Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 942 - Ang Pangalan Niya ay Nasa Listahan ng Kandidato

Chapter 942 - Ang Pangalan Niya ay Nasa Listahan ng Kandidato

Gayunpaman, hindi nila ito napansin. Masyado silang abala sa kanilang pangarap na masakop ang Hwa Xia. Isa pa, para sa nalalapit na eleksyon, si Tong Liang ay abala sa paghanap ng mga kakampi sa parehong ibabaw at sa dilim.

Ang totoo, maraming tao ang nagpapakita lamang ng suporta sa kanya ng pakita lamang. Ang mga tapat sa Presidente ay alam na halos ito na ang katapusan ng Tong family. Tanging ang Tong family at ang kanilang mga alipores ang hindi nakakaalam nito.

Hindi nagtagal, ang balita tungkol sa eleksiyon ng pagkapresidente ay nakumpirma na. Ang buong Hwa Xia ay nakatuon sa balita tungkol sa eleksiyon. Ang listahan ng kandidato ay mahaba, at natural na, ang pangalan ni Tong Liang ay naroroon.

Abala si Xinghe sa kanyang pananaliksik, kaya nakakahabol lamang siya sa mga bagong balita kapag may libre siyang oras. Sa kanyang pagkagulat, nakita niya ang kanyang pangalan sa listahan din…

Nagulat si Xinghe ng malaman niya ito.

"Bakit nandoon ang pangalan ko?" Hindi niya naaalalang nagrehistro siya. Ang grupo ni Ali ay hindi pinansin ang komento niya at masaya para sa kanya.

"Xinghe, matapos ang eleksiyon na ito, ikaw na ang pinakabatang babae na presidente sa mundo; ang lahat ay siguradong mamahalin ka," sabik na sabi ni Ali.

Nagmamalaking ngumiti si Sam. "Natural, ang Xinghe natin ay ipinanganak para sa ganitong katanyagan."

"Kapag ikaw na ang presidente, kailangang hayaan mong ipagpatuloy namin ang tungkulin namin bilang mga bodyguard mo. Huwag mo kaming palitan ng ibang tao," seryosong sabi sa kanya ni Cairn.

Sabi ni Ee Chen habang kinakamot nito ang kanyang baba, "Ibig sabihin ba nito ay magiging personal na estudyante ako ng Presidente?"

Napapalatak si Ali, "Yay, si Xinghe natin ang magiging presidente!"

"Pakiusap ay tumahimik muna kayo. Nagtatanong ako, bakit nandoon ang pangalan ko?" Naiinis na tanong ni Xinghe, "Sino ang nagrehistro ng pangalan ko?"

Ang ganitong klase ng eleksiyon ay nangangailangan ng personal na pagrerehistro, at ang ilan na hindi sapat ang kalibre ay hindi maaaring makapagrehistro. Marami ang nakakaalam na hindi sila kwalipikado ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon na sumubok magpatala. Hindi inisip ni Xinghe na kwalipikado siyang tumakbo sa pagkapresidente.

"Ako," biglang sagot ni Mubai sa pamilyar na mababang tinig nito. "Ako ang tumulong na magparehistro ka."

Gulat na napatingin si Xinghe sa kanya. "Pero bakit?"

Mariing tumingin si Mubai sa kanya at sinabi ng may ngiti, "Dahil nararapat sa iyo ang posisyon."

"Paano ito nararapat sa akin?" Ang mga kilay ni Xinghe ay nagsalubong ng husto. "Paanong hindi mo muna ako kinausap tungkol dito?"

"Kung hindi mo ito gusto, maaari ka namang umatras kahit anong oras. Pero pakiramdam ko ay mas maigi na lumaban ka para dito."

"Bakit?" Naguguluhan si Xinghe.

Mabagal na ipinaliwanag ni Mubai, "Dahil manganganib ka."

Naguguluhan talaga si Xinghe. Ano'ng panganib, bakit wala siyang ideya dito?

Kahit ang grupo ni Ali ay nagulat. "Sa ano'ng klase ng panganib ba malalagay si Xinghe?"

"Oo nga, ano'ng panganib ito?"

"Wala sa inyo ang nakaisip nito?" Balik tanong sa kanila ni Mubai, kahit na ang tanong niya ay nakadirekta kay Xinghe.

Nablangko ang isip ni Xinghe. Habang nakikita ito, alam ni Mubai na hindi sumagi ito sa isipan nito.

"Bakit ba masyado kang metikuloso sa ibang tao pero wala kang ingat pagdating sa sarili mo?" Walang magawang reklamo ni Mubai, "HIndi mo ba naisip ang malaking panganib na kakaharapin mo sa nalalapit na hinaharap?"

"Ano…" Panganib.

Bago pa natapos ni Xinghe, nalaman niya ang sagot na tila isang nagbabagang bakal.

"Ang ibig mo bang sabihin, planong kuhanin ni He Lan Yuan ang buhay ko?"

Seryosong tumango si Mubai. "Tama iyon, susubukan ka niyang patayin, at hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang layuning ito."

Sa wakas ay tila nakuha na din ito ni Ali at ng iba pa.

Related Books

Popular novel hashtag