Unti unting sumimangot si Chu Qiao. "Gaano kana katagal nakatayo dito?"
"Kanina lang." Nagpasuray-suray umupo si Li Ce sa tabi nya. Hinawakan niya ang kulay pilak na bote na may alak at ibinigay sa kaniya at sabay sabing, "Kahit ano sayo?"
Pinilig ni Chu Qiao ang kaniyang ulo at sumagot, "Hindi ako umiinom."
Nagkibit balikat si Li Ce. "Nakakabagot ang buhay mo."
"Sa halip na matulog ka, nandito kaba para asarin ako?"
Nilagok ni Li Ce ang alak. Ang epekto ng alak sa kaniya ay hindi nakakabuti. Sa kaunting pag imon, naging mapula ang kaniyang mukha. Tumingin siya kay Chu Qiao at itinuro ang maliit na pulo sa gitna ng lawa, "Alam mo ba kung gaano na katagal na yang puno?" Sabi nito.
Nabigla si Chu Qiao, hindi niya akalain na pag-uusapan nila ito bigla.
Sinagot ni Li Ce ang sarili niyang tanong at sinabi niya, "Mahigit sa 400 na taon. Siguro ay hindi mo inakala ito. Mas matagal itong nabuhay sa Emperyo ng Xia." Pagkatapos noon, itinuro niya ang maliit na bulaklak sa tabi ng kahoy na tulay at sinabi na, "Alam mo ba kung ano ang bulaklak na ito?"
Ang bulaklak ay mapusyaw na lila at maliit ang tayog nito. Ito ay wumagayway hinggil sa hangin, na parang ito ay matatangay sa ano mang oras.
"Ito ay ang Youyan. Lumiliwag ito sa gabi at nalalanta sa bukang-liwayway. Ito ay minsan lang bumuka at ang buhay nito ay kaunting oras lamang, pero maghintay ka ulit sa isang taon para dito."
Mayroon doong disenyo ng bulaklak na nakaukit sa kulay pilak na alak, katulad ng sa Youyan. Kumuha pa ng kaunting alak si Li Ce at tumalikod at sinabi, "Qiaoqiao, maiksi lamang ang buhay at mahirap. Bago mo ito malaman, lumilipas na ang oras at tayo zytatanda rin. Kailan ka naging ay masaya, magsaya ka. Wag mong sayangin ang panahon ng kabataan mo."
Dahan dahan iniling ni Chu Qiao ang kaniyang ulo, at sinabi sa mababang boses, "Kung ako ay binigyan ng pagkakataong muli, Mas gugustuhin ko pang maging katulad ng bulaklak na Youyan, sa halip ang puno na ito, abala sa buong buhay nito."
"Hurhur." Ngumiti ng masigla Li Ce. "Lahat ng may buhay na bagay ay mayroon itong sariling kakayahan na mabuhay. Ang bulaklak na Youyan ay kinutya ang puno dahil sa abals ito sa buong buhay nito, at ang pagiging mahina nito. Gayunpaman, hindi nito alam na may nabubuhay ng mahabang panahon sa ginta ng kahirapan ay isang kaakit akit na kabutin sa sarili nito. Sa pagiging nababanat nito sa buong taon ito at lumalabas na hindi nasaktan sa sariling kakayahan nito. Gaano kaya mabuhay ang maiksi ang buhay na mapatuayan ang kagandahan ng oras?"
Tumalikod si Chu Qiao at nakita ang maaliwalas na itsura ng mga mata ni Li Ce. Ang kaniyang ngiti at nanatiling masaya. Nagtanong siya, "Paanno ikaw? Mas pipiliin mo bang maging bulaklak o ang puno?"
"Ako?" Tumalikod si Li Ce at ngumiti. "Ako ay ambisyosong tao. Naghangad ako para mabuhay ng matagal katulad ng puno, pero kasama ang kaguluhan ng bulaklak, haha."
Iniling saglit ni Chu Qiao anng kaniyang ulo at sinabi, "Isa ang dapat na masiyahan sa magagandang oras, sa halip na maupo lang para magpahalaga sa sandali na iyon."
"Magandang tula!" Tumawa si Li Ce, tumingin sa taas at uminom ulit ng kaunting alak at sinabing, "Qiaoqiao, Hindi ko inaasahan na ikaw ay sanay ng mabuti sa panitikan."
Ngumiti si Chu Qia, at piniling wag magsinungaling sa kaniya.
"Qiaoqiao, Meron akong sasabihin, pero hindi ko alam kung dapat."
Ngumiti si Chu Qiao at tumugon, "Kung ikaw ay trinato mo ako bilang kaibigan, sige lang."
