Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 126 - Chapter 126

Chapter 126 - Chapter 126

Ang mabangong pagkain ay dala-dala ng binata. Gumagawa ng hindi malamang tunog, mukhang sinasabihan sila ng lalaki na kumain. Mukhang pipi ang lalaking ito. Nakasunod sa likod ng lalaki ang batang may-ari at kakaibang tumingin kay Chu Qiao at Li Ce. Sindak na tumingin pabalik si Chu Qiao dito. Na parang naramdaman ang tingin niya, ngumiti ang may-ari at sinabi, "Binibini, hindi ka nagkakamali, bulag ako."

Nang dumating sa lamesa ang bihon, nag-umpisa nang kumain si Li Ce.

Nilamon ng hiya si Chu Qiao nang sumagot siya, "Oh, pasensya na."

"Ayos lang," sagot ng may-ari bago bumulong, "Bulag na ako simula pagkabata, hindi naman siya mahirap bukod sa pamamalengke ng pagkain."

Nag-umpisa nang kainin ni Chu Qiao ang mangkok ng bihon niya, ngunit bigla siyang may naalala. "Kung hindi ka nakakakita, paano mo nalaman na tawagin akong 'binibini'?"

"Nakaamoy ako ng magnolia. Bagong pitas na magnolia pa nga."

"Oh, ganon ba." Tango ni Chu Qiao at humanga, "Matalas ang pang-amoy mo."

"Bulag ako kaya kailangan kong punan ang iba kong pandama."

Sa oras na ito, isang pagtambol ang maririnig. Mukhang may mga nagtatanghal na naglagay ng entablado sa gilid ng kalye. Sa puntong nagsimulang kumanta ang aktor, maraming mga bata ang nagsilapitan at agad na dinagsa ang lugar.

Kasama na doon ang bata sa tindahan ng bihon na ito, tumakbo siya palabas ng tindahan para tignan ang pagtatanghal. Bago pa man siya mamasdan mabuti ni Chu Qiao ay sumugod na siya sa mga tao. Ngunit alas, sayang na bata pa siya, ang maliit niyang katawan ay madaling naalis ng mga tao. Nang bumagsak siya ay nag-umpisa siyang malakas na umiyak.

Nang marinig ang pag-iyak, tinapik ng may-ari ang likod ng kanyang asawa. Nang napansin ang umiiyak na bata, nilapitan ito ng lalaki at bumalik sa tindahan. Gamit ang kanyang manggas na pinunasan ang luha nito. Tapos ay naglagay siya ng prutas sa kamay nito bago bumalik sa trabaho. Nagpatuloy sa pag-iyak ang bata na parang may nagawang mali sa kanya ang kalangitan. Napatanong si Chu Qiao habang inoobserbahan ang bata, "Li Ce, may mga anak ka ba?"

"Syempre! Paanong hindi ako magkakaanak kung napakasikat ko sa mga kababaihan?" Sagot ni Li Ce habang kumakain.

Parang hindi siya narinig, nagpatuloy sa pagsasalita si Chu Qiao, "Napaka ganda maging bata. Kapag nalulungkot siya, iiyak lang siya. Kapag masaya siya, maaari niya itong itawa. Lahat ay napaka simple at direkta lang."

"Pwede mo rin gawin iyon." Humigop si Li Ce sa kanyang sabaw at nag-angat ng ulo para pantayan ang tingin ni Chu Qiao bago nagkomento, "Oy, Qiaoqiao, kumakain tayo, pwede bang huwag na muna tayong magreplekta tungkol sa buhay? Kahit ang sabaw ay hindi na masarap."

Tinitigan lang siya ni Chu Qiao tapos ay bumalik na sa pagkain. Sa gitna ng pagpukpok ng pompyang at tambol ng pagtatanghal, maririnig na isa sa mga nagtatanghal ay nag-umpisang kumanta. Maganda ang tono at ang boses ay pirmi, ang tanging problema lang ay pananalita ito mula sa imperyo ng Tang, kaya hindi man lang ito maintindihan ni Chu Qiao. Si Li Ce, sa kabilang banda, ay nandoon ang buong atensyon. Ngunit bago pa man matapos ang isang bahagi, bigla siyang napaiwas at napabuga ng tsaa!

