Pero sa tiyak na sandaling iyon may matalas na pakiramdam sa kapahamakan ang sumalakay sa isip niya! walang pag aalinlangan si Chu Qiao na umuklo siya at ang nararamdaman lang niya ay galing sa mag kaibang puno ang nang gagaling ang patalim ns paparating. Matulin na lumagpas ang patalim na nag palipad sa hibla ng buhok sa ere!
Gustong makita ni Chu Qiao ang kanyang kalaban. Malapit niya nang makita kanina! Kung iisipin sa kalaban ay mag kasing tulad ang bilis nilang dalawa, ano man ang gamitin niyang stradehiya, kaialangan niyang mag sinungaling para mahintay para sumalakay siya sa kalaban... Ang kaso ay siya ang nasalakay!
Sobrang nakakainis!
Sa saglit na segundo, pinagana niya ang buong utak para gumawa ng sunod na estradehiya. Isinaayos niya ang postura at hinanda ang sarili sa bagong sabak sa problema. Kapag hindi niya na talo itond adversary, patawad na lang sa dati niyang guro sa mundo ng moderno.
Pero sa ganon man, may dumating na tunog galing sa itaas na whooshing. Na supresa si Chu Qiao at bago pa mapagtanto kung ano ang nangyayari, may humampas na mabigat sa kanyang likuran. Parang pamokpok na bagay ang nasa kanyang likod at masakit na naging sanhi ng pag muntik niyang pagsuka ng dugo! Pero ang sunod na nangyari ay mas nag pasuka sa kanya ng dugo dahil sa sobrang galit,
Malakas na panaghoy ang dumating sa likuran niya. isang batang na sa pitong gulang na anyos ang sumakay sa likuran ni Chu Qiao. Pinunasan niya ang mukha at malakas ng iyak na panghoy .
Bago pa sila makarating, meron nang batang nag lalaro rito sa puno. Biro para sa kanya ang pagiging mataas na ahente! Hindi man lang niya na pansin ang batang nag tatago sa puno. Nakita nito ang buong pangyayari sa labanan niya, lumuwag ang pag kapit ng bata sa kanya sa takot at nahulog kay Chu Qiao! mas may nakakainis pa ba rito?
Inaalis niya ang bata at umaasa si Chu Qiao na sana meron parin siyang silid ng paghihiganti, pero meron nang patalim ang naka lagay sa kanyang leeg. Malalakas na yapak ang nag mamadaling, pinalibutan siya ng amraming tao. Ilang patalim din ang nakatutok sa leeg niya. itinaas ni Chu Qiao ang ulo at matapang na tinitigan ang kanina pang umiiyak na bata. Tahimik na narinig niya ang mga bulong bulongan ng tao sa likuran niya, "Hindi ko akalain na ang prinsesa ay magaling sa pakikipag laban ng martial art."
Sagot naman ng isang tao, "ang orihinal na pamilya ay ang pamilyang Zhao na umusbong dahil sa galing sa martial art. Nang masaksihan ko kanina ay parang natural na gawain. ang mas nakakabigla ay magaling rito ang Prinsesa.
Anong tawag nila kay Zhao Chunér? Ang kanilang Prinsesa? Ito ba ay galing sa imperyo ng Xia? Isang pandigma na kabayo ang galing sa distansiya. Tumalon paalis ang lalaki sa likod ng kabayo. na nakasuot na itim na balabal sa kanyang mukha, nag madali ito at nagdeklara, "nanatiling abala ang senaryong ito sa mga tauhan. Meron pa tayong oras."
Tumango ang nakaitim na lalaki, at sinabi rito sa katabi, "dalhin siya at ipunta sa square.
"Panibagong naka itim na lalaki ang nag-utos kay Chu Qiao, "Ibaba mo ang iyong sandata.
Hindi na kayang lumaban, sumunod si Chu Qiao. Sa kalansing, hinulog niya ang kutsilyo at kinosindera na gawin o hindi niya ilabas ang katuhan niya sa lahat ay malalman parin na hindi siya si Zhao Chun'er. Ngunit noon din ay ang magaling na lalaking kalaban niya, ay lumapit at inunat ang payat nyiang kamay tapos ay hinawakan niya ang baba ni Chu Qiao. Malamig na singhal at iniling ni Chu Qiao ang ulo, buong lakas na kinagat niya ang kamay ng lalaki!