Ang Li Ce ngayong gabi ay iba sa sarili nito. Bagaman nag-uusap sila, hindi siya kaaya aya. Sa halip, siya ay lumitaw na seryoso habang nakaupo sa ilalim ng liwanag ng buwan, natatakpan ng mga puno. Ang tono niya ay mas lalong seryoso sa karaniwan sa kaliwanagan. Dahan dahang umiihip ang hangin sa pareho nilang manggas, nagiging sanhi ito ng gusot sa kulay ng perlas at berde. Dumagdag ito ng magbahid ng init sa sitwasyon.
Itinali pataas ni Chu Qiao ang kaniyang buhok kung saan ito ay naging magulo. Tumingin si Li Ce sa kaniya, ang tingin sa mga mata nito at nagiging mas seryoso.
"Bagaman ang emperyo ng Xia ay nasa gulo kasama ang iba't ibang duke at mamamayan pagkakilos sa mga rebelyon, katulad ito ng puno. Ang pundasyon nito ay matatag. Bagaman ay mayroon ng bagyo, basta ang mga bangka ay pinatatag, mas madali sa kanila ang gumanti. Gayunpaman, ayon sa sitwasyon sa Yan Bei, bagaman mas makapangyarihan ito para sa pagsuko para sa emperyo ng Xia, ito ay hindi matatag para sa politika. Ang kapangyarihan ay hindi pantay na ipinamamahagi. Ang mga tauhan ng Quanrong ay naghihintay para sa pagpili sa hilaga habang ang emperyo ng Xia ay naghihintay sa timog. At saka, ito ay hindi kinilala ng mga ng ibang makapangyarihang politiko sa mundo. Ito ay isang mahirap na gawain. Sa loob ng kaunting pagkakamali, Ang buong bansa ay maaaring bumagsak." Pagtatapo niya sa kaniyang pangungusap, Ngumiti si Li Ce at pinitas ang bulaklak na Youyan, pagtutuloy, "Katulad ng Yan Bei ang bulaklak na Youyan habang ang Xia ay katulad din ng sinaunang puno. Ang gabi ay pansamantala. Pagka takip silim, ang panalo ay maisisiwalat."
Dumaan ang bugso ng hangin, tangay tangay ang bulaklak na kulay lila kasama nito. Pagkalipas ng sandali, lumapag ito sa lawa.
Tumingin si Chu Qiao kay Li Ce. Biglang, pakiramdam niya ay may lumitaw na hamog sa kaniyang harapan. Hindi niya mawari ang nangyayari sa kaniyang harapan
Sa mahabang panahon, masasabi ni Yan Xun ang sinabi ni Li Ce sa kaniya. Ang lalaki ay mauupo sa kaniyang kabayo. Ang hangin sa Yan Bei ay humangin sa tapat niya, habang ang niyebe ay napunta sa kaniyang buhok. Narinig ng lalaki ang kaniyang sinabi, hindi gusto ang kaniyang reaksyon at ginawa, pinanatili na lang nitong manahimik. Pagkalipas ng ilang sandali, sumagot siya sa mababang boses, "Kung iyon ay ang kaso, kung ganoon ay gawin natin panghabang buhay ang gabing ito."
Hindi niya naintindihan ang sinabi ni Yan Xun. Tahimik niyang naisip na hindi naintindihan ni Li Ce si Yan Xun. Ang emperyo ng Xia ay tunay nga na sinaunang puno na may malalakas na ugat, na lumawak pa sa buong lupain ng Hongchuan. Gayunpaman, kahit na may napagkukuhanan sa puno, maraming ibang parte ng puno ang kaipangan ng nutrisyon, tubig at sinag ng araw para mabuhay. Kaparehas nila ang isang bampira na kailngan nilng sumipsip ng buhay para mabuhay.
Para kay Yan Bei, bagaman ito ay mahina, ito ay nagpakita ng matigas na kalooban na mabuhay, katulad ng bulaklak na Youyan. Hanggat may pulgada ng lupa, ito ay may kakayahang mamulaklak. Walang kinalaman ang lamig ng taglamig o ang init ng tag-init, ito ay ibig mahiga sa paghihintay ng pagkakataon upang mamulaklak. Para kay Yan Xun, paano ito mauupo lang at hintayin ang sariling kamatayan, pinapanood ang kaniyang imperyo na gumuho?
