Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 929 - Ama ni Tong Liang

Chapter 929 - Ama ni Tong Liang

Inabot ng ilang oras ang grupo ni Xinghe para marating ang ospital. Gayunpaman, ang seguridad sa ospital ay mas lalong mahigpit. Halos wala nang pinapayagang makapasok, kahit na ang mga pinakaimportanteng tao.

Isang heneral ng militar ang nakatayong nagbabantay sa pasukan ng ospital; ang mga tauhan niya ay armado ng mga baril, at mukhang handa na ang mga ito na bumaril. Ang mga nakakalapit, kahit na sino pa ito, ay tinitingnan ng mga ito mula ulo hanggang paa ng mga matatalim nilang tingin. Kahit na pagkatapos na sabihin ni Xinghe sa kanila ang kaniyang layunin at katauhan, hindi pa din siya pinapapasok.

"Ikinalulungkot ko, pero walang sinuman ang maaaring pumasok sa ngayon! Kahit na sino ka pa, hindi ka maaaring pumasok maliban na lamang kung may permiso ka ng senior officer," sabi ng heneral sa isang tinig na hindi tumatanggap ng argumento.

"Sino ang iyong senior officer?" Tanong ni Xinghe.

"Si Officer Tong Tianrong!"

Ang ama ni Tong Liang?! Gulat na nagkatinginan si Xinghe at Mubai at nakita nila ang pagiging alerto sa kaibuturan ng kanilang mga tingin. Paanong ang ama ni Tong Liang ang nandoon para pangasiwaan ang aksidente ni Mr. President?

Maaaring nagkataon lamang ito, pero kailangan nilang mag-ingat. Hindi na nagpumilit pang pumasok si Xinghe pero lumayo para bigyan ng tawag si Elder Shen.

Naunang dumating sa kanila si Elder Shen at ito ay nasa loob na. Matapos matanggap ang tawag ni Xinghe, hiniling nito kay Tianrong na payagan silang makapasok. Sa kanilang pagkagulat, personal na lumabas si Tianrong para sunduin sila. Sa matikas nitong military outfit at makapangyarihang lakad, ang unang impresyon ni Xinghe at Mubai sa taong ito na may mga abuhing buhok ay hindi ito nagkakaroon ng simpleng ugali. Pero muli, kailan pa na ang isang tao na naglalayong makuha ang pwesto ng presidente ay naging simple?

Nang makalapit ito, ang mga matang tumingin sa kanila ay puno ng pag-iingat at pagsusuri. "So, ito pala si Miss Xia at Mr. Xi. Sumama na kayo sa akin, pero tanging kayong dalawa lamang at wala ng iba. Kakailanganin pa din ninyong dalawa na sumailalim sa maingat na pagsusuri," pabastos na sabi ni Tianrong.

Walang isyu doon sina Xinghe at Mubai at nakipagtulungan sila ng maayos sa mga inspeksiyon. Pagkatapos ay sumunod na sila kay Tianrong sa elevator.

Sa elevator, mahinahon itong tinanong ni Xinghe, "Officer Tong, ano ang nangyari? Bakit biglang inatake si Mr. President?"

Matalim siyang sinulyapan ni Tianrong bago sumagot sa masamang tono, "Iniimbistigahan pa din namin ito, at hindi pa ako pinapayagang maglabas ng anumang impormasyon."

"Kumusta ang kondisyon ni Mr. President?" Lumipat sa panibagong tanong si Xinghe.

"Sinusubukan pa din ng mga doktor na iligtas siya, pero walang nakakaalam kung ano na ang lagay niya."

Ang Tong Tianrong na ito ay sumosobra na. May kayabangan sa ugali nito na higit pa sa isang opisyal. Isa pa, napakabilis nito sa eksena matapos ang atake sa Presidente, kaya naman hindi mahirap na pagdudahan ito.

Muli, pinagdududahan naman na nina Xinghe at Mubai ang Tong family, kaya ang lahat ng ginagawa ng mga ito ay kaduda-duda. Gayunpaman, hindi sila kumikilos kahit na nagdududa na sila at hindi na sila nagbigay pa ng anumang tanong.

Hindi nagtagal, dumating na sila sa surgery room at nakita nila si Madam Presidente, Elder Shen, at iba pang importanteng mga tao sa labas nito. Ang pinakaimportante pa, si Tong Liang ay naroon din. Isang madilim na kinang ang mabilis na kumislap sa mga mata ni Xinghe ng makita niya ito.

"Lolo, ano ang nangyari?" Tanong ni Xinghe kay Elder Shen. Mahahalata ang kalungkutan at pag-aalala sa hitsura ni Elder Shen, pero nagpapakatatag ito.

Napabuntung-hininga ito at nagpaliwanag, "Naguguluhan din kami sa ngayon. Isang doktor ang biglang umatake sa Presidente; gusto nitong gamitin ang kaniyang scalpel para patayin ang Presidente. Ang doktor ay nadakip na, pero ang buhay ng Presidente ay nasa panganib pa; sinusubukan nilang iligtas ito ngayon."