Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 141 - Chapter 141

Chapter 141 - Chapter 141

Nakasuot si Li Ce ng mapalabok na kasuotan. Ang kanyang mata ay kalmado, ni hindi man lang tinitignan ang mga taong ito sa mata. Tumingin siya tungo sa tansong plataporma, inangat ang paa, at mahinahong naglakad.

Hindi matiis ng mga lingkod ni Zhao Chun'er na masayang ang pagsisikap nila. Tumakbo sila para pigilin si Li Ce. Subalit, bago pa man sila makapagsalita, bago pa man makita ng mga tao ang kilos ni Li Ce, nahiwa ang lalamunan ng lalaki sa maikling pakikisalamuha dito. Nanlaki ang mata ng lalaki at bumagsak sa sahig. Malakas na kalabog ang narinig at kumalat ang alikabok sa hangin.

Naglabas ng puting-puting panyo si Li Ce, pinunasan ang mantsa ng dugo sa kanyang palapulsuhan, at itinapon ito sa lupa. Ang puting panyo na namamantsahan ng dugo ay lumipad sa hangin at sumisirko sa ere.

Walang nangahas na magsalita, tumingala, bumulong, o kahit huminga.

Si Li Ce, na kadalasan ay matigas ang ulo at malibog, ay biglang naging panibagong tao. Ang malisyosong awra at galit sa kanyang katawan ay sapat para takot na paalisin ang mga hayop sa loob ng isandaang milyang radyus. Ang mailap na sundalo ng hilagang kampo ay hindi nangahas na sumalungat nang makita ang ganoong tao.

"Umalis kayo sa daan!" Ang landas sa gitnang kalye ay nabakante. Ang mabangis tignan na mga sundalo ni Li Ce ay tumakbo mula sa malayo na may hawak na kutsilyo. Isang tingin lang sa kanila ay sapat para makaramdam ng ginaw paakyat ng likod ng mga tao.

Ang mga taong ito ay kilala bilang una na "sanggano" sa pinaka lupain. Ang kanilang titulo ay pangharap lamang dahil natalo na sila dati sa laban sa mga sundalo ng hilagang kampo sa brothel. Ito ang mga pribadong gwardya ni Li Ce. Sa puntong ito, ang kanilang ekspresyon ay seryoso. Ang hilera nila ay maayos, may patalim sila sa mga kamay. Determinado silang tumakbo tungo sa mga tao.

Nakatayo si Li Ce sa tansong plataporma, nakatingin sa sundalo mula sa hilagang kampo na may hawak na sulo. Inangat niya ang gilid ng labi at sinabi sa malamig na tono, "Layas!"

Nagulat ang lalaki at namaluktot ang kanyang tuhod. Sumunod siya na bumaba sa plataporma.

"Pasensya, nahuli ako." Nang umihip ang hangin, ang ekspresyon ni Li Ce ay humihingi ng pasensya. Napasimangot siya at tumingin sa dalaga, kung saan ang mukha ay nabugbog, na nasa harap niya. Nakaramdam siya ng ilang saksak sa puso niya. Pinakawalan niya ang babae at niyakap ito.

Si Zhao Chun'er, sa magulong buhok at duguang mukha, ay tumingin kay Li Ce. May pagkagalak na namuo sa kanyang puso dahil nakatakas siya sa kamatayan.

Itong tao ba na ito ang papakasalan niya?

Tuliro siya, hindi maproseso ng kanyang utak ang mga bagay-bagay. Ang alam niya lang ay mamamatay siya, pero iniligtas ng taong papakasalan niya. Tumulo ang luha sa mukha niya at malakas na ngumawa.

Napasimangot si Li Ce, bitbit siya sa bewang at naglakad pababa ng plataporma.

