Ang malambot na puting balat ni Chu Qiao ay namumula sa pamamaga na ngayon. Sumigaw si Zhuge Yue, "Paano mo pa rin nasasabi sa akin na hindi siya masakit?" Sa kabila ng pagbuhos ng kada salok na malamig na tubig, hindi man lang nabawasan ang pamamaga. Nang tatawagin na ni Zhuge Yue ang kanyang tagasilbi para magdala ng gamot, nag-angat siya ng tingin, para lang makita na basang-basa ang pang-itaas ni Chu Qiao, nakikita ang kurba niya kahit na makapal ang damit. Iyon, kasama ang magulong nakakalat na buhok, ay nakakagulat na nakakaakit.
Nang mapansin ang tingin ni Zhuge Yue, humilig palayo si Chu Qiao habang tinatakpan ang dibdib niya at sumisigaw, "Anong tinitignan mo?"
Nakaramdam ng pagkapahiya sa loob niya, matigas ang ulong sumagot si Zhuge Yue, "Ang ganyang tila lalaking katawan ay hindi ako maaakit kahit na tumingin ako."
Napasimangot si Chu Qiao at halatang galit sa nagpapahiyang komento nito. Nang makitang tatayo na si Zhuge Yue, sinabotahe niya ito sa paghila sa dulo ng kasuotan nito at malakas na hinila habang hindi pa nito alam! Orihinal nang madulas ang silid. May malakas na pagsalpok, grabe ang pagbagsak ni Zhuge Yue sa sahig, wala man lang pagkaelegante o dangal.
Nang nakita ang lagay ng lalaki, malakas na napatawa si Chu Qiao, ngunit hindi niya inasahan na ginawa din ito sa kanya ni Zhuge Yue. Hinawakan ang binti niya at kinuha ang kalamangan na mahina pa siya, buong lakas na humila si Zhuge Yue. At hindi sinasadya, bumagsak si Chu Qiao sa dibdib ni Zhuge Yue!
Ang paliguan na ito ay gawa sa kawayan. Sa bukas na bubong, makikita ang bituin sa langit habang naliligo ng mainit-init na tubig na konektado sa natural na hotspring. Ang ilaw sa dalawang gilid ay hindi ganoon kaliwanag, mapanglaw na nililiwanagan ang buong silid. Maliwanag at maputi ang buwan nang gabing iyon habang mataas itong nakasabit sa kalangitan na hindi makikitaan ng ulap. Ang halimuyak ng namumulaklak na crabapple ay dala ng ihip ng hangin sa gabi. Ang tabing ng pinto ay nakabagsak na ang manipis nitong dulo ay bahagyang umuugoy sa hangin. Napakatahimik ng gabi.
Matapos ang tila habang-buhay, tumunog ang orasang tubig, sinira ang tahimik na oanaginip na ito. Nakadiin sa balikat ni Chu Qiao ang mainit na mga kamay ni Zhuge Yue at ang kanyang manggas ay nakakakiliting tumatama sa balikat nito. Ang tanawin ay napipintahan ng kulay pula dahil sa mga puno ng crabapple. Nakakahipnotismong umuugoy sa hangin, tila ang buong tanawin ay isa lamang panaginip. Sa harap, makikita ang kulay itim na mga iris ni Zhuge Yue. Matatag na nakatingin lang sa mata ni Chu Qiao, binagtas ni Zhuge Yue ang espasyo sa pagitan nila.
Gulat sa ginawa ng lalaki, nagpumiglas si Chu Qiao sa kagustuhan makawala, ngunit biglang nakaramdam ng matigas na dumidiin sa kanyang ibabang katawan. Lubos siyang nanigas dahil sa kakaibang nakakapasong sensasyon at ang kanyang mata ay mulat na mulat sa gulat. Oras na bumalik ulit siya sa tama niyang pag-iisip, inayos niya ang sarili at agad na lumayo kay Zhuge Yue. Ang hiya ay naging katahimikan na bumalot sa buong silid.
Pilit na naglabas si Chu Qiao ng sasabihin para basagin ang nakahihiyang katahimikan na ito kahit na umaapaw sa galit ang kanyang boses, "Hindi ba't kakasabi mo lang na parang lalaki ang katawan ko? Bakit ka pa rin nagkaroon ng ganoong reaskyon?" Nang sinabi niya iyon, namula si Chu Qiao sa kahihiyan. Naging kakaiba ang sitwasyon dahil sa sinabi niya.
