Gutom na gutom si Chu Qiao dahil walang nakain ng buong araw kahapon. Pagkatapos malinis ang lamesa ay inilatag niya ang mga putahe. Talagang ginawa ni Tian Rucheng ang lahat para ihanda ang mga putaheng ito. Ang pinaglagyan ng mga pagkain ay nahahati sa tatlong patong. Ang unang patong ay mainit na uling, nasusundan ng patong ng mainit na tubig, at panghuli, mga putaheng nakalagay sa pinaka itaas na patong. Bilang resulta, kahit na matagal nang nakahanda ang pagkain ay mainit pa rin ito. Maginhawang napabuntong-hininga, umupo si Chu Qiao at nag-umpisang kumain.
Nang makalabas sa paliguan, nainis si Zhuge Yue nang makitang kaswal na kumakain si Chu Qiao. Nakasimangot niyang singhal, "Talaga? Maganda ang timplada mo?"
Lumingon at matamis siyang ngumiti. "Hindi ako sigurado dyan. Ngunit sigurado ako na mas maganda ang timplada ko kaysa sayo."
Tumingin si Zhuge Yue dito gamit ang gilid ng mga mata niya. "Nasa tabi lang ang kamatayan ngunit palalo ka pa rin."
Sumagot si Chu Qiao na hindi nagbabago ang kanyang ngiti, "Hindi mo ba alam? Bago patayin ang isang bilanggo ay pwede siyang kaswal na kumain ng marami."
Lumapit si Zhuge Yue at puno ng suspisyon siyang tinignan. Bawat salita siyang nagpatuloy, "Sigurado ka bang wala akong gagawin sayo?"
"Hindi ako sigurado," ngumiti si Chu Qiao, "Ngunit dahil nagkukunwari kang inosente, bakit ako mag-aalala?"
Nagpahinga si Zhuge Yue sa kanyang upuan at malamig na ngumit. "Mukhang marami kang natutunan kay Yan Xun nitong mga nakalipas na taon."
"Dahil sayo lahat iyon. Ngayon, pasensya nalang ang mayroon ako."
Sa kumikislap na liwanag na pinapalis ang kadiliman ng gabi, magkaharap na nakaupo ang dalawa, malamig na nag-oobserba habang hindi nagpapakita ng senyales ng kahinaan.
Ang ngiti sa mukha ni Chu Qiao ay nawala at ang kaswal niyang itsura ay lumipas. Malamig siyang tumitig sa kaakit-akit na mukha ng lalaki at marahan na sinabi, "Zhuge Yue, ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Sabihin mo na!"
Bahagyang ngumiti ang fourth master ng pamilya Zhuge at ang masama ang kurap ng mga mata nito. "Ano sa tingin mo?"
"Pakawalan mo ako Zhuge Yue, kung hindi," naningkit ang mga mata ni Chu Qiao at nagpatuloy, "patayin mo ako."
Marahan na umangat ang gilid ng labi ni Zhuge Yue at bumulong, "Xing'er, hindi lahat ng nasa mundong ito ay itim o puti lang; ang iba ay gray. Katulad nalang na hindi lahat ng pagpipilian ay hanggang dalawa lang."
"Sa pagitan nating dalawa ay dalawa lang ang posibleng kahinatnan." Tumitig si Chu Qiao sa mata nito at mapanglaw na sinabi, "Nagpapasalamat talaga ako sa hindi mabilang na mga oras na tinulungan mo ako at hinayaang mabuhay ngunit hindi ibig sabihin noon ay pwede tayong payapang mabuhay sa isang lugar. Zhuge Yue, isa kang master ng dakilang maharlikang pamilya at may dakilang impluwensya sa imperyo. Paano ka naging walang muwang at madaling magtiwala sa iba? Hindi ka ba natatakot na patalikod kitang sasaksakin?"