Napakawalan si Zhao Chun'er. Mahigpit siyang humawak kay Li Ce na parang isang sugatang hayop, ang kanyang katawan ay nanginginig. Subalit, sa susunod na segundo, ang lalaking maraming karanasan sa pag-iibigan, ay napatigil sa paglalakad. Tuliro itong tumingin sa kanya. Lumupagi ito, bahagya siyang hawak sa yakap niyo. Iniabot nito ang daliri at iginilid ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Marami pa ring dugo sa kanyang mukha.

Ang kanyang ekspresyon ay malumanay, tila takot na may magulat. Marahan siyang nagtanong, "Ikaw? Sino ka?"

Naglabas ng hindi maintindihan na tunog si Zhao Chun'er at hindi makapgsalita.

Napagtanto ni Li Ce na natabingi ang panga ng babae. Sa kakaibang paraan, ibinalik niya sa dati ang panga ni Zhao Chun'er. Bumuhos ang luha ng babae na parang fountain, ang kanyang pighati ay sumasabog. Umiiyak niyang sinabi, "Ako ang ika-walong prinsesa ng Xia, Zhao Chun'er."

Natigilan si Li Ce. Tumingala siya at nakita ang mga sundalo niya na halos makipaglaban na sa mga taga hilagang kampo. Nakaluhod sa lupa ang mga sibilyan, nanginginig, at tumingin tungo sa kanya. Madilim ang ulap at umiihip kahit saan ang hangin.

Tumawa ng mula sa puso si Li Ce. Tumingin siya kay Zhao Chun'er at may sinabing hindi niya maintindihan. "Sinasabi ko na nga ba. Sino ba ang makakaapi sa kanya?"

Pagkatapos, tumayo ang Crown Prince ng Tang, isinantabi ang katotohanan na may yakap siyang magandang prinsesa. May kalabog na bumagsak sa lupa si Zhao Chun'er at gumulong na parang bola.

Nilagpasan niya si Zhao Chun'er at tumakbo tungo sa dalawang hukbo na magkagalit. Labis niyang iwinagayway ang kanyang mga kamay at sumigaw tungo sa mga sundalo ng hilagang kampo, "Sandali, sandali. Huminahon kayong lahat." Sa isang kisapmata, bumalik na siya sa dating hindi mapigilan na sarili. Tumayo siya sa harap ng mga sundalo, tumawa, at sinabi, "Narinig ko na may gulo dito, kaya pumunta ako para tumingin kasama sila. Wag niyo ako pansinin, magpatuloy kayo! Patuloy lang!"

Ang pakiramdam ng 50,000 sundalo sa likod niya ay makikitang huminahon nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ng amo nila. Umakbay sila sa balikat ng mga kakampi nila, tinanggal ang kaayusan nila. Tila ba ang nangyari ay isang panaginip lang.

Masaya silang lumapit sa mga sundalo ng hilagang kampo, tinapik ang mga balikat at sinabi, "Kamusta iyon, mga kapatid? Nakakaintimida ba iyon? Ilang buwan kaming nag-ensayo. Haha, magaling ba?"

Nagpatuloy ang kasiglahan. Isang grupo ng sundalo ang tumakbo tungo kay Zhao Chun'er, na unang bumagsak ang ulo.

Nag-angat ng tingin ang babae at galit na sumigaw, "Ako ang prinsesa ng Xia!"

Narinig ng mga opisyales ng Xia ang boses ng prinsesa. Natigalgal sila at tumakbo patungo sa kanya, nagpadagdag sa magulong sitwasyon.

Tinulungan si Zhao Chun'er makatayo ng mga opisyales ng Xia. Sa mga tao, nakita niya si Li Ce na masayang nakikipag-usap sa mga sundalo, kung saan ay hindi angkop sa prinsipe. Nang maisip ang mga kilos at sinabi nito ngayon lang, parang isang palaso ang lahat na tumusok sa puso niya. Hinayaan niya ang mga kasama niya na takpan siya ng karpet. Madiin niyang kinagat ang kanyang labi, halos dumugo ito.

Chu Qiao, Chu Qiao, paanong hindi ako mapopoot sayo?