Maririnig niya ang tunog ng pagkagat sa balat, mabilis na umagos ang dugo na magmumula sa sugat nito. Tumingin si Chu Qiao sa lalaki at may bakas ng dugo sa knayang baba. Ang titig niya ay parang sugatang lobo, nanantili parin itong makipag laban sa kanya at hindi man lang sumusuko.
Isang malakas na sigaw ang maririnig, pero walang sino mam ang gumagalaw. Walang tumugon sa galaw ni Chu Qiao.
Tumitig ang lalaki at nawan ng masasabi kay Chu Qiao, hinayaan niya lang itong kagatin ang kamay niya. Walang salita o galaw, ang tanging tugon na binigay mula sa likod ng itim na maskara. Sa ngayon, ang titig na iyon ay may bakas na pagkalibang!
Nabigla si Chu Qiao. Itong pares na mata ay masyadong pamilyar para sa kanya. Bago pa siya masiraan ng isip, marahan niyang tinigil ang pag tiim bagang. Na pabuka ng bibig at napatingin siya sa lalaki.
"Haha!"biglang nagsimulang tumawa ang lalaki. Nang tinggal niya ang maskara ay tinatayo niya si Chu Qiao at sa bilis na galaw, mabilis na niyakap siya nito.
"Alam kong hindi ka basta mamamatay!" parang bata na nakatanggap ng bagong laruan, natawa si Zhuge Yue. Ligayang-ligaya siya pero makikitang maputla ito sa pag aalala sa kanya. Niyakap siya ng mahigpit nito, na parang gustong pag samahin ang kanilang katawan!
Dumiin ang ulo ni Chu Qiao sa dibdib nito. Dahil sa matibay at malakas na kalamnan ng dibdib nito, naririnig niya ang malakas na tambol ng puso nito. Naalala niya kung anong nangyari sa kanya, nag ulap ang kanyang paningin. Matapos na makatakas siya sa kamatayan, tiyak na lalabas na lumampas na ang pag kokontrol niya sa puso niya. inilibing niya ang ulo sa dibdib nito at hinayaang umagos ang luha niya.
Ang buong parada ay nanahimik, tanging tunog na maririnig ay ang wasiwas ng watawat sa hangin. Kung titingnan ang Qiang Wei Square, makasaysayan ang maaalala ng mga tao. Makalipas ang 300 na taon, nasa taas nito ang kulay pilak na plata porma, ang unang pinaka traydor sa Emperyo ng Tang--He Lanye--sinunog ng buhay sa pagsasagawa.
Sa oras na iyon, siya ay na atasan na maging mataas na komander ng mataas na lupaing Hongchuan ng Emperyong Tang. Pero, nanood lamang siya na sakupin ng pamilyang Zhao ang mataas na lupain, walang pag lalagay ng makabuluhang pakikibaka. At nang piliting sakupin ng pamilyang Zhao ang lungsog ng Zhen Huang, tumaks lamang siya sa lungsod kasama ang buong pamilya niya. Itinapon niya ang mahinang hilaga ng dakilang imperyo ng Tang at tinalikuran ang hekta-hektaryang teritoryo ng Tang sa walang magandang dahilan. Siya lang ang tanging rason kung bakit ang namumuno sa buong kontinente ay naging kasaysayan. Sa huli, siya ang rason kung bakit ang dakilang imperyo ng Tang ay kinailangang tanggalin ang "dakila" mula sa pangalan nito; ang imperyo ng Song at Xia ay tinakot sila, sinasabi na hindi na karapat-dapat sa imperyo ng Tang ang ganoong pangalan. Iyon ang naging kahihiyan ng imperyo ng Tang hanggang ngayon.
