Chapter 917 - The Cure

Ang kondisyon ng mga dumadaming pasyente ay lalong lumalala. Ang sintomas ng sakit ay napakalupit. Ang mga biktima ay dadanas ng masakit na lalamunan, butlig sa buo nilang katawan, at ang pagkawala ng ganang kumain.

Ang pinakamalala pa ay ang lagnat na nakakawala ng malay. Magigising at mawawalan sila ng ulirat, at ang iba ay hindi na nagigising. Ang ospital ay lubhang abala; ang bawat medikal na manggagawa ay abalang magsalba ng buhay.

Matapos na isuot ng grupo ni Xinghe ang mga hazmat suit, pumasok na sila sa lugar ng kwarantina na kinalalagyan ng lahat ng biktima.

Nang pumasok na sila, pakiramdam nila ay pumasok sila sa lugar ng giyera. Ang mga nars at doktor ay nagmamadaling marating ang bawat sulok at ang iyak ng mga pasyente ay palagiang naririnig. Ang tanging pahinga ng mga doktor at nars ay ang pagsandal sa pader habang kumukurap ng apatnapung beses; ang ilan pa ay direktang natutulog na sa sahig. May mabigat na miasma ng kamatayan at kawalan ng pag-asa sa lugar na iyon…

Ang grupo ni Xinghe ay nakaramdam ng mabigat na nakaatang sa kanilang puso habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Talagang kinukuwestiyon ng sangkatauhan ang salarin na gumawa ng impiyernong ito sa Earth. Nang ginamit nila ang kaparehong paraan sa ampunan, ito ay para iligtas ang mga bata. Gayunpaman, ang trahedyang ito ay walang mabuting kinabukasan para dito.

Sa kasalukuyan, higit sa isang daang tao na ang namamatay, at kung hindi pa makakakita ng gamot ang ospital, ang lahat ng nandoon ay mamamatay…

Gayunpaman, ang pananaliksik para sa gamot ay natigil. Kahit si Lu Qi ay nakaramdam ng kawalan ng pag-asa. Lumabas ito mula sa sickbay at sumalampak ng may kabiguan sa isang upuan. Tinanggihan niya ang alok ng isang nars na masahihin ang kanyang balikat.

Pagkatapos, lumingon siya para makita ang grupo ni Xinghe na naglalakad patungo sa kanya. Ang mukha niya ay lalong namutla dahil ang kondisyon ni Mubai ay lumala. Isa pa, pinananatili niyang halos buhay ang Presidente; maaari itong pumanaw sa kahit na anong minuto. Pakiramdam ni Lu Qi ay nabigo siya bilang isang doktor.

Nang nakalapit na ang grupo ni Xinghe, napabuntung-hininga siya sa dalamhati. "Ikinalulungkot ko, pero hindi maganda ang lagay ni Mubai. Sinubukan ko na ang lahat ng magagawa ko, pero ang tanging magagawa ko ay ang pansamantalang mapigilan ang hindi na maiiwasan, at ni hindi ako sigurado kung magandang gawin ito, kung ikukunsidera ko ang pagpapahirap nito sa pasyente."

"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa akin, at hindi magtatagal ang lahat ay magwawakas na," biglang sambit ni Xinghe.

Natigilan si Lu Qi at nalilitong itinaas nito ang ulo para tingnan siya.

Ipinasa sa kanya ni Xinghe ang isang USB drive at sinabi, "Kung hindi ako nagkakamali, ang nasa loob nito ay ang cure para sa virus na ito. Iiwanan ko na sa iyo ang iba pa."

"Ano?!" Nagmamadaling napatayo si Lu Qi, nanlalaki ang kanyang mga mata sa hindi pagkapaniwala. "Nahanap mo ang paraan para makalikha ng bakuna?"

"Oo, ang lahat ng paraan ay nasa loob niyan. Sa kasamaang-palad, hindi ko ito nauunawaan, pero detalyado ang mga ito ng husto. Sigurado akong magagawa mo ang bagay na hindi ko magagawa," buong kumpiyansang sambit ni Xinghe.

Buong kasabikang sinabi ni Lu Qi "Saan mo nahanap ito?"

"Sasabihin ko sa iyo sa susunod, gumawa ka na muna ng bakuna."

"Okay!" Walang hesitasyong tinanggap ni Lu Qi ang USB Drive. Lubusan siyang nagtitiwala kay Xinghe. Kung sinabi nito na nilalaman ng USB ang lunas, kung gayon ay naglalaman nga ang USB drive ng lunas. Halos lumipad si Lu Qi patungo sa research lab.

Alam ng grupo ni Xinghe na hindi na sila makakatigil doon ng matagal at umalis na din pagkatapos. Kahit na gusto niyang bisitahin si Mubai, maliban sa mga kwalipikadong doktor, walang sinuman ang pinapayagang pumunta sa mga sickbay.