Gayunpaman, ito ay mahabang panahon na ang nakakalipas. Ngayon, tahimik na tumingin si Chu Qiao kay Li Ce, pakiramdam niyang hindi pa siya nito nakikilala ng lubusan. Sa ilalim ng masayahin niyang itsura at hindi pang karaniwan galaw, mayroong lihim ang nakatago sa kailaliman. Ito ay walang hanggang lalim kung saan walang nakakaalam kung ano talaga ang nasa ilalim. unang pagkakataon na binuksan ng lalaki ang kaniyang puso at kaluluwa para sa kaniya, ipinapasok nito ang kanyang anino para pagapangin at galugurin.
Bumulong siya, "Li Ce, ikaw ba ay kaibigan ko?"
Ngumiti ng bahagya si Li Ce at binigyang siya ng tila walang kaugnayan na sagot, "Ako ang tagapagmana, Prince Tang."
Hindi gumalaw si Chu Qiao at ipinag patuloy ang pag sisiyasat, "Matutulungan mo ba kaming atakihin ang emperyo ng Xia?"
Iniling ni Li Ce ang kaniyang ulo at sumagot ng mahinhin, "Hindi."
"Tutulungan mo ba ang Xia na atakihin kami?"
Nalito sa ilang sandali si Li Ce. Tumatawang sumagot, "Kinuha ni Pei Luo ng Zhen Huang ang 18 estado ng Hongchuan sa emperyo ng Tang ng taon na iyon. Mahigit sumunod na daang taon, ang dalawang imperyo ay nasa digmaan. Walang batayan kung gaano ka walang hiya at walang katwiran ang aking sarili, hindi ako magiging isang makasalanan sa aking pamilya."
Napataas ang kilay ni Chu Qiai. "Sa pagkakataon ito?"
"Hindi ako papagitan sa digmaan ng Xia at Yan Bei. Kahit na ipagkasundo ni Zhao Zhengde ang kanyang anak na babae, hindi kahit ang ina nito sa akin, ito ay magiging walang silbi! Haha!" Umusal si Li Ce,malakas na tawa nito.
Ngumiti si Chu Qiao at sinabi, "Kung ganoon, ikaw ay aking kaibigan." Linapit niya ng dahan dahan ang kaniyang kamay, maningning ang kaniyang mata ay malawak ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi.
Tumawa ng lubos si Li Ce. Sa nakikita niya sa postura nito, siya ay nalito. Gayunpaman, sa sumunod na sandali, tumawa ang lalaki na may pagkukutya sa kanyang postura,dahan dahang inabot ang kamay at nakipag kamay!
Ngumiti ng bahagya si Chu Qiao, kay Li Ce. Ang kaniyang ngiti ay nagliliwanag. Bahagyang tumingin siya taas, ang sinag ng buwan ay tumatama sa kaniyang mukha, napaka gandang tingnan.
Ngumingiting pinagpatuloy niya, "Li Ce, hindi katulad ng Yan Bei ang Youyan o kahit epherema. Kahit ang puno nito ay sapat ang laki ng Xia Empire, ang ugat nito ay nag uumpisa ng mahina. Ang ibang ma ambitsyon na Prinsepe ay hindi kayang supprtahan ang puno. Narinig mo ba nion? Yung may ginintuan puso na mga sibilyan sa buong mundo ay nasa paahan lang nila."
Sa sandaling iyon, naguguluhan si Li Ce. Sumimangot siya at bumulong sa sarili, "Iyong may ginintuhang puso na sibilyan sa buong mundo aynasa paahan lang nila?"
Bahagyang tumawa si Chu Qiao. Sa panahong ito, ang ganitong paksa ay magkakaroon lang sa buong lugar at mula sa imahinasyon. Tumango siya at tumingin sa harapan, dahan dahang nag salita, "Ang bayan na gumawaga ng batas ay namumuno sa mga tao Ang mga tao ay may hawak na walang katapusan na kapangyarihan. Ang
Ang mandirigma ng bayan,panangga, yaman at pagkain na dumarating galing sa mga alipin at sibilyan na naninilbihan sa mga mahaharlika. Sila yung mga taong dakila. Ang kailangan nila ay katiting na bigas at kaunting lupa para isuko ang kanilang pagkain, para ipakain sa mga tao. Gayunpaman, paano kung hindi sil mabuhay sa ganong paraan?" Napalingong si Chu Qiao kay Li Ce na may paghatol, at nagsalita, "Walang kahit sinoman ang uupo roon at hintayin ang kanilang kamatayan. Li Ce, kung ang Lahat na sibilyan ay mag rerebelde laban sayo, kaya mo pa kayang panghawakan iyang trono mo?"
Natigilan si Li Ce.Simangot na sagot nito, "Paano ito nangyari?"
