerida ko. Para naman sa digmaan sa Yan Bei, hindi mo na kailangan mag-alala doon. Walang benepisyo para sa imperyo ng Tang. Kahit wala ka, hindi ako tanga na sususgod para sa Xia. Haha. Ako rin ang nagtaguyod ng ideya ng kapayapaan. Ang dugo sa labanan ay dudumihan ang kasuotan ko."
Tumawa si Chu Qiao. Hindi hinimay-himay ang kanyang sasabihin, sumagot siya, "Sige kung ganoon, wala tayong utang sa isa't-isa. Sa susunod, sa labanan, hindi mo kailangan maawa."
"Hindi tama iyan," nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Iniling ang kanyang daliri, nagpatuloy siya, "Matagal kang nanirahan sa lugar ko. Kinain mo ang pagkain ko, sinuot ang damit ko, at hinuthutan ako sa maraming paraan. Pinalayas mo ang dalawang inaasahang mapapangasawa ko at gumawa ng kawalan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga kerida ko at sakin. Hindi mabilang ang pinansyal na pagkakasira. Kasama na doon ang pagkasira sa ekonomiya,kompensasyon para sa emosyonal na trauma, kabayaran para sa kawalan ng pakikiisa ng asawa at pagkawala ng pamilya. Kailangan natin ayusin isa-isa ang mga puntong ito. Matanda na tayo pareho. Nakita ko na malinis ang konsensya mo, at hindi mo itatanggi ang kahit ano sa mga puntong ito. Sa hinaharap, magpapadala ako ng tauhan sa Yan Bei dala ang babayaran. Hmm, hindi rin kayo mayaman. Paano kung ganito? Sa susunod na limang taon, kapag nakita mo ang bandera ko sa labanan, kailangan umatras ng pwersa niyo. Napakabangis ni Yan Xun. Hindi ako magtatangkang makipagsagupaan sa kanya. Paano kung kagatin niya ako?"
May kalabog na sinuntok ni Chu Qiao ang balikat ni Li Ce. Sumigaw ang lalaki, "Ah! Qiaoqiao, pwede bang baguhin mo ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal?"
Mainit na ngumiti si Chu Qiao. Alam niya na sa salita ni Li Ce, hindi sasailalim ang Tang sa panggigipit ng Xia at aatakihin ang Yan Bei sa susunod na limang taon. Limang taon ang makalipas, sapat na ang lakas ng Yan Bei para tagalan ang atake ng Xia.
Nakaramdam siya ng maasim na pakiramdam sa ilong niya. Ang kanyang boses ay mahina ngunit nakatawa pa rin siya at sinabi, " Sige. Bakit hindi ka maghanda ng babayaran at nang makita kung gaano kalaki ang utang ko sayo?"
"Hay…" bumuntong-hininga si Li Ce at bahagyang tumungo, ang kanyang kilay ay nakataas. Tahimik itong tumingin sa kanya ay sinabi, "Walang halaga ang mga sinabi ko kanina. Ang pinaka bagay ay, nag-iwan ka ng hindi nabuburang tatak sa akin. Gayon pa man, hindi ka mananatili sa tabi ko para madalas kitang makita. Mahaba pa ang hinaharap ko. Paano ako makakagamit ng salapi para pagpasyahan kung gaano kita mamimiss?"
Isang bugso ng hangin ng umihip lagpas sa kanila, winalis ang maraming lantang damo. Pumagaspas sa hangin ang manggas ng lalaki. Ang itsura ng mukha niya ay nagpakita ng bahid ng lungkot at pag-iisa. Mapait siyang ngumiti at umiling, na parang tinutuya ang sarili.
Napatigil si Chu Qiao, ang tingin ng mga mata niya ay lumalamig. May gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
"Haha!" Tumuro si Li Ce kay Chu Qiao gamit ang isang braso, tinakpan ang kanyang tiyan gamit ang isa. Tumawa siya hanggang sa puntong halos bumagsak na siya ng kabayo niya. "Tignan mo ang ekspresyon mo, Qiaoqiao. Sa tingin mo ba ay nagayuma ako katulad ni Zhuge Yue?"
Dahil naloko si Chu Qiao ni Li Ce, itinarak palabas ni Chu Qiao ang kanyang kamao para bugbugin ito. Maliksing iniwasan ni Li Ce ang kanyang atake, at buong kapurihan na nagbulalas, "Kapag hinayaan kita lagi na magawa ang gusto mo, may mukha pa ba akong maihaharap?"
"Tampalasan!"
Tumawa si Li Ce at nagpatuloy, "Huwag kang maging bastos. Malas si Yan Xun na naugnay sayo simula pagkabata. Siguro naramdaman niya na wala nang ibang babae sa mundo bukod sayo. Para naman kay Zhuge Yue, mas tanga siya. Sa tingin ko ay nagsawa na siya sa mga magagandang babae sa mundo. Sa tingin ko ay tinatangi ka niya bilang kayamanan, nang may lumitaw na mahina. Sa tingin mo ba ay kapantay nila ako?"
