Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 790 - Ang Kanilang Impiyerno!

Chapter 790 - Ang Kanilang Impiyerno!

Ang mga mata ni Deqing ay nanlalaki. Makikita ang takot sa mga ito. Gayunpaman, hindi siya pinalampas ni Xinghe ng dahil dito. Malamig niya itong tinitigan. Sinigurado niya na nakatitig ito sa heringgilyang nakatusok sa braso nito bago niya pinisil papasok ang gamot patungo sa dugo nito. Ang kanyang mga kilos ay napakabagal sa mga mata nito…

Ang ilang segundo na ito ay tila ang pinakamasakit na pagpapahirap kay Deqing. Ang takot sa kanyang mga mata ay lalong tumitindi. Ang mga muscle sa kanyang katawan ay kasing tigas ng bakal. Ang puso niya ay halos tumigil, literal na halos mamatay siya sa takot.

Nang ang lahat ng gamot ay napunta na sa kanyang katawan, ang taas ng takot ni Deqing ay nasa pinakarurok na. Ang mata nito ay nagblangko at ang buong katawan nito ay nagsimulang manginig. Agad na pinakawalan siya ni Sam at Ali. Sumalampak sa sahig si Deqing sa magulong anyo at mayroong puting foam na lumalabas sa kanyang bibig.

"Epilepsy?" Komento ni Sam ng may pang-uuyam at sarkasmo.

"Masyado siyang natakot kaya hindi na nakaya ito ng kanyang katawan," paliwanag ni Lu Qi. Kahit na isa siyang doktor, ang makita ang isang demonyo na maparusahan ay nagpaganda ng kanyang pakiramdam.

Naglunsad ng isa pang sipa si Ali kay Deqing para mawala ang kanyang tensiyon. "Dapat lang sa kanya iyan! Paanong hindi siya natatakot ng iutos niya na mapatay ang mga batang iyon pero ngayon ay takut na takot siya ngayon? Loser talaga."

"Ikaw, ikaw…" biglang itinulak ni Deqing ang kanyang mga kamay at buong pagkasuklam silang tiningnan ng masama. Nagawa lamang niyang masabi ang ilang salitang iyon bago na naman inatake ng panginginig ang kanyang katawan at ang mga kamay niya ay nalaglag dahil sa kawalan ng lakas. Napagtanto niya na masyado na siyang mahina para gumalaw o kahit magsalita. Magiging gulay na talaga ako, hindi ba? Hindi maaari…

Ginawa ni Deqing ang lahat para makatayo pero tila nanigas ng husto ang kanyang katawan. Ni hindi na niya maigalaw kahit isang daliri kahit na subukan pa niya. Alam na ni Deqin ngayon ang tunay na kahulugan ng takot. Ipinababatid niya ang kanyang hiling ng tulong sa pamamagitan ng kanyang mga mata sa grupo ni Xinghe. May mga luha na malayang lumalandas sa kanyang mga mata, pero tahimik lamang silang nanood sa kanya.

"Ibalik na ninyo siya sa kanyang kama, hindi na siya makakagalaw pa nang mag-isa," sabi ni Lu Qi. Hinila siya nina Sam at Ali at pabalagbag na ibinalik sa kama.

Hindi nila pinansin ang paghihirap ni Deqing at humarap kay Xinghe. "Xinghe, ano na ang susunod nating gagawin?"

Matapos nilang kaharapin si Deqing, gusto na nilang tapusin ang iba pang kampon ng demonyo.

Ngumisi si Xinghe. "Ang susunod, gagawin nating tunay na impyerno ang lugar na ito, pero ito ang magiging impiyerno nila!"

Nagdiwang si Ali. "Kung gayon, kumilos na tayo!"

Hindi na gusto pang patagalin ni Xinghe ang mga bagay, dahil sa nagsimula na naman ang plano ay mas nanaisin niyang tapusin na ito agad sa lalong madaling panahon!

Ngayong gabi, hahayaan niyang maintindihan ng mga taong ito ang kahulugan ng karma. Ang lahat ng may bahid ng kasalanan ay magbabayad, walang makakatakas ng hindi napaparusahan!

Ang mga makasalanang nasa kwarantina ay walang kaalam-alam kung ano'ng klase ng impyerno na naghihintay sa kanila. Hindi magpapakita ng kahit na anong simpatya si Xinghe sa mga taong ito. Ganoon din para sa grupo ni Ali. Sumugod sila sa bawat kwarantina at binigyan ng bakuna ang mga taong ito.

Ang mga gamot na ibinigay sa mga ito ay iba sa ibinigay kay Deqing. Ang ikalawang klase ng gamot ay palalalain lamang ang kanilang sakit, pero hindi nito kukuhanin ang kanilang mga buhay. Mararanasan nila bawat segundo ang pahirap ng sakit.

Para sa mga bata, ang grupo ni Xinghe ay nagbigay sa mga ito ng isang klase ng likidong gamot. Magpapakita ito ng sintomas ng lagnat at pagkahimatay, pero hindi ito makakasama sa kanilang pisikal na pangangatawan sa anumang paraan.