Napatawa si Zhuge Yue bago sumagot, "Xing'er, sa tingin mo ba talaga na ang mahabagin ko at hindi kayang pumatay?" Ang kanyang mukha ay biglang naging walang awa at malupit. Hindi makikitaan ng emosyon ang mga matang nakapiksi kay Chu Qiao. Kaswal siyang nagsalita, "Sadyang naintindihan ko lang ang totoo mong pagkatao. Kaunting beses ka lang tinulungan ni Yan Xun ngunit handa kang samahan siya sa ganoong sitwasyon sa loob ng walong taon. Paano naman ngayon? Paano mo maaatim na patayin ang taong pinagkakautangan mo? Xing'er, hindi ako musmos, sadyang kilalang-kilala lang kita."
Ang mapanglaw na kapaligiran ay pinalubha nang ang kanilang nagtatamang tingin ay parang gumagawa ng kislap.
"Hindi ka ba natatakot na mali ka?"
"Naniniwala ako sayo at mas naniniwala ako sa sarili ko."
Dinilaan ni Chu Qiao ang tuyong mga labi bago marahang sumagot, "Ano nang gusto mo ngayon?"
Sumagot si Zhuge Yue na parang isa iyong katotohanan, "Hulihin ka at ilayo."
"Hindi mo ako kayang kontrolin."
"Gusto ko ng hamon." Ngumiti si Zhuge Yue at nagpatuloy, "kung hindi kita makontrol, kaya kitang manipulahin. Kung hindi kita mamanipula, kaya kitang ikulong. At kung hindi pa rin kita maikulong, mayroon pa akong huling pagpipilian. Ngayon, hindi pa oras para sa huling pagpipilian na iyon."
Napatitig si Chu Qiao sa mata nito. Matigas niyang sinabi, "Zhuge Yue, hindi mo pa rin ba naiintindihan ang pagkakamaling nagawa mo?"
Nang marinig iyon, napataas ang kilay ni Zhuge Yue at suminghal. "Mali? Ilang alipin lang iyon. Ano ngayon kung pinatay ko sila? Anong mali ang meron doon?"
"Hindi iyan ang sinasabi ko." Napasimangot si Chu Qiao at sa wakas ay mahabang napabuntong-hininga. "Sige, inaamin ko, hindi kita gustong patayin o gustong maging kalaban mo. Mayroon talagang poot sa pagitan natin ngunit may utang din ako sayo. Nang mamatay ang Grand Old Master ng pamilya Zhuge ay mayroong buong syudad na paghahanap sa akin, hindi mo ako sinumbong kahit na alam mo kung nasaan ako. Mula sa puntong ito lang ay malaki na ang utang na loob ko sayo. Ngunit kailangan mong malinawan mabuti, ngayon ay isa kang napaka importanteng tao sa loob ng pamilya Zhuge sa imperyo ng Xia habang ako ay pinuno ng mga rebeldeng Yan Bei. Ang digmaan sa pagitan ng Yan Bei at imperyo ng Xia ay mangyayari. Sa posisyon natin, nakatakdang magharap tayo sa labanan isang araw. Dahil doon, hindi tayo dapat madalas na magkita. Dahil bumagsak na ako sa mga kamay mo ngayon, ano man ang gawin mo ay tatanggapin ko nalang. Ngunit kailangan mo rin maintindihan hangga't magkasama tayo, mayroon akong pagkakataon na patayin ka para masigurado ang parehong pagkatalo. Mas gusto kong linawin ang lahat at wag manatiling hindi nakatitiyak. Ang digmaan sa pagitan ng Yan Bei at imperyo ng Xia ay walang benepisyo sa pamilya ng Zhuge. Dapat kang gumawa ng desisyon pagkatapos maisip kung anong benepisyo sa pamilya mo. Kung gusto mo ako patayin o pakawalan, magdesisyon ka na ngayon."
Nang marinig iyon ay napangisi si Zhuge Yue. Malambot siyang tumugon, "Xing'er, mas ginagawa mo talaga akong interesado sayo."
