Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 128 - Chapter 128

Chapter 128 - Chapter 128

Tatanggihan na sana ni Chu Qiao ang imbitasyon sa kanya nang napansin ni Qiu Sui ang intensyon niya at balisang nauutal na sinabi, "Binibini, ang Lady ng Tang ay ang reyna ng imperyo ng Tang!"

Ang palasyo ng Feng Yuan ay kung saan naninirahan ang reyna. Isang oras nang naghihintay, hindi pa rin pinapatawag ng reyna si Chu Qiao. Pagod na pagod na siya at bahagya nalang naimumulat ang mata. Nahihirapang ayusin ang nakayuko niyang postura, lubos siyang naaasar sa lason. Sa katagalan, hindi siya binigyan ng lason ng maraming problema bukod sa ginagawa siyang antukin at pagod. Ngayon, umaasa nalang siya na makakahanap si Li Ce ng lunas para sa kanya.

Pagkatapos ng hindi malaman na tagal na parang habang buhay, isang tagasilbi ang lumabas at sinabihan siya na hindi maganda ang pakiramdam ng reyna ngayon at makakabalik na si Chu Qiao. Kahit na naiinis si Chu Qiao, kinontrol pa rin niya ang pasensya niya at magalang na yumuko bago kinaladkad ang paa palabas ng residensya ng reyna.

Alam niya na inoobserbahan siya ng reyna kanina pa, ngunit matapos ang lahat, nasa imperyo siya ng Tang, at mahina pa ang katawan niya. Hindi ito ang magandang oras na madamay siya sa gulo.

Pagkatapos niyang lumabas ng silid, humikab siya, tapos ay nakakita ng aninong dumaan sa harap niya. Napatalon pabalik, napagtanto niyang si Li Ce lang iyon, na mukhang kakagising lang.

Agad nawala ang antok ni Chu Qiao at may pagkalito siyang nagtanong, "Naghihintay ka lang sa pinto kanina pa?"

Humihikab na sumagot si Li Ce, "Nang marinig ko na pinatawag ka ni ina para makipag-usap, pumarito ako para mag-obserba."

Natigilan si Chu Qiao sa tugon na iyon. "Bakit hindi ka pumasok?"

"Mainit sa loob." Halatang nagbigay si Li Ce ng walang katuturang dahilan, bago nagtaas ng kilay at nagpaliwanag, "Natakot ako na magsisimula kayong mag-away sa gitna ng pag-uusap, kaya nanatili ako para pigilan ang away kung mangyari man ito."

Medyo nagulat si Chu Qiao sa katwiran ni Li Ce at nagtanong, "Ganoon kasumpungin ang pasensya ng nanay mo?"

"Medyo hindi pangkaraniwan sa matandang babae na kakaibang kumilos minsan." pabayang sagot ni Li Ce. "Saka, may galit siya lagi sa akin. Hindi ko magagarantiya na hindi niya susubukang pahirapin ang buhay mo."

Hindi na nag-aksaya ng oras sa mga komiko nito, naglakad siya palayo at sinabi, "Pagod na ako. Gusto ko nang umalis at matulog."

Sumang-ayon si Li Ce, "Sige, pagod din ako. Magsabay na tayong matulog?"

Tumalikod at kinukumpas ang kamao kay Li Ce, ngumiti si Chu Qiao. "Kung hindi ka natatakot na mamatay, maaari kang pumunta at subukan."

Napatawa si Li Ce bilang tugon. "Hindi naging problema sa akin ang banta ng mga babae."

Sa puntong ito, isang batang tagasilbi ang tumakbo palapit at tinawag si Li Ce, "Prinsipe, papasok sa palasyo ang anak na babae ni Mister He. Bibisitahin niya ang ika-apat na prinsesa."

Agad na gumaan ang pakiramdam ni Li Ce. Nagpaalam siya kay Chu Qiao, "Qiaoqiao, mayroon akong importanteng bagay na kailangan bigyan ng pansin, sa susunod nalang!" nang nasabi iyon, bago pa man makatugon si Chu Qiao, nakaalis na siya kasama ang tagasilbi.

Mahalagang bagay? Libang na napatawa si Chu Qiao. Gayunman, ang makisalamuha sa ganitong klaseng tao ay maganda para sa kanya, dahil hindi siya emosyonal na matatali sa dito.

Pagkatapos sumakay sa karwahe, nakatulog agad si Chu Qiao pagkaupo niya.

Sa kailaliman ng gabi, marahas na nagising si Chu Qiao sa tunog ng iyak ng tao. Umapuhap paalis ng higaan, tinawag ni Chu Qiao si Qiu Sui. Malinaw na gising pa si Sui at nasa labas lang ng tumawag si Chu Qiao, kaya mabilis siyang pumasok sa silid at sinabihan siya, "Binibini, huwag kang mag-alala, si Lady Hongluan lang iyon. Nagpadala na ako ng mga tao para paalisin siya."

