"Tiyo! May mga nakasulat dito!"
Tumakbo pabalik sa tabi ng apoy si Zhuge Yue at tinignan ang ilang salita na nakaukit sa dingding. Mapwersa ang guhit, pinapakita na ang taong nagsulat noon ay maraming komplikadong emosyon.
Aalis ako, hindi na kailangan pang hanapin ako. Hindi ako babalik para maghiganti. Alagaan mo mabuti si Mo'er.
Sa ilalim ng mga salitang ito, mayroong isa pang linya ng sulat na basta-basta sinulat.
Salamat, Zhuge Yue.
Salamat sakin? Para saan? Sa hindi pagpatay sayo? Sa pagtulong sayo? O sa pag-alaga sa batang ito?
Biglang sumigaw sa galit si Zhuge Yue at sinipa ang tumpok ng sanga sa gilid. Natigilan si Mo'er, naduduwag na umatras sa gilid, hindi nangangahas na lapitan siya.
Malaki ang hakbang na naglakad siya, gustong tumakbo palabas ng kweba.
"Tiyo!" ang bata, takot na maabandona, ay tumawag, "Saan ka pupunta?"
Tama, saan siya pupunta? Para habulin siya? Anong karapatan ang mayroon siya?
Tumawa bigla si Zhuge Yue at itinapon ang mga bagay na hawak niya. Tumayo siya sa bakanteng kweba, tumingala, huminga ng malalim, at bumulong sa sarili, "Zhuge Yue, ang tanga mo!"
Malakas ang ulan sa labas, sapat para bumaha sa ilog. Tumakbo sa mabigat na ulan ang kabayo ni Chu Qiao. Ang kanyang isip ay blanko. Lahat ng pangyayari ay nagsimulang magkonekta sa isip niya. Pinagalitan niya ang sarili sa pagiging bobo, na kailangan niya makita ang nangyayari para maintindihan ito lahat. Kumukulo ang dugo niya. Ang tingin ng mga mata niya ay maliwanag, at ang kanyang paghinga ay mabilis. Tumakbo ang kabayo sa bundok.
Ang kalangitan ay madilim at malamig. Pagkatapos ng mahabang oras, lumabas ang lambak sa paningin ni Chu Qiao. Nanghihina siya habang nakaupo sa likod ng kabayo. Nakatingin sa ngayon ay bakanteng lambak, nagsimula siyang kumalma. Tumalon siya pababa ng kabayo, maingat na naglalakad sa maputik na tubig. Katulad ng inaasahan, nakita niya ang maliit na bangkay ni Xingxing sa orihinal na lugar kung saan niya ito nakita.
Apat na oras ang makalipas, isang panibagong puntod ang naitayo sa lugar na iyon. Sa ilalim ng puntod ay nakahimlay ang tatlong inosenteng buhay na nawala. Tumayo si Chu Qiao sa harap ng puntod habang nakatusok ang kanyang espada sa gilid. Lumuhod siya sa lupa, hindi pinapansin ang dumi.
"Xingxing, patawad," mahinang bulong ni Chu Qiao na may pighati sa kanyang boses. "Hindi na maipaghiganti ni ate ang kamatayan mo." Mababa siyang mabigat na yumuko sa lupa, dahilan para tumilamsik ang maputik na tubig.
Tahimik siyang lumuhod sa lupa. Marami siyang gustong sabihin, ngunit ang lahat ng ito ay hindi kapani-paniwalang mapanuya pakinggan. Hinawakan niya ang tuyong dayami sa lupa. Ang kanyang tingin ay determinado, ngunit tumutulo pababa ng mukha niya ang kanyang luha. Hindi niya alam kung nalulungkot siya sa pagkamatay ng bata o iba.
"Patawad! Hindi ko magawa iyon!" Nasasamid ang kanyang boses. Tumayo siya, umakyat sa likod ng kabayo, at mabilis na tumakbo tungo sa direksyon ng Tang Jing.