Ang pighati sa kanyang dibdib ay nilamon ang lahat ng lakas niya. Natuyo ang kanyang luha. Marahan siyang tumingin sa madilim na ulap sa kalangitan. Wala siyang lakas para sumigaw.

"Ngayon, sa lugar na ito, isinusumpa ko sa buhay na ito, sasaksihan ko ang paghiwalay mo sa mundo. Papanoorin kita na mawala ang lahat ng mayroon ka, papanoorin kang kaawa-awang mamatay. Kung hindi, hindi na ako isang tao!"

Nang umihip ang hangin, nagsarado ang kurtina. Ang madramang pangyayari ay nagwakas na.

Nang sinuyod ni Li Ce ang buong syudad, hindi malayo si Chu Qiao sa kanya. Wala pang 300 hakbang ang layo niya mula sa pamahayan ng Sun Di.

Sa bakuran na sanay sa pagsalubong ng mga panauhin, mayroong katahimikan. Mapanglaw ang liwanag ng buwan. Ang marilag na disenyo ng gusali ay hinalo ang sarili sa makapal na hilera ng mga bulaklak ng crabapple. Ang kawayang bintana ng gusali ay bahagyang nakabukas. Nakaupo si Zhuge Yue sa harap ng silid-aralan niya, tila malalim ang iniisip. Sinelyuhan niya ang sobre at iniabot ito kay Yue Qi na nakatayo sa tabi niya. Tinignan niya ito sa gilid ng mata niya at kalmadong sinabi, "Sino ang nangangahas na kwestyunin ang utos? Papasukin mo siya at titignan ko."

Namutla ang ekspresyon ni Yue Qi. Tumungo siya at nanatiling tahimik. Nakuha niya ang mensahe: kapag may pumasok, inaanyayahan nito ang kamatayan niya.

Tumungo si Zhuge Yue. Walang emosyon niyang sinabi, "Alis na."

Madaling binuksan ni Yue Qi ang pinto at nilisan ang silid.

Isang saglit ang nakalipas, may maririnig na kaluskos sa labas. Ibinaba ni Zhuge Yue ang panulat niya at lumingon, nakita niya si Chu Qiao na nakatayo sa hugis buwan na pinto ng panloob na aralan. Nakasuot ito ng puti at nakakapit sa pinto. Ang kanyang katawan ay maliit at ang kanyang mukha ay maputla. Tahimik siyang nakatayo doon, ang kanyang buhok ay nakakalat sa mukha niya.

"Gising ka na," pahayag ni Zhuge Yue. Tumuro siya sa panloob na aralan at nagpatuloy, "May mainit na pagkain doon, kumain ka." Nang makitang hindi gumalaw si Chu Qiao, napasimangot siya at nagpatuloy, "Hindi ka pa gumagaling. Bumalik ka, mahiga at magpahinga."

Hindi gumalaw si Chu Qiao. Ang berdeng silk na kurtina ay mukhang malamig sa panahon ng taglagas. Umihip ang hangin lagpas sa mga puno, dahilan para may marinig na mga kaluskos, tulad ng isang ambon. Tahimik na tumingin si Chu Qiao sa kanya na hindi nagsasalita.

Tumayo si Zhuge Yue at naglakad tungo sa panloob na aralan. Nang nilagpasan niya si Chu Qiao, hinawakan niya ang kamay nito at naramdaman ang manipis nitong braso. Napasimangot siya at hinila papunta sa silid.

"Zhuge Yue," bulong ni Chu Qiao, ang kanyang boses ay may dalang pagmamakaawa na tono.

Napatigil si Zhuge Yue pero hindi lumingon. Narinig ang boses ni Chu Qiao sa likod niya, "Kailangan ko umalis."

Umihip ang hangin, dahilan para liparin sa ere ang suot ni Chu Qiao. Kahit na medyo matangkad siya, mukhang malaki sa kanya ang damit ni Zhuge Yue. Hindi siya pinansin ni Zhuge Yue at sinabi, "Delikado sa labas. Kasalukuyan akong walang pambabaeng kasuotan. Suotin mo muna ang damit na ito."

