Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 292 - Isang Itim na Kahon

Chapter 292 - Isang Itim na Kahon

Gayunpaman, alam niya na walang katuturang itago pa ito dito. Malalaman din naman niya ito, kung hindi sa kanya ay mula sa iba pang tao.

"Ang nanay ko, ang tatay ni Yun Ruobing, ang tatay ni Xia Meng, at isa sa mga magulang ni Ee Chen. Sa kasalukuyan, ang mga taong ito ang alam kong may kaugnayan sa proyekto," pag-amin ni Xinghe.

Natigilan si Mubai. Hindi niya inaasahan na may kaugnayan sina Ruobing at Ee Chen sa misteryosong proyekto na ito.

"Ano pa ang ibang alam mo?" Dagdag ni Mubai, "At ano ang iniwan sa iyo ng nanay mo?"

"Isang itim na kahon, pero wala itong silbi, o dahil sa wala pa akong ideya kung ano ang gamit nito sa ngayon."

"Kaya nagsususpetsa ka na ang iba pa ay nabigyan din ng itim na kahon na ito?" Hula ni Mubai.

"Oo."

"Tutulungan kitang tuklasin ang lahat ng ito; huwag kang mag-atubili na humingi ng tulong ko kung kailangan mo," alok ni Mubai.

Itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata para tumingin dito at bahagyang tumango.

"Salamat."

Gustong sabihin sa kanya ni Mubai na, Hindi mo na kailangan pang magpasalamat sa akin. Ngunit sa klase ng tila magkakamping relasyon na ito, kung saan ang parehong partido ay pantay na nagbibigay at tumatanggap, ay ang pinakamainam na maaasam niya sa ngayon. Ang ilang mapagpumilit na hakbang ay maaaring makatakot kay Xinghe.

Maraming paghihirap na ang dinaanan niya para marating ang antas na ito kaya hindi niya ito maaaring ilagay na lamang sa peligro. Kailangan niyang maging mas maingat sa kanyang adhikain na mabago ang tingin nito sa kanya. Marahil isang araw, mahahanap niya ang lugar pabalik sa puso nito…

Dumilim ang mga mata ni Mubai habang iniisip niya ang lahat ng ito at sinabi sa mababang tinig, "Sa ngayon, halika na para makita natin si Lu Qi."

"Okay."

Bago sila umalis, tinawagan ni Mubai si Lu Qi. Mukhang nahuhulaan ng doktor ang dahilan ng kanyang tawag at pagbisita, at sinabi nito, sa isang kalmadong tono, sa kabilang linya ng telepono, "Puntahan mo na lamang ako sa aking lab."

May sariling medical science lab si Lu Qi na nakapokus lamang sa medical science research.

Nang dumating na sina Mubai at Xinghe, si Lu Qi ay nasa lab at nagsasaliksik sa memory cell technology.

Hindi ito kinakitaan ng sorpresa nang makita niya si Mubai na pumasok kasama si Xia Meng. Bahagya itong ngumiti, "Hindi ko inaasahan na agad kayong makakarating dito."

Galit si Mubai sa mabuting kaibigan niya na ito. "Bakit mo ito ginawa? Alam mo naman na si Xinghe ang ina ng aking anak!"

Hinarap ni Lu Qi si Xia Meng at nagtanong, "Miss Xia Xinghe?"

"Oo, ako ito." Tango ni Xinghe.

Humingi ng patawad si Lu Qi, "Ipagpaumanhin mo ang ginawa ko pero pakiusap sana ay maniwala ka sa akin na hindi ko intensiyon na pagpalitin ang buhay mo. Ito ang bargaining chip ni Miss Xia Meng kaya wala akong ibang pagpipilian kundi gawin ang eksperimento sa iyo. Pero sinisigurado ko sa iyo na pansamantala lamang ito dahil ibabalik din kita sa lalong madaling panahon."

Hindi tinanggap ni Xinghe ang paghingi nito ng tawad. "Paano kung pumalya ang pagpapalit?"

Napatawa si Lu Qi. "Bakit masyado kang nag-aalala? Sigurado ako na ang pananaliksik ay magiging matagumpay pero kahit na hindi ito gumana, pupwede naman nating alisin ang mga memory cells sa utak ninyong dalawa ngunit maaari itong makasama sa mga alaala ninyo."

Nawala na ang alaala ni Xinghe dati at hindi niya ito gusto kaya naman hindi niya gusto ang ikalawang solusyon. Gayunpaman, naiintindihan niya na kung wala ng iba pang paraan, ito na lamang ang pupwedeng gawin.

"Kailan makukumpleto ang pananaliksik?" Direktang tanong niya.

Mula sa kanyang tanong, naunawaan ni Lu Qi na mas gusto ni Xinghe na gumaling gamit ang memory cells. "Malaking progreso na ang nagawa kamakailan lamang, kailangan na lamang namin ng isa pang breakthrough at magiging perpekto na ang teknolohiyang ito."

"Sa madaling salita, walang garantiya na magiging matagumpay ito?" Tuya ni Mubai.

"Ang inaasahan naming antas ng tagumpay ay nasa pitumpunh porsiyento. Kailangan mong maintindihan na isa itong kahanga-hangang pangyayari na malaki ang maitutulong sa pag-abante ng sangkatauhan, kaya kinailangan kong patahimikin ang konsensiya ko at biguin si Miss Xia; gayunpaman pakiusap magtiwala kayo sa akin dahil ibabalik ko din ang lahat sa kanya," masigasig na sambit ni Lu Qi.

Related Books

Popular novel hashtag