Hapon na ngunit madilim ang kalangitan. Ang madilim na ulap ay nasa kalangitan, nagbibigay ng nakakasakal na pakiramdam. Umihip tungo sa gubat ang hangin, dahilan para marinig ang kaluskos na tunog. Lahat ay nakatuon sa aninong nawawala na sa kalayuan, kasama ang ang bagong tayong puntod. Malakas ang bagyo dahilan para bumagsak sa lupa ang mga dahon. Kailan hihinto ang mapanglaw na panahong ito?
Kasunod noon, lagpas isang daang milya ang layo, nagbukas ang gate ng syudad ng Tang Jing. Isang marilag na karwahe ng kabayo ang mabilis na lumabas. Ang nagpapatakbo ng karwahe ay nasa 18 o 19 na taon gulang. Malungkot siyang tignan na sinasabi sa lalaking nasa loob ng karwahe, "Iyong kamahalan, hindi na ako makakabilis pa. Halos wala nang hininga ang kabayo!"
"Bilis, bilis!" Sigaw ng lalaki sa karwahe at nagpakita ng malademonyong mukha. Nakasuot siya ng puting roba, kahalintulad ng sa pangkasal na kasuotan. Nanlaki ang mata niya at nag-utos, "kapag nahuli pa rin ako ngayon, iuutos ko na ipadala ang dalawang kapatid mong babae sa palasyo para maging kerida."
Nagulat ang binata nang marinig ang sinabi nito. May daliy ng lakas niyang pinalo ang puwet ng kabayo. Mahabang humalinghing ang kabayo at mas mabilis pang tumakbo tungo sa harap.
Yuping Peak, Ponan Lake.
Pagkatapos ng bagyo, ang mga bulaklak ng lotus ay lumubog na sa ilalim lawa, nag-iwan ng itim na sangang nakalutang sa ibabaw. Ang paminsan-minsang ibon ay dumapo sa ibabaw na bumuo ng ilang alon. Umihip ang malamig na hangin sa ibabaw ng lawa. Mayroong kahoy na tulay na binuo patawid sa lawa, hinigpitan ng tali at kahoy na tapakan. Kahit na minadali itong dinesenyo, natural itong tignan, nagbibigay ng pakiramdam ng isang tula.
Mahina ang hangin; ang puting bulaklak sa gilid ng lawa ay namumulaklak. Lumangoy sa tubig ang mga isda, ang mga buntot ay bahagyang gumagalaw, nagtataka kung anong nangyayari sa ibabaw ng tubig. Ang langit ay kulay asul, walang mga ulap matapos ang bagyo. Maliwanag na sumikat ang araw sa langit, sa puntong nakakasilaw na ito. Malapit na ang takipsilim pero maliwanag pa rin ang tanawin.
Ang kahoy na tulay ay patungo da pavilion na itinayo sa ibabaw ng lawa, sa gitna nito. Isang binata na nakasuot ng pula ang nakatayong mag-isa sa gitna ng pavilion. Umihip ang hangin, dahilan para lipad-liparin ang kanyang manggas sa ere kasama ang kanyang mahaba at itim na buhok. Malaking mga rosas ang nakaburda sa kanyang damit, parang totoong rosas na namumulaklak sa hangin.
Ang mukha ng lalaki ay parang isang larawan. Ang tangos ng kanyang ilong ay mataas, ang kanyang kilay ay bahagyang magkahiwalay at ang kanyang postura ay edukado. Sinuri ng mata niya ang mga tao na nakatayo sa labas ng pavilion, nagdadala ng tingin na 30% edukado, 30% maharlika, 30% malamig, at 10% malalim.
"Umalis ka sa daraanan ko, kung hindi ay papatayin ko ang sarili ko!" Isang matalas na boses ang narinig, sinisira ang parang larawan na tanawin. Nakatutok ang lalaking nakapula ng kutsilyo sa kanyang leeg at nanginginig sa takot. Subalit hindi niya magawa. Matagal na nanginig ang kanyang kamay, pero hindi niya nagawang itaas ang kutsilyo.