"Zhuge Yue, kailangan ko talaga umalis."

Tumalikod si Zhuge Yue at hindi siya ulit pinansin. "Nainom mo na ba ang gamot na inabiso ng manggagamot na inumin mo? Kung hindi pa bumababa ang lagnat mo, magpahinga ka pa."

"Zhuge Yue, kailangan ko talaga…"

"Kung ayaw mong kainin to, magpapahanda ako ng ibang pagkain."

"Makinig ka sa akin…"

"Matagal ka nang nandito. Nakalabas ka na ba dati? May ilang kainan na naghahain ng masarap na pagkain. Magpapakuha ako ng para sayo."

"Zhuge Yue, makinig ka sa akin," hinawakan siya ni Chu Qiao at desperadong sinabi, "Nagpapasalamat ako na niligtas mo ako, pero kailangan ko nang umalis ngayon. Kailangan kong hanapin si Yan Xun. Hindi matatag ang Yan Bei, kailangan kong bumalik kaagad, ako…"

Nang nagsalita siya, hinampas palayo ni Zhuge Yue ang kamay niya at tumalikod para umalis.

Nagulat si Chu Qiao at pinigilan siya, malakas na sinabi, "Zhuge Yue, ako…"

"Zhuge Yue, Zhuge Yue! Tapos ka na ba? May utang ba akong salapi sayo? Kailangan mo ba akong tawagin sa buong pangalan ko?" Tumalikod ang lalaki at nagtaas ng kilay. Ang kanyang labi ay mapula; ang tingin ng kanyang mga mata ay parang nagniningning na bituin. Galit siyang nagpatuloy, "Si Yan Xun at ikaw. Yan Bei. Puno ng ibang tao ang utak mo. Naisip mo na ba ang sarili mo dati? Naisip mo ba ako?"

Natigalgal si Chu Qiao. Mabangis siyang tinitigan ni Zhuge Yue, ang mata nito ay nag-aapoy. Tulad nito, matagal silang nagtitigan, hinahayaan ang maingat na nakatago nilang iniisip na paunti-unting lumabas. Malamig ang kapaligiran. Mahina ang kanilang paghinga, ngunit walang makapagsalita.

Matapos ang mahabang sandali, iniwasan ni Chu Qiao ang usapin na hindi siya mapakali. Bumulong siya, "Kung gayon ay anong itatawag ko sayo? Fourth Master Zhuge? Zhuge? Yue?" Nang matapos niya ang sasabihin, nakaramdam siya ng ginaw paakyat sa likod niya. Pinakiramdaman niya ang pagtaas ng balahibo sa braso niya at sinabi, "Huwag mo sabihing gusto mong tawagin kitang Fourth Brother?"

Hindi man lang lumingon sa kanya si Zhuge Yue, tumalikod para umalis sa silid, disididong lisanin ang lugar na ito.

Nang makita ni Chu Qiao na paalis na ito ay humabol siya. Hindi maingat siyang napatapak sa sapin ng lamesa dahilan para tumapon sa katawan niya ang sabaw.

Napadaing si Chu Qiao at bumagsak sa karpet. Lumingon si Zhuge Yue at itinabi ang mainit na mangkok, nakita niya na namaga ang braso ni Chu Qiao sa paso. Sa kabila nito, walang sinabi si Chu Qiao.

Ang ekspresyon ni Zhuge Yue ay tila gusto niyang pumatay. Binitbit niya si Chu Qiao at dalawang malaking hakbang na lumabas sa silid. Mabilis siyang lumagpas sa dalawang pasilyo at tungo sa paliguan. Walang pakialam kung mabasa ang damit niya, sumalok siya ng malamig na tubig at ibinuhos ito sa braso ni Chu Qiao.

"Masakit ba?"

Kinagat ni Chu Qiao ang kanyang labi at umiling, tapos ay nanatiling tahimik.