Simula sa puntong iyon, ang plataporma ng Qiang Wei Square ay naging lokasyon ng pagbitay ng mga kriminal. Sa pinaka oras na ito, isang babae na nababalot ng mantsa ng dugo ang mataas na nakatali sa tansong plataporma. Sa punit-punit niyang kasuotan, walang malinaw na makakita ng mukha niya. Sa kanyang paa, isang malaking tambak ng pangsiga ang ikinumpol. Mga sundalong may hawak na nagliliyab na sulo ay nakatayo na sa gilid, handa nang silaban ang siga. Isang grupo ang nagtangkang lumapit para iligtas ang babae. Kahit na mukha silang karaniwang sibilyan, iyong mga matatalas ay mapapansin na may tinatago silang lahat na patalim at hindi katulad ng mga karaniwang tao.
Mas lumakas ang kaguluhan. Hindi mabilang na mga kalalakihan ang ikinumpas ang mga kamay at pinalakpakan ang pagbitay. Binuksan ni Zhao Chun'er ang mahina niyang mga mata. Ang mga iyak niya ng pagdalamhati at atungol ng galit ay nakatanggap lang ng ilang malakas at malutong na sampal sa kanyang mukha bilang kapalit. Ang mabagsik na mga sundalo ay may magaspang na balat na may makapal na kalyo, at ang mga sampal nila ay napakasakit.
Sa panga niyang nawala sa wisyo, hindi siya makapagsalita na kahawig ng salita ng tao. Ang tanging nagagawa nalang niya ay sumilip sa natuyong dugo na dinikit papikit ang kanyang mata at obserbahan ang kumpol ng labis na nagagalak na mga tao. May mga hindi kilalang mukha na may galit na ekspresyon. Bigla, nag-umpisa siyang matakot. Nag-umpisa siyang manginig na hindi mapigilan.
Mamamatay na ba siya?
Sa pinaka oras na ito, isang pangalan ang lumabas sa isip niya. Isang matalas na tingin ng babae na iyon, walang emosyong ugali, at ang tingin nito ng pangmamaliit ang biglang pumuno sa puso ni Zhao Chun'er.
Chu Qiao! Chu Qiao! Chu Qiao!
Ang ekspresyon niya ay ngumiwi. Ang poot niya kay Chu Qiao ay napakalabis, na parang hindi ito mahuhugasan kahit hanggang kamatayan.
Ang babaeng iyon ang umagaw ng minamahal niya, ng kasiyahan niya, ng reputasyon niya. Iyong babaeng iyon ang bumato sa bansa niya, pinahiya siya, at dahilan kung bakit naghirap siya sa kamay ng mga kasuklam-suklam, nakaririmarim, at walang kwentang karaniwang tao! Simula umpisa hanggang huli, ang paghihirap niya ay nagmula kay Chu Qiao!
Hindi ko siya papakawalan! Kahit na maging multo pa ako, kahit na mapunta ako sa pinakamalalim na parte ng impyerno, kahit na maglaho ang kaluluwa ko, hindi ko siya pakakawalan!
Sinubukang magtiim-bagang sa galit, tila isang nabaliw na multo si Zhao Chun'er, habang pavkauhaw sa dugo na isipin ang pumuno sa isip niya.
"Umpisahan ang pagbitay!" Isang malakas na palahaw ang narinig. Ngunit pagkatapos, panibagong kaguluhan ang namuo sa mga tao. Sila iyong pangkat kanina!
Sa loob ng puso niya, isang malakas na kagustuhan mabuhay ang nagsimulang lumaki. Sa kanyang taimtim na tingin, tumingin siya sa direksyon ng kaguluhan. Ngunit sa parehong oras, isang kakaibang isipin ang pumaibabaw sa kanyang isip. Sa puntong ito, ang kahit sinong nandito para pigilan ang pagbitay ay nandito para tulungan si Chu Qiao!
Bigla isang balikong kagustuhan ang ninais niya. Bigla siyang umasa na walang darating para tulungan siya. Hindi matago ang isipin na iyon, napangisi siya, ang kanyang boses ay puno ng pangungutya sa sarili. Kapag nailigtas siya ngayon, dahil iyon kay Chu Qiao?
Nang makitang histerikal siyang ngumingisi, nagsimulang magtsismisan ang mga lalaking nasa baba ng plataporma, iniisip na nabaliw na siya. Ngayon, ang buong gitnang kalye ay napuno ng tao. Tila ba sinadyang gawin ang gulong ito para maiwasan na makalapit ang iba sa gitna.