"Kamahalan, wala kami sa kondisyon para magkaroon ng pakialam kung buhay man o patay kayo. Nagsalita na ang inyong kamahalan. Gusto ka niyang makita buhay man o patay. Kapag hindi ka bumalik kasama namin, sasagot kami kay Hades sa kabilang buhay," isang batang tagasilbi na nakasuot ng berde ang nagsalita habang nakasandal sa poste sa labas ng pavilion. Ang kanyang mukha ay nasasaktan.
Ang lalaking nakapula ay tumalikod ay malupit na sinabi, "Sige, Lu Yunxi. Napunta sa wala ang pag-aalaga ko sayo. Nangahas kang atakihin ang lalaking naguguluhan. Kapag nakabalik ako sa capital, huhulihin ko ang mga kapatid mong babae at ipapadala sila sa palasyo."
"Masusunod, Kamahalan," matamlay na saad ni Lu Yunxi. "Nang minalas akong mautusan ng misyon na ito, dinala ng ate ko ang tatlong hindi pa kinakasal na kapatid sa Nian An Nunnery. Hangga't buhay kang tumapak sa Tang Jing, magiging madre sila. Ang kutsilyo na kakalbo sa kanila ay naihanda na."
"Ano?" natigilan ang lalaki, at may makikitang galit sa mukha nito. "Mas gugustuhin nilang maging madre kaysa makasama ako? Nakakatawa!" Sigaw ng lalaki. Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, tumalikod ang lalaki at sinabi sa lalaking nakasuot ng brown, "Tie You, nais mo rin bang sumalungat sa akin?"
"Kamahalan…" walang buhay na umupo ang malaking lalaki sa kahoy na tulay. Hinawakan niya ang ulo, halos makatulog na. May malabong tono siyang sumagot, "Wala akong mga kapatid na babae."
"Alam ko!" Malupit na sigaw ng lalaki. "Pero may anak kang babae!"
Bumuntong-hininga si Tie You, ang kanyang tingin ay nanatiling walang buhay. Walang magawa niyang sinabi, "Kamahalan, kaka-isang buwan palang ng anak ko kahapon. Hindi ba't maaga pa para bantaan ako?" Pagkatapos ng sasabihin, umiling si Tie You at nagdagdag, "Hindi ko pa nga napagdidiwang ang ika-isang buwan ni Nannan, at huhulihin mo na siya."
"Sige, nakita ko na gusto niyo nang magrebelde!" Nag-umpisa nang mangapa ang lalaki sa desperasyon. Tumingin siya sa isa pang gwapong binata at nagmaktol, "Sun Di! Nais mo rin ba akong salungatin?"
Nagbigay ng masamang tingin si Sun Di at sumagot, isang maliwanag na tingin ang nasa mata niya, "Kamahalan, kahit na wala akong mga kapatid na babae, niregaluhan ako ng aking ina ng apat na kerida. Hindi ako makapaghintay na dalhin sila sa palasyo para sa ikasasaya mo. Ito ang magiging malaking karangalan ng buhay ko."
"Kamahalan," isang pagod na boses ang narinig. Isang matipunong binata, nasa 17 o 18 taon gulang, ang humikab at sinabi, "Tapos ka na ba? Kapag bumaba na tayo sa bundok ngayon, makakarating tayo sa gate ng syudad bago ito magsarado. May espasyo din sa brothel pagkarating natin doon."
"Anong brothel?" Galit na sagot ng lalaki. "Sinasabi ko sa inyo, determinado akong tumakas ngayon."
Lahat ay walang magawang tumingin sa kanya. Ang paghamak sa kanilang mata ay sapat para mapadala ang Xia Emperor na mababang yumuko sa harap ng puntod ni Yan Shicheng sa kahihiyan. Makikita ang mensahe: Kailan ka naging hindi determinado?
Subalit, hindi nagpakita ng pagkakasala ang lalaki. Sumimangot siya at nagpahayag, "Hindi ako sasailalim sa kasuklam-suklam na banta ni ama!"