Nakaramdam ng kakaiba, nagtanong si Chu Qiao, "Anong nangyari?"

"Sa kinagabihan nang pabalik na tayo, nakasalubong natin si Lady Hongluan at ang kapatid niya, si Lady Qiuhe. Tapos ay inutusan ni Lady Qiuhe ang mga tauhan niya na itulak ang karwahe natin, at halos matulak na ang karwahe mo sa lawa. Tsansa naman na nasaksihan ng ilang Iron Guards ang insidente, at naiulat ito sa kamahalan. Tapos ay ipinatapon ng kamahalan si Lady Qiuhe sa silid pahirapan. Umiiyak ngayon si Lady Hongluan para sa pagpapatawad mo. Pero binibini, ang magulong pulitika na ito ay hindi mo dapat pakialaman. Sa isipin na iyon, pinaalis siya ng tagasilbing ito."

Mukhang nakita siya ng mga babaeng iyon bilang kalaban. Hamak na mga babae lang iyon na nahihirapan makakuha ng atensyon kaya hindi masyadong nag-isip si Chu Qiao. Ngunit sa loob-loob, nagulat pa rin siya sa epekto ng lason na kumakalat sa katawan niya. Kahit na may tumutulak na sa karwahe niya, hindi niya ito namalayan. Napaka pabaya niya doon.

Pagkagising kinabukasan, ang pansamantalang lawa ay nakompleto na. Magandang lumalangoy ang ilang goldfish dito. Sumandal si Chu Qiao sa bintana sa tabi ng lawa, inunat ang kamay at hinahalo ang tubig sa lawa. Bigla, ang matalas niyang pandinig ay nakarinig ng ilang boses. Mukhang isa itong pag-uusap sa pagitan ni Qiu Sui at ng isa pang tagasilbi na si Zi Chan.

Nagkomento si Qiu Sui, "Ang brusko nila! Maraming babae sa palasyo. Kahit na hindi niya nagawa ang pagkakamali na ito, darating pa rin ang araw na mamamatay siya dito."

Bumuntong-hininga si Zi Chan bilang tugon. "Siguro naisip niya na madali lang maloko ang kamahalan. Pero tignan mo ang nangyari. Ang mga babae sa imperyo ng Song ay namatay lahat o nasugatan, at walang kahit isa ang natira."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng katulong? Ang katotohanan na ang Tang Prince natin at ang imperyo ng Xia ay pumasok sa alyansa ay para sa hangarin na ilayo ang bansa natin sa imperyo ng Song, kaya ang mga babaeng iyon mula sa imperyo ng Song ay hindi na magtatagal. Ngayon ay nakita na natin na nangyari na ang sinabi niya!"

"Ano? Magkakaroon tayo ng digmaan laban sa imperyo ng Song?" tanong ni Zi Chan.

"Hindi ko alam, pero hindi ba't nakipaglaban lang tayo sa bundok ng Laohu? Kahit na maliit na laban lang iyon, narinig ko na maraming nasawi. Sa pagtatapos ng laban doon, malapit nang bumalik sa capital si Master Luo." saad ni Qiu Sui.

"Mukhang nagalit talaga ang Kamahalan ngayon. Hindi ko pa siya nakitang ganoon kagalit dati! Ang lalim ng gulong pinasok ni Lady Hongluan ngayon. Hay, kasing liwanag ng araw na gusto ng Kamahalan ang binibining ito ngunit hindi niya naintindihan iyon."

Naglaban lang kamakailan ang imperyo ng Tang at imperyo ng Song? Napasimangot si Chu Qiao. Naiintindihan na niya kung bakit bigla nalang bumuo ng alyansa ang imperyo ng Tang sa imperyo ng Xia. Kahit na mukhang hindi nag-iisip at walang kabuluhan si Li Ce, siya pa rin ang tagapagmana sa trono ng imperyo. Napagtanto niya na mas maganda kung hindi niya ito masyadong mamaliitin.

Sumapit ang gabi. Habang ang maliwanag na parang pilak na buwan ay nakalambitin sa kalangitan, ang malinis na puting sinag ng buwan ay iniilawan ang silid mula sa puwang ng mga bintana. Nakasuot ng kulay pearl na bistida, nakakalat sa higaan ang kanyang itim na itim na buhok. Nakasimangot na gumising si Chu Qiao. Nang makitang nirereplekta ng alon ang malumanay na sinag ng buwan sa labas ng kanyang bintana, natigilan ulit siya sa pagka engrande ng palasyong ito. Dahil matagal na nakatulog kaninang umaga, hindi na siya masyadong pagod ngayon.

