Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 919 - Si Xinghe bilang Embahador

Chapter 919 - Si Xinghe bilang Embahador

Ang mga lobo na nagkukunwaring tupa ay may binabalak na malaki. Napabuntung-hininga si Elder Shen ng may pagkagulat at pagkabigo. "Ang pinakamalaking krisis ng sangkatauhan sa kasaysayan ay kakatapos lamang at ngayon ay handa na silang wasakin ang isa't isa. Ang mga walang utang na loob na mga ito… nakalimutan na ba nila kung sino ang nagligtas sa kanila?!"

Ito ay si Xinghe na pumigil kay He Lan Yuan na wasakin ang mundo. Sinabi ni Xinghe, "Ito ang tamang panahon para kumilos sila. Ang krisis natin ay ang pagkakataon nila. Isa pa, sa mga panahong ito na ang pagbabagong tulad nito ay madalas na dumating."

Si Elder Shen, siyempre, ay naiintindihan ang lahat ng ito, pero hindi pa din nawala ang galit nito. "Hindi na bago para sa mga bansang ito na targetin tayo, pero ang pinakamalala ay si Tong Liang. Para sa isang taong mula sa Hwa Xia, may lakas pa siya ng loob na ipagkanulo ang sarili niyang bansa! Ang ganitong klase ng traydor ay hindi na dapat pinatatawad. Sa kasamaang-palad, wala tayong ebidensiya laban sa kanya kung hindi ay personal ko siyang tatapusin!"

"Makakahanap ako ng pruweba," biglang sambit ni Xinghe.

Nagulantang si Elder Shen bago napangiti ng malaki. "Talaga, makakahanap ka ng pruweba na nagtraydor siya sa bansang ito?"

Tumango si Xinghe. "Oo, pero hindi ko ito magagarantiyahan ng isang daang porsiyento, mga walumpung porsiyento lamang. Gayunpaman, kahit na magawa nating makuha ang pruweba, kailangan nating hayaan siyang mabuhay sa ngayon."

"Bakit?" Tanong ni Elder Shen.

 Isang makapaghiganting kislap ang kuminang sa mga mata ni Xinghe. "Dahil kailangan natin siya na maituro sa atin ang pinakautak nito. Dahil sa isa lamang siya tauhan dito."

Naunawaan na ito ni Elder Shen. "Tama ka, isa lamang siyang tauhan ng ibang bansa. Oo, kailangan natin siya para makita natin kung ano talaga ang binabalak ng mga ito."

Dahil nga naman, ang lahat ay haka-haka lamang nila; wala pa silang matibay na pruweba. Para sa kapakanan ng pagkuha ng pruweba sa buong konspirasiya, kailangan nilang magpatuloy na igiya si Tong Liang.

Gayunpaman, hindi sila maaaring maupo na lamang habang nadiskubre nila ang ginawa ng mga ito sa nakakahawang virus. Alam ni Elder Shen ang bigat ng sitwasyon; agad niyang dinala si Xinghe sa bahay ng Presidente para makausap si Madam Presidente.

Nagpatawag ng sikretong pagpupulong si Madam Presidente kasama ang pinaka pinagkakatiwalaang mga tagapayo ng bansa nang sinabi niya sa mga ito ang kanilang ispekulasyon. Lahat sila ay nagdesisyon na italaga si Xinghe bilang embahador ng Hwa Xia para mangasiwa sa sitwasyong ito.

Ang katauhan niya bilang ang babaeng nagligtas sa mundo, siya na ang pinakamainam na babae para sa Hwa Xia na makipag-usap sa iba pang bansa. Maliban doon, ang ibang bansa ay titigil na sa panggigipit sa Hwa Xia bilang paggalang sa kanya.

Pero siyempre, isa lamang itong palabas. Ang tunay na layunin ay para makakuha ito ng direktang kontak sa iba pang bansa, para malaman pa ng mas malaliman ang tungkol sa masamang konspirasiya na ito.

Ang mga opisyal mula sa Hwa Xia ay umaasa sa kanya dahil humahanga ang mga ito sa kanyang abilidad at kakayahan sa pag-oobserba. Naniniwala din sila na wala nang mas mainam na kandidato maliban sa kanya para sa misyong ito.

At ganoon na lamang naging embahador ng Hwa Xia si Xinghe. Ito ang unang beses mula ng maitatag ang bansa na ang isang mataas na katungkulan ay agad na naibigay sa isang taong walang karanasan at sa maikling panahon. Ang pagkakatalaga sa kanya, nang ipamalita sa buong mundo, ay nagpagulat sa lahat.

Gayunpaman, walang nag-isip ng husto tungkol dito dahil isa itong kritikal na panahon. Hindi lamang nakakahangang kakayahan ang mayroon si Xinghe kundi madami din siyang naitulong sa mundong ito, kaya naman mas kwalipikado pa siya na tanggapin ang pwestong iyon.

Halos lahat ng mga mamamayan ng Hwa Xia ay tinanggap ito; ang tinig ng mga nagpoprotesta ay iilan lamang. Isa pa, ang pagkakatalaga ni Xinghe ay nakuha sa karamihan ng mga boto sa kongreso, kaya naman ang mga protesta, kung mayroon man, ay walang saysay.

Gayunpaman, ang posisyong ito ay mukhang marangal lamang sa ibabaw. Sa katotohanan, maiipit si Xinghe sa pagitan ng mga away ng makakapangyarihang bansa.

Ang responsibilidad niya ay agad na nagsimula, dahil noong gabing iyon, mayroong isang internasyonal na press conference na nagaganap.

Related Books

Popular novel hashtag