Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 461 - Naghihintay si Miss Xia

Chapter 461 - Naghihintay si Miss Xia

Matapos na umalis ang kanilang kotse sa kampo, agad na inayos ni Barron na mapakawalan ang mga tao. Ang grupo ni Sam ay narinig ang lahat mula sa kanilang ear-mic. Nahihirapan silang makapaniwala na nagawa ni Xinghe na mapwersa si Barron na pakawalan sila.

"Ingatan ninyo ang sarili ninyo sa labas, dahil kapag hinarap pa ninyo ako, hindi na ako mag-aalinlangan pang patayin kayong lahat!" Ito ang mga pahabol na salita ni Barron.

Walang sinseridad na tumango ang grupo ni Sam. Gayunpaman, nahuli sila kaya naman kailangan nilang makipagtulungan hanggang sa talagang ligtas na sila. Matapos nila maglakad palabas ng kampo, isang kotse ang naghihintay na sa kanila. Bumukas ang pintuan at ang mersenaryong nasa loob ay nagsabi, "Pumasok na kayo, inutusan ako ni Miss Xia na sunduin kayo."

Mabilis na sumakay ang grupo ni Sam sa kotse. Agad na umandar palayo sa ilalim ng gabi ang kotse.

"Sir, hahayaan na lamang ba natin sila ng ganoon basta-basta?" Ninenerbiyos na tanong ng adjutant ni Barron.

Nakatitig ang mga mata ni Barron sa papalayong kotse at ngumisi, "Siyempre hindi. Huwag kang mag-alala, naghanda na ako ng bitag para maibalik sila sa aking mga kamay!"

"Sir, napakatalino mo!" Mabilis na sumipsip ang adjutant kay Barron. Madilim na ngumisi si Barron, sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga taong nagbabanta sa kanya!

Tila alam ng kotse ang plano ni Barron habang mabilis na tumakbo ito palayo ng siyudad.

"Saan tayo papunta?" Tanong ni Sam.

Ang mersenaryong nagmamaneho ay sumagot, "Mas malayo kaysa dito hanggang kaya natin. Naghihintay si Miss Xia sa hindi kalayuan, ang lugar na ito ay hindi na ligtas, hindi na tayo maaaring manatili pa dito."

"Tama siya, hindi tayo basta-basta hahayaan na lamang ni Barron. Hahanap siya ng pagkakataon na patayin tayong lahat kapag nanatili pa tayo dito," dagdag na pagsang-ayon ni Charlie, pamilyar na siya kung paano kumilos ng ang walang puso na si Barron. Isa pa, may mga ebidensiya sila tungkol dito, kaya naman mas marami siyang dahilan para patayin sila dahil ang mga patay lamang ang hindi magsasalita.

Habang sinusuri ang mga sugat sa katawan ni Charlie, sinabi ni Sam sa nagtatangis na ngipin, "Kapag nakabawi na tayo, hahanap tayo ng paraan para mapatumba siya!"

"Oo!" Seryosong dagdag ni Wolf. Kailangan nilang maialis si Barron bilang panganib pero hindi nila inaasahan na maraming paghahandang ginawa si Barron laban sa kanila…

Hindi nagtagal at narating ng kotse ang lalawigan. Doon ay talagang naghihintay sa kanila si Xinghe. Nakatayo siya sa harap ng isang kotse. Sa ilalim ng tabing ng gabi, pakiramdam ng grupo ni Sam ay kumikislap ang mga mata nito. Tila ba hinihigop sila at nabibighani dito.

"Xinghe!" Tumalon si Ali palabas ng kotse para yakapin ito. Hinawakan niya ang mga kamay nito at nagpapasalamat na sinabi, "Salamat, iniligtas mo na naman kami."

Pinasadahan ni Xinghe ng tingin ang katawan nito at nagtanong, "Ayos lang ba kayong lahat?"

"Ayos lang kami, sugat lamang ito." Umiling si Ali pero ang tono niya ang nagpakita ng kanyang takot. "Kung hindi mo kami iniligtas, mas naging masahol pa ang lahat."

Naaalala ni Ali ang mga gamit sa pagtorture na nasa piitan at ang puso niya ay nanginginig pa din sa takot. Salamat na lamang at napakawalan na sila bago pa may nangyaring masama.

"Ikaw si Xia Xinghe?" Lumakad si Charlie patungo sa kanya habang inaalalayan nina Sam at Cairn.

Tumango si Xinghe. "Ako nga, ikinagagalak kitang makita, Mr. Charlie."

Bahagyang ngumiti si Charlie. "Ikinagagalak kitang makilala. Eksakto pala ang pagkakalarawan sa iyo ni Sam at ng iba pa, talagang kahanga-hanga kang babae. Salamat sa tulong mo sa pagkakataong ito."

"Walang anuman. Pumasok na tayo sa kotse ngayon, ikinatatakot ko na hindi pa dito nagtatapos ang lahat."

"Okay."

Mabilis silang pumasok sa isa sa mga kotse habang ang iba pa ay inookupahan ng mga mersenaryo.

Related Books

Popular novel hashtag