Napatingin si Chu Qiao sa kanya at nag salita, "Sa tingin mo magagawa mo?"
"Oo naman." Malakas na tawa ni Zhao Chun'er. "Oo kaya kong gawin!alam mo bang kung nasaan tayo? Sasabihin ko sayo, nasa kailaliman tayo ng kamara sa ilalim ng Rose Square, malapit na, mag lagay ng tubo ng mga pang gatong sa loob ng Square. Itatali ka sa haligi at sunugin ng buhay hanggang mamatay ka. Anong gagawin mo tungkol dun? Sa tingin mo ba ililigtas ka ni Li Ce? Nanaginip ka. Hindi siya darating, may ibang taong pipigil sa kanya. Kapag nalaman ni Yan Xun na nasunog ka at namatay sa loob ng hilagang kampo ng Tang, ano kaya ang reaksyon niya? mahal kang sobra ng taong iyon. Maghihiganti ba siya sa Tang gamit ang hukbo niya? mag lalakbay ba siya pababa sa hangganan ng hilaga patungo sa ilog ng digmaan sa tang? Mag huhukay ba siya ng sarili niya laban sa mundo kahit alam niyang pag papakamatay iyon.?"
"Haha!" ang mga mata ni Zhao Chu'er ay may kislap nang pagka maniac. Inaantok na nagsalita ito, "Dadaluhin ko lahat ng bagay sa inyo. Sa araw na iyon, pababayaan ko ang lahat, pati narin ang pag kapahiya at pag paparusa. Ito lang ang makikita ko sa hinaharap na nawasak ko kayo! Lahat kayo ay sinira ang buhay ko. Gagawin kong 1,000 ng ilang beses o mas 10,000 na beses para sa inyong lahat! Ayaw mo saakin? Nag sisisi kaba na niligtas mo ko noong nakaraang araw? Gusto mo bang iuntog ang ulo sa pader? Anong gagawin mo tungkol rito? Pwede kang maging mabait, pwede mong paibigin ang lahat ng lalaki sa buonng mundo, pero ano man? Eh mamamatay ka naman sa mga kamay ko. Anong nangyayari? Bakit ka pinag papawisan ng malamig? Natatakot ka ba? Alam mo ba ang ibig sabihin ng takot? Bakit hindi ka umiiyak? Bakit hindi ka sumisigaw ng tulong? Baka marinig ka ni YanXun sa huli mong sasabihin sa taas ng luapain ng Yan Bei1 Haha..."
Biglang, napatigil ang tinig nito at nanlaki ang mata nito. Ang isang kamay ay hinablot ang mukha niya at sa bilis nito, binali ang panga niya sa pag ikot nito!
Itinapon ni Chu Qiao ang tali na nakagapos sa kanya. Sa paraan ng pag tali sa kanya, naka takas siya sa 20 na tali sa loob ng tatlong minuto. Tumayo siya at tuingin kay Zhao Chun'er na nahulog sa palag. Marahan siyang umupo at sinabi, "Tama ka. Pinag sisihan ko. Pinag sisihan ko na niligtas pa kita sa kabutihan ko noon. Gayunpaman, walang pinanghahawakan na galit. Kung alam ko lang na nakagawa ako ng kasalanan,ay aayusin ko agad ito."
Ang mukha ng babae ay malamig pero ang mga titig nito ay kalmado. Sinira niya ang damit ni Zhao Chun'er at nagsalita, "mali ang pag huhusga mo saakin. Hindi ako pumapatay ng inosente pero hindi rin ako mabait na tao. Kung tatakutin mo ko, hindi ako mag pipigil. Sa tingin mo natakot mo ko? Sa tingin mo nag tagumpay ka? Sa tingin mo gagana itong taktika mo, na maiisahan mo kami laban kay Yan Xun at saakin? Sirain kami? Napaka mang-mang mo at mapang mataas sa sarili. Sa mundong ito, iilan lang ang taong makakakuha ng ulo ko. Wala akong pake kung kukunin mo rin. Hindi ko alam kung nabuhay na ba ang taong papatay sa akin, pero ang alam ko, ang taong iyon ay hindi ikaw."
