Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 916 - Maglaro Tayo

Chapter 916 - Maglaro Tayo

Tulad ito ng kanyang inaasahan.

"Kumusta iyan?" Si Ee Chen at ang iba pa ay nagmamadaling pumalibot sa kanya para makita ang impormasyong nasa loob nito. Nakita nila ang sunud-sunod na detalyadong impormasyon tungkol sa virus. Hindi lamang nakatala dito ang pinagmulan ng virus, kasama din dito ang komposisyong istruktural at gamot nito. Ang mga nakalarawang sintomas ay kahalintulad sa mga nangyari ilang araw na ang nakakalipas.

Ito ang impormasyong nakuha ni Xinghe mula sa pen drive. Si Ee Chen at ang iba pa ay natigilan nang makita nila ang impormasyong ito.

"Talaga ngang may kaugnayan ito kay Shi Jian at sa iba pa…" hindi makapaniwalang bulong ni Sam.

"Bakit nila gagawin ito? O baka naman siguro ay ginagamit sila?" Nahihirapan din si Ali na tanggapin ito.

Tumayo si Xinghe para ianunsiyo, "Pag-uusapan natin ito mamaya. Kailangan na nating magpunta sa ospital ngayon para matigil na ang masamang balakin na ito!"

"Oo!" Ang lahat sa kanila ay sabay-sabay na sumagot. Mabilis nilang narating ang ospital.

Gayunpaman, may nakita silang bisita na hindi kanais-nais doon. Si Tong Liang ay gumugugol ng oras sa ospital ng madalas, na tila ba natatakot siya na hindi malaman ng mga tao na may pakialam siya sa mga pasyenteng ito.

Pagkatapos, nagkaharap na ang dalawang panig. Nang makita nila ito, dumilim ang mukha ni Sam at ng grupo, at hayagan nilang ipinakita ang disgusto dito. Ganoon din ang ginawa ni Tong Liang. Gayunpaman, isang pekeng ngiti ang nakapinta pa din sa mukha nito.

"Xia Xinghe, at heto ako na inaakalang nagtago na kayo," patuyang sambit ni Tong Liang, ang aktuwal na kahulugan ng kanyang pangungusap ay mas malinaw pa sa araw. Pinapahiwatig niya na si Xinghe ang tunay na salarin.

"Bakit naman ako magtatago?" Ngumiti si Xinghe. "Kung anuman, marahil ay si Miss Tong ang dapat na sumubok nito dahil nga naman, walang makakapagsabi kung ano ang susunod na maaaring mangyari."

"Ano ang maaaring mangyari?" Itinaas ni Tong Liang ang kanyang kilay.

"Masyadong abala sa maraming bagay si Miss Tong. Hindi mo lamang binibisita ang mga pasyente, inaalagaan mo pa sila ng personal. Nag-aalala ako kay Miss Tong. Gayunpaman, tila hindi natatakot na mahawa si Miss Tong; ang pisikal na kondisyon ni Miss Tong ay talaga namang kakaiba ang tibay kaysa sa iba pa." Kaya ding makipaglaro ni Xinghe dito.

Bahagyang lumigid ang tingin ni Tong Liang at sinabi nito na, "Kung ganoon ay nagpapasalamat ako sa pag-aalala mo, pero reasonable lamang na mag-alala ako sa mga pasyente kahit na may banta pa na nakakahawa ito. Hindi lamang ako nag-aalala sa kanila, huhulihin ko din ang tunay na salarin para ibunyag siya sa buong mundo. Kahit na kung sino pa siya, hindi siya makakatakas sa paghatol."

Ang paggamit ng pambabaeng panghalip ay hindi nakaligtas sa pansin ni Xinghe.

"Magaling ang pagkakasabi, kahit na kung sino pa siya, hindi siya makakatakas sa paghatol. Nais kong sabihin sa kanya ang kaparehong bagay din," sabi ni Xinghe bago ito umalis ng walang paalam.

Habang pinapanood sila ni Tong Liang na lumakad palayo, isang mabilis na kislap ang lumitaw sa kaibuturan ng kanyang mga mata.

"Xinghe, ang virus na ito ay may kaugnayan ba sa kanya?" Pabulong na tanong ni Ali matapos na makalayo sila dito.

"Oo," buong kumpiyansang sagot ni Xinghe. Ang mga tao sa paligid niya ay nagulat.

"Pero hinayaan mo siya…"

"Dahil wala pa tayong sapat na ebidensiya. Gayunpaman, hindi siya makakaligtas. Isang araw, mahuhulog siya sa ating mga kamay," determinadong sambit ni Xinghe. Parte ng konspirasiya na ito si Tong Liang na kumitil sa buhay ng marami at binabantaan pa ang buhay ni Mubai. Hindi niya ito mapapatawad.

Sumumpa si Xinghe na ibubunyag niya ito at ang bawat isa na sumusuporta kay Tong Liang sa dilim. Sisinagan niya ng liwanag ang konspirasiya na ito at ipapakita sa buong mundo. Kung gusto ng mga taong ito ng gulo, bibigyan niya ang mga ito ng gulo!