Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 928 - Assassinated

Chapter 928 - Assassinated

Sumang-ayon si Xinghe sa kanya. "Oo, makakapag-pokus lamang tayo sa Tong family at tingnan kung ano ang naiisip nilang gawin."

"Ang Tong family ay hindi simple tulad ng iniisip mo; pinananatili nilang maging low profile, pero ang totoo ay maimpluwensiya talaga sila. Isa pa, malapit na sila sa mga makakapangyarihan ng maraming aon na. Pamilyar sila sa pisikal na kondisyon ng Presidente, kung hindi ay hindi nila ito pupuntiryahin sa pagkakataong ito," paalala sa kanya ni Mubai.

Nanginig ang mga mata ni Xinghe. "Ang saktan ang Presidente ay parte ng kanilang plano?"

"Siguro ay may malaki pa silang pinaplano bukod doon," malamig na sambit ni Mubai. "Ang suspetsa ko ay ang ambisyon nila ay tulad ng sa Lin family."

Nagulat si Xinghe. Ang ambisyon ng Lin family ay kunin ang lugar ng presidene; tila nagpaplano din ng ganito ang Tong family.

"Si Tong Liang!" Agad na naunawaan ito bigla ni Xinghe. "Gusto niya ang posisyong ito! Kaya naman pala panay ang pagkakawanggawa niya."

Malamig na ngumisi si Mubai. "Ang isipin na ang babaeng ito, para makuha ang makasarili niyang layunin, ay handang traydurin ang kanyang sariling bansa. Kung nahulog ang Hwa Xia sa kamay ng babaeng ito, talagang tapos na ang lahat."

"Siguro ay pinaplano nilang tulungan si Tong Liang na makuha ang puwesto at pagkatapos ay gamitin ito sa pamamagitan ng pagkontrol dito. Dahil nga naman, ang Hwa Xia ay hindi isang bansang maliit na madali nilang makukuha. Gayunpaman, kung mayroon silang puppet president, maaari nila itong kainin mula sa loob. Ito marahil ang kanilang plano; nais nilang makuha ang buong kontrol sa Hwa Xia." Nagawang pagdugtung-dugtungin ni Xinghe ang plano ng kabilang partido ng ganito kadali.

Humahangang napatitig sa kanya si Mubai. "Marahil nga. Kung gayon ang trahedyang ito ay mas nakakakilabot kaysa sa nauna dati."

Noong nakaraan, nang binabantaan ni He Lan Yuan ang mundo, ang kainaman doon ay kakampi nila ang mundo, pero sa pagkakataong ito, ang kanilang kalaban ay ang natiira pa sa mundo. Sa madaling salita, inaatake sila sa lahat ng ibayo; ang kanilang sitwasyon ay siguradong walang pag-asa. Dumilim ang mga mata ni Xinghe. Sa hindi masabing kadahilanan, nakaramdam siya ng sobrang galit.

"Nakaligtas pa lamang ang sangkatauhan sa isang krisis, pero imbes na umisip ng paraan para magtulungan at maging malakas ng sama-sama, nangyari na naman ito; sa isang kisapmata, ngayon ay ginagamit nila si He Lan Yuan para puntiryahin tayo! Ang ganitong klase ng walang pusong basura, hindi natin sila mahahayaang magtagumpay."

Si Mubai ay nag-aalala sa ibang bagay. "Ang pagkalat ng virus ay naresolbahan ng mas maaga kaysa sa kanilang inaasahan, at ni halos hindi ito nakasira sa bansang ito. Siguro ay nasira nito ang kanilang plano, at ang duda ko ay hindi magtatagal at gagawa na naman sila ng panibagong hakbang."

Sa sandaling sinabi ito ni Mubai, parehong tumunog ang kanilang mga telepono. Ang tawag na ito ay tila isang babala ng mga masasamang bagay na paparating. Bigla, nakaramdam sila ng pangamba. Nagpalitan ng tingin sina Xinghe at Mubai at tinanggap ang tawag ng sabay.

Hindi nagtagal, nagbago ang kanilang mga mukha!

Isang pagtatangka ang ginawa sa buhay ng Presidente, at ang sitwasyon nito ay kritikal!

Pareho silang napatayo sa kanilang kinauupuan dahil sa pagkabigla sa balitang ito.

"Pumunta na tayo sa ospital ngayon!" Sabay na bulalas nina Xinghe at Mubai. Kahit na gaano pa nila ilagay ang kanilang mga sarili sa lugar ng kanilang mga kaaway, hindi nila inisip na pagtatangkaang patayin ng ibang bansa ang Presidente.

Ang balitang ito ay lubhang nakakagulat at biglaan na kahit sina Xinghe at Mubai ay hindi nagawang panatilihin ang kanilang pagiging kalmado. Nagmamadali silang tumungo sa ospital, at habang daan, nakita nila ang mga police car at mga armored car na nilalaman ang mga kalye.

Ang ospital ay punung-puno ng mga sundalo, at mga barikada ay itinayo sa halos lahat ng sulok.

Ang grupo ni Xinghe ay kinakailangang sumailali sa maraming imbestigasyon at inspeksiyon. Gayunpaman, dahil sa kakaibang katauhan ni Xinghe, hindi nagtagal ay pinayagan na din silang pumasok. Ang mga normal na mamamayan ay hindi maaaaring makalapit man lamang sa ospital.

Ang buong City A ay nagkakagulo na. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari, pero alam nilang isa itong malaking bagay.

Related Books

Popular novel hashtag