Binuka ni Zhao Chun'er ang bibig para humingi ng tulong pero hindi niya magawa.
Hinubaran ni Chu Qiao ang damit ni Zhao Chun'er at pinapalit nito ang suot at ginulo ang buhok nito. Kinuha niya ang puting tela sa noo nito, napatingin siya rito at nag salita ng bawat salita, "tanggapin mo na Zhao Chun'er. Isa kang basura1 wala kang panama sa akin. Kagaya rin ito noon, at mananatili hanggang ngayon at magpakailanman. Hindi mo dapat ako ginalit. Dahil masyado kang dilekadesa. Wala kang karapatan na gawin ito!" pag tapos ng kanyang salita, napakuyom siya ng kamao at sinuntok ang pag mumukha ni Zhao Chun'er!
Daing na tunog na naggagaling sa bibig ni Zhao Chun'er. Marahan niyang hinapas ito pero may kalakasan. Sa bilis nito, may lumabas dugo sa ilong at bibig ni Zhao Chun'er, na sanhi ng hindi pag kakilanlan. Hindi na kayang magsalita ni Zhao Chun'er. Hingal na lang ang maririnig mo sa kanya, na parang manok na natalo sa labanan. Mahiang natumba siya sa lapag, ang buhok nito ay bumalot sa duguang mukha niya na parang hinuli sa tubig na isda.
Nakita niyang nakatayo si Chu Qiao, nililinis ang dugong mantsa sa kamay nito. Sinuot niya ang dilaw na damit, ginulo ang buhok at pinunasan sng mukha gamit ang kamay. Lumuhod siya sa lapag, nakatting sa duguang mukha nito. Pomosisyon bilang isang prinsesa at sumigaw, "Mga tauhan! Ihanda ang karwahe!"
Ang malaking pangkat ng sundalo ay lumabas sa loob ng kamara, tinakpan ni Chu Qiao ang mukha gamit ang mga kamay na balot sa dugo at tinuro si Zhao Chun'er, sinigaw niya, "tinangka niyang atakehin ako! Patayin siya. sunugin siya hanggat sa mamatay!"
Nakahandusay ang katawan ni Zhao Chun'er sa lapag at hindi gumagalaw. Nakasuot siya ng damit ni Chu Qiao na puno ng dugo. Hindi makilala ang pag mumuha nito at ang panga nito ay bali pa. Ang bastos na sundalo ay kinuha nito. Nang maka lagpas siya kay Chu Qiao, pabalik siyang nakatingin at matalas ang titig nito.
Naka ngiting bumulong si Chu Qiao "Hindi na kita ihahahtid."
Ang isang pangkat ay dinala paalis si Zhao Chun'er. Nag utos si Chu Qiao, "Sugatan ako. Dalhin niyo ako pavalik sa palasyo!"
Nagpatuloy ang ihip ng hangin sa kalupaan. Ang maitim na ulap ay nag simula nang humugis habang ang iba at dahonay lumi;ipad sa himpapawid. Ang malaking tubo ng panggatong ay naitayo sa malawak ng Rose Square. Umihip ang hangin sa mukha niya. tinakpan ni Chu Qiao ang mukha at umupo sa karwahe, na kung saan mabilis na umalis sa kaganapan. Lumingon siya sa likod na papalayong kalaban. Ang kalangitan ay maitim at ang ulap ay bumaba ng kaunit sa kalangitan. Tuyo ang hangin. Nag kalat ang hangin sa puno at kabatuhan, mabilis na lumipas ang karwahe ay nag lalabas ng mahinang ungol sa daanan. Malakas ang pag alog ng puno, na hnidi na makaya ang kas na galing sa hangin. Kahapunan na, pero wala paring makitang araw. Lahat ng Tang Jing ay nababalutanng kulay grey na kumot. Napipinto ang malakas na ulan.