Nagalit si Chu Qiao at sumigaw, "May gusto ka pa rin sabihin?"
"Hindi, hindi, Qiaoqiao, may tatanungin ako sayo. Mahalaga ito, kailangan mo akong sagutin ng totoo." Mas mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Li Ce kaysa sa paglipat ng pahina ng libro.
Nang makitang biglang naging seryoso si Li Ce, sumagot si Chu Qiao, "Sige. Basta hindi ito tungkol sa mga lihim ng militar ng Yan Bei, sasagutin kita."
"Sabi mo yan."
"Sinabi ko iyon, sige magtanong ka."
"Iyon, iyon, gusto kong tanungin…" misteryosong luminga-linga si Li Ce at sumimangot, "gusto kong itanong…" patuloy niya.
"Anong gusto mong itanong?" Nang makitang tumingin si Li Ce, nagsimulang mapaisip si Chu Qiao. Hindi ganito kumilos si Li Ce dati. Anong itatanong niya? Gusto niya bang itanong ang lihim ng militar ng Yan Bei? O ang susunod nilang aksyon?
"Gusto kong itanong…" ngumiti si Li Ce at pumalahaw, "Gustong kong tanungin kung birhen pa rin si Yan Xun!"
"Li Ce! Hinihimok mo ang kamatayan mo!"
"Ayos lang kung ayaw mong sabihin! Kailangan mo bang mahulog sa akin?"
"Mukha gusto mong mabugbog ngayong araw!"
"Ah! Qiaoqiao, hinay lang, wala akong masamang intensyon! Ah! Sun Di! Tie You! Tulungan niyo ako! Tulong!"
Isang makabasag-taingang iyak ng paghihirap ang narinig. Ang pinaka-iingatang boses ng Tang ay umalingawngaw sa kapatagan. Naku, wala sa mga tauhan ni Li Ce ang tumulong sa kanya. Pinangungunahan ni Sun Di, isang grupo ng piling mga sundalo ang nakayukyok sa dalusdos, labis na nakatuon sa ilegal na gawain.
"Ilagay niyo ang pusta niyo, pupusta ako ng sampung tael na hindi gaganti ang kamahalan."
Isang binata, mga nasa 20, ang nagsalita, "Hindi ganito ang kamahalan. Nakakahiyang mabugbog ng babae. Pupusta ako ng sampung tael na gaganti ang kamahalan."
Lahat ay naaawang tumingin sa kanya. Nagtanong si Lu Yunxi, "Bago ka ba? Hindi ka galing sa kabisera?"
"Oo," saad ng batang sundalo na may nakasulat na pagkamatapat sa mukha niya, pinapakita na isa siyang makabayang sundalo. "Mula ako sa hilagang kampo. Isa akong section commander ng ika-pitong seksyon sa ika-limang pulutong na kasama sa ika-30 batalyon. Dahil hindi ako nakisama sa rebelyon, bagkus ay nagsumbong sa nakatataas, inayusan ako ng kamahalan. Inaasahan ko ang lahat ng patnubay niyo."
"Walang problema, dahil lahat tayo ay nakasuot ng parehong uniporme, magiging magkapatid tayo sa hinaharap," masayang saad ni Tie You. "Para suportahan ka, pupusta ako na hindi mangangahas na gumanti ang kamahalan. Kapag nanalo ka, mas malaki ang makukuha mo."
"Tama iyon, ang gastos sa kabisera ay mataas. Kapatid, susuportahan ka namin."
Inipon ng mga sundalo ang kanilang pilak at binigay ito kay Sun Di, pinapahiwatig ang sumusunod: inireregalo namin ang pera namin sayo. Bata, ilagay mo ang pinaka pagsisikap mo para sa magka-isang pangkat na ito!
Malakas ang hangin; ang tanawin ay nagmistulang ginto. Pumagaspas sa hangin ang mga manto ni Li Ce at Chu Qiao.
"Sige na. Hindi na kita ihahatid pa. Mag-ingat ka."
Tumango si Chu Qiao at sumagot, "Mag-ingat ka din. Sa tingin ko ay hindi simple ang bagay na ito. Magdagdag ka ng pag-iingat."
"Huwag kang mag-alala, kung may magtangkang galitin ako, papatayin ko ang pamilya nila at hahablutin ang kanilang asawa."
Tumawa si Chu Qiao at sumagot, "Wala kang disenteng mga salita."
Hinilot ni Li Ce ang may pasa niyang labi at tumawa, "Maraming problema sa buhay. Kung palagi tayong disente, hindi ba't nakakabagot iyon? Qiaoqiao, hayaan mong mag-abiso din ako sayo. Hindi kailangang maging matigas ang ulo sa mga bagay-bagay. Ayos lang na makisabay sa agos at ipikit ang isang mata. Dapat matuto kang makibagay at aluin ang sarili. Pagod na pagod ka dahil binubuhat mo lahat ng problema. Dapat mong tandaan na babae ka. Marami pang mas mahalagang bagay sa mundo, bukod sa paniniwala mo."