Pinigilan ni Tianrong ang kanyang tinig at sinabi, "Kahit na buhay pa siya, baldado naman na siya. Ang lahat ay umaayon na sa plano."
Ngumisi si Tong Liang. "Oo, ang lahat ay umaayon sa plano. Ama, kailangan nating maging maingat, lalo na ngayong ang huling hakbang na lamang ang kulang; hindi natin maaaring hayaan na masira ninuman ang plano natin."
Dumilim ang tingin ni Tianrong at malamig itong ngumiti. "Huwag kang mag-alala, sa oras na ito, walang sinuman ang maaaring humadlang sa ating landas!"
…
"Auntie, Lolo, ano ang eksaktong nangyari?" Tanong ni Xinghe matapos na umalis ng iba. Masyadong maraming tao kanina, na pumigil sa kanyang sabihin ang naiisip niya, pero ngayon ay maaari na siyang magpatuloy ng hindi nagpipigil.
Puno ng pagsisisi na napabuntung-hininga si Madam Presidente. "Tulad ito ng iyong narinig. Ang doktor ay biglang inatake ang Presidente na tila nasasapian; walang sinumang nakaisip na mangyayari iyon."
"Malupit siya, na tila may malaking pagkakasala ang Presidente sa kanya. Kung hindi dahil sa mekanikal na puso na nagpapanatili ng tibok ng puso niya, hindi namin magagawang maisalba ang Presidente," seryosong sabi ni Lu QI. Hindi niya ito binanggit kanina, pero ngayong sinabi niya, kinilabutan si Xinghe at ang iba pa.
Hinablot ni Madam Presidente ang braso ni Xinghe na tila kailangan niya ito bilang suporta.
"Xinghe, iniligtas mo na naman siya." Ang mga mata ni Madam Presidente ay namumula sa pagluha. Hindi inaasahan ni Xinghe na ang mekanikal na puso ang magliligtas sa buhay ng Presidente.
"Auntie, ito ay dahil sa mabuting tao si uncle; ito ay ang good karma na tumutulong sa kanya," pag-alo ni Xinghe dito.
Tumango si Madam Presidente. "Oo, isa siyang mabuting tao at mabuting presidente, pero sa kasong iyon, bakit marahas na sasaktan siya ng doktor na iyon?"
Ang lahat ay nagtataka dito. Madilim na nagtanong si Mubai, "Sino ang doktor na iyon?"
Sumagot si Lu Qi, "Isang normal na doktor lang. isa siyang mabuting doktor at palaging mabait sa mga staff at pasyente. Nagmula ito sa masayahing pamilya. Kung ako ang tatanungin mo, hindi ako naniniwalang magagawa niyang saktan ang Presidente. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ko ay may ilang problema dito na hindi natin nakikita."
"Ano'ng problema?" Sabay-sabay nilang tanong.
"Matapos niyang saktan ang Presidente, hindi nagtagal ay nadiskubre siya at mabilis na nadakip. Nang pumunta ako sa silid, naririnig ko siyang sumisigaw na inosente siya, at sinasabi niyang hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya. Sinabi niyang hindi niya ito sinasadya, at tila nasasapian daw siya. Nagmamadali ako noon para iligtas ang Presidente, kaya naman hindi ko na siya binigyan pa ng atensiyon, pero pakiramdam ko ay mas kumplikado pa ito kaysa sa inaakala natin."
Nang marinig nila ito, halatang nagitla sina Xinghe at Mubai. Nagkatinginan ang dalawa tulad ng nakasanayan at nakita ang kumpirmasyon sa mata ng isa't isa.
"Ano, may naisip ba kayong dalawa?" Tanong ni Elder Shen; hindi lumampas sa kanya ang nabiglang hitsura at palitang namagitan sa dalawa.
Seryosong sinabi ni Xinghe, "Hindi kami nakakasigurado sa ngayon, pero kailangan naming makausap ang doktor. Auntie, maaari mo bang ihanda na makausap namin siya? Siguro ay may malalaman pa kaming iba mula sa kanya."
May pagmamadali sa kanyang tono kung saan hindi na nagkumento pa ang Madam Presidente bago nito sinabi na, "Sige, isasaayos ko na ito ngayon."
Para maiwasan na magtagal pa ang trahedyang ito, kinalma ng Madam Presidente ang sarili at sinabihan ang Bise Presidente na dalhin si Xinghe at Mubai para makaharap ang doktor.
Ang Bise Presidente ay ang personal na kaibigan ng Presidente at pinaka pinagkakatiwalaan nito, idagdag pa na ito ang namumuno sa pagsasakdal, walang sinuman ang nangahas na pigilan sila.