Tumawa si Chu Qiao. "Bakit hindi? Dahil lang sa bagay na hindi nangyaring ibig sabihin nito ay hindi na mangyari. Sa 300 na taong ang nakalipas, nakita nyo bang ipalagay na ang tribo ng minorya ay bumangon? Naisip mo ba na ibig tumapak nito sa Yinshan at kolonisahan ang 18 estado ng Hongchuan, nagdeklara ng digmaan sa imperyo ng Tang? Naisip mo ba na ang pinuno ng pamilya ng Nalan ay nais magrebelde sa imperyong maharlika at nagdeklara ng kalayaan ng imperyo ng Song?"
Natahimik si Li Ce at bahagyang napasimangot.
Tumawa ng dahan dahan si Chi Qiao. Ang imperyo ng maharlika ay kasalukuyang bigyan ng pamantayab sa ilalim ng Dinistiya ng Xia sa modernong kasaysayan ng tsino. Hindi na kwestyon ang kanilang kapangyarihan ng sibilyan, ang akala nila ay hindi sila nakikita. Naisip ba nila na ang sibilyan ay nais magpatuloy na ipasa sa kanila sa higit na libong taon?
" Li Ce, maghintay at makita mo. Nagbago na ang lahat. Ang pag aalpas sa nakaraan ng pgiging dakial ay hindi na dapat balikan. Sa madaling panahon o mamaya, masasaksihan kung gaano makapangyarihan ang mga sibilyan kapag nagalit ito. Ang kapangyarihan na sakanila ay mag kakaroon ng kaguluhan. Kaya nilang pagalawin ang mga bundok at kontrolin ang bagyo. Ang Xia Empire, YanBei, Ang Tang Empire, Ang Song Empire, pati narin ang minorya ng tribu Quanrong sa labas nito, lahat sila ay bumagsak na parang mga langgam sa kanilang kapangyarihan. Sa partidong pwedeng makinabang sa kapangyarihan ang magiging tagumpay."
Ang ngiti sa mukha ni Li Ce ay nawala. Sumimangot siyang tumingin kay Chu Qiao, nanatiling Tahimik.
Lumingon si Chu Qiao kay Li Ce habang nakangiti. "Li Ce, ikaw ay aking kaibigan. Nais kong sana sa araw na dumating ang malaking bagyo, hindi ikaw ang unang masasangkot."
Ang malamig na hangin ay lumakas. Ang tingin ng lalaki ay napalitan ng malamig at matalas na tingin, katulad ng pana. Tumingin siya kay Chu Qiao, ng hindi pumupikit o magsalita. Umihip ang hangin sa pagitan ng layo nila, naglilikha ng mas malamig na atmospera. Sa ilang sandali, sumigla at tumawa ng bahagya siya, sinabi, "Qiaoqiao, wala akong narinig na ganitong salita dati, pero kung mahanap kong may kahulugan ito. Pag iisipan ko ang ditalye."
Alam ni Chu Qiao na may intensyon si Li Ce na saktan siya. Gayunpaman, hindi siya natamaan. Kahit kumakatawan sila sa ibang kapangyarihan o di kaya ibang kinatatayuan, sa pag lalarawan niya ay mag kaibigan sila o mas higit pa roon. Biglang naintindihan na ni Chu Qiao ang isang bagay na matagal ng taong gumugulo sa isip niya. Sa lahat ngfeudal lord, bakit ang Yan Bei ang inake ng Xia Empire? Bakit pinatay si Yan Shincheng, sino ang tapat na tauhan ang na sa ilalim niya? Kung gustong kontrolin ng Emperor ang pag balanse ng kapangyarihan, hindi niya dapat sinimulan ito sa ibang feudal lord? Sa hari ng Ling? Sa hari ng Jing? Sa walang ingat at mailap na salbaheng dakila? Gayunpaman, naintindihan niya na lahat. Ang rason nito ay simple lang. Nang nakakuha ng kakampi ang Yan Bei sa samahan ng Da tong, nag ampon ng bago si Yan Shicheng ng ideology. Ang kakaibang bulaklak na umusbong sa malamig na bundik ng Yan Bei, na naging sanhi nang pagtubo ng kakakibang prutas. Galing sa normal na posisyon ay hindi na maayos ang turing sa kanya sa kapitolyo. Ito ay katulad ng ng sitwasyon sa probinsya na gustong maging kapitolyo, pero ang mga partido ng gobyerno galing sa loob ng na may abokasiya ay galing sa kumunista. Ito ay hindi katanggap tanggap. Ito ay malinaw ang intensyon na sumalungat sa pangunahing estado, na hindi katanggap tanggap ang ginawang pag kakanulo.