Mas lumamig pa ang mukha ni Chu Qiao na binalaan siya, "Zhuge Yue, hindi pa kita pinapatay, ngunit hindi ibig sabihin noon na kapag napwersa akong lumaban ay magiging mabait ako at buhay ka! Nung nakaraan, hindi mo pinagtangkaan ang buhay ko ngunit pwersahan kang nakialam dito, hindi ko iisipin kung pumatay ako ng isa pang tao!"
Kaswal na hindi pinansin ni Zhuge Yue ang banta. "Sige, subukan mo."
May malakas at sabay na kalantong, tumayo ang dalawa, ang mga mata ay nakapiksi sa isa't-isa. Nabasag na ang negosasyon. Pareho nilang naintindihan na iisa nalang ang katapusan ng pag-uusap na ito ngayon!
Noon din, dumagundong ang mga yabag sa labas ng silid. Gulat na napahandang sumalakay ang postura ni Chu Qiao, handang lumaban hanggang dulo.
"Master!" boses ni Yue Qi ang narinig. "Inaya kayo ni Mister Tian na katagpuin siya sa silid ng Fang."
"Ngayon?" tanong ni Zhuge Yue.
"Ganoon na nga."
"Huwag kang pumunta!" dumiin sa leeg ni Zhuge Yue ang patalim nang nagbanta ito. Hangga't nananatili si Zhuge Yue sa loob ng apat na dingding na ito ay magkakaroon pa siya ng tsansa para sa negosasyon. Sa oras na lumabas siya ay mapapalibutan siya. Paano niya hahayaan na mangyari iyon?
"Kapag hindi ako pumunta ay maiisip nilang may mali. Pupunta dito si Tian Rucheng para magsaliksik."
"Humanap ka ng dahilan!" pilit ni Chu Qiao.
Tinuro ni Zhuge Yue ang aparador at may tuyang sinabi, "Ginamit mo ang dahilan na nakikipaglokohan ako sa babae para ipagpaliban ito ng isang buong araw. Anong ibang dahilan pa ang gusto mong ibigay ko?"
"Wala akong pake!" wala sa katwiran na saad ni Chu Qiao. "Kung ayaw mong pumunta, hindi ko alam kung may darating dito para tignan tayo. Ngunit sigurado ako na oras na lumabas ka ng silid na ito ay talo ako! Zhuge Yue, hindi ako tanga!"
Naiinip na kumislot ang kilay ni Zhuge Yue. "Sumama ka nalang sa akin!" suhestiyon niya.
Natigilan si Chu Qiao. Nagpatuloy si Zhuge Yue habang natigilan pa siya, "Halos kasing tangkad mo lang ang babaeng iyon. Saka ang mga babae ng imperyo ng Tang ay laging nagsusuot ng belo kapag nasa labas kaya walang makakakita ng mukha mo. At..." napatingin si Zhuge Yue sa halos wala nang dibdib ni Chu Qiao. "Ang kasuotan ng babaeng iyon ay maluwag kaya wala rin makakapansin sa magkaiba niyong pigura." Pagpatuloy nito.
Agad na makikitaan ng pagkayamot ang mukha ni Chu Qiao.
Inignora ni Zhuge Yue ang nagngangalit nitong ekspresyon at humikab. Kaswal niyang inutos, "Kung ikokonsidera ang abilidad mo, anong ikakatakot mo kapag naglakbay ka kasama ako? Madali, gawin mo na ang palamuti mo sa mukha at magbago ng damit."
Ito ang unang beses na sinubukan ni Chu Qiao na maglagay ng palamuti sa mukha sa ilang taon.
Walang kinalaman ito sa pagiging tomboy. Hindi niya talaga maintindihan kung para saan ang mga makalumang kagamitan na ito. Pagkatapos suklayin ang kanyang buhok ng parang habang-buhay na, para parin pugad ng ibon ang kanyang buhok.
