Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 911 - Kontaminasyon…

Chapter 911 - Kontaminasyon…

Ang City A ay isinaradahil walang nangahas na lumabas ng kanilang mga bahay. Isa din itong internasyonal na krisis, dahil maraming dayuhang mamamayan ang nagkasakit din. Halos ang buong mundo ay sinusundan ang balitang ito ng husto. Ang foreign affairs department ng Hwa Xia ay hindi kaiba sa isang lugar ng digmaan.

"Pero bakit bigla siyang magkakasakit?" Tanong ni Madam Presidente ng may kunut-noo; habang iniisip niya ito, mas nagdududa siya. "Malusog naman siya, at ang virus outbreak na ito ay masyadong biglaan."

Ang Presidente ay hindi makikipagsosyalan sa mga normal na mamamayan, at wala sa mga malalapit nitong tauhan ay nagpakita ng senyales na nagdadala ng virus na ito. Kaya naman, kailan at saan ito na-expose sa virus?

Sa puntong ito, may duda din si Xinghe. Gayunpaman, kahit gaano pa niya isipin, hindi siya makahanap ng kasagutan. Pero kahit pa, alam niyang kailangan niyang malaman ang buong katotohanan; hindi niya maaaring hayaan na magpatuloy pa ang usapan ng konspirasiyang ito.

Ang pwersa ng pulisya ay ibinuhos ang lahat ng kanilang mga tauhan na imbistigahan ang kasong ito, pero hindi pa din nila matukoy ang pinagmulan ng virus. Dalawang araw ang lumipas at parami ng parami ang kaso ng mga nagkakasakit. Ang virus ay mukhang naipapasa sa hangin dahil halos lahat ng malapit sa pasyente ay na-iinfect. Ito ay kung paano kumalat ang virus…

Kung hindi sa maagang kwarantina, siguradong hindi maganda ang naging konsikuwensiya. Naging doktor na ng maraming taon si Lu Qi at hindi pa siya nakakaharap ng malakas na virus dati; mas nakakatakot ito kaysa sa H1N1 influenza.

Ang dalawang araw niya ng pananaliksik ay walang naging resulta. Hindi niya mahanap ang gamot. Ang mga ospital sa City A ay punung-puno na. Ang gobyerno ay wala nang pagpipilian kundi ibigay ang mga gusaling walang laman para maging pansamantalang ospital at pakilusin ang mga ekspertong medikal mula sa buong bansa para harapin ang krisis na ito. Pero kahit na, napakaraming pasyente na ang bawat doktor ay kinakailangang harapin ang higit pa sa bilang ng kanilang mga daliri.

Ang mga embahador ng ibang bansa na nakaharap ng Presidente sa kumpetisyon ay na-infect din ng sunud-sunod. Kahit ang mga embahador ng Hwa Xia ay hindi rin nakaligtas dito.

Gaynpaman, ang nagpalamig sa puso ni Xinghe ay ang katotohanan na si Mubai ay nagpapakita din ng senyales ng impeksiyon. Nang una niyang mapansin ang panghihina na lumitaw sa kanyang katawan, agad na itong lumayo kay Xinghe at hiniling na makwarantina.

Matapos ang pagsusuri ni Lu Qi, kinumpirma niya na naging biktima din si Mubai ng virus. Nang sinabi nito sa kanya ang balita, namutla ang kanyang mukha.

"Gaano kaseryoso ang lagay niya?" Tanong niya, at ang panginginig sa kanyang tinig ay halos hindi na matakpan ng maskarang tumatabing sa kanyang mukha.

Si Lu Qi ay nakamaskara din, ang totoo, ang buong katawan nito ay natatakpan. "Salamat na lamang, maaga niya itong nadiskubre, kaya naman magagawa ko pang gumamit ng ilang gamot para mapabagal ang progreso nito. Gayunpaman, kung hindi makakahanap ng gamot para dito, natatakot ako na magkakaroon tayo ng mga kamatayan sa buong bansa sa ating mga kamay."

"Mahirap bang makagawa ng gamot?" Naguluhan si Xinghe. Si Lu Qi na ang pinakamagaling sa lahat ng magagaling. Kung hindi nito maku-cultivate ang bakuna o gamot, wala nang iba pang makakagawa nito.

Seryosong tumango si Lu QI. "Ito na marahil ang pinaka nakakatakot na virus na nakaharap ko sa buong buhay kong nagtatrabaho."

"Kailangang makumpleto mo ang pananaliksik." Nagmamakaawang tumingin sa kanya si Xinghe; ito lamang ang kanilang pag-asa.

"Naiintindihan ko." Tumango si Lu Qi. "Kailangan mo ding mag-ingat. Ang pag-iingat ay mas maigi kaysa sa gamot."

"Magiging ayos ako/" si Ali at ang iba pa ay maayos din. Ang mga taong pisikal na nagsasanay ay mas ligtas mula sa virus. Si Mubai ay kakatapos lamang na sumailalim sa operasyon sa puso, kaya ang katotohanan na lumalaban ito hanggang ngayon ay isa nang himala. Gayunpaman, sa bandang huli, naging biktima pa din ito ng virus…

Si Xinghe, habang iniisip ang sitwasyon nito, ay nagpakawala ng mala-yelong awra, na nagpapalayo sa iba na lumapit sa kanya. Gayunpaman, pinanatili nito ang kalamigan ng ulo; hindi nawala dito ang pagiging kalmado dahil sa pag-aalala at nerbiyos.

Ganito na talaga siya, mas malaking krisis, mas nagiging kalmado siya. Si Ali at ang iba pa ay humahanga sa tibay ng loob nito.

Nanatili si XInghe sa labas ng silid ng kwarantina ni Mubai at hindi ito umalis.

Related Books

Popular novel hashtag