Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 419 - Nagbayad ng Piyansa

Chapter 419 - Nagbayad ng Piyansa

Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang gumawa niyon, lahat sila ay kinampihan siya. Hindi sila takot na madawit sa mga kaso niya. Kung hindi siya mapapawalang-sala sa bandang huli, ang kanilang mga reputasyon at kinabukasan ay babagsak kasama niya. Naantig ang damdamin ni Xinghe sa pag-aalala ng mga ito sa kanya, marami na silang isinuko para lamang kampihan siya.

Kahit ang Xi family na, sa ilang mga paraan, ay obligadong tulungan siya ay mas madami pang ginawa kaysa doon. Mas maraming mawawala sa mga ito sa pagtulong sa kanya. Mas madadawit sila at marami pang mawawala sa kanila sa hinaharap, tulad ng posisyon ng pagiging pinuno ng Flying Dragon Unit…

Ang pwesto na ito ay mahalaga sa kinabukasan ng Xi family. Kapag si Munan ang nakakuha ng posisyong ito, ang kanilang karangalan ay magtatagal ng ilan pang dekada. Ilang dekada ng kapangyarihan at katanyagan… kahit ang isang tanga ay alam na piliin ito, lalo na ang Xi family na narating ang kanilang kinalalagyan sa pamamamagitan ng madugong kasaysayan. Mas maraming mawawala sa kanila kung pipiliin ng mga ito na tulungan siya. Ang karangalan ay nakukuha sa mga natapong dugo at sakripisyo, kung kaya ang bawat pagkakataon ay dapat na pahalagahan. Alas, para sa kapakanan niya, isinuko nila ang importanteng pagkakataon na ito.

Mas madali sana ang lahat para sa mga ito kung lumayo sila mula kay Xinghe. Gayunpaman, hindi ito ang madaling daan na pinili nila. Imbes ay pinili nilang lakaran ang landas na ito na hindi lamang magdadala ng kanilang pagkasira. Hindi lamang ito dahil sa kanilang kabutihang-puso pero dahil sa pagpapahalaga na ibinigay ng mga ito sa kanya, kung kaya nang mapayagang magpiyansa si XInghe, nangako siya na tulungan ang Xi family ng walang kapalit sa hinaharap kung may problema mang mapunta sa pamilyang ito!

Bago siya napagbigyang magpiyansa, si Xinghe at Munan ay napunta na sa isang pinakahuling tanungan. Matapos na ang lahat, sabay silang lumabas ng magkasama sa istasyon. Nakita ni Munan ang maputlang mukha ni Xinghe at nag-aalalang nagtanong, "Big Sister Xia, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?"

Mula ng siya ay maaresto, dalawang araw ang ginugol ni Xinghe sa interogasyon, walang panahon o oras para sa kanya na makapagpahinga. Umiling siya. "Ayos lang ako, medyo pagod lang."

"Kung gayon, bumalik na tayo, ang lahat ay hinihintay ka na."

Bumaling si Xinghe para tingnan siya at tumango. Habang naghahanda na silang dalawa na umalis, isang military Hummer ang biglang tumigil sa kanilang harapan. Bumukas ang pintuan at si Saohuang na nakasuot ng military coat ang lumabas mula rito.

Bumaling ito sa kanila at nagtanong ng may masamang ngisi, "Major Xi, narinig ko na may nangyari sa iyo kaya naman sinadya kong pumunta para bisitahin ka, ayos ka lamang ba?"

Siyempre, hindi naman tanga sina Xinghe at Munan para isipin na may sinseridad ito. Halata naman na nandoon ito para mang-inis. Ang pagkamuhi ni Munan ay tumindi pa habang personal na tinitingnan si Saohuang.

Tumawa siya. "Salamat sa pag-aalala mo, buhay pa ako, pero ang taong gumawa nito sa amin ay hindi na magtatagal ang buhay!"

Alam na ni Saohuang na siya ang tinutukoy nito. Tumawa siya. "Ganoon ba? Maaari ko bang tanungin si Major Xi kung sino ang taong tinutukoy niya?"

Humakbang palapit si Munan, pinipigilan ang kanyang tinig at nagbabantang nagsalita, "Naniniwala akong alam nating lahat kung sino ang taong iyon!"

"Kung gayon, sabihin mo."

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Feng Saohuang, hindi pa ito tapos, maghintay ka lang!"

Binalewala ang bantang ito, nawala ang ngiti ni Saohuang habang sinasabi niya na, "Makapaghihintay ako pero hindi ako sigurado na masasabi mo din ito."

Related Books

Popular novel hashtag