Mabilis ang palakad ng karwahe, dahil sa nag papatakbo nito. Pinapa gana ng sundalo ang kabayo at nakasunod lamang ang karwahe na bumilis sa pag tungo sa malapit ng lungsod tarangkahan.
Nagdala ng buhangin at maliliit na bato ang hangin pa hampas sa karwahe, na may tunod ng kaluskos. Ang kamay ni Chu Qiao ay may mantsa pa ng dugo. Ginamit niya ang puting tela para takpan ang kanyang mukha. Sinuri niya ang paligid at naghintay ng tamang pagkakataon para tumakas. Kailangan niyang mahanap si Yan Xun ng mabilis, na inistima niya na hindi pa nakakapasok rito iyon sa lungsod, pero baka dumating siya rito mamaya. Marahil, ay nag hihintay na siya sa labas ng lungsod. Kung naabot ito ng balita, mag kakaroon ng hindi inaasahan kapalit. Kahit na may pagka tanga at bobo si Zhao chun'er, meron siyang punto. Siya at si Yan Xun ay may pag kakaunawaan sa isa't-isa; kahinaan nila ang bawat isa.
Para kay Li Ce, hinid siya na niniwala na mahuhulog ang loob nito sa kung sino man ng ganon kadali. Matapos ang lahat, ito ay tusong lobo. Kahit na anong magyaring kakaiba, naniniwala siya na mababbaliktad ng lalaki ang sitwasyon.
Ang yabag ng mga kabayo ang sumira sa katahimikan sa mahabang pasilyo. Kasama ang hangin, buhangin at bato, nag pakita ng kalamigan sa pasilyo.
Nang malapit na ang karwahe sa pangunahing pasilyo ay pinamunuan sa loob ng lungsod, disidido na si Chu Qiao na tama ang pag kakataon na tumakas. Nag tiim bagang ang ngipin niya at naramdaman niya ang patalim niya na kung saan naka tago sa binti niya, naghihintay ng pagkakaktaon.
Gayunpaman, mabilis, may swoosh na gumambala sa sabay sabay na yabag ng kabayo. matulis na pana ang tumira sa kabayo, ang pandigmang kabayo ay umiyak sa pag hihinagpis. Sa iglap na iyon, ang sundalo ng Xia ay dinambahan ang mga kabayo na nag padaagdag ng kaguluhan. Ang assassin galing sa mag kaibang panig ay tumalon galing sa puno at pader patungo sa lupa, dala nila ang patalim at pang pana nila. Hindi sila mapipigilan. Ang sundalo ng Xia ay wala nang oras para lumaban. Ang kalahati sa kanila ay sugatan at nahulog sa kabayo nila. Mabilis na natibag ang 300 hukbo nila.
"Tinutulungan ako ng kalangitan!" tuwang isip ni Chu Qiao. Parang ang daming kalaban ni Zhao Chun'er rin. Napaka tanga niya naman kung hindi niya kukunin ang magandang opotunidad.
Mabilis siyang umalis siya sa loob ng karwahe para makatakas. Naghanda na siya salihim na pag-alis, may dalawang naka itim ang pumunta sa magkabilang panig. Nag tiim bagang si Chu Qiao. Mukhang ang pakay nila ay si Zhao Chun'er, ang prinsesa ay tiyak na mapapahamak. Pinagilid niya ang katawan at tuungo para maki paglaban.
Tumalon sa ere si Chu Qiao at sinipa ang ibabang katawan ng dalawang lalaki gamit ang dalawang binti niya. May kalabog na makabasag taingang sigaw ng paghihirap ang tumagos sa mahabang kalye. Wala nang oras si Chu Qiao para bumalik pa at hanggaan ang maliit na tagumpay niya. Iisipin na kalaban din sila Zhao Chun'er, naawa siya sa mga ito. Gayunpaman, dahil nakatanggap sila ng sipa sa ari nila, hinid siya siguradong kung makakagalaw pa sila bilang lalaki.