Dahil umiwas si Li Ce, maswerte si Chu Qiao na hindi naduraan. Ngunit hindi iyon masasabi sa bata na nakaupo sa gilid ni Li Ce. Ang mukha nito ay naliligo na ng tsaa. Gulong-gulo siya na tipong napatigil ang pag-iyak niya.

Agad na nagmadaling pinunasan ni Li Ce ang mukha nito. Habang pinupunasan, hindi niya nakalimutan na purihin ito. "Sa pagtingin lang sa iyon ina ay alam ko nang maganda ka. Pasensyahan mo na ako."

Interesadong tumingin si Chu Qiao sa kanya. "Anong nangyari sayo?"

Nagkibit-balikat si Li Ce at sinabi, "Wala iyon."

Subalit, ang bata, lumapit ito at umupo sa tabi ni Chu Qiao. Iniunat ang mataba nitong kamay, sinabi niya, "Bigyan mo akong pera."

Gulat na napatanong si Chu Qiao "Pera?"

Tumango ang bata at nagpaliwanag, "Dinumihan niya ang damit ko. Dalawang barya ang halaga ng paglaba dito."

Interesadong humilig si Li Ce at nagtanong, "Saan mo kailangan ang pera?"

Seryosong-seryoso na sumagot ang bata, "Gusto kong panoorin ang pagtatanghal!"

"Qian'er, tama na ang walang kapararakan!" Nakasimangot na tinawag ng may-ari ng tindahan ang bata, "Pumarini ka rito, wag mong istorbohin ang mga panauhin!"

"Ayos lang, hindi naman na kami nagugutom." Kinumpas ang kamay na pinagkibit-balikat lang ito ni Li Ce.

Matagal na hindi nakakain si Chu Qiao, kaya natural na gutom na gutom siya. Nang marinig na pinahayag ni Li Ce na hindi sila gutom, harap-harapan siyang sumuway at kumain ng isang malaking subo ng bihon.

Hawak ang baba, malinaw na nagka-interes ang batang babae kay Chu Qiao nang nagtanong ito, "Marunong ka bang kumanta?"

Umiling si Chu Qiao at sumagot, "Hindi. Ikaw?"

Dismayadong nagmukmok ang bata. "Hindi ko rin alam."

"Pero naiintindihan mo ang kinakanta?"

"Syempre naiintindihan ko." Kakaibang tumingin ang bata kay Chu Qiao. "Hindi mo naiintindihan?"

Tumango si Chu Qiao dito.

May interes na nagliwanag ang mata ng bata. "Kung gayon ay kukwentuhan kita ng isang istorya." Hindi hinintay ang tugon ni Chu Qiao, nag-umpisa siyang ikwento ang istoryang naikanta lang kanina sa pagtatanghal.

"Ang parteng ito ay kwento ng isang prinsipe at isang maganda."

Bahagyang nakanguso na kumontra si Li Ce, "Totoo yung sa parte ng prinsipe, ngunit yung sa parte ng maganda ay hindi makatotohanan."

"Kulang ka sa pananaw!" Sagot ng batang babae. "Natural na mapapaligiran ng magaganda ang prinsipe! Halimbawa nalang ng crown prince natin. Ang kanyang palasyo ay napapaligiran ng magaganda. Kapag lumaki na ako at naging maganda, titira din ako sa palasyo niya."

Nang marinig iyon, napahagikgik si Li Ce at binigyan siya ng konting tapang. "Oo, may pananaw ka talaga! Ipagpatuloy mo yan, magagalak ako para sayo."

Nang marinig iyon, tinitigan ni Chu Qiao si Li Ce.

