Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 99 - NAGKITA TAYONG MULI

Chapter 99 - NAGKITA TAYONG MULI

"Yes, sir!" Agad na umalis si Chang An matapos matanggap ang utos.

Habang papunta sa istasyon ng pulis, matagal na nag-iisip si Xinghe kung paano niya malulusutan ang bagay na ito.

Ang Hacker Competition ay magsisimula ng 10:30 ng umaga. Magiging ayos ang lahat kung makakarating siya sa pagdarausan bago ang oras na iyon.

Ngayon ay 10 am na…

Ngunit may pakiramdam si Xinghe na hindi niya mapapakawalan ang sarili niya sa gulong ito sa loob ng kalahating oras.

Nakumpirma ang kanyang kutob nang dumating ang kotse sa istasyon ng pulis.

Pagtigil ng kotse ng pulis, nakita niyang bumaba mula sa magarang limo sina Wushuang at Wu Rong.

Sinusundan ang dalawa ng mukhang intelihenteng abogado na naka suit.

Pigilan man niya ang sarili, hindi maitago ni Wushuang ang kanyang ngisi ng makita niya si Xinghe na lulan ng police car na tulad ng isang kriminal.

Ang mag-ina ay sinadya pang lumapit sa kotse ng pulisya habang lumalabas si Xinghe. Patuya pa siyang sinawata ni Wushuang, "Xia Xinghe, hindi mo inakalang mangyayari ito, ano? Akala mo ay natalo mo na ako doon sa 'na-frame mo ako' na pangyayari? Hah! Tingnan mo ang sitwasyon ngayon. Hindi ako masyadong nasaktan, pero pagbabayaran mo ang paninira sa pangalan ko!"

Para maging patas, alam ni Xinghe na hindi maididiin ang kaso.

Na kay Chui Ming na ang kapangyarihan at impluwensiya, madali na lang para dito na maitigil ang kaso.

Maraming mabibili ang pera at kapangyarihan.

Si Xinghe, na parehong wala niyon, ay hindi kayang hamunin ang isang maliit na kaso tulad ng libelo, at sapilitang dinala sa istasyon ng pulisya.

Maaari pa nga siyang makulong ng isang gabi dito…

Nakaramdam na naman si Xinghe na may kung anong kumukulo sa kanya ngayong wala na naman siyang magawa sa sitwasyon niya.

Ngunit, sa panlabas na kaanyuan, nanatili siyang hindi natitinag. Sumagot siya, "Hindi ko makita kung paano ko pagbabayaran ang inyong kapabayaan at kaestupiduhan."

Nang maalala na naman ang kanyang pagkapahiya sa birthday party, nagalit ng husto si Wushuang na maihahalintulad sa isang posporo na tumama sa isang lawa ng langis.

Kinasusuklaman niya kung gaano kahinahon si Xinghe sa mga panahong tulad nito!

Gustong makita ni Wushuang kung paano ito mabalisa. Patuya niyang sinabi na, "Ikaw na peste ka, pagsisisihan mo na naipanganak ka pa! Lawyer Zhang, sabihin mo sa kanya kung ano ang ikakaso natin sa kanya!"

Si Lawyer Zhang na nakatayo sa gilid ay sinabi kay Xinghe ng may panghahamak sa bawat salita nito na, "Xia Xinghe, nagkaroon ng malaking pagkalugi ang Chui Corps dahil sa walang basehan mong akusasyon. Ang kliyente ko ay inihahabla ka para sa 20,000,000 RMB na pagkalugi at ikaw ay mahaharap ng hindi hihigit sa isang taong pagkakabilanggo!"

"Narinig mo iyon? Isang taon ng pagkakakulong at 20,000,000 RMB na bayad danyos. Xia Xinghe, ang iyong buong estate ay hindi naman aabot sa ganoong halaga pero huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong pipigain ko ang bawat sentimo mula sa pinsan at tiyuhin mo habang nasa bilangguan ka!" Tumawa pa na tila nagtagumpay si Wushuang bago idinagdag na, "Ngunit, kung pumapayag ka na lumuhod at magmakaawa sa akin, baka ikunsidera ko na humingi ng mas mababang halaga doon."

Ang sabi nila, 'opposites attract', pero hindi yata para sa mag-asawang Wushuang at Chui Ming. Pareho silang sadista na nalalapit sa pagiging psychotic.

Isang tawa ang kumawala sa labi ni Xinghe. "Magmakaawa sa iyo?"

Patuya niyang tiningnan si Wushuang na para siyang tumitingin sa basura at sinabi, "Hindi mo ito makakayang tanggapin."

Pakiramdam ni Wushuang ay tumaas ang kanyang dugo. Nagpakawala siya ng nakakatinding-balahibong mga halakhak at sinabi, "Bahala ka! Xia Xinghe, malalaman mo din kung ano ang ibig sabihin ng impyerno sa lupa! At kapag nalaman mo na iyon, kahit na lumuhod ka para dilaan ang mga pa ako, hindi kita papalampasin!"

"Gusto ko ding ibalik sa iyo ang sinabi mo, huwag kang mag-isip na magmakaawa sa akin sa hinaharap. Sinasabi ko na sa iyo, hindi ito gagana," malumanay na sabi ni Xinghe.

Akala ng buwisit na ito ay may hinaharap pa siya matapos nito?

Halos mabali ang likuran nila Wushuang at Wu Rong sa katatawa, aliw na aliw sa naisip na ito.

Related Books

Popular novel hashtag