Nasa paligid lang ang nakakamatay na aura. Ang mga naka itim na lalaki ay walang awa, hindi nag titira ng buhay. May hawak silang palakol sa kamay, hinahati ang sino mang may buhay pa. Mantsa ng dugo at kulay puting utsak ang nag kalat sa paligid. Totoong walang awa!
Kinuskos ni Chu Qiao ang mga mata niya. inipon niya ang lahat ng lakas at tumakbo sa pangunahing kalye. Hindi siya makapaniwala na merong mga tao na kayang gumawa ng krimen saa pangunahing kalte.
Ang kabilang panig ay nalaman ang intensyon niya. Biglang, isang itim na anino ang lumabas sa likuran niya. napaka bilis nito. Ang liksi ng hindi kilalang mananalakay ay kapantay ni Chu Qiao. Lumapit ito sa kanya, sa loob ng lima o anim na lakad patungo sa kanya, tumakbo sa tabi niya. nang tumakbo ang mananalakay, nilabas nito ang pang pana at pinatama ang pana patungo sa kanya!
Sa isang iglap, ang mukha ni Chu Qiao ay naka tabing nang puting tela, ang mukha niya ay may mantsa ng dugo. Magulo ang buhok nito at nag kalat sa unahan ng noo, na parang baliw siya. Gayunpaman, hindi nito hinadlangan ang kilos at paningin niya. Nang makita ang palaso na lumilipad patungo sa kanyang binti, humawak siya sa parte ng dingding at lumukso sa ere.
Sa isang iglang, ang palaso ay nahati sa dalawa nang tumama sa dingding. Makikita ang lakas ng taong iyon.
Magandang kasanayan! Tumingin si Chu Qiao sa lalaki mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi nalimutan ng lalaki na maglabas ulit ng panibagong palaso.
Nang-uyam si Chu Qiao at nilagay ang kamay sa bulsa tapos ay sumigaw, "Nakatagong armas!"
Pagod na si Chu Qiao pagtapos ng laban sa hilagang kampo. Sa mapanganib na sandali, inilabas niya ang huling lakas na meron siya. ang kanyang boses ay paos at hindi makilala. Subalit, sa punto ng buhay at kamatayan, narinig siya ng lalaki. Agad na tumugon ang itim na anino, binaluktot nito ang katawan para maiwasan ang kahit anong panganib sa kabila na wala naman nakatagong armas.
Nakakuha ng distansiya si Chu Qiao sa pagitan nilang dalawa. Galit na umangal ang lalaki at nagpatuloy sa kanyang pagtugis.
Ang lugar na ito ay malayo, puno ng maliliit na kalye at eskinita. Hindi pinansin ni Chu Qiao ang anino na sumusunod sa kanya habang dumadaan siya maliit na eskinita. Gayunpaman, sa isang iglap, naramdaman niya na may mali. Masyadong mabilis ang reaksyon ng kanyang kalaban. Napantayan nito ang bilis niya. Nang lumiko siya, kumilos ito na parang robot, hindi na kailangan ng kahit anong oras ng reaksyon para malaman ang pagbabago niya ng direksyon. Magkasabay ang kanilang galaw. Ang pinaka mahalaga ay hindi gumawa ng ingay ang lalaking ito!
Sino ba talaga ang nagalit ng hangal na Zhao Chun'er na ito?
Naasar si Chu Qiao. Isang malaking puno ang nakaharang sa gitna ng daan. Napasingkit si Chu Qiao at nagmadali tumungo sa puno, biglang huminto at nagtago sa likod nito. Base sa lohikal na deduksyon, walang titigil sa hindi handang paraan na ito. Kahit gaano kaliksi ang isang tao, kapag tumigil siya, sa harap ito ni Chu Qiao. Hinihintay ang kalalabasan na ito, hinawakan ni Chu Qiao ang kanyang patalim, handang lumaban.