Ipinagpatuloy ng bata ang kanyang kwento, "Isang araw, ang bayang sinilangan ng prinsipe ay sinira ng isang tao. Ang mga magulang at mga kapatid ay pinatay lahat, at naiwan siyang walang tahanan at kapangyarihan. Nakilala niya ang magandang babae na nagligtas sa kanya, at nagkagustuhan sila."

Taimtim na nakatingin kay Chu Qiao, seryosong nagpatuloy ay batang babae, "Mahal niya ang babae, at mahal siya ng babae. Nangako silang habang buhay na magkakasama, hindi aabandunahin ang isa't-isa."

Sa loob ng matindi niyang tingin, makakakita ng pagka-inosente at pagkapuro. Nakatingin pabalik sa bata, naramdaman ni Chu Qiao na parang natusok ng karayom ang kanyang puso, bahagyang sumasakit.

Ang boses ng kumakanta ay lumalim at namaos. Para bang nakababad sa nagyeyelong tubig ay kamay ng isa, binibigyan ang mga nakikinig ng malabong pakiramdam ng pagkalumbay.

Tapos ay sinabi ng bata, "Ngunit hindi masaya ang prinsipe. Hindi pa naisasakatuparan ang paghihiganti niya. Kung kaya, nagdesisyon ang magandang babae na tulungan ang prinsipe na mabalik ang kapangyarihan niya."

Sumingit ulit si Li Ce, "Isa lang siyang babae na walang pera o kapangyarihan, paano siya makakatulong?"

"Sinabi na natin na isa siyang napakagandang babae!" Naiinip na paliwanag ng bata, "Ang ganda ay pera, ang ganda ay kapangyarihan, ang ganda ay isang sandata. Paanong hindi mo maintindihan ang isang simpleng konsepto?"

Nang marinig iyon, tumawa ng mula sa puso si Li Ce. Noon din ay tumindi ang musika, at ang boses ng kumakanta ay lumakas at luminaw, nagbibigay ng impresyon ng isang papasikat na araw sa abot-tanaw!

"Pagkatapos noon, nakilala ng maganda ang heneral. Ang heneral ay ang mortal na kaaway ng prinsipe, ngunit nahulog din ito sa magandang babae. Nang makitang malungkot ang babae, nalungkot din siya. Sa parehong oras, isang batang prinsipe mula sa ibang bansa ay nakilala din ang babae. Nahulog din siya sa babae. Ngunit sa kasamaang palad, hindi siya gusto ng babae."

Habang seryosong ikinukwento ang istorya, nilublob ng bata ang mataba niyang mga daliri sa tsaa at gumuhit ng apat na taong patpat tapos ay sinabi, "Puno ng poot, nagpadala ang prinsipe ng mga tao para manambang at pinakiusapan ang babae na papuntahin ang heneral para makipagnegosasyon. Hindi alam ng babae ang tungkol doon, pero alam ng heneral, pero pumunta pa rin siya, at sa huli, napatay siya ng prinsipe."

"Ano?" nagulat si Chu Qiao sa pagbaliktad ng pangyayaring ito nang ang pataas niyang antisipasyon ay nadurog.

Binura ang taong patpat na nakaguhit sa lamesa, nagpatuloy ang bata. "Sa pagkamatay ng heneral, nagawang mabalik ng prinsipe ang kanyang kapangyarihan at naging dakilang emperor. Nalungkot ang magandang babae dahil naloko siya, kaya iniwan niya ang emperor na ito at sumama sa batang prinsipe mula sa ibang bansa. Nagalit dahil doon, nilusob ng emperor ang lupain ng batang prinsipe. Pagkatapos ng malubhang labanan, natalo ang mahinang pwersa ng batang prinsipe at namatay ito sa laban."

Binura ulit ng bata ang isang taong patpat, nirerepresenta na may namatay ulit.

"Napakalungkot ng babae kaya lumayo siya. Hindi nagtagal ay nagkasakit siya sa pagod at namatay din."

Nabura din ang babae mula sa lamesa, at isang taong patpat lang ang natira sa dito. Tapos ay nagpahayag ang bata, "Dahil doon, tanging ang emperor lang ang natira sa mundo."