Pag-upo, nag-ingat si Chu Qiao na huwag magising ang mga tagasilbing nagpapahinga sa labas. Naglakad palapit sa bintana, binuksan niya ang isang parte nito para lang makakita ng puno ng crabapple na namumulaklak sa labas. Bahagyang umugoy sa hangin ang sanga. Sa maingat na hawak lang, nilipad ang mga talulot pababa sa damit ni Chu Qiao.

Sa lawa, mayroong magaan na nagpepedal sa maliit na bangka at may malambot na musika ng pluta na umaalingawngaw sa hangin. Medyo natigilan sa kinikinitang tanawin na ito, naiilang na nakatayo si Chu Qiao, hindi makapagsalita, para bang aksidente siyang pumasok sa kaharian ng mga diyos. Hindi nais na maistorbo ang mga tagasilbi, itinaas niya ang palda, at may magaan na talon, tumapak siya sa sanga ng puno, at sa bagong lagay na watermill, bumaba siya mula sa pangalawang palapag. Sa pagsirko ng katawan, patag siyang lumapag sa malambot na lupa.

Ang sariwang lupa ay ebidensiya na kakalipat lang ng puno mula sa kung saan. Natandaan ni Chu Qiao kung paanong pabirong sinabi ni Li Ce na ililipat niya ang puno ng crabapple sa palasyo, at medyo nagulat na ginawa niya talaga iyon.

Sa kung anong rason, bahagyang nanginig ang puso ni Chu Qiao nang pinilit niya ang sarili na tumalikod sa puno, na parang natatakot siya na mapukaw pa niya ang emosyon na iyon. Malapit nang matapos ang tag-init ngayon, at ang gabi ay hindi na nakakapagpaalaala ng napakainit na araw ng tag-init, at nag-umpisa nang lumamig. Inangat ang kanyang damit, dahan-dahang hinila ni Chu Qiao ang kanyang paa, kung saan ay nakasuot ng hindi komportableng sapatos na may burda, habang naglalakad siya sa kahoy na tulay. Ang maginaw na simoy ay hinipan ang malambot niyang damit habang nagdarang siya sa kalat-kalat na kislap ng bituin na nagliliwanag sa walang ulap na panggabing kalangitan. Ang maliit na buwan ay mahinang kumislap habang ang paminsan-minsang parada ng manipis na ulap ay nagkataong dumaan, subalit kung hindi ay nagbigay ito ng pantay na liwanag sa lupa.

Labis na payapa ang nararamdaman ni Chu Qiao, isang emosyon na matagal na niyang hindi nagagamit. Nang hinaplos ng mahinang simoy ang pisngi niya, pakiramdam niya ay isa lang itong nakamamanghang kaharian mula sa panaginip. Habang naglalakad sa tulay, isang koi na isda ang biglang nagtilamsik ng tubig, nagpadala ng konsentrikong maliit na alon sa kalmadong ibabaw ng tubig. Pantay na kumalat, may ginawa nitong payapa ang tanawin.

Walang kasi sino ang nasa paligid, kaya simple na nagdesisyon si Chu Qiao na umupo sa tulay. Nakahawak sa kahoy na hawakan bilang suporta, inobserbahan niya ang mabagal na nawawalang munting alon sa lawa habang ihinilig ang kanyang ulo sa kahoy na baranda.

Nakalimutan na niya kung kailan siya huling naging payapa nang siya lang. Ang pagpunta sa imperyo ng Tang na ito ay parang hinugasan ang lahat ng pagod at pagkauhaw sa dugo sa loob niya. Sa wakas, makakabuntong-hininga na siya sa ginhawa, alam na hindi na ito ang syudad ng Zhen Huang, hindi na ang imperyo ng Xia, at malayo siya mula sa pagpatay at labanan. Sa wakas ay ligtas na siya at mahahabol na ang hininga niya.

Sa walong taon na iyon, kahit na hindi siya nagreklamo sa hirap, karaniwan na mapapagod siya.

Mainit kaya ang hangin sa Yan Bei katulad dito? Nang maisip iyon, napangiti si Chu Qiao.

Imposible iyon. Buong taon na nababalot ng yelo ang lupain ng Yan Bei, ang malakas na hangin na nagdadala ng tagos-butong lamig. Ang tanging lugar na maberde ay ang madamong lambak sa paligid ng kabundukan ng Hui Hui kung saan ay makahuhuli ng kabayo. Ang sabi ni Yan Xun, naninirahan ang diyosa ng Yan Bei sa bundok ng Min Xi kung saan niya pinoprotektahan ang supling ng Yan Bei. Sa buong buhay niya, nakatayo siya sa tuktok ng pinakamalamig na bundok, tinitignan ang hindi mabilang na nabubuhay na abala sa buhay sa baba ng bundok. Patuloy na nakikipagkumpitensya sa kalangitan para sa liwanag at init, tapos ay ipinagkaloob niya ito sa Yan Bei.