Medyo matigas din ang ekspresyon ni Zhuge Yue, ngunit gayunman, mahinahon pa rin siya at sumagot sa karaniwan niyang pang-uuyam, "Kung babae ka man o lalaki ay hindi malinaw, ngunit mukhang halata na lalaki talaga ako."
Naasar na talaga si Chu Qiao at sumigaw, "Napaka walang hiya mo!"
Tinitignan siya sa gilid ng mata, nagkibit-balikat lang si Zhuge Yue sa komento ni Chu Qiao. "Hindi mo pa nakikita ang pinaka masama."
Matapos mag-away na lagi nilang ginagawa, medyo naging normal ang kapaligiran. Sa pawalang kahihiyan sa pagitan nilang dalawa, bigla nilang naramdaman ang lamig ng hangin ng gabi na umiihip. Ang bukas sa hangin na paliguan na ito ay maginaw talaga sa kahit sinong wala sa tubig.
Tumayo si Zhuge Yue at nagtanong, "Kaya mo bang maglakad?"
Kayang maglakad ni Chu Qiao, ngunit ang kanyang damit ay halos basang-basa na lahat, nakakahiyang maglakad ng ganoon.
Napapamura sa ilalim ng paghinga niya, lumapit si Zhuge Yue. Hinubad ang labas na roba, kahanga-hanga siyang naglakad paalis. Matapos maglakad ng ilang hakbang, napagtanto niyang hindi sumunod si Chu Qiao di tulad ng inaasahan niya. Nayayamot siyang sumigaw, "Sasama ka ba o hindi?"
Sinusuot pa rin ni Chu Qiao ang roba at sa paso niya, natural na mabagal ang kilos niya. Nang marinig si Zhuge Yue na minamadali siya, nainis din siya at galit na sumigaw pabalik, "Bakit napaka ingay mo?"
Nang makita na nahihirapan siyang suotin ang damit, lumapit si Zhuge Yue na nakabusangot ang mukha. Sa ilang mabilis na galaw ay tinulungan niya na masuot ni Chu Qiao ng maayos ang roba, at hila-hila ang manggas na kinaladkad palabas ng silid si Chu Qiao tungo sa tulugan.
Hila-hila ng lalaki, natisod si Chu Qiao at muntik madapa. Asar na nagsalita si Chu Qiao, "Hindi mo ba kayang magdahan-dahan? Kumakain ka ba ng pulbura?"
"Nangahas ka ulit na kausapin ako ng tungkol sa akin?
"Anong magagawa mo, ha?"
Matapos madala ng tagasilbi ang gamot para sa paso, kinuha ni Zhuge Yue ang braso ni Chu Qiao at mabilis na pinahiran ng ilang patong ng gamot sa namumula at namamaga pa rin na balat gamit ang pampahid.
"Dalawang beses sa isang araw mo ipahid ang gamoy; isa sa umaga at isa sa gabi. Gagaling ito sa ilang araw lang. Huwag mo itong babasain, at iwasan mo ang maanghang na pagkain."
Gawa sa manipis na balahibo ng hayop ang pinsel at nakakakiliti ito kapag dumadampi sa balat. Nakaupo si Zhuge Yue sa upuan na mataas ng kaunti sa higaan. Ang kanyang damit ay nagbibigay ng malambot na kislap mula sa liwanag ng kandila, ang kanyang gwapong mukha ay tila malalim ang iniisip, ngunit maingat niyang sinawsaw ang pinsel sa gamot at pantay itong pinahid sa namamagang parte.
"Zhuge Yue, kailangan ko umalis, kailangan ko talagang umalis."
Nag-angat ng ulo, nanatili ang tingin ni Zhuge Yue kay Chu Qiao. Ang mukha nito ay seryosong-seryoso, matatag na tumingin si Chu Qiao sa kanya, ang kanyang mata ay malinaw na makikitaan na nakapagpasya na siya.
"Alam ko na walang ibig sabihin ang pagsabi lang ng salamat. Ilang beses mo akong tinulungan at tiniis ang maraming kapahamakan at problema para lang tulungan ako. Lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa akin, tatandaan ko silang mabuti."