Umiinom ng tsaa si Zhuge Yue habang nakaupo sa gilid at naghihintay. Paglingon niya ay nakita niya ang kawawang itsura ni Chu Qiao at tumawa. Lumapit siya at kinuha ang suklay sa kanyang kamay habang sinasabi, "Babae ka pa rin ba?"
Para maging patas, kahit gaano katalino ang isang babae, hindi niya kayang ignorahin ang kanyang itsura. Kapareho nito ang lohika na kahit gaano kaganda ang babae, hindi niya kompletong maiignora ang sukat ng dibdib niya.
Inangat ni Chu Qiao ang kanyang ulo at sumigaw, "Manahimik!"
Hindi masayang napasinghal si Zhuge Yue na pwersahang hinila pababa ang suklay.
May nasasaktan na daing na hinawakan ni Chu Qiao ang kanyang buhok at sumigaw, "Maging marahan ka!"
"Ang ingay. Ipagpatuloy mo yan at bubunutin ko ang mga buhok mo!"
"Gagawin mo iyan?"
"Hmph!"
"Ahh! Bwisit ka, maging marahan ka!"
Pagkatapos ng ilang minuto, itim na buhok ang madulas na dumaan sa kanyang mga daliri. Pagkatapos isang bigkis na hawakan at inikot, matatag niya itong tinalian gamit ang silk na panali. Pumulot ng orchid mula sa lagayan ng aksesorya, inilagay niya ang bulaklak sa nakatali nitong buhok at ipinirmi ito doon na tanging magandang bulaklak lang ang nakikita. May malambot na buhok sa bawat gilid at maayos na bangs sa harap, ang kanyang buhok ay kompleto na. Tapos ay itinaas ang kanyang bangs, naglagay siya ng pulang tuldok sa noo nito bago naglagay ng manipis na kulay sa kilay. Bahagyang nilagyan ng polbo ang pisngi, naglagay siya ng kaunting pampapula. Doon, isang simple ngunit bagay na palamuti sa mukha ang nakompleto. Sa kabila noon, ang buong awra ni Chu Qiao ay nagbago at kahit siya ay nahihirapang makilala ang magandang nasa salamin.
Binuksan ni Zhuge Yue ang aparador at tamad na sinabi, "Mamili ka ng isa."
Hindi nagdalawang-isip si Chu Qiao at bastang kumuha ng puting kasuotan. Inagaw ito ni Zhuge Yue at sinabi, "Puti nanaman? Puti at itim lang ang sinusuot mo dati. Pupunta ka ba sa lamay?" idinadaplis ang daliri sa mga kasuotan sa loob ng aparador, kumuha siya ng jade green na damit na may ilang patong ng burda na nagigitnaan ang mandarin na bibe. Maluwag at malambot, mukhang lumulutang na ulap ang damit. Ang sinturon na nasa may bewang ay mabigat na binigyang-diin ang kanyang balingkinitang pigura. Nang nagsuot siya ng sobretodo, ang kanyang balingkinitang pigura ay biglang naging hindi malinaw at hindi tiyak, kung saan ay mas nakaka-akit pa ito.
Habang tinitignan ang sarili sa salamin ay hindi makapagsalita si Chu Qiao. Ang babae sa salamin ay maganda at elegante na may malinaw na mata at may bahid ng determinasyon.
Ilang sandali ding natigilan si Zhuge Yue ngunit agad niyang pinirmi ang sarili. Nakanguso niyang sinabi, "Pagkatapos kang maayos na bihisan ay mukha ka talagang babae."
Sarkastikong nagkomento si Chu Qiao, "Magaling ka talaga sa ganito."
Suminghal si Zhuge Yue bilang tugon at hindi ibalik ang pabor. Tapos ay ibinato niya ang silk na belong inihanda niya kanina. Pagkatapos ng isa pang pilian, nagpagdesisyunan niya ang isang scarf na pwede nang maging medyas sa kapal at inilagay ito sa ulo ni Chu Qiao na tinatakpan ang kanyang buong mukha.