Inoobserbahan ang kaguluhan, napasimangot si Situ Yu nang dosenang mandirigma ng Yan Bei ang bumalik sa kanya para sa susunod na utos. Taimtim na nag-ulat si Zuo Tingling, "General Situ, napakaraming mga sundalo ng hilagang kampo. Ni hindi nga tayo makausad, ano pa kaya na iligtas ang binibini."
Napasimangot si Baihe at nagdagdag sa nakapanghihilakbot na ulat na iyon, "Nagpadala na ako ng mensaherong agila para sabihan ang Master."
"Kahit na sabihan pa natin ang Master ngayon, hindi siya makakarating sa tamang oras," mapanglaw na pahayag ni Situ Yu. "Nalaman mo ba kung sino ang nag-antala ng pagbitay kanina?"
Sumagot si Zuo Tingling, "Hindi, wala kaming alam tungkol doon dahil disiplinado sila at hindi nag-iwan ng bakas. Mula sa masasabi ko, ikokonsidera ang mga kaibigan ng binibini, siguro ay ang Fourth Master ng pamilya Zhuge o ang Crown Prince ng Tang na si Li Ce."
"Kung gayon ay mula sila sa pamilya Zhuge." Tumango si Situ Yu. "Ang prinsipe ng Tang ay nasa labas pa ng gitnang kalye."
"Kung ganoon ay ano nang gagawin natin ngayon? Dahil gumawa ng oras ang pamilya Zhuge kanina, siguradong gagawa sila ng aksyon."
"Hindi tayo maaaring umasa sa kanila." Umiling si Situ Yu at tumingin sa gitnang kalye sa likod nila. "Tutungo tayo doon!"
"Ang pangunahing kalye?"
"Oo!" Tango ni Situ. "Tutulungan natin ang prinsipe ng Tang na makadaan!"
Ngunit nang sumugod ang mga mandirigma ng Yan Bei para magbukas ng landas, napairit ang mga tao sa takot at gulat. Kasunod noon, napatingala ang lahat na hindi makapaniwala!
Sa ilalim ng naaaninag na itim na ulap, isang purong puting kabayo ang tumalon sa bubong at nagsimulang tumakbo lagpas sa mga tao. Nakasuot ng pine green na roba, tila napakakisig ng mukha ng nakasakay sa kabayo na ang tanawin ay mukhang galing sa isang larawan! Ang kabayong iyon ay napakagandang lahi na, at sa ilang mabilis na talon, maraming distansya ang nasakop nito, nag-iiwan ng bakas ng alikabok at sirang bubong. May mahabang halinghing na lumapag ang kabayo sa Qiang Wei Square, humikayat ng ilang pagkagulat!
Ang mga maninibat, na nakatayo sa labas ng mga tao, ay agad na pumunta sa posisyon nila. May magulong mga whoosh na isang pader ng sibat ang humarap sa lalaki!
"Sinong nangangahas na harangan ako?" Bahagyang kumislot ang kilay ng lalaki habang tumingin siya sa mga sundalo.
"Siya… siya ang Crown Prince…" sa mga tao, may nanginginig na boses ang nakakilala sa nanghimasok. Sa boses na iyon bilang gatilyo, kumalat ang pagkataranta sa mga tao na parang mabilis na apoy. Ang unang hilera ng mga sundalo, lalo na, ay malakas na nanginginig tipong hindi na nila maayos na mahawakan ang kanilang sandata. Bigla, isa sa kanila ang itinapon ang sibat, at may malakas na kaltog ay mababang yumukod sa lupa!
"Kamahalan!"
"Nandito ang Crown Prince!"
"Nandito ang kamahalan!"
Sa pagkakakilanlan niya na nailabas, kahit gaano katapang ang mga sundalo ng hilagang kampo, hindi sila mangangahas na harapin ng direkta ang Crown Prince. Sa mentalidad nilang nabubuwag, yumukod sa paggalang ang mga sundalong ito. Parang isang grupo ng tupa, mababa silang yumukod, nanginginig, at hindi na kayang mag-ipon ng lakas para magsagawa ng susunod na aksyon!