Habang nakikinig sa kanya, hindi nagsalita si Zhuge Yue nang binaba niya ang pinsel at marahan na tinakpan ang lalagyan ng gamot.
"Pero wala akong paraan para mabayaran ka, at sa una pa lang ay hindi na kita mababayaran. Kaya nagpapasalamat nalang ako. Naiintindihan mo ba?"
Hindi pa rin tumutugon sa monologo ni Chu Qiao, tumayo si Zhuge Yue at naghandang lisanin ang silid. Hinawakan ni Chu Qiao ang kamay niya at malakas na nagmakaawa, "Zhuge Yue, hayaan mo na akong makaalis! Sa tingin ko ay hindi ganoon kasimple ang insidenteng ito, at hindi magagawa mag-isa ni Zhao Chun'er ang ganoong pangyayari. Mayroong nasa likod na minamanipula ang insidenteng ito. Sinadya nilang gamitin ang galit sa pagitan ang imperyo ng Xia at Yan Bei para gumawa ng gulo, at ginamit ako bilang gatilyo. Kapag nalaman ni Yan Xun na nasa Tang Jing ako, malamang ay hahakbang siya sa bitag ng taong iyon. Ang may pakana ng insidenteng ito ay maglagay ng kalang sa pagitan ng imperyo ng Xia at imperyo ng Tang at gagawa ng malaking digmaan. Talagang makalkula ang may pakana nito dahil ginawa niyang tau-tauhan na pupuntiryahin ng suspisyon si Zhao Chun'er. Dahil napahiya ang imperyo ng Xia, kapag ang emperor ng Xia ay nagalit, siguradong sasalakayin niya ang Yan Bei gamit ang lahat ng lakas na makukuha niya. Sa parating na taglamig, kulang pa rin sa pagkain at kasuotan ang Yan Bei, at maaaring makamatay ito sa kawalang-tatag na Da Tong Guild. Kapag wala ako, baka mag-alsa ang Southwest Emissary Garrison. Maraming mga bagay na kailangan ko…"
"Baliw ka na ba?" Biglang lumingon si Zhuge Yue. Ang kanyang mata ay mapula. Mahigpit ang kapit niya sa baba ni Chu Qiao nang napatid ang pasensya niya, "Tignan mo ang sitwasyon mo ngayon. Napalibutan ka ng mga kalaban at ilang beses nang muntik mamatay. May sugat sa buong katawan, may sakit ka pa rin. Maraming naghahanap sayo sa labas para hulihin ka. Hindi kasama si Li Ce, mayroong mga opisyales ng Tang na gusto kang hulihin para sa sarili nilang ahenda, at nandyan din ang espiya ng imperyo ng Xia, kasama ang gwardya ni Zhao Chun'er. Mayroon pa ngang mga tao na habol lang ang gantimpala sa paghuli sayo! Sa pinaka oras na ito, nagpaplano ka pa rin na lumabas? Naniniwala ka ba talaga na sa protesta ng buong korte niya, mapoprotektahan ka pa rin ni Li Ce? Naniniwala ka ba na bibitawan ni Yan Xun ang lahat para sayo? Hindi mo ba alam na sa oras na kasama ka sa negosasyon, kahit ang emperor ng Tang ay mag-uumpisang ikonsidera ang opinyon ng imperyo ng Xia? Sa oras na mahuli ka ng iba, wala kang tsansang makaligtas. Nababaliw ka na ba?"
"Hindi ako nababaliw!" Protesta ni Chu Qiao. "Alam ko ang ginagawa ko!" Malakas ang pagtaas-baba ng dibdib niya mula sa umaapaw na mga emosyon, makikitaan ang mata ni Chu Qiao ng hindi maipaliwanag na determinasyon. "Ganito na talaga ako. Kalaban ko ang buong mundo. Simula sa una, nang pumasok ako sa palasyo ng Sheng Jin kasama si Yan Xun, inaasahan ko ng dumating ang araw na ito. Ngunit ano naman? Maraming mga taong gusto akong patayin, pero anong inaasahan mong gawin ko? Magtago habang-buhay? Pahihinain lang ako ng pagtatago, at mas madadalian silang matugis ako! Mas maganda na lumabas na ako ngayon dahil mabibigyan ako ng tsansa na protektahan ang sarili ko isang araw. Zhuge Yue, sinabihan na kita dati, mayroon akong sariling paniniwala!"