Tungkol sa Yan Bei, kahit ang diyosa ng Yan Bei, kahit na mahabagin at maaruga, ay isang mandirigma sa paraan niya. Katulad noon, bawat pulgada ng lupain ng Yan Bei ay bunga ng pakikibaka ng mga sibilyan sa natural na sakuna at walang humpay na digmaan. Ang Yan Bei ay tunay na lipi na umahon mula sa kumpol-kumpol ng buto at bangkay. Sa ugat ng bawat halaman, bawat bulaklak, ay lupa na, sa isang punto ng panahon, ay nababad sa dugo ng mandirigma ng Yan Bei. Sa bawat hangin, mayroong espirito ng sundalo ng Yan Bei na nagbigay ng buhay nila para sa patuloy na pagkaligtas ng bansa. Ganoon ang Yan Bei, isang lupain na puno ng paghihirap, gayon pa man ay walang sumuko.

Hindi pa mismo nakikita ni Chu Qiao ang kabundukan ng Yan Bei at narinig lang ito sa deskripsyon ng iba. Sa madilim na mga oras, napakahirap na mga araw, iyong mga miserableng panahon, ang pag-usapan ang Yan Bei at mga bundok at madamong kapatagan ay ang pinaka kasiyahan nila ni Yan Xun. Yuyukyok sila sa isang gilid, ngunit papalawakin nila ang kanilang imahinasyon, bumubuo ng lugar sa kanilang isip kung saan malayang tumatakbo ang grupo ng ligaw na kabayo, na may paliku-likong daloy ng ilog tungo sa abot-tanaw. Sa malamig at madilim na taglamig ng kanilang buhay, ganoong mga litrato ang kislap ng pag-asa na hawak-hawak nila. Mga taong hindi nakaranas ng ganoong araw ay hindi lubos na maiintindihan ang pakiramdam ng lubos na umasa sa isang tao.

Sa loob ng nakakasakal, nakakarimarim, nakakabaliw na royal capital, sila ay dalawang batang lobo, magkatalikod na umaasa sa isa't-isa, winawasiwas ang maliliit na pangkalmot. Wala silang magagamit na pangharang, o kahit sinong mahihingian ng tulong. Walang maaasahan, dumikit sa isa't-isa at kunin ang tapang na patuloy na mabuhay mula sa tingin ng isa't-isa ang tanging magagawa nalang nila.

Sila ay hindi mapaghihiwalay na magkakampi, malapit na kaalyado, at hindi maiaalis na magkapamilya. Ang magulong emosyon na ito ay matagal nang lumagpas sa simpleng pagmamahal sa pagitan ng lalaki at babae, at sumanib na sa kanilang kaluluwa, naging parte na ng sarili nila.

Karamihan ng oras, walang oras si Chu Qiao para isipin kung ano ang karaniwang pinag-aalala ng mga babaeng kasing edad niya. Sa maikling buhay pa lang niya, abala na siya sa pagtakbo, pakikipaglaban, pagpaplano, at bilang resulta, inilibing niya ang likas niyang kaisipan. Siya ay isang lohikal na tao at alam kung ano ang gusto niya, kung ano ang hindi niya dapat makasalamuha, at kung ano ang nasa hinaharap niya. Dahil doon, maingat siyang humahakbang na walang pagkakamali. Kahit na ang ganoong tao ay nakakabagot at hindi kawili-wili, tinanggap niya kung sino siya.

Ipinikit ang mata, huminga siya ng malalim, iniisip ang papalapit niyang pagdating. Nararamdaman niyang dala-dala ng hangin ang kagustuhan nitong makasama ulit siya.

"Hanggang kailan mo balak na umupo dyan mag-isa?"

Gulat sa biglang tanong, lumingon si Chu Qiao, para lang makita si Li Ce na nakasuot ng pine green na kasuotan. Ang sinturon ng kanyang damit na maluwag na nakatali, at ang kanyang kwelyo ay bukas na bukas. Ang kanyang buhok ay maluwag na nakatali ng silk. Ang mahusay na natutukoy na mga mata ay parang naniningkit sa ilalim ng liwanag ng buwan, at mukha siyang fox na kakagising lang, inaantok pa mula sa malalim na pagkakahimbing. Abot-tainga ang ngisi kay Chu Qiao, inunat niya ang payat na kamay at humikab.

Related Books

Popular novel hashtag