Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 926 - Na-miss Kita

Chapter 926 - Na-miss Kita

Tumitig siya dito at nagtanong, "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Ngumisi si Mubai. "Ayos na ako ngayon, paumanhin kung pinag-alala kita."

"Wala iyon, basta ayos ka na." Ngumiti si Xinghe. Ang ngiti niya ay tila bulaklak na namumukadkad sa unang pagdating ng tagsibol. Ang mga mata ni Mubai ay biglang tumiim. Inilapit nito ang mga payat nitong daliri para bahagyang kurutin ang baba at itaas ito. Sa sumunod na segundo, lumapit ito para halikan at dilaan ang leeg niya…

Nanginig ang mga pupil ni Xinghe!

Ang kanyang leeg ang pinakasensitibong lugar niya; tila nawala at kinabahan siya habang pinauulanan nito ng halik ang kanyang balat doon. Tila naramdaman ni Mubai ang kanyang kaba dahil bigla itong tumigil at hinila siya para yakapin. Habang napapalibutan siya ng malalakas nitong bisig, sa wakas ay naramdaman ni Xinghe na lumapag na ang kanyang mga paa sa matigas na lupa.

"Na-miss talaga kita," pag-amin ni Mubai sa mahinang tinig. "Halos hindi ko na maramdaman ang pisikal na sakit dahil ang puso ko ay wala ng laman. Kapag wala ka sa tabi ko, tila nawawalan ng laman ang puso ko, na parang hindi na ito akin."

Nangislap ang mga mata ni Xinghe; ito ang unang beses na ipinakita ni Mubai ang mahina at emosyonal na parte nito sa kanya.

Bigla siyang pinakawalan ni Mubai at tinanong habang tinititigan nito ang kanyang mga mata, "Xinghe, ano ba ang gusto mo?"

"Huh?"

Lalong dumiim ang tingin ni Mubai. "Sabihin mo sa akin ang gusto mo, at ibibigay ko ito sa iyo."

Tumawa si Xinghe. "Higit pa sa sapat ang nasa akin."

"Narinig ko na itinalaga ka bilang bagong embahador. Nakita kitang lumitaw sa telebisyon kanina," komento ni Mubai. Napansin ni Xinghe na mayroon ngang telebisyon sa silid.

Tumango si XInghe. "Oo, kakatalaga lang sa akin ngayon. Ang layunin ay malantad ang konspirasiyang ito."

Pilyong ngumisi si Mubai. "Alam kong perpekto ka para sa pwestong ito; napahanga mo ang lahat. Ano ang nangyari ng wala akong malay? Ikwento mo sa akin ang lahat."

"Okay, pero gawin natin iyan mamaya. Iligpit mo na muna ang mga gamit mo." Natutunan na din ni Xinghe na pag-usapan ang mga kondisyon dito.

Magaan na kinintalan ng halik ni Mubai si Xinghe sa nood at sinabi sa malambing na tinig, "Ang kahilingan mo ay susundin ko."

Alam ni Xinghe na iniiwasan nito na halikan siya sa labi dahil natatakot itong ipasa sa kanya ang sakit, pero magaling na ito at hindi naman niya ito alintana.

Habang patalikod si Mubai, biglang hinila ni Xinghe ang braso nito. Nagtatakang lumingon ang lalaki habang dumaiti sa kanya ang malalambot na labi ni Xinghe. Hindi umiwas si Mubai at napatitig dito habang ang babaeng pinapangarap ay lumapit para halikan siya sa kanyang mga labi—

Umatras si Xinghe matapos ang maiksing pagkintal ng halik at sinabi ng hanggang kaya niya ng natural, "Mag-ayos ka na, hihintayin kita…"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil ang bibig niya ay abala na!

Ang lahat ay masaya ngayong maigi na si Mubai. Matapos ang isang shower at pagpapalit ng bagong damit, mukhang handa na itong harapin ang mundo; kailangan na niyang balikan ang imahe ng isang hari na mamumuno sa business world.

Si Sam at ang iba pa ay hindi ito nakita ng ilang araw. Ang biglang makita itong muli, nagulat sila para malaman na hinahanap-hanap pala nila ito… ang kaalamang ito ay nagpataas ng mga balahibo nila sa bisig.

Habang daan pauwi, ang ilan sa kanila ay nagkukwento dito sa mga bagay na nangyari kamakailan lamang.

Tumiim ang tingin ni Mubai at sinabi nito, "Sa madaling salita, may ilang partidong gumagawa ng malaking konspirasiya?"

Nagulat si Xinghe na maiisip nito ang palagay na ito gamit lamang ang ilang detalyeng ibinigay ni Sam at ng iba pa.