"Ano naman sa paniniwala mo!" Sigaw ni Zhuge Yue, ang kanyang boses ay puno ng purong galit at pinigilang emosyon. Ang kanyang mata ay itim na itim na tumingin kay Chu Qiao, at may tono na nasa hangganan ng matinding galit, umangal siya, "Paniniwala? Mahalaga ba iyan? Mas mahalaga kaysa sa buhay mo?"
"Oo!" Sagot ni Chu Qiao na walang pagdadalawang-isip, "Hindi mo naiintindihan! Ito ang tanging rason ko para mabuhay. May mga taong nangangailangan sa akin. Kailangan ko umalis!" Sa oras na iyon, para bang may malakas na hangin na umihip sa kanyang magulong isip, at inalis ang huli niyang pagpipigil. Parang pinigilang hayop si Zhuge Yue nang bigla siyang lumapit at tinulak pababa si Chu Qiao. May magulong halo ng emosyon na naglalaman ng malubhang galit at pag-ibig, idiniin niya ang labi niya sa labi ni Chu Qiao!
Sa masidhing halik na sinisilaban ang kung anong klaseng apoy sa puso niya, lubos na natigilan so Chu Qiao. Ang pamilyar na amoy ang pumuno sa ilong niya nang ang samyo ni Zhuge Yue ay bumalot sa kanya sa marahang yakap. Hindi na ito simpleng halik lang. Maraming emosyon ang ipinapasa sa maikling sandaling iyon, umaapaw at nilalamon ang abilidad ni Chu Qiao na magproseso ng impormasyon.
Inipon ni Chu Qiao lahat ng lakas niya para magpumiglas, at hindi nagtagal, lumuwag ang hawak nito sa kanya, at ang tingin niya ay nagsasabi ng kawalan ng magagawa, desperasyon, at kalungkutan. Nang-uuyam sa sariling tumawa si Zhuge Yue, "Hindi mo pa ba napagtatanto? Kailangan din kita!"
Nagulat ulit si Chu Qiao. Umikot sa silid ang mabigat na pakiramdam. Kalahating gabi nang nag-aapoy ang kandila sa lalagyan nito, sunod-sunod na bakas ng wax ng kandila ang tumutulo, tulad ng isang lilok. Tila ba may nakabara na kung ano sa kanyang lalamunan, at kahit ang kanyang paghinga ay hindi na maayos, nang nahihirapan si Chu Qiao na makahanap ng sasabihin.
Tumingin si Zhuge Yue sa kanya, ang mga mata ay lubhang nalulungkot. Hindi na nagsalita pa, mukhang lubog siya sa alaala ng nakaraan. Iyong parang batang emosyon na hindi niya alam kung paano ipakita, iyong mga araw na hindi na babalik, at iyong palaso na napakawalan at naging dahilan para habang-buhay silang mahiwalay.
Huminga ng malalim, nag-umpisang takpan ni Chu Qiao ang gulat, ang kahinaan, at ibang emosyon na nakita sa mata niya. Sa wakas, nilunok niya ang natitira niyang pag-aalinlangan at nagmakaawa ulit, "Pakiusap…"
Nanatiling maliwanag ang kandila ngunit tila pumanglaw ang buong silid. Natatakpan ng ilang patong ng manipis na tabing, bahagyang nakikita ang mukha ng lalaki habang kumikislap ang liwanag sa likod niya, pero masasabi pa rin na ang tukoy niyang tumpok ay gumawa ng gwapong mukha. Kahit ganoon, ang kanyang ekspresyon ay napaka taimtim.
Mabilis na tumayo, nangutya si Zhuge Yue, "Sa huli, labis lang akong mag-isip. Bukas na bukas ang pinto kahit kailan mo gustuhing umalis. Aalis na ako." Nang masabi iyon, hindi na siya nagdalawang-isip, at lumabas na.
Nakatingin sa banayad na liwanag ng buwan at kumikislap na bituin, nakaupo sa higaan si Chu Qiao. Bigla, nilamon siya ng pagod. Mabigat na bumuntong-hininga, puno siya ng pait at pag-aalinlangan.