Bumuntong-hinunga si Tie You. Pumosisyon na parang nakakatanda, nag-abiso siya, "Kamahalan, nakapasok na sa syudad ang prinsesa ng Xia. Ang diplomatikong mga sugo mula sa iba't-ibang lupain ay dumating na. Kapag nalaman ng Xia Emperor na tumakas ka, lubos na magagalit iyon."
"Mismo. Tignan mo ang mas malaking larawan. Pinakamalaki, oras na makasal ka sa kanya, maaari mo nalang siyang ignorahin."
"Tama! Tiisin mo nalang muna saglit. Mas maganda kung magkompromiso ka. Kamahalan, huwag kang maging makitid ang utak."
"Manahimik!" sigaw ng lalaki at tumingin sa kalangitan. "Mayroon na akong gusto. Kailangan kong ireserba ang lugar sa puso ko para hintayin ang pagdating niya."
Napanguso ang apat sa paghamak. Mayroon siyang nagugustuhan? Maliban nalang kung kusang mag-obliga ang Xia.
Tumingin si Li Yunxi sa araw at bumuntong-hininga. "Kamahalan, gumagabi na. Huwag na tayo mag-aksaya pa ng oras."
Maingat na umatras ang lalaking nakapula at sinabi, "Anong ginagawa niyo? Hayaan niyong sabihin ko sa iyo, isa akong lalaki na may isang salita. Huwag kayong mapanupil."
Dalawang beses na pinalakpak ni Tie You ang kanyang kamay at tumayo. Tamad siyang naglakad pasulong at nagdagdag, "Magtrabaho na tayo. Oras na matapos tayo, makakatamasa tayo ng maagang hapunan."
Naglabas ng mahabang lubid si Sun Di, iniling ang ulo at walang magawang sinabi, "Mukhang ito nalang ang magagawa natin."
"Anong ginagawa nyo? Wag niyong kalimutan kung sino ang kumupkop sa inyo. Little Lu, nang naubusan ka ng pera sa pasugalang iyon, inilabas kita! Sige, kahit na inaamin kong ako ang may gawa noon, wala akong sinabing putulin ang kamay mo!"
"At ikaw Sun Di! Nakalimutan mo ba yung panahong tinakwil ka ng ina mo? May uyang ka sa brothel! Ang mga babae sa buong syudad ay minamaliit ka! Kung hindi dahil sakin, nakakuling ka pa rin sa ilalim ng gusali ng Yihong… kahit na ang rason kung bakit ka itinakwil ay dahil pinilit kitang aminin na maging tatay ng anak ni Qiu Tao…pero may nakuha ka din doon! Maganda si Qiu Tao, at asawa mo na siya ngayon…"
Isang irit ng paghihirap ang biglang umalingawngaw, tumagos ito sa kalangitan. Lahat ng ibon at hayop sa loob ng 20 milya ay gulat na tumakas. Si Li Ce, ang pinakamamahal na Crown Prince ng Tang, ay naghihirap na umiyak sa tuktok ng bundok ng Yuping. "Mga walang utang na loob! Tampalasan! Napakabuti ng pakikitungo ko sa inyo, ngunit hinahamon niyo ako sa sandali ng kaguluhan ko! Maghintay kayo at makikita niyo! Hindi magtatagal, huhulihin ko ang lahat ng babae sa pamilya niyo!"
Sa ilang mosyon, napigilan si Li Ce at naitali. Nang ang mga tao ay napabuntong-hininga sa ginhawa, isang kabayo ang naglakad sa bakas sa bundok. Nagpatuloy maglakad ang kabayo ngunit napatigil nang nakita sila. Kakaibang tumingin ang kabayo sa grupo ng tao, mukhang gustong malaman ang tungkol sa kanila. Ang pangunahing bagay ay mayroong tao sa taas ng kabayo. Lahat ay gulat na tumingin sa taong iyon.