Nagbigay ng mukhang tangang ngiti si Li Ce nang nagtanong ito, "Wakas na?"

Natural na sumagot ang bata, "Oo, wakas na."

"Ano ba namang klaseng pagtatanghal ito?"

"Isa itong trahedya." Sagot ng batang babae.

Wala sa kondisyon ngayon si Chu Qiao para panoorin si Li Ce na makipagbangayan sa bata. Habang nakatingin sa natirang taong patpat sa lamesa, medyo nasindak siya. Nang umihip ang hangin, tapos na ang pagtatanghal. Lumabas mula sa likuran ang amo at humingi ng tip. Ngunit karamihan sa nanood ay mga bata. Paano sila magkakaroon ng pera para magbigay ng tip sa mga nagtanghal? Hindi nagtagal, nawala na ang kumpol ng tao, at iniwan ang bakanteng entablado. Sa tabing, isang anino ng manika ang makikita. Mukha itong mabangis at malakas habang may hawak na espada. Ngunit sa isang tingin, bakanteng-bakante ang entablado, at kahit ang mga sundalo ay wala na sa paligid niya.

Pagkatapos kumain, nagpatuloy gumala sila Li Ce at Chu Qiao sa mga kalye. Ang istoryang kinwento ng bata ay bahagyang nagpainis kay Chu Qiao. Medyo naguguluhan siya sa sarili niyang nararamdaman, at kahut na nakaramdam siya ng kaunting lungkot, hindi niya alam kung bakit.

Sa daanang ito, maraming mga tao at templo. Ang imperyo ng Tang ay isang bukod na bansa, at maraming relihiyon at denominasyon. Mayroong mabilog na buddha, ang magandang diyos ng tubig, at kahit ang mga bumagsak na diyos na may scroll ng anting-anting na nakadikit sa kanilang noo. Maganda na ang mga lokal ay may bukas na pag-iisip, at hindi nila nilalabanan ang paniniwala ng isa't-isa. Habang naglalakad sa kalyeng ito, maraming natanggap na kahoy na plaka si Chu Qiao, katulad ng mga brosyur ng modernong panahon.

Sa daan, mayroong puno ng crabapple na namumulaklak. Nang lumagpas sila Chu Qiao at Li Ce dito ay umihip ang hangin, at ang mga talulot ay bumagsak na parang ulan sa dalawa.

Masayang hinangaan ni Li Ce ang puno at nagpahayag, "Ang ganda ng punong ito. Dapat kumuha ako ng isang tao para dalhin ito pabalik."

Isang dumadaan ang nakarinig sa kanya at binigyan siya ng kakaibang tingin. Nagtataka siguro siya kung bakit napakayabang ng taong ito para ilipat ang puno ng komunidad.

"Tignan mo, mayroong nagtatanghal doon!" Pahayag ulit ni Li Ce. Hila-hila si Chu Qiao, tumakbo siya tungo sa nagtatanghal. Ngunit sayang, napalibutan na ng tao ang nagtatanghal at hindi silang dalawa makakita.

Mabilis mag-isip, kumuha ng ilang pilak si Li Ce at pinalitan ito ng maraming salapi sa malapit na tindahan. Hindi maingat na umakyat sa ilang akyatan malapit sa tanghalan, sumigaw siya, "Libreng salapi! Halika at kunin niyo!" Bago ikinalat ang mga salapi.

Agad na natigilan ang mga tao, ngunit nang makita na mayroon talagang nagtatapon ng pera, agad silang nagkumpol dito.

Nang makita ito, ikinalat ni Li Ce ang natitirang barya at hinila si Chu Qiao tungo sa mga nagtatanghal. Ngunit nang marating ang gitna ng mga tao, hindi sila makaimik. Kinalabasan na ang mga nagtatanghal ay pumulot din ng barya! Ngayon, sa buong lugar, tanging silang dalawa lang ang nakatayo na parang tanga na ayaw sa libreng salapi.