"Kailangan ko maging malakas!" bulong ng dalaga sa katahimikan. Sa kalungkutan ng gabi, ang boses na iyon ay mapanglaw at ulila habang nagsalita siya ulit, "Tatangayin ng panahon ang pakiramdam kong ito. Kapit lang at lilipas din ang lahat." Tumatango na parang kinukumbinsi ang sarili, tumayo si Chu Qiao at tumingin sa hilagang-kanluran. Matatag siyang tumango, "Pupunta ako sa Yan Bei."
Nang lumabas si Chu Qiao ng pinto, nakita niya si Yue Qi na nakatayo doon at naghihintay sa kanya. Nang makitang lumabas na siya, ipinaalam ni Yue Qi na, "Natagpuan na ni Master ang bakas ni Yan Xun at inutusan ako na dalhin ka doon."
Nang marinig iyon, nagulat si Chu Qiao. Wala sa isip na napatingin siya sa kalayuan, para lang makita ang malinaw na anino sa pavilion na nakatago sa likod ng halamanan at abu-abo. Nakahawak ng payong ang pigura, dahan-dahang naglalakad sa patong ng mga bundok na dumidekorasyon sa bakuran. Napakalapit ng pigura ngunit mahirap maabot.
"Binibini Chu, maaaring sundan niyo ako."
Ang hangin sa malawak na bukid ay medyo malakas, patuloy na bumubugbog sa kanilang mukha. Matapos ang halos dalawang oras na paglalakbay, si Yue Qi, kasama ang ilang mga gwardya, ay huminto sa tigang na bukirin. Bumaba ng kabayo niya ang batang gwardya at pinaalam kay Chu Qiao, "Binibini Chu, nagpadala ako ng tao para sabihan si Prince Yan. Mukhang nasa tolda din niya si Crown Prince Li Ce. Maghintay lamang kayo dito ng ilang saglit, hindi magtatagal ay darating sila dito."
Tumango sa pasasalamat si Chu Qiao, "Maraming salamat."
Sumagot si Yue Qi, "Hindi mo na ako kailangan pasalamatan. Sinusunod ko lang ang utos ng amo ko."
Tumungo si Chu Qiao, saglit na nagdalawang-isip, bago nag-angat ng ulo at sinabi, "Bumalik ka na at pasalamatan mo siya para sa akin."
"Sige." Tumango si Yue Qi. "Hanggang dito ka nalang namin masasamahan. Darating na si Prince Yan. Mauuna na kaming umalis."
"Sige, mag-ingat ka."
Magkasamang ikinuyom ang kanyang kamay, isinaludo ni Yue Qi ang kanyang paalam. "Sana'y magkita ulit tayo." Doon, sumakay ulit siya sa kabayo niya at mabilis na umalis.
Ang hangin ng tigang na lupain ay hinaplos ang kasuotan ni Chu Qiao. Ang dagundong ng mga kabayo ay maririnig mula sa malayo, na may ulap ng alikabok na sinabihan siya na parating na sila. Ngunit nang umihip ang mainit na hangin na ito sa mata ni Chu Qiao, nadama lang niya ang mga glandula ng luha niya na naudyok, ibinaba niya ang ulo at bumulong sa boses na kahit siya ay hindi marinig.
"Pakiusap mag-ingat ka…" Tapos, huminga ng malalim, at mabagal na huminga palabas, tila ba gusto niyang ilabas lahat ng emosyon na iyon kasama ng paghinga niya. Doon, tumungo siya sa papalapit na grupo ng mga tao, iniiwan ang nakapupukaw na capital ng Tang.
Sa malayo, sa tuktok ng bundok, isang lalaki ang nakatingin sa papaalis niyang pigura. Nilagok ang huling baso ng alak, bumaba siya sa bundok sakay ng kabayo niya. Ang hangin ng bundok ay umihip sa kanyang lilang roba, nang ang sinag ng araw ay tumama sa kanyang nakakaakit na mukha na umunat ng mahabang anino.
Sa papalubog na araw, bumalik ang mga ibon sa kanilang pugad. Lahat ay nabalik sa una, sa punto kung saan nagsimula ang lahat.